watch now

Author Topic: Side Dish/Partner Ulam  (Read 113726 times)

mrscardenas2011

  • Guest
Side Dish/Partner Ulam
« on: August 12, 2014, 11:33:04 am »
 Ano ano ba ang mga partner na ulam o pwede ipang side dish?

Like for example mamayang gabi  yung daing na bangus ang ulam , ano ba maganda na partner na ulam don? or side dish?

TIA!
« Last Edit: October 09, 2014, 02:28:45 pm by mrscardenas2011 »

monamie02

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #1 on: August 12, 2014, 11:58:03 am »
sis para sakin mas maganda kapartner ng mga pritong ulam ay mga gulay kahit yung gisa gisa mo lang o kaya something na masabaw..

mrscardenas2011

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #2 on: August 12, 2014, 12:18:53 pm »
^adobong sitaw okay ba?

monamie02

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #3 on: August 12, 2014, 01:02:12 pm »
yes sis okey na okey yun (fave ko kasi mga ganun haha)
o kaya ginisang sayote or repolyo, or pechay.. hubby ko kasi ganyan ang paborito pero nilalagyan ko ng konting ground pork tapos konting soy sauce.. mabilis lang lutuin din yan at masustansiya pa. May isa pa pala maganda ipartner sa prito lalo na pag mga isda, yung sibuyas at kamatis hiwain mong maliliit tas igisa ng saglit na saglit lang sa konting mantika tas lagyan mo ng magic sarap. wag masyadong matagal sa apoy para hindi masyadong lumambot, tapos pwede mong na syang sidedish sa prito or sawsawan lagyan lang ng toyo at kalamansi. Fave din yan ni hubby actually kahit nga daw wala ng prito kasi pang ulam na daw sa kanya ang kamatis at sibuyas na ginisa. HTH sis..  :)

mrscardenas2011

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #4 on: August 12, 2014, 02:51:10 pm »
^thanks sis, though wala ako ground pork sa bahay ngyaon, pwede ba ang langgonisa?

monamie02

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #5 on: August 12, 2014, 04:34:13 pm »
pwede na din siguro yung longganisa sis pero never ko pa natry ipangsahog yun ha.. kinakain ko lang kasi ang longganisa as is..ayaw ko sa kanya pag sinasahog sa ibang luto.. hindi ko type.. hehe

Beng01

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #6 on: August 12, 2014, 05:00:37 pm »
sa mga prito (lalo na sa mga isda) eto ang mga side dish ko :

-pritong talong
-ginisang ampalaya
-ginisang sayote
-patola na may misua
-adobong sitaw
-ginisang sitaw at kalabasa
-ginataang sitaw at kalabasa
-lato (sea weeds) in vinegar, bagoong, ginayat na kamatis at sibuyas
-ginataang langka
-laing
-tahong na may sabaw
-any Knorr soup (Corn soup, Crab N' Corn soup, Asparagus, etc etc.)

Mga ganyan lang sis, i-alternate mo lang para hindi nakakasawa ;)

-munchkins12-

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #7 on: August 12, 2014, 05:42:41 pm »
I suggest pag GG partner it with ginisang toge. :)

mrscardenas2011

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #8 on: August 12, 2014, 06:49:38 pm »
Wow ang daming ideas!  ;D thank you sisses!

How about partner naman sa masabaw na ulam like sinigang tinola nilaga?

ellipsis

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #9 on: September 04, 2014, 06:46:58 am »
it may sound a little odd, pero ang partner ng sinigang para sakin is hotdog,  usually kase sa leftover sinigang ko sha sinasabay. = )

other pairings we do:
steamed fish + ginisang kangkong
fried tilapia + mustasa salad (chop mustasa, kamatis, onions, and season add crunchy garlic, magsasabaw ito ng slight kaya tamang tama sa fried fish)
sinigang na isda + pritong isda,  usually same fish
ukoy + malunggay, patola, ginger and egg soup
fried galunggong + misua soup, nilalagayan ng patola para may gulay

