watch now

Author Topic: Epidural or Natural birth?  (Read 48864 times)

airwaterfire

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #100 on: July 28, 2016, 05:52:09 pm »
first pregnancy (termed baby)- induced pero walang pain reliever or epidural or anesthesia (very good daw ako sabi ni ob kahit sobrang sakit). meron pala lidocaine noong tinahi na ang hiwa ko.

2nd pregnancy (miscarriaged at 2+ months)- normal spontaneous abortion at home

3rd pregnancy (now at 6 months)- initially discussed ni ob my birth plan na normal, no medication pero hesitant si ob kasi marami na daw siya patients matapang lang sa simula or sa birth plan pero pag andun na nakalimutan lahat. sabi ko naman kaya ko yan doc. I know kaya ko.
« Last Edit: July 28, 2016, 05:56:36 pm by airwaterfire »

MedChic

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #101 on: August 17, 2016, 08:03:52 pm »
Hi. Sa dami na ata ng napaanak ko, its my time to give birth in few months time. If this baby sticks! (And I am really claiming it)

Different scenario, different drama, different reactions..

I always say sa mga patients ko, kung kaya mag normal delivery with/without sedation, mas magandang itry. Mga sinaunang nanay natin, kinakaya naman yun. Once hindi na kaya, we can easily call the anesthesiologist for an Epidural anesthesia.

PERO, ako.. Sa tingin ko magpapa epidural ako. Ambaba talaga like super baba ang pain tolerance ko. Pero parang gusto ko pa din yung natural birth. Woooot. Tulad ng patients ko, try hanggat kaya, hingi na lang ako ng epid sa anesthesiologist ko pag hinding hinding hinding hindi ko na kaya. Gagalingan ko na lang ang pagpush para mas mabilis. Hay.

Goodluck mga sissies!

Discuss everything with your OB. Para mas ma guide ka.

gquind_rn

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #102 on: June 28, 2017, 05:08:57 am »
Mga mommies about to give birth or has given birth,  naka decide na ba kayo of mag epi kayo or normal? Im still undecided.  May history kas4 ako ng back pain prior to pregnancy.

hushush

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #103 on: June 28, 2017, 05:34:58 am »
^nagpa-epidural ako nuon kahit may history ng backpain.nadulas kasi ako sa stairs pero hindi ko napagtignan sa doktor. Then gumaling naman nakapag-hiking pa ako. Then nung nagle-labor na parang di tumatalab ang epidural sakin. Mababa daw ang pain threshold ko sabi ng ob. Panu nangyari yun eh di ko nga nararamdaman na lumalabas na pala yun ulo ng bata while umiire dahil wala ako nararamdamang sakit sa pwerta. More on contractions sa uterus yun nirereklamo ko... Di ako nagfully dilate..weird..Anlaki tuloy ng binayaran namin sa anes kasi sumobra daw ako sa dosage..cs din naman in the end hehe.. :)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #104 on: June 28, 2017, 05:51:14 am »
Medchic: nakakatuwa naman kahit pala OB ka na mismo eh may mga ganyan pa ding feeling. LOL

Magkaiba ba yung anesthesia ng epidural at pag CS?

Naalala ko nung naglalabor ako for 16 hours, super sakit nung nilagyan na ako ng oxytocin kasi ayaw magdilate nung cervix ko, lagi lang syang admits tip? Nagrequest ako ng pain less ayaw ni Dra. Hehe diko naitanong kung bakit. Tapos at 2cm ni rupture nya BOW ko, meconium stained na. Na stat CS na ako. Ginhawa. LOL
Sobrang sakit nung may oxytocin. Ayaw ko na malagyan non.

gquind_rn

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #105 on: June 28, 2017, 06:25:45 am »
Para tuloy ayoko na mag pa epi. Pareho kayo na cs kahit naka epi na? Sis hushhush bat na cs ka if nakalabas na halos ulo ng baby mo? Sa first baby ko kase twilight delivery ako. Medyo matagal bago ko pinatulog kaya super sakit ng labor. Dito sa 2nd baby gusto ng ob epi daw para awake ako. Makapag breast feed daw agad. Kase sa twilight eh bangag nga naman ako. Pero concern ko sa epi yung long term effect since sa spinal itutusok. Yung back pain ko cause by mild dextroscoliosis. So parang inborn siguro to. Baka lumala kase. Sister ko naman sabi mag normal nalang daw ako kase sya 2 kids nya no pain meds. Sa US sya nanganak nun.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #106 on: June 28, 2017, 06:56:16 am »
Ako mahina rin tolerance ko sa pain. Umiiyak na ako sa sakit kaya no choice kaya binigyan ako ng epidural laking tulong. Naisip ko may way naman para hindi mahirapan bakit kailangan mag tiis sa sakit. So far no problem ako sa likod and i hope talaga wala.

hushush

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #107 on: June 28, 2017, 07:57:55 am »
^sis gquind_rn

Nafetal distress yun baby. Medyo marami din ako dinaanan na mga prob sa pregnancy. Mataas ang blood sugar. Tapos nagkavaginal infection..then na-uti pa. Tapos nagle-labor na ako nun nilagnat pa ako..ako na yun nagmakaawa sa doktor na i-cs ako pero ayaw nya sana kasi gusto nya nsd ako..mabuti na lang kinulit ko sya kahit nanghihinan na ako.nakakain na pala nag meconia ang bata. Na-pneumonia ang baby at naconfine for 10days..
Ang masakit dun inilihim sakin ang true reason. Nalaman ko lang nung nanganak ulit ako sa same hospital. Lahat ng nurse alam na nakakain ng pupu ang 1st baby ko. Kaming mag-asawa ang walang kaalam alam. Ang sinabing reason ay nagka-uti daw kasi ako kaya nagkaganun ang bata.. Kaya ako i wont recommend that ob to anyone. May pagkamasungit pa.

