Author Topic: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby  (Read 17770 times)

simang

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #20 on: September 04, 2014, 11:35:04 pm »
this thread reminded me of this video

http://www.youtube.com/watch?v=cH6SKV_PN5A

The Importance of Looking Good for your partner...it's zoren and carmina, being interviewed by kris. zoren said something like, women should take care of their body, huwag hayaan ang sariling tumaba. lalo na kung nameet ni guy si girl ng payat. let's face it, kaya nga niligawan ni guy si girl because he found her attractive, so dapat daw i-maintain yun. don't give the guy an excuse daw na magloko...(carmina was arguing all the while at nahihigh blood na lol na hindi excuse na porket mataba ang girl eh iiwan na, at walang karapatang mangbabae ang guy dahil lang sa ganun)  sabay banat ni zoren,"kaya ako, walang karapatan magloko, kasi look at you (carmina)" hehe

True naman ito, not only sa physical aspect, but also as a whole person (haha). I mean if he was attracted to you dahil masayahin ka, syempre when you're mopey and sad you don't look as attractive. If he liked you being fun and spontaneous and carefree, when you become controlling and kill joy mas tuturn off talaga sila. Same thing with the looks. So if he liked you for your physique, work hard to keep that. :)

Girltalker2

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #21 on: September 05, 2014, 09:45:36 am »
^hirap talaga maging babae
 
you work like a man, tapos pag uwi expected ka gumawa ng gawaing bahay, mag alaga ng anak, magluto ng hapunan, tapos inaasahan pa rin na you're drop dead gorgeous!

kaya ata maraming babae tumataba pag nag asawa na dahil sa stress, napapakain na lang

That's why don't allow yourself into that trap. Ayoko ng partner na nag e-expect mag earn ako at ako pa gagawa sa bahay.  Kung ganun, dapat sya rin tumulong sa house, para patas. 
Ayoko din ng partner hindi conscious, dapat pareho kami. Dapat supportive din sya sa well being ko.

When young, focus on your studies and your self development (career wise), parang pag late 30s 40s and 50s ka na, you will have the capability to enhance yourself, hire helper (nang di ka malosyang), and spend more time at the gym rather than cleaning the toilet bowl.

True naman ito, not only sa physical aspect, but also as a whole person (haha). I mean if he was attracted to you dahil masayahin ka, syempre when you're mopey and sad you don't look as attractive. If he liked you being fun and spontaneous and carefree, when you become controlling and kill joy mas tuturn off talaga sila. Same thing with the looks. So if he liked you for your physique, work hard to keep that. :)

Somehow you should also strike a balance.  Kung lagi mo aayusin ang bahay such that you neglect na your husband, hindi din naman ok yun. Ayos nga ang bahay, ignored naman ang asawa, so bale wala. In the same case, kung gusto ng girl ma-maintain ang itsura nya nung 20s sya tapos 50s na sya, it will take 24/7 maintenance to do that, such that baka wala narin syang time sa partner nya. So hindi din naman tama yun.





Cyru

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #22 on: September 12, 2014, 02:25:26 am »
Okay lang naman yung konting sobra lang sa taba or weight ang babae, pero wag naman yung sobrang laki ng dagdag. Hindi na kasi maganda tignan at parehas din sa lalaki, hindi rin maganda tignan kapag mataba masyado haha.

iamlili

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #23 on: September 12, 2014, 03:06:03 pm »
Dati super insecure ako kasi mataba talaga ako, and yun yung time na may bf ako. Si bf payat and matangkad tapos ako maliit at mataba! According to him okay lang naman daw sa kanya. Pero dala na din ng stress from uni and work noon, I've lose a lot of weight. I realized it's important to maintain your weight din. Hindi lang din naman kasi yan para sa bf/hubby mo but for yourself na rin. Mas naging confident din ako nung pumayat na ako.

