watch now

Author Topic: Multi-level marketing or Networking Thread 2//NO PM Call outs/NO Soliciting//  (Read 48092 times)

akosimaiatot

  • Guest
ako I'm always skeptic when it comes to networking..I have some friends na kumita na thru Royale, Aim Global nakabili pa nga nga car yung 2 thru networking .. I never joined until now with success200 my 1,800 turned to 10k in less than 3 weeks then pa exit na rin sya sa board 2 so another 9k ulit ang saya lang ..I was hesitant at first kasi di ako naniniwala sa networking kasi maliit lang naman sya 1,800 wala naman mawawala sakin so I take the risk and here I am enjoying my 10k..sabi nga nila 'THE BIGGER THE RISK THE BIGGER THE REWARD" and there's no harm in trying mga sis :)

Cheesecak3

  • Guest
I am a networker also and so far mas naging okay ang income namin.

spinnn

  • Guest
Anyone of you guys heard about Klikmart?

akosibulinggay

  • Guest
Ako sa success200 din ako nagjoin, maliit lang kase ang ilalabas tapos may product naman sila na bfad approved. Nagsearch muna ako bago magjoin, legit naman. Ngayon level 2 na ako, need ko mag invite ng 2 pa para magjoin..

hermione28

  • Guest
Sis Spinn. nag member na ako sa Klikmart. Ok naman, legit yung nakausap ko. May username and password naman ako. Nakakapag click na dina ko sa rewards room.

Hopefully mag payout na! :)
Gusto ko pa nga magdagdag ng accounts eh. Medyo naparami lang bayarin ko kaya di ako makapag dagadag ng accounts.

Sis akosibulinggay nag join na din ako sa success200. Sorry to say I'm not happy. Hindi lang siguro maganda yung nasalihan kong team. Nakakinis lang ang sinungaling nung nag refer saken.. Sabi nya kapag nag join daw ako level 2 na daw kaagad kasi sobrang bilis daw ng table nila. Edi nag pay in ako kaagad. aba nung nakuha ko yung username ko, pag log in ko mag isa lang ako sa level 1. Tapos mag 1 week na wala pa din nadadagdag sa level 1. Nakakainis.

Di na talaga ako mauulit sa mga table table at exit exit na yan. Mas gusto ko mag focus don sa networking na may maturity yung account. Mas maliit ang tubo pero at least doon may inaantay ka. kesa yung puro lang salita para makuha yung pay in mo tapos wala na, bahala ka na sa buhay mo. At hindi mo makukuha pera mo kung hindi ka mag eexit.

Basta nakakainis!

akosibulinggay

  • Guest
How much sa klikmart? Oo nga depende din sa team na masasalihan mo, ako kase dineretso ako ng upline ko na kailngan pagtrabahuhan ang pag exit, never naman siya nangako na mabilis makakaexit sa team niya, mabilis kung matyaga at madali ka makapagrecruit. Pero totoong nasa level 2 agad ako nung nagjoin ako..

spinnn

  • Guest
From what i heard, mininum sa Klikmart is P1500 and P500 ang rewards, which usually takes 3-4weeks.

Sumali din ako success200 and nababagalan din ako sa ibang nasa table. Nagawa ko na part ko eh.

May isa pa ako alam parang paluwagan, small time lang. P500, tapos maging P2000, pero same same ang procedure, 1+2. At least mas mababa

simang

  • Guest
Ayun, that's the term, paluwagan, parang ganun lang yung mga ibang MLM na walang product. Parang paluwagan lang.

akosimaiatot

  • Guest
@  spinnn @  akosibulinggay sorry to hear that mga sis ako kasi maganda yung nasalihan ko na team , may team work saka tulungan para lahat kumita
 @hermione28 hay naku sis ganyan din yung isang team na nasalihan ko yung nagrefer sakin inabot ng 3 weeks bago naibigay username pw ko sa success tapos pag open ko nakapangalan sa kanya nakakainis lang diba..risk talaga pag pasok sa ganito parang sugal minsan talo pero pag maganda baraha mo maganda din pasok ng money sayo ..basta positive lang tayo

Miss Taken

  • Guest
Kapag networking talaga it's really vital na mapunta ka sa isang group na bawat members nakikicooperate and may team work. Mahirap kapag isa lang yung kumikilos kaya if you're going to refer someone, isipin rin dapat if yung tao na yun eh willing to do his part at hindi lang aasa. Good thing na okay yung napuntahan kong team when I joined Goldxtreme. Nakakaipon ako ng mabilis :)

Be cautious lang talaga since maraming scam ang naglalabasan ngayon.

