Author Topic: Unsupportive wife  (Read 14164 times)

abbmg

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #40 on: February 27, 2015, 10:50:43 pm »
hello mga sis :) thanks for all the replies, kasi kahit papano reading them makes me feel better.

i have been active pero dun sa kabilang thread on pregnancy kasi full term nako, i can give birth anytime. i just thought of giving an update.

nagtext saken yung asawa ko, nangamusta siya, after 2 mos of giving me the silent treatment. to be honest, kahit wala kaming naging communication for the past 2 months, updated ako sa buhay niya kasi ang kumakamusta saken ay yung brother niya at ang asawa nito kasi nga nag aalala sila sa kalagayan ko at hindi nila mapagsabihan yung asawa ko na ayusin niya ang mga plano niya since iba na sitwasyon dahil mag kakaanak na kami. they told me na ayun nga sinimulan ng asawa ko yung pagtulong sa business na binili niya before para sa kapatid niya pero of course sweldo niya ay yung pang "houseboy rate", nasangla na yung lupa niya at naremata na ng bangko yung sasakyan. sinabi ko sa inlaws ko na i don't feel sorry for him, kasi ginusto niya yan, mabuti na at matuto siya sa pagkakamali niya.

nakaluwas siya ng maynila. nagkita kami ng asawa ko ng patago, ang pathetic lang kasi mag asawa kami pero palihim pako nagpakita sa kanya without my parents knowing. totoo pala yung line na "ang dami kong gustong sabihin pero di ko alam kung san magsisimula" he never said he was sorry, sinabi niya lang saken na huwag nako umiyak, kalimutan na daw yung mga text niya sa nanay ko kasi nga nadala lang siya ng damdamin niya, na hindi naman niya magagawang iwanan kami ng baby. iyak lang ako ng iyak, naimagine ko kasi sasapakin ko siya pag nagkita kami pero wala hindi ko talaga siya magawang saktan. he then asked for more time, may panibagong plano na naman siya for me to give him time until this year daw. he asked kung gano kagalit pamilya ko sa kanya, sabi ko out of a scale ng 100.... 500 ang galit score sa kanya and i don't know how to fix it anymore. sabi ko kasi pumunta na siya sa bahay at kausapin parents ko pero ayaw niya kasi nga daw baka mag away lang sila ng mama ko or worse mapatay pa siya ng tatay ko.

he told me yung mga nangyaring paghihirap niya like kapos na kapos siya sa pera, nasangla na yung lupa niya at naremata na yung sasakyan, i told him na i knew it na. basta parang may paawa effect na nahihirapan siya. i just told him na nasa huli talaga ang pagsisisi. he just said na talagang wala siyang maibibgay saken para sa panganganak ko, hindi ko na rin binanggit yung hiniram niyang pera kasi nga sabi naman niya wala siyang maibibigay.

sa ngayon, he said na dito pa rin ako sa bahay naman. all the while akala ko kukunin niya ako kaya nga nakipagkita ako sa kanya pero wala pa rin. hindi daw niya kaya sa ngayon. so iyak na naman ako, i asked him pede ba yun? daig pa ako ng nabuntisan lang, kasi there will never be any expectations kasi hindi kayo mag asawa kung ayaw bat pipilitin, kung mag asawa na kayo may responsibilidad na kayo sa isat isa hindi lang sa anak, automatic na yun. i told him, to be honest, kung dumating man yung time na kaya na niya at kukunin niya ako, i don't think sasama ako sa kanya. kasi hindi niya ako kayang pangatawanan, para san pa nagsumpaan kami ng sa "hirap o ginhawa" eh tatakbo lang siya palayo, babalik lang siya kung kelan niya na kaya. i told him kala ko ba tayong dalawa, ayaw ko sa inyo, ayaw ko sa amin, gusto ko tayong dalawa lang at ang baby, pero yun nga he said hindi niya kaya sa ngayon, and he knows that my parents would certainly take care of me naman. i said kami na yung family, hindi na dapat ako responsibilidad ng parents ko, i should be the least of their worries kasi nga may asawa na ako, may sarili na akong pamilya.