I-add ko lang pala na after ko ma-epi at spinal anes ay nagkaron ako ng chronic lower back pains..until now sumusumpong ang likod ko hehe.di ko pa rin kasi napatignan sa doktor. Nawawala lang ang sumpong pag maayos ang diet ko at puro gulay ang kinakain ko.atsaka kapag nakakapagworkout ako..
« Last Edit: June 28, 2017, 08:02:51 am by hushush »

prettylove

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #108 on: June 28, 2017, 09:38:31 am »
^sis hushhush sinu ang ob na sinasabi mo? Or kahit hospital na affiliated sya para maging aware lang kami. Thanks!

sarsingkit

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #109 on: June 28, 2017, 09:52:06 am »
I had epidural, but I think if everything was explained to me or if someone calmed me down, I would have had a natural birth. I was already 8cm when they administered epidural and that is just because I got scared that I wont be able to push with the contractions. Kung alam ko lang na mawawala din naman ang effect ng epi during pushing eh sana hindi na ako nag epidural. Although I only had one shot of epidural, I didn't ask for more.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #110 on: June 28, 2017, 10:01:51 am »
^huh nawala ang effect during delivery? Sa akin kasi until tahiin ang stitches ko may effect pa rin ang epidural ilang hours pa after delivery nawala ang effect. Kaya no pain umire.

hushush

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #111 on: June 28, 2017, 10:08:33 am »
^^dra. Cabalza yan sis. Sa Borough sa Eastwood yun clinic na pinupuntahan ko nuon..bitter pa rin ako till now kasi hindi ko na nahabol yun incident..alam mo yung feeling na nanakawan ka na pala at lately mo lang nalaman..

sarsingkit

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #112 on: June 28, 2017, 10:32:34 am »
^^I had topical anesthesia na lang nung tinatahi. Yung ini-spray na nagfefreeze. Before pushing, I can feel the epidural was already wearing off pero naisip ko I don't want to be completely numb so I can sync my contractions with the pushing. Yung tipong I can actually feel it rather than just relying on nurses and doctors looking at machines. I guess one good thing that the epidural brought me is presence of mind. Haha.


ficklemind

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #113 on: June 28, 2017, 10:57:22 am »
Epidural NSD ako.
I asked about this kay OB during checkup, she can't promise kasi nga daw tendency hinde na umiire once nalagyan ng epidural.

Reliever OB ang nagpaanak sakin, Contractions were so painful pero nakayanan ko naman, I actually forgot that epidural was an option hanggang sa fully dilated na ako, Hirap ako sa pushing, hinde ko magawa ng tama, paulit ulit yung resident OB at yung nurse na nagiinstruct sakin na mali daw ako, gusto ko  sila sabunutan! Buti mabait yung OB ko she let me rest and take my own pace. She was encouraging me na kayang kaya ko ilabas si baby.

she finally decided na iepidural ako after 45mins of pushing na, hinde daw kasi  marelax yung likod ko (inaangat ko) kaya hinde ko mapush ng tama.
It was hard while nilalagay ang epidural kasi tuloy tuloy na yung hilab eh hinde na ako mapakali kaya ang daming humawak sakin.
Nung pagkalagay ng epidural,  sabi ni OB pag hinde ko pa rin nailabas ng 4am iCS daw niya ako, napathank you Lord ako but I looked at the clock,  jusko 2am pa lang! hinde ko na kayang mag-antay ng ganun katagal hahaha, kaya siguro ako namotivate magpush  ;D
 
yung first push after epi nailabas ko na si baby, wala pa ata 10mins yun so hinde ko sure kung nag take effect ba talaga. Nakakaramdam ako ng pain during stitching, I told the OB na masakit, yung ang last word na nasabi ko bago ako nagpass out.

In total 4 hrs lang tinagal ng labor ko from admitting till lumabas si baby.
Lagi ko sinasabi mababa tolerance ko sa pain and ayoko magkaanak because of this but my labor experience proved otherwise kaya everyday nagtthank you ako kay baby hinde niya ako pinahirapan.
 
« Last Edit: June 28, 2017, 11:00:00 am by ficklemind »

Shadow Angel

  • Guest
Re: Epidural or Natural birth?
« Reply #114 on: June 28, 2017, 11:58:19 am »
^^thankful naman ako un epidural ko ok until stitches. And about pushing and contractions while epidural mafeel mo pa rin ang contractions un lang hindi masakit. Need lang na pakiramdaman kung ano un gumagalaw sa tyan/puson. Kasi during time na sinasabi ng nurse na contractions na itry na ifeel pinagkaiba ng contractions sa wala so dahil dun ako na nagsasabi na I need to push na. Actually 10-15mins lang inabot ng mismong delivery ko ilang push lang lumabas agad si baby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close