watch now

Author Topic: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)  (Read 54926 times)

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #140 on: October 10, 2014, 01:43:36 pm »
^This coming Sunday sis.. May bibigay daw silang list sakin eh pero nag-ask nadin ako sa mga friends kasi iba talaga pag first hand experience.. Sana makahanap na ako, next check up ko kasi, dun na dapat..

Naku maalat, kumain ako ng pringles kanina, sour cream tapos inom madaming water after hehe..

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #141 on: October 10, 2014, 01:57:14 pm »
^ totoo, mas maganda kung naging OB na ng kaibigan mo.. hehe.. :)

- trip ko din yung tostitos with dip..naku ang alat.. pero ansarap.. inom na lang din ng madaming water.. hehe.. patis na sawsawan ng ulam gusto ko din sana, kaso pinagbabawal ni hubby.. bad daw yun.. di ako makalusot.. hahaah

ainge88

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #142 on: October 10, 2014, 02:58:14 pm »
@cess sis, update mo ako kung sino OB mo. Gusto ko sana si Dra. Chrisitne Tantoco kaso wala ata siya Saturdays na sched huhu  :'(

@ystariray gusto ko rin ng patis!! mas gusto ko maalat at maasim kesa matamis hehe nung 1st pregnancy ko, sa ice cream ako nag crave! ayun. 9.2 si baby haha tsk tsk.

2lbs pa lang gain ko pero feeling ko water retention lang, at bloated ako. kasi ang laki ng tyan ko :( pag good girl ako at walang maalat, same weight pa rin ako. pero feeling ko babawi ako sa 2nd trimester ko. haha

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #143 on: October 10, 2014, 03:50:29 pm »
Naku sis ainge88, gusto ko super asim na manggang hilaw tapos isawsaw sa patis. Kaso pinapagalitan ako ni hubby. Hay, sana malose ko ang preggy pounds ko after. Haha

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #144 on: October 10, 2014, 04:55:11 pm »
^na-imagine ako ang asim nung mangga at alat ng patis hahahah. Nag-laway ako hehe. :p

Dibale, magkakasama tayo sa fitness and diet thread pagkatapos natin manganak. :p

Ok sis @ainge, update kita after my visit.. :) naririnig ko din si Doc Tantoco. Balitaan mo ako how it goes :)

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #145 on: October 10, 2014, 05:53:50 pm »
Hi mga buntis!

Grabe ang morning sickness ko talaga. Wholeday nga siya actually eh. Nagpunta kami ER nung isang araw. Binigyan ako ng gamot para sa nausea. Tas sinilip na din si baby, pero thru transabdominal ultrasound lang kaya nakita lang na IUP. Hinde kasi sila nag TVS dito eh. Ang labo lang. Babalik na lang ako pag 8 weeks na ako. Sana may heartbeat na si baby nun.

Lately mahilig ako sa fries at ice cream. hehe. Ang tamad ko din kumilos kasi ang sama ng pakiramdam ko lagi. Nahihilo ako pag matagal nakatayo. Bloated din ako madalas. Kaya ang hirap matulog.

Iniisip ko na lang na mawawala din ito pagdating ng 2nd tri. Konting kembot na lang. Hehe.

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #146 on: October 10, 2014, 06:26:16 pm »
sis cess - nakakapaglaway diba? blend na blend yung asim at alat.. hahaha

sis eleine26 - naku pareho tayo.. matindi ang morning sickness.. sabi nga ni hubby, yung sakin daw whole day sickness.. hahaha.. konting tiis tiis lang.. para kay baby.. ilang weeks ka na ba sis?

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #147 on: October 10, 2014, 07:10:37 pm »
Sis ystariray: 6weeks pa lang ako. Sa akin pansin ko mas malala pag gabi. Evening sickness hahaha.

