watch now

Author Topic: mali ba ko? unfair ba ko?  (Read 2873 times)

prettyliciousme

  • Guest
mali ba ko? unfair ba ko?
« on: August 08, 2014, 02:34:44 pm »
hi mga sis, please paki payuhan naman ako..hindi ko alam kung mali ba ko o tama ako pero medyo nakakainis na lang kase talaga eh..

Nagumpisa to before ng wedding namin ni hubby. May 2012 bago pumuntang abroad si kapatid #2. nagusap sila ni hubby na pagaaralin si kapatid #5 ni kapatid #2. aabonohan muna namin [textspeak!] pang enroll kase papaalis pa lang siya ng may. ang gagamiting pang enroll ay yung budget namin sa kasal ng dec. at that time nagaaral din si kapatid #3 pero self support. si kapatd #4 ngstop siya kase sumama sa jowang tibo. isang sem na lang tapos na sana niya. dumating ang month of july and august sinisingil na ni hubby si kapatid #2 at sinasabihan na padalan ng pang allowance si kapatid #5. pero ang sagot ni kapatid #2 bakit daw siya lahat. eh siya na nagpaaral kay kapatid #4 kaso ndi naman ngtapos si kapatid #4. so sinagot ni hubby lahat ng expenses sa pagaaral ni kapatid #5. by month october sinabihan ko na si hubby na hwag na munang patuluyin sa pagaaral si kapatid #5 pero ngmaganda na naman si kapatid #2 sinagot ang pang enroll pero after nun ndi na naman ngpadala. sila daw ang my sagot pero ang ending kami pa din ni hubby ang sumagot. after ng wedding namin ng dec. lumipat kami ni hubby sa bahay ng parents ko. kami ngbabayad ng bahay at ngproprovide ng food sa bahay since nakikitara kami. ang mahirap na part kami din ang my sagot sa bahay, ilaw, tubig, food at allowances ni kapatid #3 at kapatid #5. si kapatid #3 graduating kaya madaming gastos. si kapatid #5 hrm ang course kaya magastos. in short nalubog kami sa utang.

dumating ako sa point na gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya kase naisip ko tutal [textspeak!] pamilya lang naman niya mahalaga sa kanya mas mabuting maghiwalay na kami. pero sympre hindi naman kami nghiwalay.

april 2013 - ngkasakit si kapatid #5 ng dengue. sinugod ko sa hospital habang si hubby naka out of town - pinadala ng deped sa tacloban. ngdecide si MIL na lumuwas dito sa manila para my magbabantay kay kapatid #5 sa hospital. habang nasa hospital nagkwentuhan kami ni MIL. hindi ko lang matanggap [textspeak!] sinabi niya na uuwi na lang daw si kapatid #5 sa probinsya at don magaaral para maiprovide daw lahat ng needs. nainis ako sa sinabi ni MIL. kase sa lagay ndi pa din naproprovide [textspeak!] needs ng mga anak niya eh samantalang nalubog na nga kame sa utang para lang maprovide [textspeak!] needs nila.

sept 2013 - bumukod na kami ni hubby. which is malaki naitulong. kase nguusap na kami. tapos onti onti nakabayad kami ng mga utang namin. kapag humihingi [textspeak!] parents niya ndi kami muna ngbibigay kase as in ngbayad talaga kami.

matagal na kaming ndi ngbibigay sa family niya. pero this year lang feb nghiram sila ng pambili ng baka so ngcontribute kami ng 5k. ang gusto pa nga nila 8k or 10k sana. pero napagusapan namin na ilimit lang yung ibibigay. after naming magpadala sunod sunod na naman ang hingi pero ndi naman namin na binibigyan. kung ano lang [textspeak!] kaya namin. my usapan kami ni hubby na since walang ibang magpapaaral sa bunso kong kapatid kundi ako lang. willing kaming kami na lang magpaaral. every month 3500 ang narereceive nila mama para sa tuition ni bunso. plus si mama nglalaba siya ng mga damit namin para my extra income siya.