Marquita

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #24 on: September 26, 2014, 11:44:52 pm »
Me and my bf have gotten fatter together in the course of 4 years.

then i pushed him for us to start going to the gym as in super excited pa ako and confident na papayat na ako finally kasi mabilis ako pumayat dati pag work out eh pag tumatanda pala humihina [textspeak!] metabolism at pag nagpabaya

aba ayun pumayat na siya compared sa akin as in sobrang halata na everytime makikita kami magkasama ng mga kakilala namin parati ako naccompare sa kanya. or kung di man ako na ccompare parang siya lang yung pupurihin super na ang payat niya na etc.

sobrang naiinsecure ako as in di ko na siya pinapansin at mega tampo na nauuwi sa away at gabing sobrang walang kwenta.

narealize ko minsan na di ako nakakaramdam ng pagmamahal sa kanya dahil sa asar ko sa situation namin

pakiramdam ko iniwan niya ako sa journey ng pagpapapayat. Im still trying but sobrang napanghinaan ako ng loob at parang walang gana. gusto ko tuloy maghanap ng mas matangkad sakin na lalake, ka height ko pa tong bf ko so its even worse how we look together. Im so big and he's becoming really smaller than me.

its really hard to deal with the process of losing weight and at the same time dealing with the feeling of being inferior, insecure and inadequate lahat na! tapos dahil pa sa partner mo.

katrinac

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #25 on: September 27, 2014, 12:55:29 am »
I'm guilty :D
Pero yung una palang yung nasa courting stage palang kami ni hubby, chubby na ako nun. Pero in a nice way. hehe! Chubby na sexy ang dating LOL! Pero sya, may kapayatan din kasi. And take note head over heels sya sakin.
After 2 years, I gave birth. And ayon, lumaki talaga ako ng todo. Pero now, 8 kilos nalang need na mawala sakin para bumalik ako sa pre-pregnancy weight ko. Pero ang laki ko parin tignan kapag katabi sya kasi slim ang body type ng husband ko. Pero sya, he assured me na kahit nagka stretch marks ako, and may additional body fats sa tyan, okay lang daw at love na love padin daw nya ako. Minsan tinatanong ko sa kanya na baka ayaw na nya sakin. Tatawa nalang sya, and sabay sasabihin, kung ayaw ko na sayo, pipilitin pa ba kita every now and then makipag siping.  ;D

But kahit I gained much weight after ko manganak, I make sure na mag ayos parin KAHIT PAPANO. Yung mga damit na sinusuot ko, pag make up and pag lipstick - minsan kahit sa bahay naka lipstick ako. haha! para naman di ako mag mukhang haggard. Pero TRUST me. ang hirap mag maintain ng ganito lalo na kapag may anak! Kami nga na may kasamabahay na, hirap na hirap parin. I Even magdamit ng maayos sa bahay, mas gusto ko na yung baggy clothes ngayon pati. I breast feed pati, so mas gusto ko yung easy access for baby. And kapag may anak na, hindi pwede yung babagal bagal. Yung pag make up and pagligo ng matagal dati, kung pwede lang 10mins dapat tapos na agad. hehe!

Madali sabihin na hindi porket may asawa, dapat may time parin mag ayos sa sarili. Believe me guys, hindi sya ganun kadali. Swerte lang ng mga mommies na may time pa mag gym - kasi ako di ko ma juggle ang time ko ngayon pagdating sa ganyan.

toinks.toinks

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #26 on: September 27, 2014, 03:00:39 am »
guytalker here...kung maputi siguro ok lang mukhang mabango at neat pa din, pero pag medyo dark..ewan na lang  8)

lilvanity

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #27 on: October 01, 2014, 06:58:26 pm »
fortunately, hindi pa naman ako mas malaki or mataba kesa sa hubby ko but I'm not stick thin ah. I'm in my late 20s na, I was thinner when we first met pero after giving birth lumabas din kasi medical conditions sakin like hypothyroidism. medyo unfair naman i-judge ang babae na tamad kaagad kapag lumulobo, madaming medical condition sa female na nagccause ng weight gain like PCOS and hypothyroidism.

