watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 4  (Read 72321 times)

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #360 on: May 04, 2015, 01:10:24 pm »
^^ tried also ebay ok naman ang importante may PO box  ;) minsan naman ako mismo pumi pick up sa post office may bayad 10aed ata yun.

hermione28

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #361 on: May 04, 2015, 03:29:27 pm »
bhey0624 & gracita13 - thanks mga sis. so parang mas ok pala mag order dito noh. sa office ko na nga lang din ipapadeliver.

Yun nga lang may concern pa ko, machine kasi yung ipapa deliver ko. Para syang pang salon actually, pero portable naman sya, home use lang. wala naman sigurong issue?

Or baka may nakakalam dito kung san may nabibiling equipments or machine for salon or spa?
« Last Edit: May 04, 2015, 03:31:08 pm by hermione28 »

Mamu Ewokita

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #362 on: May 11, 2015, 06:13:02 pm »
Hello newbie po dito, tanong ko lang kung sino ang may mga anak na nag-aaral sa PEPS (AUH) at TPS Rashidiya, natanggap po kasi anak sa parehong school -- di naman nagkakalayo ang tuition fees kaso ang problem ang mga presyo ng apartments sa paligid ng school --- kasi kung ano po ang mapili naming school dun po kami lilipat ng apartment.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #363 on: May 11, 2015, 08:23:54 pm »
^^ sis, kung mapapa ship mo, i don't think magkakaproblema ka pa dito. malaki ba? basta alam ko, may babayaran ka na pag more than 200+ USD something na. tried Amazon palang. wala na din akong binabayaran.

Mamu Ewokita

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #364 on: May 12, 2015, 11:10:06 am »
Hermione,  if it equipment or the likes, it's advisable to purchase from here, para just in case there will be damages or defects mas less ang hassle sa pagbalik sa binilhan mo pero kung naka international warranty naman walang problem--- maraming nabibilhan ng mga spa equipment dito sa dragon mart or sa bur dubai area kung after ka sa budget but if you are particular sa quality and features mas advisable sa ebay or the likes -- hope this helps

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #365 on: May 12, 2015, 06:21:52 pm »
@Mamu Ewokita, my son goes to PEPS, pero KG1 pa lang. we live in Mussaffah naman. naka school bus siya since pareho kaming working ni hubs.

hermione28

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #366 on: May 12, 2015, 08:04:17 pm »
Hi Mamu Ewokita nagka idea ako sa dragon mart. try ko nga pumunta dun ulit.
tama ka mahirap nga umorder abroad kapag equipment. salamat sis.


Alam nyo yung emirateson.com? parang groupon din sya. I ordered a Casio Edifice Watch super tagal ng shipping. 2 weeks na wala pa din. :(

Pero last time nag avail ako ng Dhow Cruise, same day nung pinurchase ko nabook naman agad nila. Reliable din.
Ayun lang grabe yung inorder kong watch. ang tagal. :(
« Last Edit: May 12, 2015, 08:10:31 pm by hermione28 »

Mamu Ewokita

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #367 on: May 12, 2015, 08:41:58 pm »
@ Bhey, KG2 pa lang anak ko, pumunta kmi last Friday sa PEPS buti pinapasok kmi ng guard para mag tour saglit naawa kasi galing pa kmi sharjah, pro bawal daw---hehe,   nag tingin  din kmi ng asawa ko ng apartment sa Al Ghadeer pro masyadong malayo sa PEPS; mag kano ang mga villa-1BR sa Muzzafah? sa Khalifa at MBZ parang biglang tumaas ang mga villa-room May malapit din bang nursery -- para sa 10-mos old baby ko? kasi let go ko na nanny ko kapag lumipat kmi abu dhabi magastos na masyado at minsan may mga tantrums din ang nga live-in nanny daming demands hehe---

@ Hermione, yung watch na nabili mo from a private-seller or watch-jewellery  company? Ingat ka lang kasi usually ang online shopping ay walang warranty.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #368 on: May 12, 2015, 09:07:08 pm »
^nakatira kami sa 1bedroom flat ngayon sa Mussaffah - Shabiya 12, yung managed ng ADPC. nasa aed 50k ang flat namin ngayon. cheaper ang 1bedroom ng villa kaya lang kasi walang proper documentation, hirap mag sponsor ng kids. re nursery, mas madami ata sa Khalifa City A, not sure about MBZ though.
may officemate akong nakatira sa Al Ghadeer, nice nga daw ang place kaya lang sabi ko anlayo na para sa school boy ko then next year SY, ipasok na rin namin ang daughter ko sa nursery.

Mamu Ewokita

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #369 on: May 13, 2015, 09:57:12 am »
Thanks Bhey, kung matuloy kmi sa AUH, sana maging mag classmate ang mga anakis natin, thanks for the tip about ADCP , browsed their site mag Inquire ako sa kanila today - baka mag concentrate kmi sa Khalifa area. May student's diary ba ang PEPS, at nag start na ba sa reading ang KG1 nila. Nakita ko yung teacher-student ratio ng KG1 at KG2 ay 1:28-31 though  malaki naman ang rooms pero madami yun para sa KG di ba, gayunpaman we have limited options sa school kaya  pa-salamat  na lang at na accept sa PEPS,  hehe

