watch now

Author Topic: Gestational Diabetes (Thread 3)  (Read 86806 times)

Rezzia

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #20 on: September 02, 2014, 08:57:07 pm »
hi, magkano ang OGTT? may alam kayo sa mandaluyong area?

LGV

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #21 on: September 02, 2014, 10:29:59 pm »
Usually mga 600 pataas. Basta hindi abot ng 1k.

Mga sis ano ba talaga nagiging effect sa inyo ng metformin? Gusto ko itigil kasi parang nakakadagdag sa hilo. Nakakababa ba talaga to ng sugar or pangnormalize sya? Parang iba yung effect sakin.

mrsB

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #22 on: September 03, 2014, 01:48:55 am »
parang ganyan din ang problem ko nung nakaraan. binigyan ako ng 1900 calories/day na diet kaso di ko nako-consume lahat ng suggested serving kasi nga ayoko tumaas yung blood sugar ko. edi ayun, hindi ako nag-gain ng weight..

pagbalik ko ng endo, nag-worry din siya kasi baka hindi na tama yung size ng baby ko sa age niya. kaya ayun, insulin na ako. nung una parang takot din ako i-take yung meds pero kung hindi ko gagawin yun, mag-suffer naman si baby kasi wala na siyang nutrients na makuha from me. :( kung ako lang, kaya ko i-tolerate yung konting gutom.. pero nung sinabi ng endo ko na baka hindi lumaki si baby, payag na ko mag-insulin.

saka parang ok na din kasi mas na e-enjoy ko na yung pagkain. haha. 4units/day ako.. 2units during breakfast then 2units din before lunch.

I tried eating more yesterday. Mas maraming protein din. So far ok pa rin naman ang blood sugar ko. Nag-urine test din ako kanina for ketones and parang in between negative to trace na lang ang result. Ayaw ko talaga mag-insulin huhu!

-----------

Anyway, I went to my OB kanina and was shocked when she told me na magiging weekly na ang ultrasound ko because of my GD. Nakakaloka, I find it a bit excessive naman. For the past month, ok na naman ang blood sugar ko.  :(


outandaboutph

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #23 on: September 03, 2014, 09:14:59 am »
GDM din ako noong preggy ako and super worried din ako kasi for some reasons hindi ko naman masunod iyong diet tapos super lapit na ng due ko. So far wala naman naging problem sa amin ni baby.

sweetarwen07

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #24 on: September 03, 2014, 12:41:46 pm »
kulang na lang, lagyan ako ng star sa kamay ko ng endo ko.  very good daw ako!
twice lang ako lumagpas sa 95 na before breakfast ako.  all the rest, pasado ang results!

pero continue ko pa din daw ang pag monitor hanggang sa makapanganak ako.  yun lang paubos na strips ko, another 1,200 na naman ito.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #25 on: September 03, 2014, 07:14:14 pm »
sad - GDM na nga ako... nanggaling na din ako sa endo kanina at ayun na nga nirefer lang naman ako sa nutritionist. Parang pasa pasa lang e.. nakakainis lang.. Ang tagal pumila kasi ang daming pasyente tapos ganun lang...

hingi naman ako sis ng mga tips pano ko maovercome ito... super nadedepress kasi ako e... 2000 cal/day nirequire sakin...

sweetarwen07

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #26 on: September 03, 2014, 08:26:15 pm »
^ sa totoo lang sis, wheat bread lang ako sa umaga at kung anong pwede kong palaman dun. Pag lunch naman, half rice lang ako tapos strictly 1 banana or 1 fruit lang a day. No sweets ako. Anmum lang yata nag matamis kong nakakakain. In between meals, crackers lang ako. Dinner ko sandwich pa din basta wheat bread pa din. Kung kumain man ako ng mamon, small size lang or a portion of it lang. Controlled diet talaga sis. Hirap pero yoko kasi sabihan ako na mag insulin. :( usually veggies and fish ang ulam ko sis.
« Last Edit: September 03, 2014, 08:28:32 pm by sweetarwen07 »

mrsB

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #27 on: September 03, 2014, 10:21:26 pm »
^^I totally avoided sweets. As in zero talaga. Then I switched from white rice to brown rice, from white bread to wheat bread.

