watch now

Author Topic: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)  (Read 55076 times)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #240 on: October 18, 2014, 03:29:53 pm »
sis 888fleur - welcome sa thread sis! :)

sis sammi- thank you sis! trying my best not to entertain negative thoughts.. di makakabuti yun kay baby.. nilevel up na lang namin bed rest ko.. sa bed na din ako kumakain.. hehe.. so talagang pag mag cr lang ako tumatayo at super duper bagal ng hehe hay buti na lang hubby is so patient.


Sammi

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #241 on: October 18, 2014, 06:05:05 pm »
^ naku ganyan din ako sis, kahit wala ng SCH maingat pa rin ako.. Sa bed ako nagbbreakfast, pag lunch nako nababa ng stairs... Kahit di nako bed rest ingat na ingat parin ako.. hehe.

Tama yan sis iwas na iwas na tayo sa mga nega thoughts.. Positive lang dapat always...

;)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #242 on: October 18, 2014, 06:29:05 pm »
nasa 1BR condo lang naman kami nakatira ni hubby.. maliit lang siya kaya malapit lang din CR.. ilang hakbang lang.. hahaha.. at buti na lang di ko na kailangan umakyat baba sa hagdanan.. hehe.. ienjoy ko na lang din tong rest.. kasi paglabas ni baby, malamang di ako makakatulog kakatitig sakanya.. hehe

safe, normal, healthy, and full term pregnancy to everyone!!!

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #243 on: October 19, 2014, 04:53:30 pm »
sis bbthesaurus - magandang idea yan.. sabi nga ni sis sammi mas maganda pa din nagiingat.. nakakain ka na ba ng yema cake? lipas na cravings ko sa mangga, weird di ko na siya masyado gusto ngayon.. haha

sa mga fellow buntis na nasa 1st trimester pa lang din, kumusta morning sickness niyo? ako kasi akala ko medyo nagiimprove nako.. kaso kahapon grabeng suka ko, tatlong magkakasunod (sorry TMI) kakapanghina lang.. feeling ko gasgas na gasgas na lalamunan ko.. huhuhu

femmy_steff

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #244 on: October 19, 2014, 07:45:15 pm »
mga sis pasali po. base on my LMP 4w5d palang ako. faint bfp mga pt test ko. worried lang ako kasi last night i had spotting. then ngayon lang may spotting na naman ako after kong magdrive. pero nag pt test ako ulit, mas darker na yung line. sana ito na at sana hindi na extopic. we've been ttc for 10 years. last 2012 i had ectopic pregnancy. yesterday was my angels death anniversary. hindi pa ako nagpunta kay ob kasi iniisip ko too early pa. pero nagtitake na ko ng duphaston just to make sure.

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #245 on: October 19, 2014, 08:59:11 pm »
Sis @ystariray, naku parang nag trigger morning sickness ko nung isang araw. Ewan ko ba kung kelan papasok na tayo sa 2nd trimester hehe.. Lagi ako may candy lagi kasi nausea and vomiting talaga sis. As in biglaan..

@femmy_steff, hi sis welcome sa group! Tama duphaston ka muna tapos take it easy lang muna. Iwas drive ka muna, baka na-stress ka? Better get a bhcg nalang para sure.. Pero sis faint line is positive so congrats!!! :) claim it!! Nasa TTC friends ka ba sa FB? Hehe

@bbthesaurus, naisip ko nga yang arinola na yan.. Hahaha. Grabe noh, wiwi kung wiwi..

@888fleur, hi welcome sa group sis! :)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #246 on: October 19, 2014, 09:16:53 pm »
sis femmy_steff - congrats sis! and welcome to the thread. ganyan din ako nung una, super duper faint positive pa nga eh.. yung tipong kailangan pa aninagin bago makita yung linya.. hahaha.. anyway, sis cess is right, take it easy muna.. especially kung may spotting, iwas muna magdrive until ma clear ka ng OB..

sis cess - naku nagulat nga din ako eh.. kasi medyo nagsubside na nung mga nakaraang araw ang suka ko.. kahapon bumawi ng bongga.. lagi na lang din ako may candy.. hahaha.. pero ngayon, so far wala naman akong vomiting episodes, tho eternal bloated pa din.. hehe

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #247 on: October 20, 2014, 11:10:02 am »
hmph. ganun pa rin ang nausea ko at dizzy spells. on and off. hindi ko alam kelan ako mahihilo. pero malapit na ako mag graduate sa 1st trimester. 2 weeks na lang. kaya natin to. haha kahapon nasa kama lang ako kasi sobrang hilo and pag nakatayo ako or upo feeling ko masusuka ako.

@femmy_stef Congrats sis! Positive na yan! Ako rin 1st day missed period ko nagtest na ako and super faint line lang siya. :) Iwas stress ka na lang and magpacheck ka na kahit feeling mo maaga kasi maselan ka pala magbuntis. Take Care always sis!