i told him of my plans, na after ko manganak mag aabroad ulit ako giving myself a maximum of 5 yrs para makaipon ako sa pag aaral ng bata. gumaan lang loob ko kasi hindi na siya kumontra unlike before na talagang ayaw niya ako magtrabaho pero he said kung mas maunang maging successful yung ginagawa niya, na huwag na sana ako umalis at alagaan ko ang bata kasi gusto niya siya ang magtatrabaho. at this point, siyempre i am thinking of the worst, kaya i know na babalik at babalik pa rin ako sa trabaho ko abroad. hindi ko na sinabi sa kanya na ganun ang iniisip ko.

he will go back sa province para dun sa ginagawa niya, he will not be here when i give birth. sabi ko papabinyagan ko yung baby after a month, sana naman dumating siya. sabi niya sisikapin niya. sa ngayon, i can only depend on myself, though andyan parents ko to help me, i have to think ahead, pinagbigyan ko na siya and he failed, he's asking for another chance, hahayaan ko na lang siya BUT i will not hope for anything more.

Girltalker2

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #41 on: February 28, 2015, 04:13:34 pm »
^ Sis, sobra akong saludo sayo for knowing what you must do, without clouding your judgement with emotions. Sa kwento mo, alam naman ng lahat na mahal mo ang asawa mo. But you stood your ground on what you think is best for you and your baby.

Mukhang hindi pa nga sya handa mag-asawa pero nagpakasal na sya agad.  Best thing really hayaan mo na sya, since there is no point making plans with him tapos gagawin lang nya ang gusto nya na hindi ka naman agree.

Parang hindi ko makita ang logic nya, or wala talaga syang common sense (sorry sis, nanggigigil parin ako sa kanya).  Pag may mapakain sya sa inyo, kukunin nya kayo ni baby, pero habang wala, magdusa ka at ikaw gumawa ng paraan (get from your savings na pero huwag ka magtrabaho or kumuha ka nalang ng pera sa parents mo).  Tapos kung kumita ang business nya, puede nya kayo kunin, pero kung biglang malugi ulit, ibabalik ka nya ulit sa parents mo? Ganun nalang ba iyon?




he never said he was sorry, sinabi niya lang saken na huwag nako umiyak, kalimutan na daw yung mga text niya sa nanay ko kasi nga nadala lang siya ng damdamin niya, na hindi naman niya magagawang iwanan kami ng baby.

My God, may sayad ba sya?  Ilan beses na nya kayo iniwan sa ere, tapos "hindi nya magagawang iwan kayo"  Eh anong ginagawa nya ngayon?  Parang may schizo ang hubby mo sis.


he then asked for more time, may panibagong plano na naman siya for me to give him time until this year daw.

Alam mo sis, nagpantig tenga ko dito.  Hindi ko masisi ang ginawa ng mom mo, kasi ako nga, hindi mo ako kaano ano, inis na inis ako, what more parents mo na inalagaan ka para maganda ang future mo, tapos heto sya sisirain lang nya.

he asked kung gano kagalit pamilya ko sa kanya, sabi ko out of a scale ng 100....

Ok, so ang message nya

1) wala syang matutulong sayo, kahit maging sa tabi mo
2) galit ba pamilya mo sa kanya
3) wala syang pera

Iyan ang concerns nya?  kinumusta man lang ba nya ang ultrasound, EDD mo, magplan makita ang baby mo soonest. Tapos sa binyag, i-t-try nya?

Tapos ine-expect pa nya na intayin mo sya?  Ang kapal ng mukha nya. n


i told him, to be honest, kung dumating man yung time na kaya na niya at kukunin niya ako, i don't think sasama ako sa kanya. kasi hindi niya ako kayang pangatawanan, para san pa nagsumpaan kami ng sa "hirap o ginhawa" eh tatakbo lang siya palayo, babalik lang siya kung kelan niya na kaya. i told him kala ko ba tayong dalawa, ayaw ko sa inyo, ayaw ko sa amin, gusto ko tayong dalawa lang at ang baby, pero yun nga he said hindi niya kaya sa ngayon, and he knows that my parents would certainly take care of me naman. i said kami na yung family, hindi na dapat ako responsibilidad ng parents ko, i should be the least of their worries kasi nga may asawa na ako, may sarili na akong pamilya.