my question is masama ba ko kase everytime na hihingi si kapatid #5 lagi kong inaayawan or ayokong magbigay. okay lang sana na tulungan [textspeak!] magulang pero [textspeak!] kapatid feeling ko ndi naman namin na totally responsibilidad since ndi naman kami [textspeak!] nangako sa kanya na pagaaralin siya. kasi every time na lang na my kelangan si kapatid #5 kami lagi ang tinetext. pati kapag my needs si kapatid #6, #7 at #8. sa family ko naman kapag nghihingi sila binibigyan ko kase kapag wala kami binibigyan din kami.

tsaka parang hindi ako makamove on sa part na sinabihan kami na uuwi na lang ng probinsya para maprovide lahat ng needs. tapos wala pang isang buwan nakatext din sa amin at nanghihingi..

naiinis lang din ako na parang kapag my kelangan lang tsaka ngtetext kay hubby. kapag tinetext ko ndi ako nirereplyan. ngkasakit na lahat ang hubby ko wala man lang text..

mali ba ko friend? unfair ba ko? sabi ko nga kay hubby dapat give and take..ndi [textspeak!] kami lang ng kami [textspeak!] give ng give..

please help...


dr.thereal.joy

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #1 on: August 08, 2014, 09:01:28 pm »
Hi sis i dont think na pagdadamot yan. Ala pa akong family of my own pero parang ganyan din situation ng parents ko. Laging utangan sila, mas maaga pa sa bangko pati weekends pwede. Pero my mom sets limitations. My dad loves his siblings very much kahit masakit na yung sinasabi nila tumutulong pa rin si papa. Si papa ang nakakaangat sa kanilang lahat and nagpaaral halos sa kanila.

Mommy ko sinasabihang ang "tipid" daw. Di rin madaling utangan mom ko. Pag nautangan pag araw ng bayarin asahan mo, tatawagan ka talaga niya. Usapang matino kasi dapat.  Sinasabihan siyang madamot minsan pero nasabihan siya ni Lola (MIL niya bali) na kahit madamot siya eh matalino sa pera si mama kasi nakaipon sila ng pera sa sistema nila at may mapaghuhugutan ng pera nung biglang nangailangan kami ng pera. As in nagulat sila na may ganung hawak nanay ko hehe.

Sa kwento mo sis is kayo ng hubby mo ang sinuwerte sa buhay compared sa ibang kapatid niya. Sa mommy niya to say na para maprovide ng lahat ng needs niya eh I guess andun lang yung "mother knows best" lang na attitude. Let it be lang, kasi kahit anong ireason out mo baka di lang makinig yung ibang tao. As long as you and hubby knows why kailangan niyong gawin then let it be.

lisse

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #2 on: August 08, 2014, 09:23:00 pm »
No, I don't think mali ka nor unfair ka.
First of all, lahat sila nabigyan niyo ng chances na maka-borrow sa inyo ng pera, right? Anong nangyari? Tumupad ba sa usapan? I-honor ba nila mga promises? Matino bang kausap? Hindi diba? So wala na sa inyo ang mali kasi you gave them a chance. Now if hahayaan niyo na lang sila na utangan kayo ng ganyan, eh wala kayong bait sa sarili niyo since mababaon kayo ulit sa utang like before, plus kukunsintihin ninyo sila na maging irresponsible, palaasa at bulagsak sa pera. Tough love, mahal niyo sila that's a given kasi pamilya sila. pero love your own family first (you, hubby, kids if meron).