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #148 on: October 10, 2014, 07:16:15 pm »
sis eleine26 - ako paggising ko sa umaga okay ako.. biglang after ilang minutes or oras.. start na masamang pakiramdam.. tapos parang lagi akong may lagnat sa loob.. na bloated na ewan.. tapos sobrang hate ko ang perfume ni hubby (na ako naman nagbigay sakanya kasi favorite ko yun), deodorant niya, shampoo niya, amoy ng mantika, amoy ng sibuyas at bawang.. hahaha.. weird pala talaga ang feeling pag buntis.. basta okay si baby.. kakayanin natin lahat!

 kung evening sickness yung sayo, mas madali ka bang nakakatulog? ako madali namang nakakatulog sa gabi kaso ang problema ilang beses ako umiihi.. todo increase oral fluid intake kasi ako.. kaya nakakailang gising ako sa madaling araw.. nahihirapan nako matulog ulet.. hehe.. buhay buntis.

eleine26

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #149 on: October 10, 2014, 07:42:41 pm »
^^ ang kulit ng feeling noh? Iniisip ko nga parang ang arte ko na. Pero hinde naman ako nag iinarte. Talagang hinde ko maintindihan pakiramdam.

Mas madalas ako nahihilo at nasusuka pag nakahiga. Eh pano na lang ako magpapahinga? Pag tumayo ako, ganun din. Nanlalamig ako pag nahihilo. Ayoko din ng amoy ng ginisa. Naduduwal talaga.

Same tayo na yung favorite scent naten kay hubby, ayaw na ngayon. Iba yung amoy eh.

Hirap din ako matulog sa gabi kasi every 15mins ata umiihi ako. Huhuhu. Ayoko pigilan kasi baka magka UTI ako at hinde rin naman ako makaatulog pag ganun.

Sobrang sore din ng breasts ko. Kahit yakap, masakit. Nakakaloka talaga. hehe.

Sammi

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #150 on: October 11, 2014, 01:30:19 pm »
Hi mga sis! Now lang ulit ako nakapag-open ng GT...

Regarding constipation, nag-ask ako kay dra ko kanina if safe magtake ng C-lium fibre kasi nga hirap din ako.. Yes, safe daw kahit every meal pa...


Update ko lang:
Just had my ultrasound and 7weeks 6days na si baby with 171 bpm ang heartbeat! And no more subchorionic hemorrhage... Thank God talaga...
And eto pa mga sis, gumagalaw na si baby! Sobrang happy ko nung sabi ng sonologist na antayin natin gagalaw yan.. Ayun nga ang likot! Hehe


Later nako magback read pagdating sa house.

Take care everyone!

Karakrus

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #151 on: October 11, 2014, 02:07:07 pm »
Oh my mga sis. Hindi ko maexplain yung happiness ko ngayon. Nagpacheck ako sa OB for my UTI and pinarinig sakin ni Doc yung heartbeat ni baby. Nung una wala kami naririnig kasi kinakapa nya kung saan sa tummy. Nalulungkot na ako nun kasi natatakot ako na baka wala heart beat... Then biglang ayun na grabe ang lakas sobrang shock ako na nakasmile. Ganun pala yung feeling.
Sa sobrang euphoric ng feeling, hindi ko natanong yung mga gusto ko itanong. Hindi ko rin alam kung ilan bpm ni baby.

As for the UTI, 1 week prescribe ni Dra. Ellen Chotangco Cefuroxime Zoltax 500mg 2x a day. Then umiinom din ako ng 1 glass pure cranberry juice. Next check up ko next week after 7 day treatment then TVS.

Tanong ko sana mga sis kung ano mga essentials na pwede ko itanong kay Dra. sa next meeting namin? Gusto ko sana inote para di ako matameme next time. Like bpm ni baby, etc. grabe exciting pala talaga.

Sa mga cravings.... I'm in my 11th week pero paiba iba cravings ko & once nasatisfy ko na yung specific food craving ko na yun, ayaw ko na uli kumain ng ganon.

Very emotional din ako mga sis & nahihirapan ako iexplain kay hubby yung mga nararamdaman ko. Lalo na kapag napagtataasan nya ako boses. Feeling nya nagiinarte lang ako. I end up leaving our room in the middle of the night crying then sa sala ako natutulog. Pano nyo napapaliwanag sa hubby nyo yung mga nangyayari satin? Kasi ang hirap minsan.

So far ienjoy natin ang miracle of life. It feels so surreal talaga na may baby sa loob ng body ko. :) ang galing ni God.

hi_landprincess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #152 on: October 11, 2014, 02:48:21 pm »
Hi mga sis! :) graduate na din sa ttc kaya lipat na akk dito. I'm 7 weeks preggy and edd is on May 26-27, 2015. :)

ninart

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #153 on: October 11, 2014, 03:11:24 pm »
Hello mga sis!!! Welcome sa lahat ng mga infanticipating sisters! Ang dami na natin :)

Ngayon lang ulit ako naka silip dito kasi busy ako dahil nag 1st birthday ang bunso ko. Tapos meron pang isang nag birthday celebration sa bahay. Ang dami ko ngang nakain na cake these past weeks.