Hindi ko talaga maisip na may mga ganyang tao. Sablay ang pag iisip. 
With this kind of mindset, lagi kang "temporary" na sasamahan nya kung may pera sya. Pero pag nagkaipitan, una pa sya tatakbo, at bahala ka at ang baby mo.

Na imagine ko kung together kayo, tapos mag-s-sink ang boat, uunahin nya sarili nya. Kung may gyera, sya una tatakbo. Kung isang plate nalang ang natirang food, uunahin nya sarili nya kumain kesa sa inyong mag ina.   :( :'(

Sis, looking at it on the brigher side, at least you have the wisdom to think things through. Bata ka pa naman, you can still work abroad and fend for your baby.  Masyadong magulo buhay ng hubby mo, sorry to say pero once iwan mo sya, I am sure everything will be brighter and happier at mas magiging maayos.

Wish you all the best sis.


« Last Edit: February 28, 2015, 04:17:02 pm by Girltalker2 »

j.adore

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #42 on: March 01, 2015, 08:33:02 am »
How can a mother not meddle when the life of her child and grand child is at risk? Pregnancies have complications especially in cases of emotional trauma.

I hope TS and her family are doing well now.

abbmg

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #43 on: March 02, 2015, 08:54:22 am »
thanks girltalker2 & j.adore for reading my long update and hoping for better for me and my soon to be born kid :)

girltalker2- i have been reading other threads where you are active and i somehow have an idea on what you went through before kaya may sampal na realidad ang advices mo on marriage and relationships. anyone who knows of or has read my story would feel the same towards my husband. siguro ako lang kahit alam ko yung sitwasyon, as a wife, you would want to be the last person to give up on your husband and vice versa. sa totoo lang, nafifeel ko naman na may care pa rin siya samen ng baby kasi kinamusta naman niya yung pagbubuntis ko kung nakakapag pacheck up bako, if i'm taking my vitamins, kung kamusta na daw pakiramdam ko, kung may name na ang baby etc etc. he was honest to tell me na nagiguilty siya kasi hindi siya ang kasama ko manganak at hindi niya alam kung makauwi siya para sa binyag kasi gusto niyang bumalik kapag stable na siya at ok na ang ginagawa niya. dagdag kasi siguro dun sa sagutan nila ng nanay ko kaya nahihiya siyang bumalik kasi nga wala naman siyang napatunayan sa pinag gagagawa niya lalo lang siyang nawalan (pera,property,trabaho). sa tingin niya kasi mahihirapan lang kaming lahat pag di ako mgstay sa amin, as i have mentioned before, hindi mayaman ang family ko pero mas comfortable ang buhay ko compared to his kaya ang thinking niya ayaw ko mahirapan. ngayon ko narealize na hindi talaga siya handa sa buhay may asawa, to think na he's 8 years my senior and in a couple of years mag 40 years old na siya.