estelle21

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #28 on: October 01, 2014, 10:51:53 pm »
^out of topic to pero ok lang naman siguro kasi ako yung TS haha!

sis Marquita! kaya mo yan hhaha! gusto ko nga rin magpapayat. i lost parang 8 lbs simula nang magpalit ako ng work pero baka dahil yun nagtuturo ako (lakad lakad, active etc.) sa sembreak siguro ako papayat hahaha

sis baka naman nag ggym ka pero yung food mo po e ganun pa rin?

nag riresearch na rin kasi ako sa weight loss, di ko masunod kasi magastos ahah pero ang sikreto daw talaga e nasa pagkain.

mahilig ka ba sa sweetS? sa maalat? sa fastfood?

try mo kain ng mga healthy food. pag mag crave ka ng sweets, fruits na lang sis. tapos imbis na mag away kayo ni BF what if magluto na lang kayo ng healthy meals sabay? bonding na rin at the same time :)

oatmeal + banana  + honey = yum! madaling gawin pati... quick cook oatmeal wag instant.

palit ka rin ng brown rice =) matagal iluto pero mas matagal naman mapanis.

iwasan uminom ng mga flavored drinks.

wag papa stress. nakakataba po stress sis


Pink_Sugar

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #29 on: October 02, 2014, 07:37:08 am »
Ako naman namamayat pag na stress, flat agad ang tyan at payat agad ng cheeks ko, mas maganda ako pag na stress. Hahaha pero pag happy na ulit ako ayun nagkakalaman na ulit. LOL

Marquita

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #30 on: October 02, 2014, 09:49:56 am »
Hi sis estelle21 thanks sa reply :) well totoo naman pagkain nga talaga. I tried using apps to count calories everyday but was only consistent for a few weeks. Pero consistent naman pag ggym ko.

I know it's all on me, kung bakit di ko ma achieve yung weight na gusto ko. I still have 40lbs to lose to get back my weight before. At hindi rin kasi drastic ang pagbago ko sa food na kinakain ko. parang ganon parin. pero ayun dala na nga minsan nung attitude na "hay nako parang di naman ako pumapayat at naiwan na ako ayoko na mageffort para narin masabi nalang sa ibang tao na hindi ako nagpapapayat kaya mas payat siya sakin" ang laki talaga ng effect sakin, ngayon nga feeling ko may mental disorder ako dahil sobrang naoobssess ako sa thought na ang pangit ko at sobrang kulang na ako dahil mataba ako, dahil may stretchmarks ako. I just really lost all confidence especially na kung magd-do na kami ni bf at wala nang damit sobrang nagsself-pity ako at minsan pa pag stress talaga naiiyak nalang.

sana lang hindi ganon yung mga tao sa paligid namin, mga kamag-anak at kaibigan. Kailangan ba talaga nila kami icompare and minsan nangaasar pa. yung lang naman yung mga nakakahurt


Angelite

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #31 on: October 03, 2014, 08:17:30 pm »
Siguro hindi kona hayaan pang dumating sa time na mas malaki ako kay hubby. Papunta pa lang ako sa ganung weight eh kontrolin ko na. Mahirap na.

Girltalker2

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #32 on: October 03, 2014, 09:28:04 pm »
^ sometimes madali sabihin, pero sobrang bilis talaga mag gain and the problem pa, once you gain the weight, it sticks to you like glue.

sis marquita, huwag ka mawalan ng pag asa. talk to your BF din na sana naman maging supportive sya sayo at hindi makipagcompete sa weight loss. It's really not fair. Pero ganun talaga.

Mortal sin to take - junkfood, softdrinks, sugar, pork, rice. Iwasan mo lang iyan 5 na iyan for 3 months, pustahan tayo, you will definitely lose weight.  Tapos eat only veggies, fruits, fish, and chicken (no skin).  Sandwiches. Lots and lots and lots of water. 