Pero be careful sa pagdiet kasi nga 2,000 calories ang kailangan mo in a day. Ako kasi 2,100 at feeling ko hindi ko nakakain yun sa fear ko na tumaas blood sugar ko. Now I'm into protein. Dinadagdagan ko talaga.

chimponzi

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #28 on: September 04, 2014, 12:04:34 am »
hun-nie08 - asa MMC din ako kanina! para sa NST saka BPS! haha

mrsB, sweetarwen07 - ako din wheat bread nalang instead of white bread. kaso di ko alam kung bakit walang epekto. waaaah. yun lang nga ang kinakain ko pag breakfast saka sobrang nipis na palaman pero pumapalo ng 140+ ang sugar ko. kamusta naman yun... haha. nakakaloko lang talaga minsan itong GDM e.  ;D ;D ;D

ako, di na ako kumakain ng kahit anong fruit dahil susmiyo... pag ginawa ko yun, nakakahiya i-log yung blood sugar ko kasi mukhang mapapagalitan ako sa result. LOL

------------

so kanina, nagpa-NST and BPS ako para malaman kung maganda ba ang lagay ng baby namin. ayun... since hindi nga ako nag-gain ng weight (nag-loose pa nga ako) at sobrang controlled ng kain ko.. normal naman daw ang size ng baby ko.. pero andun sa maliit na normal. :( kaya ayun, may sulat ako from OB, bigay ko daw sa endo ko kasi kelangan ko mag-gain ng weight. haaaaay.


NST at BPS nanaman ako sa september 19. pray ko lang talaga makisama itong blood sugar ko para lumaki na si baby namin.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #29 on: September 04, 2014, 01:50:06 pm »
chimponzi sayang di tayo nagkita kanina...

mrsB, sweetarwen07 - sige magwheat bread na din ako sa breakfast.. oatmeal at cereals normal bfast namin e. no sugar tapos milk lang...

Sabi nung friend ko effective daw maglakad lakad after eating para bumaba ang sugar natin bago tayo magtest....

May mahihiraman ako ng glucometer pero sa Monday ko pa makukuha yun. Ok lang kaya yun mga sis... Nakakahinayang naman kasi if bibili pa ako e... Magkano ba usually ang presyo ng mga yun?

Sa Makati med kasi sabi ni sis chimponzi 1200 yubg 50 strips(libre na yung glucometer) pero plus 700+ pa sa needles. Parang masyado naman ata mahal.... hehe



chimponzi

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #30 on: September 04, 2014, 06:29:48 pm »
^ PhP1200 yung 50 na strips kapag yung Omnitest/Braun na model ang napili mo. nung ako kasi, yun na lang yung available nung mga panahon na yun. hehe.  ;D

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #31 on: September 04, 2014, 07:10:45 pm »
oo nga mukhang mas mura na nga sis yun sa makati med nag inquire na ako sa mercury drug e - yung iba e 10pcs na strips lang ang libre... tapos mahal na ang refill

sweetarwen07

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #32 on: September 05, 2014, 12:22:45 am »
Gluco Doctor gamit ko. Sa mercury drug 795 pesos ang 25 strips, 1,485 pag 50 strips.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #33 on: September 05, 2014, 01:30:08 pm »
Nakaattend na ako ng Nutriotion counseling. Kinuha ko group class pero ako lang naman mag isa ang nakaschedule buti na alng 200 din ang difference e. Tingin ko nagmamadali yung nutrionist nila - Ang dami ko pang tanong sa isip e palipat na agad ng page hehe.. Bilis nya kasi magdiscuss e. Anyway, ako pa din pala ang mag aayos ng diet plan ko eh hahahaha.. Akala ko naman kasama na nila yun hahaha...

Parang nakakatakot magkakain hahaha... Kaso baka naman di lumaki nun si baby hehe...

Share nyo naman mga sis mga usually meals nyo.