QUESTION- was it a wrong choice when he asked me to go with him sa province nung first time niya umuwi and i declined? i declined kasi nga yung check up ko andito sa Manila, and ang sabi niya kasi babalik siya after 1 month, na ngayon naextend na yung stay ng 4 months and no one knows kelan siya makakapagdecide to come back. ngayon kasi he asked me if i can stay with him sa province pagkapaganak ko, dadalin daw niya kami ng baby dun. yung inlaws ko kasi sinabi saken na nabanggit daw nga niya na balak niya ako kunin at umuwi sa probinsya, pero ako daw hesitant, yung bilas ko sabi niya pumayag daw ako para pag nakita ng asawa ko na wala na kami makain, mapipilitan na siyang bumalik sa trabaho in order to provide more. kinakatakot ko kasi aside from the fact na i don't speak or understand their dialect, sa mga biyenan ko kami titira. ok naman ang pakikitungo nila saken, yun nga lang alam ko na in their minds, hindi na tulad ng dati ang situation na ang bread winner nila ay hindi na pedeng solohin kasi nga may asawa at anak na ito. before magkagulo gulo yung situation namin, my mom asked me kung hindi ba daw nagtangka yung asawa ko na isama ako sa probinsya and i told her he did pero di nga ako sumama, payo lang saken ng nanay ko ok lang naman daw yun dapat nga ang babae sumama sa asawa niya kasi siya ang padre de pamilya, pero as much as possible, we should have our own place, kahit renta lang kasi nga mahirap makisama.



Girltalker2

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #44 on: March 02, 2015, 09:55:29 am »
^ sorry sis if I sounded harsh ha. My experience is quite different naman kasi. Mine is a third party issue pero when it comes to taking care of family's welfare, maayos naman ex ko mag decide. Di nya nga kami Iniwan ever, kaso ako yung umalis kasi di ko nakayanan magkaron pa ulit sya ng anak sa labas.

But going back to your story, ang suggestion ko lang naman is geared towards protecting yourself and your baby. Kasi knowing how skewed his decision making skills are, you will definitely be caught in a helpless situation eventually. Why wait for a time na magutom kayo mag Ina and 'hoping'/'thinking' ka na pag nakita kayo eh mas maisip nya mag work ulit? You are someone capable of earning and raising a family also, tapos hahayaan mo magutom ka lang and baby mo at the mercy of your hubby or parents?

Tsaka as it is now, wala naman pinagkaiba sa situation na'wala syang maibigay' and yet di naman sya mag decide mag abroad. Nakalimutan mo narin siguro kaya ayaw nya mag abroad is to be with you, pero asan sya now?  And worse pa if ever that happens na nasa province ka, he can easily ask you to ask your parents to send money to you, para sayo and baby mo. But if he and his family need funds, you will also have to help them at ikaw may money. I cannot forget parin how he blackmailed you in terms of your savings. Ba unsupportive ka if you didn't give money to support him and his family. :(

I agree with you, your hubby is not ready mag pamilya, masyadong mapusok damdamin nya to make decisions kaya sumasablay. Di nya ma differentiate ang daydream sa reality in terms of planning his finances. So I guess tama ang naging decision mo, but does it matter now? That's water under the bridge. Important now is you're looking ahead in a bright future.

As to your mom saying na sana sumama ka sa hubby mo, I suppose that was the time na hindi pa nya alam ang takbo ng isip ng asawa mo, before any of this has happened. Or are you saying kahit now, iyan parin ang payo ng mom mo?

Lastly, regarding your in laws, idk ha, I'm too skeptical when it comes to these things. Knowing how they depend on your hubby, parang naiisip kong motive nila is papuntahin ka doon para maka work hubby mo abroad at may mapadala sa kanila or if hindi man, at least your parents can send money to you at puede ka nila hiraman ng money.

Bottom line, your hubby still needs to grow up. Tingin ko yung pagsagot nya sa mom mo through sms is dala nga nga mapusok nyang damdamin kasi he lets emotions cloud his judgement kaya he ends up with palpak na actions. (Marami pang iba like not allowing you to go back to work, emotionally blackmailing you etc) Kung ganyan kasi, you wouldn't want your life and your baby's life to depend on someone who is not stable. Kayo lang mahihirapan, and paulit ulit lang magiging issues nyo kasi it is your hubby's instability ang cause nitong lahat. Ang reaction nya now mag antay kayo kasi ayusin muna nya ang business. He cannot recognize na your situation cannot wait. Manganganak ka na, sa inaasta nya, di malayo mangyari na mamaya malagay pa sa alanganin ang buhay mo at ang baby if you stay in the province, kasi di malayo ang scenario na wala sya sa tabi nyo pag manganak ka there, at least sa poder ng parents mo, you have stability, alam mo andyan sila no matter what.
« Last Edit: March 02, 2015, 10:14:22 am by Girltalker2 »

