Author Topic: is my wife cheating or not?  (Read 12984 times)

mgm84

  • Guest
is my wife cheating or not?
« on: July 04, 2014, 11:16:02 am »
Hello guys,

i dont know how to start this topic and this is the first time i write something in my life. im not good on writing so please bear with me.

almost 7 years na kaming kasal ni misis with a son, we're happy as a couple pero hindi rin talaga maiiwasan yung misunderstanding and its part of everybodys life, i think lahat naman ng relationship ganun coz nobodys perfect.

nag-start lang kasi 'tong feeling ko this past few weeks, i dont know kung instinct lang o tamang hinala lang talaga ako...
kwento ko muna yung background ni misis, bago lang pla si misis sa work i think 2 months pa lang.. so, im aware nman na lagi silang may OT (overtime), kaso i want her to be safe all the time kaya lagi ko siyang tinetext and remind her na magtaxi na siya pag-uwi kasi nga delikado na lalo na't minsan inaabot na siya ng alanganing oras, take note morning pasok ni misis pero umaabot siya ng madaling araw just bcoz marami silang rush jobs na dapat ma submit (engineering company kasi and office work ang ginagawa ni misis)... then 1 day nagpaalam si misis na may konting bonding sila ng officemate nya (dinner and drinking session), nga pla i forgot to say na mostly kasama nya sa work are boys which im not comfortable with.. pero ganun ko nakilala si misis, mostly ng mga college friends nya are boys, mas okay daw kasi pag lalaki ang kaibigan kasi wlang arte sa katawan unlike girls, although meron naman din siyang girl friends pero madali siyang mkipag friend sa mga lalaki..

so go back tayo, that's her work kaya iniintindi ko na lang, so okay lang naman sakin na mag pumunta si misis, im not strict naman as long as girl bonding yun, ok lang din kung may mga boys as long as kilala ko, pero dat time wala pa kong kilala ni isang ka-officemate nya, puro sa kwento ko lang naririnig... so, dun nag-start ang away namin that night nung pinayagan ko siya, kasi ang paalam niya dadaan lang daw siya yung tipong 1 to 2 hours lang daw, i think andun na siya ng 8pm pero 11 pm hindi pa siya nagti-[textspeak!] kung pauwi na, if im not mistaken 11:30pm i called her up then sabi nya nasa taxi na siya, i'll waited her pero more than 30 mins na [textspeak!] parin siya (from sa place na pinuntahan nya hanggang sa haws kaya ng 15 to 20 mins yung byahe lalo na pag wlang traffic), so ako bilang asawa kinabahan bka may nangyari sa kanya so i called her again na mejo nagalit ako, so sabi nya nakatulog daw siya sa taxi and traffic daw.. so, pagkauwi nya nag-away na kami, kesyo para daw akong pulis kung magtanong, kesyo tamang hinala daw ako na may kasama daw siya, to think im just concern about her, nagalit lang ako nung tumawag ako ulit sa kanya kasi hindi siya nagtitxt and hindi ko alam kung safe siya (nakainom na pla si misis kya nakadagdag yun sa pagiging emotional nya)...

