Hello. I already gave birth last Wed, August 20 via CS due to failed induction (as expected hehe).
Nagpunta kami sa hospital Tue 8am for "cervical priming". Yun tawag nila dito to force the cervix to open. Nag-insert sila ng zygote tablet sa vaj and di pwede tumayo ng kama or umupo for 2 hours then monitor for 4 hours. I had 3 tablets in total:
> 1st tablet - naging 1cm dilated ako, 50% effaced. Then nagbring sya ng contractions - 3 every 10 mins.
> 2nd tablet - same results with more contractions. Kala ko nga dito magtutuloy-tuloy na kaso walang progress ang dilation.
> 3rd tablet - still no progress on dilation, humina pa ang contractions.
8am the next day, they monitored me again without putting any tablets. Nagnanatural contractions na ko pero at 12nn, 1cm pa rin kami. Pinapili ako kung mag-4th tablet or maghintay pa ng 3 hours kung mag-naturally go into labor, or CS. We decided mag-CS na since parang wala ring mangyayari sa tablet at mukhang ayaw makipagcooperate ng katawan ko (feeling namin di ready ang body ko to give birth, siguro kung binigyan pa ko ng 1 week, may chance pa). Within 20 mins, nasa OR na kami.
Nakakaloka sa bilis. As in parang lahat ata ready na kami na lang hinihintay. Nanginig buo kong katawan sa nerbyos, buti sobrang bait ng anes namin, parang sya yung may control sa lahat kaya pati ako napakalma nya.
After less than an hour, lumabas na si baby. Nagulat kami kasi ang taba ni baby, 3kg na sya eh last scan namin, est 1.8kg lang sya. After an hour, naisara na nila ko then proceed na sa recovery room.
Now, the baby's good. Ok ang sugar levels, walang jaundice and naclear na rin sya sa ibang tests like g6pd. 1st night namin, nakakalatch na sya. 2nd night may milk na ako. Bukas, uuwi na kami. Sobrang dalas lang nya magutom and ang tagal ng feeding sessions namin (40 mins to more than an hour!) na nagkakasugat na nips ko. Pero I'm so happy na andito na sya at safe ang delivery namin.
Sorry napahaba. Sa mga mommies in waiting, be patient muna. Your baby's worth the wait

Good luck sa delivery nyo!