About sa glucometer - di pa ako bumili kanina.. Nag in na muna kasi ako since di pa naman ako decided if alin ang bibilhin ko. Kagabi nag inquire ako sa mercury - parang mas mahal sa kanila since di pa free yung meter. Sa MMC naman ang iniisip ko is alin ba sa dalawa - omnitest at one touch ang difference nila is may memory daw yung omnitest at saka sa price naman

1,200.00 - omnitest (50's strips)
2,046 - One touch simple  (100's strips)

Sa refill naman ay
1200 -  omnitest (50's strips)
1,023 - One touch simple  (50's strips)

mga 200 strips kasi siguro magagamit ako e... san kaya ang mas okay? Kayo sis anong option nyo?





baby_iel

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #34 on: September 05, 2014, 02:59:22 pm »
^ last week lang ako ngstart mgmonitor sis. Yung gamit ko na glocometer Easymate nabili ko sa generika. Tag 750 may free na tag 10 na strips at lancets. Tapos yung 50 pcs na strips 1100 at tag 2.50 naman yong lancets. Maganda naman gamitin di nag eerror

LGV

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #35 on: September 05, 2014, 05:48:55 pm »
Again, naweirduhan nanaman ako sa pagmonitor. Nung kumain ako 2pcs na bread though white yun, may konting tuna na palaman and warm water lang, nagdilig pa ako ng halaman sa labas as a form of walking manlang kahit 5-10 min. Nag140 sugar ko pagcheck. Kagabe hindi ko napigilan nagSambokoji  kame I admit medjo marami ako nakain talaga though super konri ng dessert and walang rice. Puro beef, tempura, salmon na niluto ko naman kahit temp na temp ako kainin ng raw ang ilang pirasong california maki. Eh more than 15 minutes ko nakain lahat yun, pagcheck ko 93 lang sugar ko. Nageexperiment din kasi ako kung gaano ba itataas just in case magviolate ako para atleast alam ko lang.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #36 on: September 05, 2014, 06:20:18 pm »
^ sis kelan mo kinain yung  bread at tuna? baka naman madami mayonaise sa palaman.
wow so pwede pala ako mag Sambokojin hahaha... :D

^^ thanks sis nakabili na din ako since need ko na magstart tom.
since nag choice ko e Omnitest by Brann tapos yung isa is One touch simple select. Nagdecide na ako na One touch yung kukunin ko since mas mura ang strips nya after sales. Kaso wala pala syang kasamang needle tapos out of stocks pa yung box nila sa med express. So no choice ako nag Omnitest ako at balak ko sa labas na lang bumili ng needle.. Since pwede naman daw generic na needles. Yung iba daw kasing needles ang difference lang naman is mas painless ang prick.

Pag akyat ko sa Nutrition dept nila, natuwa naman ako kasi binigyan ako ng nurse ng free na 2 box of strips by  50's.. so total of 160 strips meron ako.. yun nga lang mag eexpire na sya sa sept... so unahin ko na lang daw yun.. Yung free strips sa kit e oct naman ang expiration date.. yung binili ko til feb 2015 pa naman. Approx ko e 200 strips ang magagamit ko hanggang makapanganak 0 buti na lang at if ever kasya na yun or konti na lang ang bibilhin ko. Tinuro in sakin nung nurse kung pano gamitin - napaisip nga ako baka may bayad na naman yung lecture e. Yun ata yung 450 na short seminar sabi ni sis chimponzi eh. Buti wala naman.. di ko masyadong naabsorb hahaha.. nahihilo talaga kasi ako e.

Kanina kumain ako sa KFC nahihilo na kasi ako e. Saging na saba at veg lang ang lunch ko tapos skyflakes ang miryenda. Napakain ako ng one piece chicken at half rice. Sabi ng bestfriend ko, itry ko daw mag prick para matest ko tonight at alam ko na gagawin ko tom.

Goodluck sakin..

LGV

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #37 on: September 05, 2014, 06:27:01 pm »
Sis hindi same daw mga 2 days ago yata yun, anyway hindi ko maalala kung maraming mayo pero light naman gamit ko. Yun nga nakakatawa so sabi ko nga kay hubby okay lang pala magbuffet kahit lage basta no rice and konting dessert lang haha! Hindi ko lang magets sa 2 tinapay kahit pa medjo maraming mayo as against naman sa kinain ko kagabe na talagang bloated ako.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #38 on: September 05, 2014, 06:30:56 pm »
breakfast yun sis? mataas daw kasi talaga tayo sa breakfast e.

LGV

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #39 on: September 05, 2014, 10:18:37 pm »
Oo nga daw pero hindi sya breakfast bale parang lunch/merienda ko kasi I ate it as soon as I woke up from my afternoon sleep.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close