time goes by, nagkabati na kami and naging okay na ang lahat... nasasanay na ko na lagi siyang gabi umuuwi yun nga lang im still asking her kung sino [textspeak!] nya or kung meron kasi nga di ko pa kilala in person, may mga times na sinasabi nya na alone lang daw siya pero on the back of my mind ko na meron.. then last week eto na, we're okay naman before sila pumunta sa company team bulding nila, so syempre i trust her kya khit overnight pinayagan ko parin siyang sumama kasi company outing naman, bale 2 days and 1 night (friday morning til sat afternoon), so nung saturday overnight shift sched ko, so pagkauwi ko ng bahay ng sunday morning i saw her sleeping dun sa couch, tumabi ako sa knya and hug her coz i miss her agad then nakatulog ako, after an hour or 2 ginising nya ko pra palipatin ako sa room namin para matulog, nag-usap kami ng konti kasi medyo bangag pa ko nun, okay naman and [textspeak!] pang tensyon yung tipong normal lang... then, natulog na ko sa room namin then nung nagising ako ng hapon ang bungad nya sakin kung pumasok daw ba ko??? sabi ko of course, i told her na kahit tignan nya pa sa office record nmin and sa cctv, im in the office which is totoo naman. may nagtxt daw sa knya na "private number" na "BANTAYAN MO ANG ASAWA MO", although hindi ko nabasa pero yun lang yung sinabi niya... so ako naman na SHOCKED, yung feeling na, bakit?? anong meron??, so for the record lang, may nagawa kasi ako way way back, nag trip lang kasi ako to have a new account sa isang social site pero puro false info yung mga nkalagay dun, nakipag chat ako kung kani kaninong mga girls pero sakin [textspeak!] lang, past time lang and i dont mean it... siguro nadala lang ako out of curiosity kung meron pang magkakagusto sakin sa age ko.. yung tipong nakikipag flirt ako sa chat... parang ganun.. nahuli nya ko using dat account kya sinabihan nya ko na pag pinangalawahan ko pa daw hihiwalayan nya ko... sa almost 10 years kmi nagkasama, kasama na dun yung mag bf/gf pa lang kmi never akong nambabae and hindi ko gawaiin yun kahit sa lahat ng nakarelasyon ko never kung ginawa yun...

so, go back tayo sa topic, she's asking me kung meron daw bang iba and siyempre sinabi ko wala, kasi wala naman talaga,,, as in wala... ayaw nyang maniwala.. den inungkat nya pa nung last week daw before that incident na cold daw treatment ko sa kanya which is not true, ako pa nga nagtatanong sa kanya kung pede ba kaming magsabay umuwi kasi until 10pm lang shift ko nun den she always told me na mauuna na daw siya kasi gusto nya daw maka bonding ang anak namin kasi bihira na sila magkita, dun na nag-start yung away ulit namin na until now hindi parin kami okay... umalis siya dat day and she told me na pupunta lang daw sa mall pero 12 midnight na [textspeak!] pa.. kinabukasan i asked her kung san siya pumunta, sabi nya sa bar mag-isa lang daw siya... gusto nya daw mapag-isa... then nagsunod sunod na, i thought may OT siya, siguro nga nag OT siya pero after umiinom siya, magugulat na lang ako pag-uwi nya nkainom na siya pero hindi naman madalas and hindi na siya nag-uupdate sakin kung nasan siya, kung [textspeak!] time siya uuwi, kung sino kasama nya... nagttxt sya OO pero not regularly and pag hindi ko pa kinulit... ako naman as his hubby, nagpakumbaba na ko para maging okay na ang lahat kasi nhihirapan na ko (to think lagi siyang gabi til midnight umuuwi knowing na maraming g**o sa tabi-tabi) i just want her to be safe, na kahit alam ko sa sarili ko na wala naman [textspeak!] kong ginagawang mali which is very unfair din sakin, simula kasi nung may ngyari nun nawala na yung trust nya sakin, pinipilit niyang ibalik pero hindi na 100%...

ang sakin lang, bakit niya mas pinaniwalaan ang isang text message na hindi nya naman alam kung kanino galing, alam nyo yun, yung baka nag-trip lang o may balak kming siraan, kesa kausapin ako ng masinsinan.. iniisip ko rin kasi kung alibi lang ba yun? para ano? para makapunta sya kung san nya gusto, para hindi ko na siya ma-monitor? sa ngaun, may pinang hihinalaan lang ako pero hanggang hinala lang [textspeak!] pang proof and i tried to investigate also, 1 time kinuha ko yung celfon nya and i tried to back-up all sms messages nya everyday, so after several tries may na restore naman akong message pero ang sabi lang "andito na ko sa bahay, sige na. goodnight".. that's coming to a guy officemate which ang sabi nya nung una buddy-buddy nya.. yun yung guy din na pinaghihinalaan ko which I met him yesterday lang nung pinuntahan ko yung wife ko sa office nya during her break just to spent more quality time to her kasi bka yun din yung kulang samin, ako na ang gumagawa ng paraan to save our relationship although ako din naman ang may kasalanan in some point pero di ko lang matanggap na ganito ang ngyayari, umuuwi si misis sa bahay pero parang hindi siya nag-eexist.. yung nag-uusap kau pero hindi katulad dati ..