Ang craving ko ngayon isda! hahaha yuck kasi hindi naman ako ma isda before mabuntis. pero ayoko ng chicken at pork. beef basta tapa yung luto, go pero pag hindi, ayoko rin. basta isda, tapos may sawsawan and kamatis. solb na.

Good Morning mga sis!

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #248 on: October 20, 2014, 11:38:45 am »
sis ainge88 - same tayo sis!!! ang hilig ko din sa isda.. kaya mega research ako kung ano ba yung mga isda na mataas ang mercury at bawal.. di ko din mashado type ngayon ang chicken.. samantalang nung pre pregnancy kahit puro chicken mabubuhay ako.. hahahaha.

lately pansin ko ang morning sickness ko eh evening sickness na.. hahaha.. basta pag malapit na maghapon, nagsstart na siya..


ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #249 on: October 20, 2014, 11:50:56 am »
Hahaha same tayo!! akala ko ako lang yung weird. feeling ko kasi nandidiri ako sa mga matataba na pagkain. Nagpunta kami sa birthday party nung Saturday, sosyal ng handaan, may carving station pa. Wala akong kinain. Haha paguwi namin, nagpa prito ako ng Galunggong.  ::) hay ang mga buntis talaga.

Kelan magstart mag manas? Nakalimutan ko na kasi nung 1st pregnancy ko eh, pero diba sa latter months pa naman yun? gusto ko kasi bumili ng flats huhuhu eh baka biglang magmanas naman ako, hindi ko na masuot kinabukasan haha

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #250 on: October 20, 2014, 04:20:35 pm »
hi mga buntis!

kakatapos ko lang magpa ultrasound. normal naman lahat. may heartbeat na si baby! sobrang saya namin ni hubby. at medyo nawala pagkaparanoid ko. check ulet after 5 weeks-pagtapos ng first trimester.

nagsisimula na headache ko.  :( yung sa gums din, medyo nagiging sensitive na. yung morning sickness ko, grabe pa din.

naexperience niyo din ba na lagi kayo gutom? ako kasi mga 30 minutes after ko kumain, gutom na gutom na yung pakiramdam ko. as in grabe kulo ng tyan ko. parang isang linggo ako hinde kumain. kaloka. hahaha.

nakahanap na ako ng mangga dito. hehe. twice lang ako kumain, after nun ayoko na. yung mga gusto ko iluto food dati, ngayon ayaw ko na kainin.

ingat lagi mga buntis! God Bless!

ninart

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #251 on: October 20, 2014, 05:17:37 pm »
Hello mga sis, kumusta na kayo?

Ngayon lang ulit ako nakasilip dito. Pareho ko din kayong nag crave ng isda ngayon  :)
Sa katunayan tinititigan ko yung dalawang lata ng isda dito sa bahay.. yung Saba na mackerel at yung Del Monte na sardines in tomato sauce. Nag research din ako at hindi ako sure kung pwede ko makain yung mackerel. Kasi may nabasa ako na mataas daw mercury content ng mackerel. Ay ewan, gusto ko rin ng manggang hilaw pero walang mabilihan na malapit dito. Pizza na lang tuloy pan tanggal ko ng gutom  :(

Welcome sa mga bago sa thread. Yung iba tanong na hindi natin masagot dahil hindi rin natin alam.

Ingat lahat ng may spotting at yung naka bed rest enjoy watching movies na lang. Pag dating ni baby wala na tayong panahon sa kahit anong bagay. Jingle break lang magiging tanging pahinga natin.

Mag 3rd birthday ang isa ko pang anak sa Friday kaya kakalimutan ko muna ang mga cravings ko. Hindi pa din ako pumupunta sa OB (wala pa akong mahanap) siguro next week na lang pag 2nd trimester na. I'm planning a Gentle Birth kaya baka wala din akong makuha na OB na papayag sa birth plans ko.

Sige mga sis have a smooth pregnancy!!
« Last Edit: October 20, 2014, 05:19:24 pm by ninart »

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #252 on: October 20, 2014, 06:28:59 pm »
sis eleine26 - yehey! may HB na si baby mo.. tee hee!.. ako sis laging gutom.. pagkakain ko after ilang hours nakakaramdam nako ng pangangasim ng tsan.. kaya small frequent feedings ginagawa ko, tapos lagi akong may crackers para pangontra.. hehe

sis ninart - trip ko yang mackarel sis na nasa lata.. kaso like you, praning din sa mercury level.. nabasa ko, ibat ibang klase naman yung mackarel, yung king mackarel yung mataas ang mercury.. eh kaso lang malay ko ba naman kung anong klase yung nasa lata.. hahaha.. sinusulit ko na nga lang yung bed rest ko.. kasi tama ka, pag anjan na si baby for sure lagi tayong puyat.. hahaha

lipas na din cravings ko sa mangga.. yung ginatang bilo bilo na lang di ko pa nasatisfy.. huhu

i_v_y

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #253 on: October 21, 2014, 04:16:16 am »
Hi mga sis pa join.

