Kahit hindi naman si Darren ang nanalo, eh parang siya na din, kasi mas sikat siya kay Lyca LOL.
Dun lang sa bulilit concert nila, parang concert niya LOL.
I love this kid, very well mannered, mabait yung aura niya, unlike Lyca and Darlene na may pagka off pag iniinterview, then si JK naman eh medyo hindi din kagandahan ang ugali, ang bata bata pa ni JK, maldito na at sarcastic (mentioned a governor na hiningan daw nila ng tulong pero 100 pesos lang binigay with matching sarcastic face saying "malaking tulong po!"
Si Darren tahimik lang, basta gusto ko kung paano siya pinalaki ng magulang niya, kudos to his parents.
Gustong gusto ko din ang boses niya, napakalinis kumanta, mapa english o tagalog, napapa wow ako talaga, kaya promise, pag nag concert siya ng solo, manonood talaga ako.
For me, male version siya ni Sarah G.
Bits about him na nasagap ko:
1. he's staying in Pinas for now with his Dad, while yung mom niya at sister eh babalik na ng canada.
2. Nag homecoming siya sa Munoz and Isabela (mini concert) grabe yung mini concert, punong puno yung GYM hehe.
3. Pupunta silang apat sa US for a concert.
4. Madaming offers sa kanya.
5. Ilang araw na siyang trending sa twitter hehe
Hanggang ngayon binabalik balikan ko yung "Ngayon" ni Darren, and napapaisip ako, walang tatalo nun sa tatlo pang contestant, kaya dapat hindi siya natalo.
Gusto ko din ang "Listen" niya.
Tawang tawa ako nung mag guest siya sa Kris TV, ka duet niya si Jed Madela, and pinagpawisan si Jed kasi sa taas ng boses ni Darren, effort daw sa kanyang sabayan hahahaha.
Darren, I am your fan, may God bless you a bright future ahead of you