nga pla, may pahabol lang, nag-invite pla yung ka buddy-buddy nya ([textspeak!] pinaghihinalaan ko) sa lugar nila kasi (province) fiesta daw which is totoo naman, although may kasama nman siya khit anong pilit ko na wag siyang pumunta e ayun pmunta parin, ang masaklap nun nag commit siya na 12pm nsa haws na siya, 2 to 3 hours kasi ang byahe pero late na kasi sya umalis, i think past 5pm na, then nkadating sila dun past 8pm na, that night im drinking, i called her up ng past 11pm til 12am, so nakontak ko naman siya... [textspeak!] na daw silang masakyan kasi di daw nila alam bka daw kasi fiesta? kaya madaling araw na daw sila aalis dun, magpapalipas na lang daw sila ng umaga.. sa sobrang badtrip ko naubos ko yung 2 red horse mucho kya bagsak ako, pagkagising ko andun na siya nakahiga katabi ko. during nung pagsasama namin, hindi mahilig si misis umalis lalo na yung mahabang travel den uuwi agad, knowing her, bihira siyang magtravel kung hindi ako kasama and hindi kami basta basta pumupunta kahit close friends namin ang nag-iinvite, hindi ko alam kung na-uudyukan lang siya kya tinanong ko siya kung may anong especial meron sila nung mga friends nya sa office na konting hila lang sa kanya napapasama nya, siyempre ang sagot WALA... tsk tsk tsk...

we talked seriously 2 days ago pero i dont believed what she said to me.. she said lets part ways... hindi niya daw magawa dahil sa anak namin, nagulat ako sa sinabi niya, i asked her kung bakit, sabi niya manhid na daw siya, knowing na [textspeak!] siyang PROOF na nambabae ako pero ganun siya makipag-usap sakin.. until now, ako ang gumagawa ng paraan, pra magka-usap kami, magkaron kmi ng quality time, na kahit hindi na siya nagsasabi ng "i love you" sa text or verbally, ako na lang lagi nag nagsasabi sa kanya, minsan masakit and mahirap na hindi kayo okay ng asawa mo tapos ikaw nsa haws na kasama ng anak mo pero siya nsa office pa and hindi ko alam until [textspeak!] time siya uuwi, na sasabihin nya na may OT siya pero naghihinala ko kung totoo yun o hinde.. khit papano pinipilit ko na hindi masira yung trust ko sa kanya..

sorry kung medyo mahaba ang story ko.. so any advise guys??? is my wife cheating or not?? any thoughts?

thanks po...
« Last Edit: July 04, 2014, 12:36:39 pm by mgm84 »

langley

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #1 on: July 04, 2014, 01:20:12 pm »
sa tingin ko mr. mgm84 wala ng respeto sa'yo ang asawa mo. And  there's a big possibility na mag-cheat siya sa'yo.

Ano ba dapat mo gawin?

Sa tingin ko be a man. Act like a man.

Sabi nga sa isang male blog na nabasa ko:

Furthermore, if you admit to being the chief problem, she will lose all respect for you. I know, this sounds really bizarre, but it’s how female psychology works. She needs a man who is strong and tough, who can stand up to threats and remain stable. She needs a man who can stand up even to her, because if her man cannot stand up to a woman who is clearly in the wrong, how could she trust him to stand up to bigger threats?