So, I suggest deadma lang. Or straight to the point answer. "Pasensya na, wala akong papautang." "Sorry, wala sa budget ko."  O kaya, "diba hindi niyo pa bayad yung utang last _____. Wala na akong mapapahiram." or just simply say, "No." period.

castledoll

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #3 on: August 11, 2014, 12:24:37 pm »
no, you're not being unfair. There should come a point na dapat turuan ang mga kamag-anak to stand on their own feet. You don't work hard so that you can give everything to them. Tignan mo nangyari, kayo ang nalubog sa utang. Be truthful. Pag may nanghingi, sabihin mo na nagbabayad pa kayo ng mga utang and wala sa budget nyo ang mag labas ng pera.

Jaguar.Paw

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #4 on: August 11, 2014, 01:19:50 pm »
i feel you sis. ganyan din kami noon - pero yung parents ko. and to tell you honestly, hindi ka mali at hindi ka nagiging unfair sa kanila. normal lang na ma ma guilty ka minsan pero isipin mo din na nagsisimula pa lang kayo ni hubby. hindi naman kayo nagdadamot e. nagseset lang kayo ng limit when it comes to financial help. syempre, kelangan nyo din mag ipon para sa inyong future family.

masakit man to say "no" pero kelangan. in that way, matututo sila. asahan mo may maririnig kang hindi maganda pero at least you know na nakatulong kayo ni hubby ng walang keme keme.

baliwsayo

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #5 on: August 12, 2014, 10:39:08 am »
If you have the means, it's definitely more blessed to give than to receive. Pag wala naman then say NO. Di naman masama humindi kung hindi naman talaga kaya. No use to argue with anybody. Magsasawa din humingi ng tulong mga yan kung wala ka naman maibigay. Yun na ang ang ideal mo kay hubby.. tutulong kayo pag meron.. pag wala sorry na lang muna.. wag yun sa extent na ipangungutang pa. Pero shempre ibang kaso naman kung merong nagkasakit.. tumulong kayo maskipapano shempre.

ysa.belle

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #6 on: August 16, 2014, 11:03:40 am »
hindi masamang tumulong sis. mas maganda if tayo ang makatulong sa kapwa pero if tayo naman ang nagigipit para lang makatulong eh mali na iyon.

you and your hubby already helped his family more than enough, kaya tama lang yung hindi ka nalang nagreraply. ginagawa nila kayong bank na pag walang pera sa inyo kukuha kase alam nila magbibigay kayo.

tell them na wala ito sa budget and may mga loans din kayo na dapat bayaran. matatanda na sila, kaya nilang paraanan yan.

you have your own lives to live na, may mga own expenses kayo at you need to save for emergencies and for your future. hindi kayo nagtatrabaho para buhayin sila.

saka parang nanggugulang yung kapatid na nasa abroad eh. tapos wala pang preno magsalita yung mother in law mo re: sa iuuwi sa province yung kapatid na nagkasakit. hindi naman kayo na-aapreciate. baka nga pag di niyo nabigay yung hiningi agad agad or exact (or more) ng hinihingi nilang amount baka may sinasabi pa sila behind your back.

they should learn to stand on their own feet. they should realize na hindi kayo atm machine.

good luck sis.

gab54

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #7 on: August 16, 2014, 11:20:26 am »
I cant say if unfair ka or not. But I have to admit, unfair ako...
Pag dating sa mom ko at mga kapatid ko, I give a lot. Pag dating sa husband's side, tumutulong din pero limited. I cant help it thats the way I feel. I give naman to both sides, pero mas lamang lang talaga ang side ko. Ako kasi ang may hawak sa pera.
Having said that. Its better to give with a cheerful heart. Kung masama loob mo, might as well decline. Its never good to keep giving to others and teaching them to be dependent on u.

j.adore

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #8 on: August 16, 2014, 01:15:42 pm »
Just keep doing what you're doing and to hell with whatever they will say about you or your husband.

Ganun kasi talaga ugali ng mga leecher sis. Sorry for the term but it's not your responsibility to provide for them especially when they're so ungrateful.
Saka bakit kailangan HRM kung naka asa lang sa iba? Sana choice was a cheaper and faster course. Abuso lang.