« Last Edit: October 04, 2014, 09:54:24 am by Girltalker2 »

p0isonIvy

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #33 on: October 03, 2014, 10:01:27 pm »
i still think a woman owes it to herself not to let her body go. sure we all know that women's bodies are more prone to unsightly changes as we grow older. pero dapat andun pa din ang pag-aalaga nya sa sarili. not so much because she wants to please her man, but for her own self-worth and self-esteem.

sugardrop

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #34 on: October 04, 2014, 12:35:05 am »
^
True. I only stopped taking soda last year and I lost 20lbs in 2-3 months.

Girltalker2

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #35 on: October 04, 2014, 10:00:57 am »

^^ yes sis, but there is always a limit.

If it will take you 24/7 mag work out just to maintain the weight you had nung pre-pregnancy days mo, parang hindi naman ata worth it. What kind of life is that. It should somehow has a balance na sige may konting gain ka, pero you exercise parin and healthy - hindi lang slim but also healthy heart, low cholesterol, walang high blood, etc.

Medyo nagmamaktol lang ako these days, call it OA, pero napipikon nako. I gained that 2-3kg when I went to Tokyo and KL lately, back to back kasi.  It is now over a month and I haven't lost them. May 1 kg pa natitira sakin. Call it obsessed, parang sobrang unfair to gain that weight in a week's time and lose it over a much longer period of time.

To think regular naman din ako nag-gym. Admittedly, ang dami kong cheats sa food lately. THe hard part din kasi is cutting on the food. Kahit 1 meal lang na nag overeat ka, the consequence is mahirap magcontrol na sa succeeding mealS (with an S) for several days/weeks. Kelangan never to overeat kahit 1 single meal para hindi mag expand ang stomach mo. At hindi mo hanap-hanapin yung food na yun (ie junkfood, sweets).





silke

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #36 on: November 21, 2014, 05:19:00 am »
Bf doesn't seem to mind naman na chubby ako. I guess it's because eto na katawan ko nung niligawan nya ko.. di nya ko nakilala nung mas payat pa ko e. sorry sya. haha! Seriously though, ayaw nya pa nga na magdiet ako. Pinapagalitan ako pag ayaw ko kumain. kaya sabi ko sya na lang papatabain ko.  ;D

little_princess

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #37 on: November 21, 2014, 10:43:31 am »
It's all about the bass  ;D

Hubby is super lean and I'm chub chub and he doesn't mind. He likes it even for some reason. I guess in their culture this is normal and most guys would be with someone who is fuller.

ohcmon

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #38 on: November 21, 2014, 12:01:29 pm »
My boyfriend is only 4 kilos heavier than I am, pero 4 inches taller siya. Matangkad din kasi ako for a woman, hehe.

He doesn't seem to mind naman, pero when I complain about my dresses getting tighter na, he'd say "edi magreduce ka kasi" hahaha.

blackgreen

  • Guest
Re: Mas mataba si GF/wife kesa kay BF/hubby
« Reply #39 on: November 21, 2014, 12:39:53 pm »
Share ko lang mga sis. Product kami ng match-making ni bf. First time pinakita picture ko ayaw niya kasi daw mataba ako and may nililigawan siyang slim. Then after a year makulit kasi nagmamatchmake sa amin, pinagmeet kami in person na. Di pa rin ako payat nun, pero pumayat na akong konti. Nagkagustuhan ligaw ending kami.

Overtime, palaki ako ng palaki, sumasabay na nga rin siya kasi ang laki na rin niya. He doesn't mind, though I make an effort magpapayat kasi may issue ako sa reproductive system ko. I was never insecure kung mas mataba ako sa kaniya. Sobra nga honest ni bf, sabi daw ng Nanay niya mataba gf mo. Nakilala na niya ako mataba na ako. I just need to control my eating habits dahil napapabayaan ko na naman.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close