I suggest you read blogs from the manosphere (male blogs), sa tingin ko mas madami ka matututunan dun kung pano mo iha handle yang asawa mo.

engr_neechee

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #2 on: July 04, 2014, 02:03:50 pm »
Bro,

sorry pero nung dalaga pa ako, may one time na I got tired of an ex-bf.  Actually I met someone na gusto ko pero di naman pwede, pero just the same, nagsawa ako sa then-bf ko (I had my reasons kasi I spoonfed him sa career, etc).  Kapag tumatawag siya, I had all the excuses na kesyo "Inaantok na ako, etc."  Yung dating 8pm na sagradong time ng telebabad namin eh tinulugan ko na.  Iniiwasan ko na sya.  nagconfide ako noon sa isa sa mga guy friends ko and nagulat siya kasi sabi niya, "Nagsawa ka na sis.  Hindi mo yan mababalik sa dati."  Pero mabilis magkick in ang guilt sa akin kaya di ko na pinatagal ng dalawang lingo yung paghihirap ko, nakipagbreak ako.  To think na before, magkacrush lang ako sa iba, sinasabi ko kaagad dun sa then-bf ko para habang maaga eh maisalba niya yung "kami."  That time, I no longer cared.  Yun yung break up na talagang hindi ko iniyakan and it was a relief na makabitaw.  Parang, no further questions asked, ayoko na.  hindi na mababago ang decision ko.

Now, things are already different.  Married na ako.  Wala pa kaming two years kasal ng hubby ko.  Whirlwind romance.  Two months into the relationship, we paid for the reservations sa Church.  Alam kong kapag ginagabi ng uwi ang asawa ko or napatagal sa mga lakwatsa, nararamdaman ko kung nagsasabi ng totoo kahit na feel ko pa ring magtampurorot at sabihing, "I thought you had the common sense kung anong oras dapat umuuwi ang taong may asawa."  Kahit alam kong walang babae, gusto ko pa ring sinusuyo kapag ginabi ng uwi.  Ako naman, I rarely go out  Bahay, office, simbahan lang.  Inis na inis pa ako kapag napipilitan pumunta sa mall because there is so much love sa house - no need to go out to have fun. 

Natuwa naman ako sayo kasi mahal na mahal mo ang misis mo based sa kwento mo.  And honestly, hindi ko gusto ang nangyayari sa inyo.  There must be something.

Reach out.  Talk to her.  Keep your cool.  Ipaliwanag mo where you are coming from.  Show her na you feel the need talaga na ayusin yung issue.  Maybe then, just maybe, you may hear things that you wouldn't want to hear, pero you'll be able to come up with a solution. 

Sabi nga ng Parish priest namin sa isang homily dati, "Kapag ang isa sa mag-asawa eh nagloko, dapat hindi gumanti yung isa.  Para kapag babalik yung isa eh may babalikan pa siya." 

If magalit siya while talking it out, keep your cool.  Don't fight fire with fire. 

This may just be a phase, Bro.  This too shall pass. :)

momentum

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #3 on: July 04, 2014, 02:13:09 pm »
I cant believe rin na may cases pala na ganito hinaharap ang mga lalake.. Its something new to me

Honestly I dont believe OT yun. Ano yun, OT everyday? C'mon

Iniisip ko pa ano advice ko. Pero I smell something wrong. And tama nga, she doesn't respect you. Does she even have time for your kid?! Parang wala narin, based on your kwento. Parang wala na siyang pakialam kundi sarili niya. Mukang malaki ang naging effect ng ginawa mong pagflirt nuon sa iba sa chat. Either that or nagsawa na siya sa relationship ninyo and found comfort with someone else

Pero parang hindi naman siya "inlove" with someone else? Kasi bakit laging naglalasing? Parang may deeper problem. Kung inlove kasi she won't be wasted or drunk coming home almost every time? I dunno.. Will wait and hear first from others and re-read your story

Girltalker2

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #4 on: July 04, 2014, 02:21:17 pm »
TS, where is your son in all this?  Sorry baka na skip ko lang, I read through your post pero hindi lahat, selective :)

Gaya ng nasabi ni happilytaken2, I also did not know that men can go through this din pala. Kala ko kadalasan mga babae lang. Kasi normally sa mag asawa, women are the ones that care for their kids, tapos may work pa. So san ka makakahanap pa ng oras lumandi.