Set aside a fixed equal amount for each family (yours and your husband) per month. Sila na bahala how they spend it basta may contribution kayo depending on your means.

Let go of your image. You can't please everyone at wag ka na umasa they'll treat you anything more than an ATM machine.

aquacharly

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #9 on: August 16, 2014, 03:29:49 pm »
Haynako: anak ng anak tapos  aasa sa anak.  Let that be a lesson to you:  have children that you can  afford, no more.

Hindi importante what they will say about you.
Importante what you say to yourself.
If money is limited now, pigain ka man eh wala.
Do not go into debt again like before --  hindi ka mawalan ng rason to utang kasi susko ang dami nilang humihingi!  So better, avoid utang.

Nahilo  ako sa dami ng Kapatid.   To be practical - tulungan yung malapit na mag graduate #3? At I-pending yung #5.    Sorry #5 - responsibility ka ng magulang ng mo. 

Best approach ganito:  you & your husband budget a certain amount for living expenses, then another amount for savings.  Tapos, ang natira eh kanya kanyang discretionary fund: spend anyway you want, no questions, no judgment.  If pag-aralin mo Kapatid mo, get it from your discretionary fund.  If he helps his family, get it from his discretionary fund. Fair is fair.


juni

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #10 on: August 16, 2014, 10:30:47 pm »
You're not being unfair sis, you are being responsible, intelligent and practical.  Hindi na tama yung ginagawa nila sa inyo mag-asawa, hindi naman kayo bangko or ATM--actually di nga bangko or ATM ang ginagawa sa inyo e kasi walang bangko and ATM na libre, e wala naman silang pinahawak na funds sa inyo.  Kahit IOU wala nga silang binibigay sa inyo, ang ginagawa nila e kumukuha sila ng funds sa inyo without paying any of it back and without even wanting or planning to.

Ang expectation nila is libre lahat.  Hindi na tulong ang ineexpect nila sis, ang ineexpect nila is that you bankroll all their activities when they want it and how they want it.  Hindi sila kumikilos para tulungan sarili nila, puro asa lang sila sa inyong mag-asawa, tapos they're ungrateful pa.  Hindi naman pinanganak yang husband mo para lang gawin nilang taga-sustento nila forever.  They are the ones who are being unfair, not you or your husband.

What would be unfair is if you continue to let ingrates like that abuse you and your husband.  What would be unfair is if you jeopardize your and your husband's future because of leechers like that.  Ikaw na mismo nagsabi e, nung nagkakasakit husband mo wala silang pakialam, nung kayo yung nangangailangan e hindi nila kayo tinutulungan.  Sarili lang nila ang iniintindi nila.  Ginugulangan nila kayo sis, matatanda na sila, kaya na nila magbanat ng buto, yung isang kapatid pa nga nasa abroad, pero sino ang kumakayod para mabuhay sila, hindi ba ikaw and yung husband mo lang?  As long as you guys allow this kind of abuse to continue, hindi yan sila titigil, kaya putulin niyo nang mag-asawa sis.  Kayo lang din ang mapapahamak niyan if you let it continue.

dainejen

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #11 on: August 18, 2014, 08:22:49 pm »
hi mga sis, please paki payuhan naman ako..hindi ko alam kung mali ba ko o tama ako pero medyo nakakainis na lang kase talaga eh..


my usapan kami ni hubby na since walang ibang magpapaaral sa bunso kong kapatid kundi ako lang. willing kaming kami na lang magpaaral. every month 3500 ang narereceive nila mama para sa tuition ni bunso. plus si mama nglalaba siya ng mga damit namin para my extra income siya.


tsaka parang hindi ako makamove on sa part na sinabihan kami na uuwi na lang ng probinsya para maprovide lahat ng needs. tapos wala pang isang buwan nakatext din sa amin at nanghihingi..