Cat Meaw

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #45 on: March 06, 2015, 01:35:38 am »
Yes, lagi ko itong naririnig sa mister ko, every time na meron kaming hindi pinagkaka sunduan. Especially iyong mga bagay na gusto niya na tingin ko naman masyadong magarbo na. Noong isang araw lang narinig ko na naman ito. Kasunod ang, hindi mo naman ako maintindihan, hindi mo ako mahal, wala kang sympathy etc etc.. Kung tutuusin para naman sa aming dalawa ang iniisip ko. Kaloka

(OT Hindi pa ako maka reply sa nagawa kong thread hindi ko alam kung bakit)

evilwoman

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #46 on: March 07, 2015, 11:48:29 am »
@ abbmg - hindi aabot sa point na magugutom kayong magina.may savings ka naman e.bakit mo ipagdadamot sa anak mo.babayaran naman nya lahat yan pag nag ok na business nya. :P
Dyan ka pa talaga sa in laws mo sasama e sila nga kargo din ng mister mo.dadami lang problema mo.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #47 on: March 07, 2015, 04:00:00 pm »
Quote from: abbmg
sa totoo lang, nafifeel ko naman na may care pa rin siya samen ng baby kasi kinamusta naman niya yung pagbubuntis ko kung nakakapag pacheck up bako, if i'm taking my vitamins, kung kamusta na daw pakiramdam ko, kung may name na ang baby etc etc.

After 2 months of silent treatment, kinamusta ka nya bigla about pregnancy. And with that pangungumusta, in an instant you felt cared for. It's like going without water for 2 months, you were so thirsty, then suddenly may pa-sipsip. He gave you sipsip lang, not a lifetime source of water, not even a cupful of it that could quench your thirst. But with just this sipsip, sobrang refreshing na for you. Probably it sparks some hope inside you - maybe someday.

Siguro, who knows, you will go without water again, for weeks? For months? Then darating ulit sya, probably sipsip lang ulit. Siguro, refreshing ulit yun. Your hope for 'maybe someday' will be sustained.

But sis, you don't deserve just a sip of water. You deserve a lifetime supply of water - for you and your child. I'm just not talking about financial support, but emotional support as well, his very presence.

I'm speaking metaphorically, but you'll get it I know.

Quote from: abbmg
siguro ako lang kahit alam ko yung sitwasyon, as a wife, you would want to be the last person to give up on your husband and vice versa.

Yeah, it will boil down to this.

Practically, you know what to do, and that will do you good and your child. You said you will work to sustain you and your unborn baby. You still have a strong will, judgement, and determination in that aspect. Emotionally, I think, that's you're not sure where you stand. And that's ok. The time will come that you will know, and I hope it will be favorable for all of you. But as for now, you're standing strong and you're planning carefully. I think that's what matters for you and your baby.

AVIDGOLFER

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #48 on: March 07, 2015, 09:33:40 pm »
After reading all the blah blah, my question is,  why the title "Unsupportive Wife"?

In my view, it should have been Unsupportive Husband"

Correct me if I am wrong....

Last piece, I pity wives that are being taken for granted by irresponsible hubby.

If I may happen to be in a place someday when I get married, then I will make sure to take care both the mother and the child as I don't want to happen what I did experience being abandoned by a mother.