Anyway, TS, I am sorry I really do not know what to tell you. Ang masasabi ko lang, huwag na huwag mo papabayaan ang anak ninyo. Tsaka ako kasi I have this belief na kung walang mutual na pagmamahal from both sides, feeling ko dapat maghiwalay na ang mag-asawa kasi wala nang saysay ang pagsasama nila.  Nasabi ko lang naman ito kasi iyan ang natutunan ko sa relasyon ko.  More than 10 years din akong kasal, unang taon palang nagloko na ang asawa ko. Pero tiniis ko. Lahat ng novena pinuntahan ko na, Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para ayusin ang pagsasama namin, You name it and I did it.  Pero I failed. Nagsayang lang ako ng oras, pagod at pera.  Kasi at the end of the day, the hard lesson I learned, is kung wala nang pagmamahal ang isa para sa isa, kahit anong pilit mo, it can never work.




quinone

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #5 on: July 04, 2014, 02:35:13 pm »
you know, i have a guy friend, at halos lahat ng kaibigan niyang babae inaaway nung asawa, nakakahiya nga e. i think may ganung lang talagang mga babae? ...a little bit crazy.

anyway, mukhang sa kwento mo, hindi siya naka move on sa problem ninyo dati. i dont think she trusts you. i don't know kung meron siyang iba though. maaga ba kayong nagasawa? nagsama lang ba kayo because nabuntis mo siya? gaano siya katagal naging stay-at-home-mom?

wala ba siyang other set of friends besides her officemates like old college friends? if she has other friends bakit lahat ng yaya sa kanya nitong new friends niya e sumasama siya? is she always late sa estimated time niya ng paguwi? kasi yung late minsan oks lang. pero yung laging late, that's irresponsible and it means she doesn't care about your peace of mind. pero alam mo, i am female and when i am out with friends, ayoko ng kinukulit ako sa phone ng asawa ko, nakakainis yan for me. ayoko rin ng may oras ng uwi. he calls me para malaman kung pauwi na ba ako, kung hindi, edi hindi. hassle sa part ng nag goodtime na mag text pa na "pauwi na ako." i'd rather na tawagan ako ng husband ko kesa magte-textback ako sa kanya.

pwede rin na adjustment period lang kasi naiba ang routine ninyo at nagwo-work na siya. pwede rin na itong mga kasama niya e maraming kinukwento sa kanya about sa kalokohan ng mga lalake para magduda siya sayo. pwede rin na you are inconsistent sa love na pinapakita mo sa kanya.

why not ask your wife directly if there is someone else?  baka kasi kung meron siyang iba, takot umamin at baka idemanda mo or manggulo ka. sad lang na yung pagkakamali mo dati naging lamat sa inyo because she is that kind of girl na mahirap palang magtiwala ulit. at kung meron nga siyang iba, did she let herself be tempted or talagang matagal na siyang na fall out of love sayo?

kung wala, baka naman she is willing to go marriage counseling? if not, then let her go. its frustrating makisama sa tao na walang tiwala sayo at hindi mo pinagkakatiwalaan.

cristina

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #6 on: July 04, 2014, 02:54:03 pm »
For me sa POV ko i think she is having "something" sa isa sa ka officemate nya(talking from my experience) nagawa ko na din kasi to sa hubby ko before i salute you kasi kahit ganyan ang situation hindi ka sumusuko and sana wag kahit kelan kasi ako hindi din sumuko ang hubby ko to be honest i even had sex with my "buddy buddy" pero dumating naman ako sa point na ako na mismo ang umayaw kasi naisip ko anak ko and alam ko walang kahahantungan din kaya SANA si wifey mo eh magising din sa katotoohanan

budzwhiz

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #7 on: July 04, 2014, 03:45:35 pm »
Tama yung sissies, quite refreshing na lalake naman ang nag-oopen up about sa ganitong problema. Anyway, bro.. 3 things naiisip ko na pwedeng dahilan kung bat nagkakaganyan si misis.

1) Katulad nung sinasabi mo, pwedeng alibi  nya lang yun "may nagtext sa kanya" at galit-galitan all to cover up the fact that she's falling out of love.. Kaya palaging nag-iinom, nag-iisip. Hindi alam ang gagawin sa marriage nyo.

