watch now

Author Topic: Gestational Diabetes (Thread 3)  (Read 86739 times)

chimponzi

  • Guest
Gestational Diabetes (Thread 3)
« on: August 26, 2014, 05:53:45 pm »

LGV

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #1 on: August 26, 2014, 10:09:35 pm »
Thank you sis! Buti pa kayo matatapos na sa diet. Ako 12 weeks palang. Hindi ko masyadong nagustuhan endo ko at napakabilis ng consultation. 90 fbs and 120 after meals ng target ko daw dapat. I have yet to go sa dietitian. For now nageexperiment pa ako, naloloka din kasi ako sa result. There was this once I ate 5pcs lumpiang togue and saba conyelo less than 90 ang blood sugar ko. Meron naman I ate 1/4 rice and fish fillet naging 140. Tapos may time nagcrave ako ng sobra sa chicken balls and kikiam kumain ako worth 50php then I ate rice pa after and chicken. When I checked 96 lang. Medjo naweweirduhan ako.

Ang isa pang weird dapat every 2hrs ang kain pero ako after an hour starving na and medjo papunta na sa mahihilo sa gutom. Bakit kaya ganun nahihirapan talaga ako. Nagmemetformin ba kayo? Inistop ko kasi nahihilo din ako dun, nakakababa ba sya ng blood sugar talaga? Sorry dame ko tanong. Napapagod na din ako sa consulation almost weekly kaso kelangan lang talaga.

chimponzi

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #2 on: August 27, 2014, 01:38:16 pm »
^ i feel your pain sis! haha. ganyan din ako... erratic yung blood sugar ko. minsan kahit pare-parehas lang kinakain ko iba-iba talaga ang result. ilang calories per day ang diet mo?


<120 nalang din ako after meals.. trulalu, every week na din ako sa endo. nakakapagod.. kasi bago ako pumunta ng endo, kelangan magpa-urinalysis ako the day before kaya twice in 1 week ako nagpupunta ng MMC.


di ako sure sis about metformin e. ako kasi, insulin na ako before breakfast saka before lunch.


goodluck on our GDM journey! isipin nalang natin matatapos din ito. hehe. anything for our baby di ba? :)

LGV

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #3 on: August 27, 2014, 02:24:57 pm »
Yrah may point ka naman nakakapraning lang din talaga and the fact na super aga ko nagstart sa journey na to parang ang bagal bagal tuloy ng araw. Since nagspotting pa ako around 6-8 weeks eh nasa bahay lang ako until now and still not fit to work kaya din siguro mas hirap ako. Buti ka sis covered ng hmo mo, ako basta maternity related hindi covered kaya lalong nakakatamad haha! Well tama ka maovercome din to :)

dreamweaver83

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #4 on: August 27, 2014, 04:55:38 pm »
^Same here. Anything pregnancy-related, di covered kaya sobrang gastos ng weekly checkup. Buti na lang di ako super aga nadiagnose baka maloka ko :) Baka kulang ka sa calories sis. Sabihin mo sa endo and dietitian mo na nagugutom ka.

^^Bakit ka daw pinapaurinalysis? As in every week? Twice a day na pala insulin mo. How is it so far? Under control naman?

chimponzi

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #5 on: August 27, 2014, 05:11:02 pm »
^tinitignan yung ketones sis kung meron. para malaman niya kung nagugutom ako o hinde. oo halos every week ako sa endo. ang higpit e!


mukhang ok na ako nitong 2x na ako nag insulin. nakaka-kain na ako ng maayos na lunch. kasi sinabi ko talaga na sobrang konti lang ang nako-consume ko doon sa suggested diet. saka kada punta ko sa kanya, nababawasan yung timbang ko.. e di pala yun maganda kasi di ba... baka daw hindi lumalaki yung baby ko. kaya ayun, insulin nalang ako before lunch. :)


ikaw sis? ok ka na din? lapit na due mo di ba? :)

