watch now

Author Topic: Gestational Diabetes (Thread 3)  (Read 86865 times)

IamDindin

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #40 on: September 06, 2014, 09:52:46 am »
^Ako napansin ko kapag kumakain ako ng bread (white) or pandesal, tumataas talaga.  Kaya nag ri rice na lang ako sa umaga, but half cup lang. Kasi mas mababa pa pag ganun. Experiment lang din kasi eh. 

Same with you sis LGV, pag buffet, hindi din ganun kataas sugar ko. Hehe

LGV

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #41 on: September 06, 2014, 10:51:33 pm »
Oo nga sis mas busog pa ang feeling eh sa bread sa totoo lang minsan naduduwal nga ako doon tinitiis ko lang para mabawasan gutom.

Nako sis bakit kaya ganun tayo haha atleast lang nalaman ko nageexperiment kasi ako atleast hindi nako takot magbuffet nung una kasi na sinabing may GDM ako nakakaparanoid alam mo na.

IamDindin

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #42 on: September 07, 2014, 04:38:21 pm »
^In my experience sis kapag mas marami yung meat sa carbo na tine take ko, mababa kapag chine check ko sugar ko. Parang si carbo ang talaga nakakapag pa shoot up ng sugar. Sa experience ko lang naman yan sis. hehe

chimponzi

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #43 on: September 07, 2014, 09:24:26 pm »
last saturday, check-up ko nanaman sa endo. nung wednesday, my OB wrote to my endo to increase yung calorie intake ko per day from 1900 to 2000 kasi di ako nag-gain ng weight and nasa low normal ang size ng baby ko. yung endo ko, hesitant siya na taasan yung calories/day kasi ang dami na daw nung 1900. so advise niya sa akin, i-weigh ko na yung food ko para makuha ko ng tama yung mga suggested serving. ang suspicion niya kasi, since approximation lang palagi yung sizing, hindi talaga tama yung food intake. and one more bad news, may ketones nanaman ako doon sa last urinalysis ko. tsk.

i just started to weigh my food today and na-overwhelm talaga ako. based on my diet, i should eat like 7 servings of meat during lunch and dinner. ang dami nga! haha. suko ako sa dami. di ko ata kakayanin yung 2000kcal/day. stick muna ako dito sa 1900 for this week. problema ko lang kapag work day. kasi kelangan ko dalhin sa office yung scale. haha. parang nakakahiya ilabas. :P

isa pa palang advise sa akin ng endo ko, mag-milk daw ako. so ang ginawa ko, 1c non-fat sa morning tapos 1c ng whole milk sa gabi. parang gusto niya anmum inumin ko kaso parang ang daming negative feedback ako nabasa dati regarding sa lasa. ahahaha

with regards naman sa buffet, i think pwede talaga basta kakarampot yung rice! haha. 1 serving is 80grams. so parang isang closed fist approximation. and unli na lang na lettuce sa salad bar! ayun nga lang, no dressing. haha

sorry haba post ko :P

mrsB

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #44 on: September 07, 2014, 10:21:35 pm »
Carbs talaga ang salarin. Yung proten naman ay di nakakapagpataas ng blood sugar kaya keri lang. Ako talagang sobrang nilalakasan ko sa ulam ngayon kasi nga nagbawas din ako ng weight at may small ketones ako. 2,100 naman ang prescribed calories sa akin ng nutritionist.


hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #45 on: September 08, 2014, 03:29:22 pm »
Kahapon kumain ako ng 2 slice of wheat bread, cheese pimiento at 1 glass of milk ang resutla - 153 hahaha... sinubukan ko lang naman.. so ngayon kelangan lang talaga magbawas ng food..Rice nga ang no. 1 kalaban hehe... dinadamihan ko na lang sa unli gulay para mabusog ako..

mrsB

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #46 on: September 08, 2014, 10:36:06 pm »
Ang typical breakfast ko ay 1 slice wheat bread, 3 turkey bacon (which is more malaki than normal bacon) and 1 fried egg... Pag ganyan, ok lang ang blood sugar ko hehe. Pag nagdoble ako ng wheat bread, malaki na ang itataas.

khriseeee

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #47 on: September 09, 2014, 03:52:31 pm »
Had my FBS and OGTT this morning and these are the results. All within normal limits but my 2nd hour results are borderline. Results below with normal ranges in parentheses. Should I be concerned?

