watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 4  (Read 72025 times)

shentacey

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #100 on: September 24, 2014, 05:21:25 pm »
Kapag sa NAIA sis may idea kba kung pwede yung first time palang kukuha ng OEC?

Hello po, hindi siya allowed. Kailangan mo talaga magpunta sa POEA.

Share lang po experience ko: I once forgot to get OEC few years ago so pagdating ko sa NAIA doon ko lang naalala and they told me that I have to go to POEA to get it and di ako papayagan makaalis. They don't care kahit maiwan ka ng eroplano and di ka rin allowed kumuha na lang or magbayad as tourist buti na lang nanganak ako few months and yun ang dinahilan ko sa kanila na nanganak ako, di ako nakapunta kasi baka mabinat ako and buti may photo ako ng buntis at ng baby nun nanghingi sila ng proof kaya they allowed me yun nga lang may note sila na nilagay doon sa last page ng passport ko na kumuha na ako doon and they informed me na next time hindi na pwede. Yung less than a week lang sa Pinas ang allowed makakuha doon, the rest sa POEA na.

hamano

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #101 on: September 24, 2014, 05:38:50 pm »
Hi @simplykristine08... wala nabanggit ang company just wanted advance info kasi di pa ako nakapag part time and I know bibigyan lang ng labor card if permanent job.

Thanks a lot.

chicgurl

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #102 on: September 24, 2014, 07:48:43 pm »
^sis chicgurl sa POEA daw sya kumuha pero meron din daw sa mga mall kiosk, ang ginawa nya daw e kumuha lang syang apat na OEC 100 pesos each plus yung pagibig at [textspeak!] philhealth mo.

Kapag sa NAIA sis may idea kba kung pwede yung first time palang kukuha ng OEC?

talaga apat na OEC LOL hoarding ng OEC lang hehe naku sana nalaman ko na yan early this year hindi naman din kasi nila inoofer yan.

Tama si sis hamano hindi pwedeng first time sa airport dapat sa POEA or sa mga satellite offices nila like sa trinoma mall.. ang papayagan lang sa airport is less than 5 days not even a week na stay dapat 5 days or less. ang hindi ko lang alam if less than 5 days ang stay mo tapos kelangan mo ng i-renew yung membership mo + kuha oec if ni-aallow nila sa airport.. ako kasi need ko na i-renew hehe kaso baka hindi sila nagrerenew dun bahala na muna matagal pa naman..

angellove

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #103 on: September 27, 2014, 04:35:25 pm »
hello mga sisses.  Ask ko lang baka me kilala kayo'ng naghohomeservice (pedicure, manicure, haircolor, etc) dito sa Abu Dhabi? Naghahanap kasi ako. TIA. :)

keisha_sophia

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #104 on: September 28, 2014, 09:13:12 am »
Hi mga sissies. Lulubog lilitaw ako dito sa forum. Hehe.Umuwi kami sa pinas ng mga anak ko nung july. Yung eldest ko may visa pa til 2015 pero need bumalik ng uae before mag6 months. Kami lang ng youngest ko who is 5 months ang vivisahan ng hubby ko. Pinatingin kasi namin yung hemangioma ng LO ko and so far good naman reaction niya sa gamot. Balik na kami jan after ng big Eid. Pasensya na sa mahabang kwento ah. Eto po mga questions ko ( enumerate tlaga)
1. Recommendation po sa mgaling at mabait na pedia derma dito sa abu dhabi?
2. Usually po magkano kaya ang bayad sa part time yaya na magaalaga sa 4 yo at 6 months na baby?
3. Baka po may husband's visa rin na mommy na willing magalaga. Hehe.. Kapag wala akong makitang magaalaga , baka ako na lang magaccept ng alagain. Hehe. Dagdag kita kahit papaano sa maliit na kita ni mister at may kalaro pa ang eldest ko..

Any suggestion, comments or answer will surely help. Sino sino ba magtutulungan dito sa ibang bansa kundi mga magkakababayan din. :)

paydayramos

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #105 on: September 28, 2014, 05:21:30 pm »
^sis ako currently naghahanap ng babysitter for my 16months son. pero need ko yun after namin bumalik from vacation before end of november. uuwi kasi kami sa 'Pinas this weekend for less than 3 weeks. yung nagaalaga kasi ngayon sa baby ko eh di na pwede dahil mag schooling na ng weekdays sa whiz kids yung pamangkin nya na inaalagaan nya. ang bayad ko sa babysitter ko ay 1,000 dirhams. alaga na nya baby ko since 3 months old pa lang until end of september. nag post ako sa dubizzle na need ko part time babysitter with own visa, kadalasan ang asking nila ay 1,500 pag sila pupunta sa bahay ng aalagaan. kasi normally pag ang bata ang dinadala sa bahay ng babysitter mas mababa ang bayad dahil meron pang ibang alaga yung babysitter.

mga sis, baka naman may kilala kayo nagbe-babysit? 5 days per week.  sa  abu dhabi kami.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #106 on: September 28, 2014, 07:23:00 pm »
@keisha, sino ba pedia ng baby mo dito? baka may marecommend sayo. pero dinala ko ang son ko dati kay Dr. Zbignew, sa Al Noor Airport rd. siya.