dreamweaver83

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #6 on: August 27, 2014, 05:59:54 pm »
^Grabe pala no. Yan din ang hirap sa controlled diet, dapat nagggain ako ng 1 lb/week ngayon pero same pa rin weight ko more than a month na. Pero okay naman yung baby lumalaki naman. Sept. 21 pa due date ko pero full term na ko by Sunday. Kailangan ko na maglakad-lakad kasi ayokong lumaki ng sobra yung baby dahil gusto ko nsd. Under control na sugar ko. Di na rin ako nag-insulin after nung 3 days. Medyo diet na lang talaga. Kung di rin ako worried sa expenses, okay rin lang sa akin mag-insulin kasi ang hirap magdiet pero gusto ko makatipid sa package kaya career mode ang paddiet. Konting tiis na lang naman.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #7 on: August 27, 2014, 07:07:49 pm »
Newbie here in this thread...

Okay naman result ng OGCT ko pero yung sa urine ko may glucose na 3+ so pinag OGTT ako ni OB. OGCT lang kasi pinagawa nya kasi ok naman yung fbs ko nung June saka yung 3month history ko ng sugar e. Sana naman ok yung results ko sa susunod..

Rezzia

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #8 on: August 27, 2014, 09:25:27 pm »
Hello,

Im 24 weeks. Pinapaschedule ako ng OGTT 3 weeks from now, anong procedure ba gagawin sakin and pano ko ipeprepare sarili ko?

chimponzi

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #9 on: August 28, 2014, 12:16:22 am »
dreamweaver - buti pinaalala mo yang tungkol sa mga package package! di ko pa din natanong OB ko haha. ako din nga naglalakad-lakad pauwi para maburn yung mga kinain ko.. kaso, sumasakit naman yung singit ko. hahaha


hun_nie08 - napadpad ka dito sis? haha. goodluck sa OGTT!


rezzia - kelangan mo mag fasting for 8 hours. no food, no water. pag dating mo sa laboratory, papainom sayo yung glucose. kelangan mo yung ma-consume in 5minutes (sa MMC sabi 5mins, d ko lang sure sa iba). tapos, kukuhaan ka ng blood sample. 4x ka kukuhaan ng blood sample. 0 hour - for your fasting blood sugar. tapos one hour interval para doon sa 3 remaining blood samples (1st hr, 2nd hr, 3rd hr).

bellelaide

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #10 on: August 28, 2014, 12:41:34 am »
Hay hirap naman ng situation nyo mga sis. Buti na lang abswelto ako sa gestational diabetes kahit ang bilis ko mag gain ng weight tapos ang takaw ko sa matatamis.  ::)

Kaso naman bagsak naman ako sa CBC. Ayun anemic. Hayz.
Gudluck mga sis.

dreamweaver83

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #11 on: August 28, 2014, 01:47:57 am »
^Naku ayun na nga din yung nafifeel ko. Medyo nakakatamad maglakad kasi masakit. I should do it every afternoon lakad papuntang mall then back home pero tinutulog ko na lang. Siguro when I hit 37 weeks career mode na din ang paglalakad.

^^I think walang special preparations na magagawa besides the prescribed fasting. Kasi if you're really glucose intolerant, walang magagawa kahit magdiet for the next few weeks. Talagang tataas yung glucose after taking the sugary drink.

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #12 on: August 28, 2014, 01:32:25 pm »
Oo nga sis chimponzi eh. Naku - bakit kasi may nakita pang glucose sa urine ko e... :-(

hun_nie08

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #13 on: August 30, 2014, 12:47:08 am »
Bagsak ako sa 2 out of 3 sa OGTT ako.. :-( for sure irerefer ako sa endo... sana makuha din sa diet... Parang ano na lang kakainin ko? Ang dami ipagbabawal.. Siguro dahil sa milk, yogurt, rice at fruits yun...:-( kasi hindi naman ako nagkakain ng mga sweets e.. weird kasi pasado ako sa fbs ko last june yung ogct ko din pasado nung tuesday lang.. Oh well

baby_iel

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #14 on: August 31, 2014, 05:00:07 pm »
Hello newbie here,