Party Sparklers

  • Guest
hi mga sis!

ako rin not into networking nung una. then one day i saw a post about Goldxtreme. na-curious ako so i did some research about them, so far ok naman kaya napasali ako.

ok yung team na nasalihan ko pero nalagay ako sa table na walang kumikilos kaya natengga for almost 2 weeks. buti na lang din, may mga ilan ako nakatulong don sa table namin kaya unti-unti umandar. ngayon nasa level 1 na ko, 2 slots na lang, e-exit na =)

pagka-exit ko, the table will split into two. yung isa ron, puro kami na ng friends & relatives ko at nila. mas ok if ganito na magkakakilala kayo dahil mas tulungan at mas madali mahingan ng tulong.

gaya ng sabi ni Miss Taken, be cautious pa rin sa pagsali. just invest a few your money lang. pag umexit ka na, yon na lang paikutin mo pero wag lahat, mag-save ka na  :)

izabelle

  • Guest
Ok pa ba ang Royale?

I just saw na nakatagged yung isang FB friend ko sa isang post ng parang team mate nya sa Royale and seems that nagwiwithdraw na ng support yung karamihan sa kanila?

not really sure what is happening. Weird lang kasi super mega support sila dati sa company tapos all of a sudden I'm seeing different posts na nagwiwithdraw na ng support.

nakita ko lang kasi nakatagged yung isang FB friend ko sa mga posts.

LGV

  • Guest
Hindi naman naiiba ang perception ko sa networking, nakasali na ako sa ganito 10years back pero syempre hindi ako kumita dahil wala ako narecruit ni isa lumipad lang ang 10k ko pero it doesnt mean na hindi ako naniniwalang kumikita yung iba pero ang sakin lang feeling ko hindi talaga sya pangmatagalan.

But anyway I have a question, ang dame ko na kasi nakikita ngayon even some relatives are into it at nakakaloka lang kasi maliit na ang investment ngayon especially yung Success200 na yan marami na ako nakikita sa newsfeed and curious ako sa mga terminologies. Ano ba ibig sabihin ng exit exit na yan? Hehe! Ayoko kasi magtanong sa kanila so dito ko nalang itatanong. :)

spinnn

  • Guest
^Exit means natapos mo na yun table, and makukuha mo na yun pera. Sa isang table kasi may 4 levels. Kapag ikaw na nasa level 1, mapuno lang yun nasa level 4, ikaw na ang mag-exit.

LGV

  • Guest
Thanks for the info sis. So meaning kahit hindi ka talaga magrecruit makakaexit ka parin?

spinnn

  • Guest
^Hmm, actually sis I think it depends sa rules ng group na masasalihan mo. I know some na kahit wala kamarecruit, x 3 yun money mo instead na x 4 or x 5 (1 or 2 recruits ito). Yung iba naman is strict, need talaga 2 recruits kung hindi, babalik lang nila pera mo.

dramaqueen

  • Guest
I've been hearing about HPI Ventures as well, can anyone shed light on this? From what I have understood parang they invest your money in their businesses (iba ibang industry may Jollibee pa daw) kung baga stakeholder ang dating mo tama ba?? May recruiting bang ganap dito?

akosibulinggay

  • Guest
Sa team na nasalihan ko sa success200, strict talaga sa recruits, kaya naman talagang tengga ang table namin, buti mabait ang upline namin na hindi atat maka exit. Binibigyan kami ng time para makapagrecruit. Yun nga lang pag dika magaling sa pagrerecruit tulad ko e ayun tengga hehe.. Iisa na nga lang ang hinihingi sa akin diko pa malagyan ahahaha! Thankful padin sa upline hindi nila ako pinatatalsik..

hermione28

  • Guest
^sis baka magka team tayo. sobrang higpit din nung leader namen eh. Pero pano ka ba papatalsikin? Eh nandon yung pera at slot mo? Di ko gets sis. pa explain naman.



@hermione28 hay naku sis ganyan din yung isang team na nasalihan ko yung nagrefer sakin inabot ng 3 weeks bago naibigay username pw ko sa success tapos pag open ko nakapangalan sa kanya nakakainis lang diba..risk talaga pag pasok sa ganito parang sugal minsan talo pero pag maganda baraha mo maganda din pasok ng money sayo ..basta positive lang tayo

hala sis grabe naman yun, bakit sa name nya? ang sama lang. anyway, hinayaan ko nalang yung saken. bahala na sila don. di rin naman sila makaka exit kung wala akong downline. lagyan nila kung gusto nila, basta ako ayoko na. Haha. Nakakinis kasi yung magsisinungaling para lang mapa join ka.



akosibulinggay

  • Guest
^eto e sabi lang sakin nung iba na ibibigay nila ulit yung fund mo tapos need mo ibigay na sa kanila yung account mo, ganun. Sayang naman sis yung sayo, kung wala ka downline, sila maglalagay nun tapos babawasan lang nila ng 3600 yung payout mo. Sa ayaw at sa gusto nila need nila lagyan yung slots na downline mo kung gusto talaga nila makaexit. Sana lang nakakalog in ka pa sa dashboard mo? Sayang naman din kase yung 1810 pesos no..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close