Msfi

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #10 on: October 25, 2015, 03:15:18 pm »
^not odd at all pero ako naman pag may left over na sinigang masarap na partner ang spam

three8one

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #11 on: October 25, 2015, 03:27:58 pm »
prito isda + gulay + atsara
prito isda + ensaladang talong
prito isda/baboy + monggo
inihaw na isda + pakbet
inihaw na baboy + chopsuey
sinigang + patis na may sili sawsawan

red_yesha

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #12 on: October 25, 2015, 11:48:29 pm »
-masarap ipartner yung sinigang sa mga nakakaumay na ulam.
-kapag sinigang yung ulam namin, gusto ko lagi may bagoong.. asim at alat naghahalo.
-monggo +  lumpia
-itlog na maalat with kamatis + fried dilis
-hotdog + itlog :P

three8one

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #13 on: October 26, 2015, 12:38:03 am »
may dila talaga dapat sis sa hotdog + egg? hihi...

-------------

masarap isabaw sa kanin yung kape...

FayeP

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #14 on: November 05, 2015, 02:34:06 am »
^sis, nanay ko ganyan, kanin + kape tapos ulam pritong tuyo or daing...


mga pwede partner pag prito lalo na fish:
-ginisang monggo may konting ampalaya or malunggay
-sitaw na ginisa sa konting kamatis sibuyas
-labanos at kamatis (grate the labanos, then finely chop kamatis and onion, add a little vinegar, salt/pepper, sugar and/or magic sarap)..parang atchara
-cucumber na ginayat or slice depende kun ano trip mo, tapos vinegar, garlic, salt/pepper/sugar
-the best ang pakbet or bulanglang

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #15 on: November 05, 2015, 05:07:27 am »
ako naman, my weird pairing is sinigang and fried egg ;D everytime I eat sinigang, kelangan may fried egg talaga or incomplete.

My husband nagaya rin...

ubermame

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #16 on: November 05, 2015, 03:55:29 pm »
eto yung mga pinagpapartner ko naman na ulam

-paksiw na isda & estralladong itlog(madaming kamatis at spring onion)
-sinigang & ginisang alamang
-laing & suka na madaming bawang (as in madami!)
-bihon at sunny side up
-adobo at scrambled egg
-ginisang gulay & prito

ficklemind

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #17 on: January 04, 2017, 04:36:08 pm »
pag may sabaw na main dish (sinigang/nilaga/tinola) , gusto ko meron pritong isda
kahit isda din yung sinabawan like sinigang na bangus, gusto ko meron din partner na pritong bangus!

pag main ay any fried  , gusto ko meron gulay (ginisa) or kahit steamed lang

kapag inihaw ok na sakin kamatis+sibuyas if may talong pa mas masaya tska masarap na sawsawan sa inihaw

pag masauce na ulam  ok lang kahit wala ng partner lalo ng kung magulay naman like kare2x, afritada etc.

lagi din kami may stock ng kimchi sa ref pang side dish sa prito or take out bbq, lechon manok

also yung mga instant soup like crab & corn pwede din pang partner sa fried/inihaw.

EllaBratin

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #18 on: January 23, 2017, 03:17:19 pm »
Sa amin and usual lang na may partner ay fried at grilled dishes.

1. Fried Tilapia + Buttered kangkong or Talong with bagoong
2. Fried Chicken + Knorr soup or Chopsuey
3. Fried Galunggong + Ensaladang talbos ng kamote or ensaladang talong or bulanglang
4. Inihaw na Bangus/Tilapia/Baboy + Ensaladang mangga with itlog na pula
5. Pritong Tawilis + Sinabawang malunggay
6. Sinaing na Tulingan/Tambakol + Burong mustasa

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Side Dish/Partner Ulam
« Reply #19 on: July 26, 2017, 09:27:27 pm »
^ Sis ginutom ako sa list mo haha! Perfect! Ganyan din ako gumawa ng pairings.  :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close