May anti-discrimination law pala kasi sa Davao, so agree ako dun sa nagsabi na pinapatupad lang ng government ang batas, at pino protektahan nila ang mga tao, and in this case ang mga kababaihan.
Kung titignan ko, naiinggit nga ako mga Davaoeno/a, Davao is one of the safest place to live in, then pinapatupad talaga nila ang batas, kamay na bakal talaga to enforce the law and protects the citizens...
For me, hindi OA yun, nasa batas eh, yan ang hirap minsan sa ating mga Pilipino, kapag pinapatupad ang batas, sasabihin na "balat sibuyas", na kung titignan mo, gusto lang naman ng government protektahan ang karapatan ng mga kababaihan.
HIPON word is used to calibrate women in terms of being desirable sa sex, kasi ang hipon tapon ulo, kain katawan, so Hipon eh mga babaeng magaganda ang katawan at takpan mo na lang ng diyaryo ang face.
I think, that's really offensive, kahit hindi pa ako taga davao.
Bisita si ramon doon, tapos sasabihan mo (hindi yun joke, it was a statement) na mga hipon ang mga Davaoena?
Kahit pa nag apologized siya, ganun na lang ba yun? sorry na lang?
Kaya nga Davao is a safe place to live in, masyado silang strict, and for that I respect the officials, sana ganyan sa buong Pilipinas.