Salitang tapos yan, it's just my two cents worth of opinion.

abbmg

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #49 on: March 10, 2015, 09:04:09 am »
i finally gave birth last week. sa tingin ko i am suffering from post partum depression, sinabi ko na sa kapatid ko kasi there are times naman talaga na parang andun na ako sa edge of going insane with all the emotions. laki ng pasasalamat ko kasi tinutulungan ako ng mama ko sa pag alaga kay baby.

girltakler2- sis sinabi ng nanay ko yun about sa babae sasama sa asawa niya kahit san siya dalhin nung hindi pa nila alam yung problema namin. though iba ang problema natin sa mga asawa natin, bilib ako kasi nakayanan mo makipaghiwalay. dati kasi kala ko t**** lang yung mga babaeng ayaw bumitaw sa asawa kahit na kung ano ano nang ginawa sa kanya, parang napabilang nako dun sa statistics.

evilwoman- sis siyempre hindi ko naman ipagdadamot ang kahit ano sa anak ko, FTM pa naman ako hindi ako papayag na magutom kami.  nasasaktan lang kasi ako kasi nga dahil alam ng asawa ko na kaya ko naman, hinayaan na niya ako mag isa, hindi ko naman na binabanggit sa kanya about sa issue ng money na hiniram para dun sa business na nagfail or sa wala siyang mashare sa expenses sa panganganak ko. mas nasasaktan ako na hindi niya man lang kayang puntahan si baby. sa loob loob ko kasi kahit siguro mapatay ka or mamura ng mga in laws mo tatanggapin mo yun kasi nga nagkamali ka sa desisyon mo at siyempre gusto mo makita ang anak mo kaya magtitiis ka sa lahat ng masasakit na salitang pede masabi sayo. kaso walang ganun ang asawa ko parang hindi ba siya sabik na may anak na siya. may nabanggit nga si girltalker na hindi makakapag hintay ang panganganak, hindi pedeng forever na lang ako naghihintay kung kelan siya maging ready iba na sitwasyon ngsyon may bata nang involved.

glamorosa- sis nagets ko kung ano ibig mo sabihin. dati akala ko cliche lang lagi yung question na ano ba dapat sundin puso o utak? yun pala maeexperience ko ito, na deep inside i know utak na dapat ang pairalin pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako magbabago ang lahat.

avidgolfer- bro initially unsupportive wife daw kasi ako according to my husband kasi i was skeptical sa desisyon niya tinaya na niya lahat ng meron siya kaya nagstop sa work at nagfocus sa business knowing yung situation namin na buntis ako at may car loan pa siyang binabayaran. i was asking for other options or alternatives pero yun nga sabi niya iniisip ko kagad na papalpak siya na yun na nga ang nangyari wala siyang naging fallback financially tapos naremata na ng bangko yung car na nakaloan. pero as months passed, tama ka nga, it should be unsupportive husband.


baliwsayo

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #50 on: March 10, 2015, 09:26:52 am »
Focus ka na lang sa anak mo sis. Good vibes lang muna para di ka na madepressed.  :)

Ang ganda ng speeches ng hubby mo.. tell him, action speaks louder than words.. pag walang action, it's all empty words. And ask him for a timeline. Mahirap yun ganyan na walang deadline. Parang promise sa hangin lang yan.

quinone

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #51 on: March 10, 2015, 11:08:23 am »
QUESTION- was it a wrong choice when he asked me to go with him sa province nung first time niya umuwi and i declined?

nobody can say kung tama o mali ka, pero i would probably have made the same choices if i were in your shoes. if sumama ka, bukod sa may money issues na, makikisama ka pa sa in-laws, e preggy ka pa nung time na yun.

somehow naintindihan ko na hindi kayo madalas mapuntahan ng hubby mo pero sana he can call often, kasi parang hindi kayo LDR...parang break na kayo. siguro his mind is too preoccupied kung paano makapag-provide para sa inyo plus dealing with his failed endeavors kaya ayun...busy ang isip niya dealing with those issues.

in my opinion, if he will just humble himself, kahit papaano may first big step towards your reconciliation doon. if he is willing to get employed again to put food on the table, kasi parang he is not fit to handle a business as of now, since unang-una urgent ang need to provide para sa inyo, and second magsorry sa parents mo; kahit hindi na sayo kasi very forgiving ka naman at you love him, so you will understand i am sure.

i know mahirap yung situation mo, ang hirap kaya ng umaasa pero trying to move on. if you are a prayerful person, then don't stop praying na lang.

also, congratulations sa baby!