Last saturday sabi ni ob ko may GDM daw ako kaya nirefer ako sa endo. At yong binigay na limit ni endo 90 before breakfast at 120 one hr after lunch at dinner for 2 weeks. Tuesday pa schedule ko sa dietitian. Pero noong friday nagstart ako magmonitor ng sugar. Below 120 yung after dinner ko. Pero sa after lunch 128. Yung before breakfast ko 96-101. Mga sis any advice naman para mababa ang before breakfast at after lunch. By the way 29 weeks ako ngayon. TIA

dreamweaver83

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #15 on: September 01, 2014, 08:47:05 pm »
^Sa before breakfast, suggestion ko not to skip your bedtime snack. I found na pag too long from my last meal to my breakfast, tumataas sugar ko. Yung after meals, follow lang siguro your meal plan tapos mag-adjust ka na lang ng portions later. Makikita mo kung anong food yung nagpapaspike up ng sugar mo once nagself-monitoring ka na so malalaman mo din kung anong bawal sayo.

LeallianFaye

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #16 on: September 01, 2014, 11:19:14 pm »
Pasubscribe mga sis  :D


Ewan ko kung diagnosed na ba ko ng GDM pero ang taas ng sugar ko kaya natakot OB ko, tinanong ko siya kung dahil nag iced tea muna ako nung bago ako mag pa urinalysis kaya may +2 sugar sabi niya pwede pero to make sure pina ogtt niya ako nung nagpa ogtt na ko 1 week before nun umuwi yung tita ng asawa ko from france may dalang chocolates ayun... kaya feeling ko pumalpak ako sa ogtt. hehe! Pinapaconsult ako ni ob sa nutritionist and endo kaso hindi na kasya sa budget ang nutritionist kaya ako ngayon super backread sa thread.  ;D ;D Tingin tingin mga bawal na foods and pwede. Bibili na rin kami ni hubby ng glucometer bukas and start na ng diet no sweets na talaga and less carbs! siguro no carbs na din. Haha! Goodluck satin mga sis!

mrsB

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #17 on: September 01, 2014, 11:42:12 pm »
Hay, ok na sana ang numbers ko. Kaso nang mag-test ako ng urine, may "small" ketones naman yata ako. Meaning, hindi yata enough yung kinakain kong carbs/calories in a day. I am almost 30 weeks and siguro mga 10lbs lang ang inincrease ng weight ko. Ang hirap kasi dito sa Canada, wala rito yung mga food na gusto kong kainin. Nahihirapan din ako sa diet na sinabi ng nutritionist kasi nga very western naman. Pinoy food pa naman ang gustung-gusto kong kainin.

I am afraid, ayaw ko talagang mag-insulin.  :(

chimponzi

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #18 on: September 02, 2014, 04:39:53 pm »
parang ganyan din ang problem ko nung nakaraan. binigyan ako ng 1900 calories/day na diet kaso di ko nako-consume lahat ng suggested serving kasi nga ayoko tumaas yung blood sugar ko. edi ayun, hindi ako nag-gain ng weight..

pagbalik ko ng endo, nag-worry din siya kasi baka hindi na tama yung size ng baby ko sa age niya. kaya ayun, insulin na ako. nung una parang takot din ako i-take yung meds pero kung hindi ko gagawin yun, mag-suffer naman si baby kasi wala na siyang nutrients na makuha from me. :( kung ako lang, kaya ko i-tolerate yung konting gutom.. pero nung sinabi ng endo ko na baka hindi lumaki si baby, payag na ko mag-insulin.

saka parang ok na din kasi mas na e-enjoy ko na yung pagkain. haha. 4units/day ako.. 2units during breakfast then 2units din before lunch.

baby_iel

  • Guest
Re: Gestational Diabetes (Thread 3)
« Reply #19 on: September 02, 2014, 06:31:04 pm »
Sis dreamweaver83 salamat sa advice ha. Nakausap ko na ngayong hapon ang dietitian binigyan niya ako 1900 na diet prescription. Sabi niya pag sinusunod naman daw ang diet plan nakakaya daw makontrol ang sugar para di na umabot mag insulin. Kaya super pray talaga ako na gumana ang meal plan. Tanong ko lang yung ginagamit ko na glocometer easymate sa generika ko lang nabili ok naman siya di nag eerror. Kaya lang naubusan sila ng lancets at strips, pwede ko kayang bilhan ng ibang brand para makapagmonitor na uli ako..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close