sana makahanap kayo ng babysitters ni sis @paydayramos.. hirap pa naman kumuha ng mag aalaga dito :( gusto nyo, ako na lang! hahahaha

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #107 on: September 29, 2014, 02:29:22 pm »
sorry naman at hindi na kinaya ng powers ko na magbake last week. hehe.

holly,
sige balitaan kita. balitaan mo din ako ha. ikaw mas malapit dyan e. haha

wala ako macontribute tungkol dun sa OWWA chuchu. taong bahay kasi ako.

kung magkakalapit lang sana tayo, willing ako mag babysit. kahit 10 pa kayo hahaha. matyaga ako sa bata. madami ako mata at tenga kaya kahit may iba akong ginagawa sa bahay alam ko nangyayari sa paligid ko. haha.

paydayramos

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #108 on: September 29, 2014, 03:14:19 pm »
^naku sis joyce sayang! di ba pwedeng lipat ka na ng abu dhabi? hahahahah

kaya nga plano namin i-shorten ang vacation namin ni baby para [textspeak!] adjustment nya pagbalik di sya mabigla kasi for sure mag adjust na sya dahil galing kami bakasyon tapos pag nakahanap ng babysitter mag adjust pa rin sya dahil bago mag aalaga sa kanya.

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #109 on: October 01, 2014, 08:44:08 am »
Parang nagworry na ako, mukhang mahirap nga maghanap ng mag-aalaga sa mga babies dito sa AUH ano? Nagtry din akong magsearch sa mga nursery, subrang mahal naman. Nagvolunteer Mama ko na siya daw mag-aalaga kay baby pero di ko naman alam paano vivisahan kasi though hiwalay sila ng Erpat ko wala namang legal papers. Mga sis baka may suggestions kayo papaano?

sis Joyce sa susunod nalang ulit  ;D

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #110 on: October 01, 2014, 11:58:16 am »
joyce, mukhang busy ang weekend nung andito kayo ah hehe.. sige next time na lang ang goodies ;) naku wala kasi akong alam na sale pagdating sa galleria mall hehe..

yena, mahirap nga maghanap ng mag-aalaga dito :( kapag kumuha ka naman ng nanny, malaki din ang magagastos nyo.. pag sa nursery naman, malaki din.. ayayay!
goodluck sa mga sis na naghahanap ng babysitters! hope magawan ng paraan ang paghahanap ng mag-aalaga sa mga babies nyo.. sad naman kasi kung hindi natin sila kasama.. hayyy uae, bakit kasi ganyan ang rules nyo :(

kireinachean

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #111 on: October 01, 2014, 02:12:30 pm »
^korek sis bhey ang hirap talaga kumuha magaalaga dito, halos nasa 10k ata ang magagastos kaso e 1 year lang yung visa tas renew na naman ulit, 5k ata dun e security deposit.

^sis Yena yung friend ko din ganyan ang case nya kaso may kasama sya sa work na local kaya pinakiusapan nya na yung local ang maghousemaid visa sa Mama nya. Baka may friend kang local sis, yung dati ko naman kasama sa house meron silang nahanap na nagbebenta talaga ng visa, kaso sis sa Dubai to e hindi ako sure sa rules ng Abu Dhabi kung same lang..



bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #112 on: October 01, 2014, 07:25:18 pm »
^ayan nga ang ginagawa ng iba, kahit dito sa abu dhabi, ang magpa-visa sa local. because it's cheaper and 2 yrs ang validity ng visa. yan ang option ng isang officemate ko na prego ngayon. may kakilala ata ang SIL nila na local na pwedeng mag-visa. hindi biro naman kasi talaga ang gastos pag kumuha ka ng housemaid/nanny. agency fee + security deposit (na hindi naman refundable) eh ang bigat na. sakit pa sa ulo magprocess..

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #113 on: October 01, 2014, 07:30:53 pm »
happy looong weekend mga sisters!
« Last Edit: October 01, 2014, 07:55:23 pm by gracita13 »

faye-tee

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #114 on: October 01, 2014, 07:34:57 pm »
Happy long weekend sis, Enjoy your Eid holidays (=

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #115 on: October 01, 2014, 07:53:18 pm »
weekend mode na kayo? ahaha
ako din! sana thursday na lol
Eid Mubarak! Enjoy the long weekend.. although disappointed ako sa holiday ngayon kasi ang igsi hehe. i was expecting it longer like the previous years..

faye-tee

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #116 on: October 01, 2014, 08:11:50 pm »
Ahaha feeling ko thursday na eh

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #117 on: October 01, 2014, 08:41:46 pm »
ahahaha yez!!! halfday pa bukas  ;D

faye-tee

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #118 on: October 01, 2014, 08:55:26 pm »
Whole day pa kami bukas eh, tapos backto work na on monday, anyway ok [textspeak!] naman, wala din naman ako pupuntahan haha (=

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 4
« Reply #119 on: October 01, 2014, 09:07:43 pm »
waaa gracie! inggit!
whole day pa kami bukas then monday, back to work na rin.. itong si hubs, til tuesday ang holiday! kay sarap ng buhay! ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close