watch now

Author Topic: ABS-CBN: I Do  (Read 15404 times)

devilish_einjel

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #60 on: September 19, 2014, 07:38:30 am »
fave ko din si chelsea at christian sobrang halata na inlove sa isat isa.. pero sana hindi lang yun sa umpisa kasi 3 months pa lang e marami pa pwede mangyari, kumbaga nasa honeymoon stage pa lang sila ng relationship..

may kapatid si paulo avelino dito? sino?

raechubs

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #61 on: September 19, 2014, 08:25:59 am »
3 months pa lang sila pero parang kilala na nila isa't isa.
Meron silang activity nung last na yung couples sasagutin yung questions nang nakatalikod then
pag harap titigan kung parehas sila ng sagot yung c chelsea and christian laging mag kaparehas yung 11 years na opposite yung mga sagot may ganon pala noh? na kahit ang tagal niyo na my instances pa din na mag kaiba papanaw sa life. Bakit kaya?

oo nga sis @devilish_einjel sino kaya sister niya? baka yung partner ni emil? di kaya?

MisCalculus

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #62 on: September 19, 2014, 09:13:58 am »
^ ^^ si Honey ang sister ni paolo, yung boyfriend nya si Emil, yung parang mohawk yung gupit ng hair. May pinakita kagabi parang may LQ sila...

whitelady17

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #63 on: September 19, 2014, 09:27:28 pm »
bakit ganoon parang gay si Kaiser?!? totoo kaya yun?

slurpee

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #64 on: September 20, 2014, 05:48:58 am »
I like chris. Parang nice naman sya at may sense. Hindi din halata na 44 yrs old na sya. Swerte ni karen. Hehe
My least favorite couple is carlo and kara. Parang ang bossy nung girl. When they had this game, yung magkatalikod sila and they were asked kung agree ba sila on a certain topic, parang ang word was "contraceptive" tapos kara said something like "contraceptive? Babe hindi mo ba alam kung ano yun??" Something like that. Feeling ko lang you shouldn't say stuff like that to your boyfriend when there are other people around kasi parang mapapahiya sya.
Tapos nung magkahiwalay yung boys and girls ng house, may drama si carlo na worried sya na baka may stripper sa house ng girls? Ano ba yun, san ba galing yung idea na yun?

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #65 on: September 20, 2014, 09:57:44 am »
^yun nga sis, hindi ko rin sila gusto. Masyadong bossy talaga yung girl, pati nung lilipat sila ng haus habang nag eempake nagtatalo na naman. Parang laging highblood yung girl.
Tsaka oo nga, masyadong OA si carlo maka react baka daw may stripper. Paranoid masyado, tsaka if ever man may stripper eh ano naman? Bakit papatol ba gf niya dun? It just show na wala siyang trust sa gf niya. Or baka umaacting lang siya kaya nagtataka sila chris.

px17

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #66 on: September 20, 2014, 01:24:35 pm »
^nakakapagtaka na nagtagal sila ng 11 years noh? parang lagi silang may conflict.

raechubs

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #67 on: September 20, 2014, 02:40:40 pm »
Tama.  parang wala siyang trust.
napaghahalataang under c carlo haha ..

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #68 on: September 20, 2014, 10:32:30 pm »
Safe si Harry and Princess yey!

Out na si Carlo and Kara.

Tawa ako ng tawa sa episde tonight si Chris kasi yung nagbibigay nung framed childhood photos nung turn na ni Chris may nagsabi "Baka black and white yan!" Tawa ako ng tawa kasi black and white nga yung photo hahahahahaha. Ang saya nila tawanan talaga!!


devilish_einjel

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #69 on: September 21, 2014, 07:01:19 am »
^ ^^ si Honey ang sister ni paolo, yung boyfriend nya si Emil, yung parang mohawk yung gupit ng hair. May pinakita kagabi parang may LQ sila...


thanks sis!



si carlo nga ay may pagka oa.. parang acting yung pagka selos niya e or talagang paranoid lang siya.. pa emote emote pa sa may hagdan eh.. haha

raechubs

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #70 on: September 21, 2014, 02:54:05 pm »
Ano nangyare kagabi? Huhu. Nakatulog ako kakaantay. Pa share naman....

lesters_gal

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #71 on: September 21, 2014, 08:18:47 pm »
Ang fave couples ko is sila chelsea and christian, and karen and chris... ilang taon ba ang gap nila karen and chris?

px17

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #72 on: September 22, 2014, 12:08:55 am »
^10 years ata gap nila.

akala ko mabobottom 3 sila princess. kasi nga may conflict pa sa ex-wife ni harry. Paano kaya sila mananalo kung hindi pa masesettle yung conditions nung ex-wife.




lesters_gal

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #73 on: September 22, 2014, 04:02:01 pm »
^thanks sis. Sana ipakita din nila yung mga games/challenges na ginagawa ng mga couple. Like yung kung bubuksan ba nila yung box kung saan andun lahat ng mga past ng mga partner nila. Sana kasi everyday nalang 'to. Super bitin ang twice a week lang... lol

raechubs

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #74 on: September 22, 2014, 04:22:40 pm »
^kailangan before sila manalo settle na lahat ng problem ni Harry sa ex-wife noh? mahirap kasi pag ganyan kaso nakikita naman ng mga coach yung struggles nila towards sa pinagdadaanan nila so ok na din

px17

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #75 on: September 22, 2014, 05:36:49 pm »
^sana nga everyday nalang yung i do kesa sa bet on your baby.

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #76 on: September 22, 2014, 06:14:26 pm »
Bitin nga yung twice a week lang. Dapat ito na lang pinalit sa timeslot ng pbb. Baka hindi kasi inexpect ng abs cbn na magcliclick to ng sobra.

raechubs

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #77 on: September 22, 2014, 07:11:16 pm »
^ Agree mga sis. ang dameng nakatutok dito lalo na mga couples at kahit singles makakuha ng lessons dahil sa mga comments galing sa councils

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #78 on: September 22, 2014, 08:07:36 pm »
Maganda topic next week, guest si mr. Colayco (tama ba spelling? Hehe) all about money.and savings ata. Sana marami din tayo matutunan.

kireinachean

  • Guest
Re: ABS-CBN: I Do
« Reply #79 on: September 22, 2014, 08:45:27 pm »
Di ko napanood yung last week, si Carlo at Kara pala natanggal, medyo nakakapagtaka nga yung dalawa kase ang tagal na nila pero parang hindi pa nila masyado kilala yung isat isa.

Gusto ko na din sila Karen & Chris, akala ko nung una maarte si Karen pero keri naman pala, kakatuwa si Chris parang pag ikaw asawa nya sigurado kang magstrive sya para sa family.





 

Latest Stories

Load More Stories
Close