Nawala yung morning sickness ko during the times na kain ako ng kain ng manggang hilaw, ngayon bumabalik na naman mga pregnancy discomforts ko.

@zira, nice to know magkasunod tayo ng due date. Doon sa ultrasound ko mas malaki daw baby ko ng one week sa actual gestational age kaya daw my due date based on u/s will be on April 27th pero I always stick sa due date based on my LMP.

Sige ingat tayong lahat!! Keep us posted sa latest news ninyo  :)

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #154 on: October 11, 2014, 03:54:44 pm »
Sis ninart - im so happy for you! Wala ka ng SCH! last utz ko kasi last week may SCH pa din ako. Huhu. Sana wala na sya sa utz ko this coming friday.. Nahihilig din ako sa manggang hilaw lately! Napansin ko lang today, wala pako vomiting.. Tho andun pa din yung eternal bloatedness ko. Haha. Mukhang may link nga ang mangga sa morning sickness. Haha

sis karakrus - nagka uti din ako. Nagcefu din ako for 1 week. Kahapon repeat urinalysis ko wala ng infection. :)

Sis hi_landprincess - welcome sa thread! :)

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #155 on: October 11, 2014, 05:16:43 pm »
Usapang manga, kelangan ko makakain ng Mangga today! Hahaha.

Welcome sis hi_landprincess!!  :)

Mga sis, mga ilan beses kayo nag-pee sa gabi? Grabe parang every 2 hrs wiwi ako, feeling ko sleep deprived tuloy ako pag gabi kaya bumabawi ako sa afternoon naps. Di naman ako pwede hindi uminom ng water kasi feeling dehydrated din ako, init na init ako sobra kahit na lamig na lamig na si hubby.


ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #156 on: October 11, 2014, 05:35:12 pm »
sis ninart - natakam ka ba sa mangga? hahaha.. naku sis, sobrang dalas ko din umihi.. hindi lang ata  every 2 hours.. mula kasi ng magka uti ako, sinigurado ko ng increased oral fluid intake talaga ako.. kaya mayat maya ang wiwi.. at tama ka.. parang sleep deprivation ang peg.. kasi minsan pag nagising na para magwiwi, ang hirap matulog ulet.. tapos everyday sobrang vivid ng dreams ko.. ganun din ba kayo?

cess

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #157 on: October 11, 2014, 06:32:32 pm »
^relate ako dyan sa vivid dreams sis.. Grabe noh, parang totoo. Buti at kung ano ano lang and hindi nakakatakot baka ma-wiwi ako hahaha. Di parin ako maka-getover sa mangga at patis mo sis @ystariray,nagpabili nako ng mangga hehe.

ystariray

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #158 on: October 11, 2014, 06:59:21 pm »
sis cess - hahaha! sorry naman! ansarap kasi talaga niya ngayon.. hahah.. twing naaalala ko naglalaway ako eh.. parang nagaagaw kasi ang alat at asim.. hehe.. kaloka vivid dreams noh? nung non pregnant days ko, nanaginip din naman ako pero tipong mga once a month lang yung may maalala ako.. pero ngayon, walang mintis.. talagang laging may panaginip.. hehe

p.s. nagpabili nga ulet ako kay hubby ng mangga eh.. kakaninin ko bukas..  nakain ko na kasi yung pangtoday.. ahaha.

sachism

  • Guest
Re: Babies due 2nd Qtr 2015 (April, May, June)
« Reply #159 on: October 11, 2014, 07:05:56 pm »
Hello mommies! Wow usapang mangga. Tagal din ako d nakasilip sa thread :)

Hilig ko naman sweets. Or desserts..leche flan lalo na macaroni salad. Hay..takot sa sa GD.

Nabawasan na din pagsusuka ko. I switched OB pala kasi last time hindi sumagot OB ko sa text.messages ko e nagpanic husband ko kasi nagfefever ako.. natuwa naman ako sa new OB :) napanatg na kaagad loob ko.

15W nako and halata na bump ko lalo pag busog.. ang lakas ko kasi gutumin :( 

Ang hirap ngang matulog ano? And grabe sa tamad ko. hehe...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close