2) Galit lang talaga sya. Dahil dun sa nabasa nyang text, lahat ng ginawa mo noon bumalik sa kanya. Or pwede namang talaga lang nagkalamat na yung relationship nyo simula nung may nangyari. Tanong ko lang, what did she do after nya malaman yung ginawa mo dati? How did she react? Nagalit, umiyak, pinag-awayan nyo ba to, or she simply said those things you mentioned na kapag inulit mo pa yun, hihiwalayan ka na nya? Sa tingin ko kasi, kung hindi nya nailabas lahat ng galit nya noon, it's probably building up, and the text she received (plus more tamang hinala), caused to trigger all the pain and anger she wasn't able to release before. Kaya ngayon nagkakagyan. Nag-iinom, nagrerebelde.

3. Can be a mix of both, 1 and 2. Bago nya pa makuha yung text tungkol sayo, nagkaka mabutihan na sila nung officemate nya. Hanggang sa may nagtext na nga sa kanya, namomroblema sya, so now she finds comfort in the arms of her officemate.

Kamusta kayo bago sya pumasok sa company na to? Okay ba kayo? Sweet ba kayo sa isa't isa? Sure ka ba na wala talaga kayong problema bago ito? Siguro the best way parin to know is syempre kung manggagaling sa kanya. Talk it out. Sana maayos nyo yan. Goodluck! 😊

gracita13

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #8 on: July 06, 2014, 02:49:30 pm »
hi bro, naalala ko yung mga excuse ng wife mu sa kwento ng bro in-law ko sa misis din nya, kwento ko lang about sa nangyare sakanila.

seaman sya tas misis nya call center agent nasa barko pa lang daw sya ramdam ng nyang may nagbago, dati daw kahit wala pang tulog si misis mag uusap pa daw sila tas biglang andami ng excuse para hindi makapag usap like asikasuhin pa daw nya anak nila pagpasok sa school,pagod tas laging may OT tas weekly may team building? nagtrabaho din ako sa pinas pero once a month lang kame mag tb i dont know ganun ba sa ibang company?  :P so ayun pagbalik nya ng pinas nalaman nyang may iba na nakita nya sa email ni misis mga pics nila nung lalake take note sa motmot pa ::)
so ayun hiwalay agad. 

bro, hindi ko naman lantaran sinasabeng nagloloko misis mu ha pero yun nga may "something" ikaw lang naman makakasagot sa tanong mu kung nagloloko nga sya, kinakabahan ka ba? dati kasi nung naloko ako iba talaga ang pakiramdam eh yung laging may kaba.nga pala bro, may trust issue na din sila katulad nyo. yan ang hirap pag tiwala na ang nasira take it na lang as one of the consequences na dapat mong harapin.

Pray.Goodluck!

aquacharly

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #9 on: July 07, 2014, 10:07:29 pm »
IMO, it isn't normal for a married woman to be going out frequently drinking.
She must be at her wit's end:  hindi nya maisip how to move your relationship forward, out of the hole it's in now.

She probably feels unappreciated by you.  She probably feels dis-connected from you.
Do you LISTEN to her?   
Sinasabi mo that you are doing everything to revive your relationship. REALLY?  Baka YOUR point of view lang consider mo.  Eh inisip mo ba how SHE WANTS to see/feel/experience that she is loved?
 Read the Languages of Love book, you will understand couple dynamics more.

Look at yourself really well, and objectively.  Even if you say you are reaching out, pero if you have these tantrums and a negative manner of checking up on her -- haynaku, hopia pa rin.    You have to be CONSISTENT in showing you love her.  Coz if you act like an AHole now & then, mahirap nya ma forget yon  kahit na the next day, sweet ka to the moon and back.

As for Trusting you 100%  again --  That's extremely hard.  Trust, like an eraser, gets smaller with each mistake.  Tandaan mo yan. 

Play your cards well.  I don't think she has cheated  on you yet, but if you 2 remain disconnected --  she will cheat on you sooner or later.
Re-establish your positive relationship, but be sure to be CONSISTENT.  Hindi yung sinuyo mo sya this week, tapos balik dis- connect ka uli next week. She will get tired of your inconsistency, betcha.  Kapagod mga guys na ganyan, kasawa. 