Girltalker2

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #52 on: March 10, 2015, 01:34:33 pm »
i finally gave birth last week. sa tingin ko i am suffering from post partum depression, sinabi ko na sa kapatid ko kasi there are times naman talaga na parang andun na ako sa edge of going insane with all the emotions. laki ng pasasalamat ko kasi tinutulungan ako ng mama ko sa pag alaga kay baby.


Congrats sis!  Unang ginagawa after ko manganak at puede na lumarga - go to the parlor.  Just a booster kapag feeling sad ka.  I am sure in no time, matutuwa ka rin sa baby mo. Lalo na kapag starting na sila magsalita, in a few months time. Maikli lang ang oras, cherish your moments with your baby, kasi before you know it, lalaki na sya agad at ma-m-miss mo yung times na iyan.


though iba ang problema natin sa mga asawa natin, bilib ako kasi nakayanan mo makipaghiwalay. dati kasi kala ko t**** lang yung mga babaeng ayaw bumitaw sa asawa kahit na kung ano ano nang ginawa sa kanya, parang napabilang nako dun sa statistics.


Sis, ikaw lang makakaalam anong gagawin. In time, God will lead you the way. I was in that shoes din before, di ko alam ano gagawin. I cannot help but HOPE.  Pero it went to deaf ears. It took me 10 long years to be able to muster the courage. Kaya na undergo ko rin yung t**** na stage.

I just hope with the modern times now, women can be more wiser and stronger. I hope it won't take them 10-20 years to decide.

dati akala ko cliche lang lagi yung question na ano ba dapat sundin puso o utak? yun pala maeexperience ko ito, na deep inside i know utak na dapat ang pairalin pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako magbabago ang lahat.


There is nothing wrong in hoping.  I am sure na eventually mapapagod ka rin kung walang nangyari, pero kung meron then good.  Kaso it does not mean life for you and your baby should stop. You have to go on living, and always thinking of your baby's interest and your interest FIRST.

Wala naman nagp-pressure sayo to decide immediately.  You will know when you are ready to totally give up on him. Or puede din naman ngayon, live your life as if wala sya. In the future, kapag nagmature sya, malay mo bumalik sya. If that time comes, and you still love him, puede pa naman magkaayos. Pero kung bumalik sya at wala ka nang nararamdaman for him, sorry nalang sya since he blew it.



in my opinion, if he will just humble himself, kahit papaano may first big step towards your reconciliation doon. if he is willing to get employed again to put food on the table, kasi parang he is not fit to handle a business as of now, since unang-una urgent ang need to provide para sa inyo, and second magsorry sa parents mo; kahit hindi na sayo kasi very forgiving ka naman at you love him, so you will understand i am sure.


Pride nga ang problema. Nagkamali nanga sya ayaw pa nya magpakumbaba. And I think the major thing here is he does not recognize his mistake. Para sa kanya wala syang mali nagawa. Ni hindi nga sya makapag apologize kay TS.  For asking her to resign, for insisting on what he wanted, for borrowing TS' money and not returning it, for answering back to TS' parents, for being not there for the baby, etc. And yet now, wala man lang redeeming factor na natira sa kanya to prove that he is even worthy to be called a husband or dad.






googoo

  • Guest
Re: Unsupportive wife
« Reply #53 on: September 17, 2015, 11:21:04 am »
Regarding sa comment about the mother not meddling if the child (already an adult but pregnant) and grandchild is at risk, pano nga ba dapat na gawin considering that the people involved are already adults and I gather nakapagtapos naman?  It is alright for our parents to get involved but not to point na magsasalita ng hindi maganda towards the spouse tapos magkakasamaan ng loob.  This is speaking from a point of view of a wife, daughter, mother and businesswoman.

TS, kudos to your strength.  It's not easy to be in your position now, I should know because I am pregnant and still working my butt off.  Don't worry, things will get better, just do your best. 


« Last Edit: September 17, 2015, 11:30:22 am by googoo »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close