                        SI Units                                     Conventional Units
Fasting              5.0 (normal <5.80)                      90.10 (normal <104.50)
1HR                  5.60 (normal <9.20)                    100.91 (normal <165.70)
2HR                  7.5 (normal <7.70)                      135.15 (normal <138.70)

altheabride

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #48 on: September 09, 2014, 08:08:11 pm »
This really helps a lot.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #49 on: September 10, 2014, 01:40:21 pm »
Got my hba1c results so far pasok naman ako sa normal ranges. Pati urine ko ok din ang results. Dapat pala nagrequest nalang muna ako magparetest bago inendrose sa Endo e.

Yung glucometer ko minsan inaccurate. Siguro dahil minsan konti yung blood na nakukuha ko. minsang isang test e naka 4 na prick ako hahaha...

dreamweaver83

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #50 on: September 10, 2014, 04:07:17 pm »
^Good naman. Ako hindi pinag-hb1ac pero I'm pretty sure it's less than the recommended 6.1% in pregnancy.

Still doing the 4x/day testing, same breakfast and bedtime snack everyday, no sweets and limiting carbs. Naiinip na ko sa pagwait kay baby. Gusto ko na ng ibang breakfast and magnormal diet. Kinakausap ko nga si baby na lumabas na pero wala pa ring signs. 38 +3 today.

@chimponzi - Naku ganyan yung diet plan na ginawa din for me ng Makati Med. Di ko na yun finollow. I adjusted my intake and made sure I'm eating enough to not be starving and snack a lot. Kasi 2000 calories is a lot. I just make sure I don't eat too much at one time. Di ba tumataas sugar mo sa milk? Takot ako sa liquids na may sugar kasi tumataas talaga for me eh.

baby_iel

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #51 on: September 11, 2014, 11:37:07 am »
Hello mga sis, nakapagpa CAS na ba kayo? Normal ba nagiging result kahit GDM pati yung amniotic fluid? Pinapa cas kasi ako ni ob. 30 weeks na kami ngayon.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #52 on: September 11, 2014, 01:40:28 pm »
parang late naman sis ng cas mo?

baby_iel

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #53 on: September 11, 2014, 05:59:21 pm »
Ano ba mga tinitingnan sa CAS? Nagpunta na ako sa ospital kanina kaya lang walang ob sono bukas na lang daw uli. Late na ba yung 30 weeks? Ngayon lang kasi ako ni advice ni ob. Sana healthy ang lahat kay baby pati amniotic fluid niya.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #54 on: September 11, 2014, 08:09:53 pm »
yung iba sis 18-26 weeks e. ako 24week ako nag CAS. Makikita na yung gender ni baby saka if kumpleto na ang mga organs nya. Matagal to kasi inisa isa talaga yung mga organs ng baby

hakunamatata

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #55 on: September 13, 2014, 06:29:59 pm »
Had my OGTT today and heres the result:

FBS 94 (>92)
1st hour 161 (>180)
2nd hour 128 (>153)

failed ako sa fbs pero sa mga sumunod na extraction pasado naman.

kailangan ko bang mag worry? candidate na ba ako for gdm?

mjp

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #56 on: September 13, 2014, 11:23:15 pm »
 ^parang ok naman results mo kasi importante is you metabolize the sugar. Kung iyan results ko ipapasa na ako ng OB ko. Kailangan ko mag-gain ng weight kasi. Sa lunes ko pa malalaman results ko.

hakunamatata

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #57 on: September 15, 2014, 11:10:43 am »
^ thank you sis, nabuhayan ako sa sinabi mo sana nga ok lang kay Doc na ganun ang result ng blood test ko. takot kasi ako sa mga susunod pang procedures na gagawin like yung diet plan, blood monitoring and etc. Masakit sa ulo at sa bulsa. hehe

mjp

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #58 on: September 15, 2014, 12:41:13 pm »
I really think you will be fine. The nurse sa OB office called me, I failed the OGTT test. Nasa 200+ sa akin so I have to go in to get the machine and discuss my meal plan.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #59 on: September 15, 2014, 01:50:55 pm »
oo sis hakunamatata normal naman yang results mo e. Ok lang din naman yung may minomonitor hahaha para maging aware ka sa food intake mo. Anyway - nakamove on na ako. Nakakapag liempo pa nga ako sis e.. pero syempre konti lang hahaha...

sis mjp ok lang yan. wag ka madepress - pag nagamay mo na yan makakain mo din ang mga gusto mo.. Akala ko kasi dati e limited lang pwede ko makain e. Di naman pala... :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close