@Hermione,  naalala ko lang sa Muraqqabat same building kung saan ang salt and pepper may nakita akong mga parlor at spa (mostly for foot spa) equipments---kung malapit ka sa area na yun.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #370 on: May 13, 2015, 12:56:41 pm »
@Mamu Ewokita, welcome :)
re ADPC, mas ok ang tawagan sila. they will give you on the spot ang available flats nila kung sang area mo gusto.
going to KG2 din ba ang anak mo? eng eng question lang, ano yung student's diary?  hehe
nagstart na ang KG1 ng basic reading. madami nga ang students nila per section, kaya lang as you've said, we have very limited options here  :( ganun din ang ratio ng teacher-student sa 21st century (sa AUH city naman ito) pero malaki ang rooms sa PEPS, and mas maganda ang ambiance. and so far, my son loves to go to school and learning din naman  :) sana nga classmates ang kids natin next SY. update mo ko ha kung matuloy kayo ng AUH :) 

Mamu Ewokita

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #371 on: May 13, 2015, 01:41:12 pm »
@Bhey, sige balitaan kita kung matuloy ang anak ko sa PEPS, sana maka kita kmi ng apartment na swak sa budget----

hermione28

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #372 on: May 13, 2015, 02:36:31 pm »
@ Hermione, yung watch na nabili mo from a private-seller or watch-jewellery  company? Ingat ka lang kasi usually ang online shopping ay walang warranty.

I think private seller kasi para syang Groupon. Naku sis buti nalang COD ako. kasi ngayon down na yung website, phones are ringing pero walang sumasagot, pati sa facebook. Nagulat naman ako bakit bigla nagkaganun. Puro kabayan naten mga tao dun eh. Tapos ilang beses na din ako nakabili sakanila.

Mamu Ewokita

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #373 on: May 13, 2015, 03:12:29 pm »
@Hermione, buti na lang COB, mas magandang bumili ng actual na nakikita mo lalo na kung isusuot mo sa katawan kasi kadalasan may mga kailangan pang adjustments at minsan iba rin ang hitsura kapag nasa monitor kumpara sa actual ---- ang dami mo naman gustong bilhan Hermione hehe, siguro bata ka pa kaya impulsive buyer ka, save ka lagi ---- mag tabi ng emergency funds mo or/and para sa family 😊😊😊

hermione28

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #374 on: May 14, 2015, 01:36:39 am »
Mamu Ewotin, thanks sa heads up. Yup bata pa ko sis, early 20's. Just to clarify myself, hindi nman ako impulsive buyer sis. Ni research ko naman ng more than 1 month yung watch na worth AED138 Casio lang naman sya sis. Gift ko lang sa birthday ni boyfriend na nandito din sa dubai.

Sa savings naman sis I have sure 600 savings for myself monthly and 2k padala ko sa parents ko monthly walang sablay yun sis.

Mamu Ewokita

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #375 on: May 16, 2015, 02:07:40 am »
@Hermione --- hehe , mali pala yung term ko di naman "impulsive buyer" hehe, actually reward din para sa sarili yun para ma motivate pa mag work 😆😆😆

chedz.03

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #376 on: May 16, 2015, 12:20:39 pm »
Sis hermione- kamusta na? Nakahanap na ba work si bf?


hermione28

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #377 on: May 17, 2015, 02:07:02 pm »
hello sis chedz.03 ok naman sis, happy naman sa work. madaming workload pero manageable kasi maayos yung mga ka work ko, siguro kasi ako lang babae sa accounts, medyo prinsesa ang peg haha

Ikaw sis kamusta?

Nakahanap na ng work si bf sis, thank god. medyo kabado nga lang sya at the end of probationary period kasi sobrang ayaw sakanya ng boss nyang kabayan din (pinay), konting mistake lang sinusumbong sya sa general manager nila, as in tanggalin na daw sya ganyan. grabe yun kabayan pa naman (sorry sa term) "ang sama ng ugali" Sarili mong kabayan sasabihin mo tanggalin na sa work? Alam mong ang hirap hirap maghanap ng trabaho dito sa Dubai. Arabic pa naman amo nila.

sabi ko nalang sakaya, hindi naman siguro ica-cancel yung visa mo nyan, grabe naman gumastos na din sila. pero sis possible yon? Ako kasi wala pa kong narining na ganyan eh, in 6 months tinanggal agad sa work.


Mamu Ewokita, ok lang sis totoo naman madami ako gusto bilhin haha. tama ka pang reward din sa sarili kahit minsan

zach26

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #378 on: May 17, 2015, 08:39:45 pm »
ang hirap humanap ng school dito sa Dubai  :'( either mahal ang tuition fee or punuan na ang slots for SY 2015-2016.

Dito kami sa DIP nagsstay, any idea kung saan may mejo murang school? Gustuhin ko man ipasok sa UIPS / TPS, ang layo naman ng magiging byahe nya.

tama ba, pag 4y/o eh KG1 sya this coming SY 2015-2016? or dapat KG2 na?




Mamu Ewokita

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #379 on: May 17, 2015, 08:52:57 pm »
@ zach, naku kung ngayon ka pa lang maghahanap ng kg1 slot for SY 2015-16 ay imposibleng mangyari na yan, pero pwede ka ng mag start  KG2 for SY 2016-17 . Meron isang GEMS school malapit sa IBN battuta,  kaso mabilis mapuno ang slot kasi medyo mura compare sa mga adjacent schools nyan--- alam mo , kmi nga ng family  lilipat kmi ng bahay para mas malapit sa school ng panganay namin, kmi na lang parents ang mag adjust sa biyahe kesa ang bata ang mag suffer ng tagal at init sa biyahe --- isa rin sa options namin na sa Pinas sila paaralin at i-give up ko work kasi parang restricted sila sa mga school learning practices at after school activities dito sa UAE tapos ang tuition fee ay bonggang school na sa Pinas -- hay.. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close