naiinis lang din ako na parang kapag my kelangan lang tsaka ngtetext kay hubby. kapag tinetext ko ndi ako nirereplyan. ngkasakit na lahat ang hubby ko wala man lang text..

mali ba ko friend? unfair ba ko? sabi ko nga kay hubby dapat give and take..ndi [textspeak!] kami lang ng kami [textspeak!] give ng give..

please help...



hi sis.. naiintindihan kita super, yung ------ ko puro hingi simula nung binata asawa ko hanggang sa magkapamilya.laginaming pinagaawayan yun, at tinatanggi nila,mas makapal ang mukha ng ganun.. dati nung magkakasama kami sa bahay nagdidikit pa ng note sa pinto na wala ng makain sa probinsya at hirap na hirap na pero ang malupit wag daw kakalimutan ang Galaxy.. kakapal!

sa tingin ko  kung para talaga sa pagaaral dapat tulungan kesa naman di makatapos at habang buhay na maging pabigat. medyo unfair yun na pag sa family nila mahirap magbigay pero yung kapatid mo kayo magpapaaral but dont worry sis nakakarelate ako.I know kung gaano kahirap magbigay sa mga taong alam mo na puro hingi lang pero pag ikaw nangailangan di ka manlang maalala. pag ganun parang mas gugustuhin mo ng paavalin ang kabit bahay mo basta di lang sila makahingi ng pera sa inyo. hahaha

medyo na hurt naman ako dun sa nilalabhan ng mom mo yung damit nyo para sa extra income.. ang hirap isipin sa anak na paglalabahin mo yung nanay mo ng damit nyo ng asawa mo saka bibigyan ng pera.. di ba pwedeng parang allowance nalang yun,kung ayaw tanggapin ipilit hanggang pumayag. ang sakit sa kalooban nito di ko magagawa at di ko kakayaning paglabahin mom ko para magkaextra income.. sorry

patriciaheart

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #12 on: August 19, 2014, 01:47:35 am »
hmm,,, I think tigil mo muna ang tulong, sabihin mo sa kanila ang totoo na lubog kayo sa utang at hinde pa puede mag labas ng pera kasi nakatali lahat. Wala naman sila magagawa eh, siguro help the siblings that are minors pero kung wala na eh wala. Pag kayo ang nagkasakit at etc tutulong ba sila sainyo? Mamaya ttulong sila sainyo tapos hinge nanaman ng pera at baka I sumbat pa iyon.. Hinde sa maramot ka pero lubog na kayo sa utang sis. Bigyan mo sila ng 6 months na wala muna tulong or until mag break even tapos sige tulog ulit kasi malaki interes ng utang eh. Mag tampo man sila well mas nakaka tampo ang ugali nila na ganun,, I think sa pag lalaba ng mama mo, pride na nya yun na tingen nya kumikita sya at hinde umaasa sainyo na bigay lang,, may mga tao kasi na ma pride diba hinde tumatanggap ng bigay, at meron naman garapalan bigay na nga lang may presyo pa haha wala rin sila pake kung san nappunta pera nyo dahil pinag hirapan nyo yan. Ingat din sa pag flash ng bling baka kasi dun nila nakikita ang idea na mapera since may bling.

prettyliciousme

  • Guest
Re: mali ba ko? unfair ba ko?
« Reply #13 on: August 25, 2014, 06:59:47 am »
mga sis, maraming salamat sa mga payo niyo..

at least medyo gumaan na yung loob ko..

regarding sa mom ko kaya ganun yung set up ayaw lang nilang masabi na hingi sila ng hingi..

gusto naman nila na kahit paano my naitutulong sila sa amin..

pero yoko naman talagang paglabahin si mama kaya lang choice niya lang din talaga...

regarding sa kapatid ko wala kaseng ibang magpapaaral sa kanya...

and naguguilty ako kase nagagawa kong tulungan or pagaralin yung sa side ng husband ko tapos

sarili kong kapatid hindi ko man lang matulungan...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close