Atchaka, are you a joy to come home to? Baka andyan ka nga sa house  pero alam nya pag uwi nya mainit ulo mo, suya ka, or you don't really pay attention to her.  Let's face it, mas ma bigat expectations of a working wife. Ganon yon eh: she works to keep the family afloat din. 

Look at yourself objectively & truthfully. Really take a hard look. 
IMO, hindi basta basta bumibitiw ang wife-mother.  It is, more often than not, the husband himself that pushes the wife away.  But that's just my opinion, what do I know anyway. 
« Last Edit: July 10, 2014, 12:58:16 am by aquacharly »

ajcruz

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #10 on: July 07, 2014, 11:00:19 pm »
Ang ganda ng sinabi ni aquacharly ;) I agree yung bahay/hubby na masarap uwian.

Partly relate sa wifee. I will never forget un ipaglaban ni boyfie (now hubby) when I was on a rebel mode  >:( (due to distance lang and will not elaborate). Sa kanya ko nauhawaan un word na "commitment" kasi ipinakita nya ;) even if we're not married then.

In your case, baka may unresolved issues nyo lang c wifey mo, or may malalim na tampo, baka matagal sya naging SAHM nakafeel cya ng sort of freedom, i will never know, mas kilala mo cya.

*Commit time: Alot a specific time, like a month or two to do sweet things for her, baka may namimis cya dati na dimo na nagawa like dinner, flowers, etc ([textspeak!] love language nya - as aquacharly said din) in short maging masugid na manliligaw ka ulit (I remember "Fireproof" movie, you may search narin para maintindihan mo baka makatulong :)
*Be there emotionally: Work on pano mo cya mapagconfess - be his bestfriend, suyuin promise her and assure her na makikinig ka talaga, and un action sa part mo to resolve your issues.
*Be there physically: Yung tipong susulpot ka sa gitna ng halaman na may dala dalang flowers ;D, or andun ka naghihintay sa way na dinadaanan nya or kung nasa isang dinner out cya tapos text cya na pauwi na - andun ka lang outside hinihintay cya para sunduin w/o her knowing (not to spy on her ha).

Do this persistently walang babae siguro na di bibigay, just talking from experience.
Make sure that you do this out of love and commitment dahil kasal kayo and may anak, hindi para makipagcompete lang. The bible says "to love the wife of your youth" Prov 5:18 and may "Husbands, love your wives,.."Eph5:25-this means na God knows na wife needs love baka lang naghahanap cya, so pray that you may show it to her if you want pa to save your marriage.

Girltalker2

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #11 on: July 08, 2014, 06:09:46 am »

I agree yung bahay/hubby na masarap uwian.


^ Sa panahon ngayon, iilang hubbies na lang ba ang nags-self reflect ng ganyan?  Yung may conscious effort na magplan for their wives?  Not sure kung wala lang ako masyadong nababalitaan, pero parang hindi kasi sila kasing engrande kapag nanliligaw palang.  Pag mag asawa na, parang nawala lahat iyon. Tapos pag mag asawa na, parang may bare standard minimum na Valentine's Anniversary Birthdays.  Yun nalang, that is, kung meron pa.

Palaging nakikita ko ang wife ang nag iisip kung may puede pa ba syang ma improve, kung anong mali sa kanya or sa pag aasikaso sa kids/bahay. Pero seldom I hear anything like this for husbands.  Bakit? 
 

langley

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #12 on: July 08, 2014, 01:08:14 pm »
^Ganyan talaga magkaiba kasi ang lalaki sa babae. Pero hindi ibig sabihin na hindi nagseself-reflect ang mga lalake. Actually pag may nakita nga sila na dapat ayusin diretso wala ng kung anuman dakdak gagawin agad.

For example ang asawa ko pag may nakita siya na mga sirang gamit sa bahay, hindi na siya magpapaalam sakin na gagawin niya, diretso pag nakita niya sira gawa agad. Pag nagkukulang kami sa pera ang asawa ko ang gumagawa ng paraan. I think kasi role niya yun eh. Ang mag-provide para sa amin. At siyempre alam naman ng asawa ko na hindi ko kaya magkumpuni ng kung ano ano sa bahay.