My EDD is May 6.

Im almost 12 weeks along and my symptoms are starting to go away. Hindi na ako nahihilo, pero may headaches pa din ako from time to time. Hindi na masyadong sore ang boobies ko. Wala ng indigestion. Although I am very constipated pa din kasi naka pre natal vitamins na ako na may iron content. Lagi pa din gutom.  Also, since I learned I was pregnant, wala na akong tulog na 8 hours straight.

At first parang praning ako na wala akong symptoms but I read na starting 10 weeks symptoms normally start to go away as hindi na masyadong haywire and progesterone naten at this time. Pero yung iba bumabalik din ang symptoms after  few weeks.


FayeP

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #254 on: October 21, 2014, 07:15:13 am »
good morning mga tesbun!!!!

ngayon lang ulit nakapag GT, may sakit kasi un panganay ko nitong mga nakaraan araw ubo't sipon..

kahapon sa sm kami kasi nagpacheck up un anak ko...dumaan kami sa dept store para tumingin ng mga damit ng baby...gusto ko na bumili pero ayaw pa ng asawa ko kasi 3 months pa lang naman un tyan ko, pag 5 or 6 months na lang daw...pinamigay kasi namin halos lahat ng mga gamit ng panganay ko sa mga kamag anak or kaibigan kaya bili kami ng bago..

may nakapamili na ba sa inyo?

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #255 on: October 21, 2014, 09:06:54 am »
sis i_v_y - welcome sa thread!! naku praning din ako pag parang nawawala yung symptoms ko.. lagi ko nga hinahawakan yung boobs ko kaya natatawa sakin si hubby.. hahaha.. ako naman on and off ang symptoms, may araw na okay, pero may araw na parang ginawang isang bagsakan yung symptoms.. pero yung feeling na parang asa throat lang yung food, eternal ata yun.. huhuhu

sis FayeP - wala pa din ako nabibili.. maaga pa kasi mashado sakin.. hahaha.. atchaka bed rest ako.. magstart kami bumili pag alam na namin ang gender.. so mga next year na yun. :)

sa mga 2nd time mommies -exclusive breastfeeding ba kayo panganay nyo? and ilang weeks niyo  unang naramdaman si baby na gumalaw sa loob ng tummy nyo?

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #256 on: October 21, 2014, 09:36:39 am »
Hi mga sis! :) Good Morning!

@FayeP ako plan ko bumili ng mga stuff pag alam ko na gender ni baby hehe kasi pag boy, marami pa akong natago na damit and gamit ni panganay. Pag girl, ayun, start from scratch kami haha

@ystariray sis ako 2 years exclusive BF sa eldest ko :) We stopped lang nung mag return to work ako pero nagstop siya completely sakin nung 3 years old na siya. kasi may night time feedings pa rin siya nung nagwork ako eh :) I felt him kicking mga 4-5months na :)

kitten01

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #257 on: October 21, 2014, 10:07:06 am »
hi, pasali this is my second pregnancy i have 1 year and 8 mos boy, di pa sana namin susundan pero ito nga nag positive ako sa first pt last week though di pa ako nakavisit kay OB

zira

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #258 on: October 21, 2014, 11:25:47 am »
hi mga mommies to be! kamusta kayo? hindi ako updated kasi wala kaming internet sa bahay dahil nagre-riring ang pldt tapos wala din 3g sa loob ng aming home. kaya eto asa inlaws ako dahil kelangan ko mag work from home. ipon ipon kasi ng leave para mas mahaba ang bonding moment with baby pag anjan na siya.

anyways, nagcpacheckup kami kahapon and good news graduate na ako sa bed rest pero as per OB take it easy lang ang huwag masyado magpapagod. sabik na sabik na ako makalabas ng bahay haha.

im almost done with first trimester kaya ang saya saya ng feeling. stop na din ako in taking duphaston whilst yung duvadilan iinom lang pag hindi nawala yung sakit ng puson ang balakang after taking a rest. pampakalma daw kasi yun ng matres. yung folic vitamin ko din pinalitan ng sangobion multivitamin which already contains folic acid.

safest and happy pregnancy to all of us. happy hormones para happy baby! (pero minsan grabe ang mood swing ko gusto ko lang awayin si husband hahaha) :)

kitten01

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #259 on: October 21, 2014, 11:56:12 am »
mid trimester ko pa, sana hindi to tulad ng 1st pregnancy ko na 9 months akong nagsusuka. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close