Para sakin yun ang mga ways ng asawa ko na ipakita sakin na mahal niya ako. Acts of love. And with that I'm very thankful. Ang mga wives kasi dapat makuntento at magpasalamat sa kung anong binibigay ng asawa.

Ngayon bonus na lang siguro kung magpplan ang asawa mo ng date or bigyan ka ng gifts tuwing Valentines Day or anniversary or kung anuman. Pero kung wala magpasalamat ka pa din na magkasama pa din kayo ng asawa mo.

At tayo naman mga wife gawin din natin ang role natin. Give your 100%. Treat your husband like a king. Yun mga boss nga natin sa work sinusunod natin pero ang mga asawa natin hindi. When in fact men are our head. Our husband is our head.

coffee_art01

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #13 on: July 08, 2014, 01:44:34 pm »
I suggest you talk to someone who personally know both of you. Mahirap kasi dito malaki yung chance na mali yung advice namin. Pero sobrang importante na pag usapan nyo ng wife mo yan. Try to save your relationship before it's too late. Kung hindi mag work, at least tnry mo. No regrets.

ChiqueeTita

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #14 on: July 23, 2014, 09:49:27 am »
Hi TS, I think your wife is not cheating, why? Been there done that. Noong naging on the rocks ang relationship namin ng hubby ko, same situation may nagawa din syang kasalanan kaya ako naman nagrebelde mode.
Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay pati narin sa kanya kaya mas gusto ko pa nauwi late at night para pagdating ko tulog na sya wala ng dapat pagusapan pa.
I told him always na OT or may ginagawa pa ko sa office kaya late na ako makakauwi. Pero ang totoo napunta lang ako sa house ng friends ko and don ako nagpapalipas oras. Regarding dun sa guy na iniisip mo na baka may something na sila ng wife mo?
Well tingin ko wala silang relasyon. Baka yung guy lang ang naging confidant ng wife mo, dun sya naglalabas ng sama ng loob at dahil lalaki un dun din sya kumukuha ng payo. Ako kasi lagi ko rin kasama noon si guy bestfriend ko, naging spoiled nga ako kasi sa twing ayoko umuwi sa bahay
sya ang kasama ko, lagi sya my time sakin non. Reason nya kesa kung san pa ako pumunta at kung sino kasamahin ko mabuti ng sya nalang atleast panatag sya. My husband know him naman pero dumating din sa point na pinaselosan din sya ni hubby. pero there's nothing between us talaga parang kuya at little sister lang ang samahan.
The fact na umuuwi pa ang asawa mo sayo means that she loves you pa, nagliliwaliw lang yan at nagiisip ano ba ang dapat. Baka naguguluhan pa sya, remember may kasalanan ka di ba? mahirap kasi kaming makaget over pag feeling nmin niloko kami. Naglalaban lagi ang puso at isip.
Pero im sure magiging ok din ang lahat. Suyuin mo sya, do ur best to win her back and to trust you again. Don't make promises, basta ipakita mo na nagbabago ka na. kausapin mo sya, magsorry ka be sincere ha.
at isa pa wag na wag mo sya pagbabawalan kasi baka lalong magwala yan.
Hintayin mo lang, pag ok na ang lahat at nafall ulit sya sayo, sigurado ako titino na yan at titigil na yan sa bahay. Gumawa ka ng mga bagay na makakapag painlove ulit sa kanya. kung kaya mo syang araw araw mo syang ligawan gawin mo. Para maging ok ang relasyon nyo at maibalik mo sya sa dati. At para di sya mafall sa iba agapan mo na.
Always, remember "A happy WIFE means a happy LIFE"
Goodluck sayo & Godbless.. Kaya mo yan TS, Aja!! :)
« Last Edit: July 23, 2014, 09:53:16 am by ChiqueeTita »

cristina

  • Guest
Re: is my wife cheating or not?
« Reply #15 on: July 24, 2014, 01:44:24 pm »
hi TS any update?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close