watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 37)  (Read 53828 times)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #240 on: September 15, 2014, 11:58:53 pm »
Storm signal no.8 na dito.... grabe ang lakas ng hangin...

omneecka

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #241 on: September 16, 2014, 12:12:19 am »
Hi sisses!

May nakapag-Cheung Chau na ba sa inyo? Plan kc namin pumunta and mag-overnight dito kaso wala akong ma-search na maayos na accommodation. Ito po questions ko, sana may makasagot:

1.) Pano po direction going to Cheung Chau? From Star Ferry po ba may direcho na or from Central pier pa?
2.) Any ok (with clean CR and no bed bugs) cheap accommodation?
3.) Ano preferred day na bumisita dito? Weekdays or weekends?

Its my 5th time and my partner's 3rd time na kc in HK kya di na kami masyado punta sa mga usual attractions though 1 week stay namin in HK.

How's the weather din po in HK by end of January? Natry na namin ang week ng Valentine's day and grabe sobrang lamig to the point na kinakabag na ko and sumasakit na likod ko sa lamig.

Salamat po sa mga sasagot! 😊😊

ezonme

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #242 on: September 16, 2014, 07:35:07 am »
prettybarbie stay safe sis.. monitoring the weather too kasi flight namin tomorrow morning. Moving gradually away from HK na daw yung storm.. sis kung okay lang pa update by end of the day about the weather.

cutieann12

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #243 on: September 16, 2014, 11:15:50 am »
hello mga sis, we will be in Hong Kong next month. Malamig na ba dun? Is there any sales during the month of October?

Here's our ITI, pangit ang nakuhang time ng friend ko pag book nya. Gusto ko din sana na mag Macau kami instead of Ocean Park. Please help me naman sa pwedeng alternate na gawin para kahit papanu maging sulit ang stay namin dun. TIA

October 8: (4:40 pm) Departure Manila to Hong Kong, Mongkok Night Market
October 9: Ocean Park, The Peak Tram, Madame Tussauds Wax Museum, Victoria Peak Sky Terrace
October 10: Disney Land, Hong Kong Cultural Center, Clock Tower, Avenue of stars, Victoria Harbour Symphony of lights
October 11: (10:40 am) Departure Hong Kong to Manila

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #244 on: September 16, 2014, 12:08:52 pm »
Sis ezonme thanks! Bumaba na ulit sa signal no. 3 ang bagyo pero grabe pa din ang lakas ng ulan at hangin, according sa weather report lalabas na daw yung bagyo this afternoon. So sana nga gumanda na ang weather tomorrow para ma enjoy nyo ang trip nyo....

Sis omneecka regarding January weather... Malamig mga 8-15 degrees... Sobrang lamig ng hangin so dala ng bonnet at gloves specially pag may bata. Actually pabago bago ang temperature may week na sobrang lamig may week naman na keri lang. So just to be sure dala kayo ng pang layering.

Sis cutieanne12 yung october 10 mo, hindi ka na ba manonood ng fireworks sa disney? Kasi yung symphony of lights mga 8pm yan.... Baka di ka na umabot
« Last Edit: September 16, 2014, 12:11:31 pm by prettybarbie »

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #245 on: September 16, 2014, 01:01:46 pm »
^^IMHO, mas masaya ang fireworks sa disney, so-so lang ang SOL ;D

shakeshake

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #246 on: September 16, 2014, 01:17:00 pm »
4 weeks before our trip, fully booked na mga hostel sa TST GC, Taisan, YiuFai :( I'm so torn!!!

me masusuggest pa ba kayo mga sis? parang ayoko naman sa mirador mansion kasi we have kids baka matakot sa mga anaps. help!!

jellybeans_verycherry

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #247 on: September 16, 2014, 01:34:56 pm »
^kami rin sis! Hanap pa ako hitel/hostel sa TST..nabook ko palang disney hollywood for my kids 1 night. Hanap pa ako hostel or else kailangan na mabook Benito or mga ganung hotel. 

May nakapunta na ba shenzhen lately? Yung mga nababasa ko kasi mga 2012 post pa.. Madali na kaya kumuha visa? Day tour sana kami..

cutieann12

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #248 on: September 16, 2014, 02:02:12 pm »
Sis cutieanne12 yung october 10 mo, hindi ka na ba manonood ng fireworks sa disney? Kasi yung symphony of lights mga 8pm yan.... Baka di ka na umabot

ganun ba? sige, i'll try to switch yung schedule namin sa SOL. Yung fireworks sa disney dapat ba nasa loob ka ng disney or ok lang kahit na nasa labas ka na kita pa din ba?

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #249 on: September 16, 2014, 03:51:50 pm »
shempre mas maganda pag nasa loob.... pag sa labas obstructed view na.

Mga sis na naghahanap ng guesthouse try nyo to, http://goldencourthk.com/?p=14 nag stay jan yung friend ko okay naman, basic lang tamang tulugan. Malinis naman at may sariling toilet. Tapat ng building yung MTR station.

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #250 on: September 16, 2014, 04:05:30 pm »
^in fairness mukhang ok din yan sis at may TFC pa ;D

^^sa loob mas ok, gandang picturan ng castle :)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #251 on: September 16, 2014, 07:19:54 pm »
haha oo nga... pilipina yung receptionist nila jan, and malapit lang sa Causeway Bay. Sa pagkakaalam ko meron din silang kitchen na pede paglutuan ng mga guests.

geekchiq

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #252 on: September 17, 2014, 09:47:02 am »
Will be traveling to Hong Kong next month with my 2 year old daughter, October 26-28. It will be a 3d/2n trip. We already reserve a triple room at Golden Crown Guesthouse. We are on a budget din. We only plan to go to Disneyland. Pero will do some backread to check what else we can do in HK on our 3d/2n trip. :)

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #253 on: September 17, 2014, 11:51:07 am »
^punta kayong nan lian garden sis, maganda & walang entrance. MTR lang yon from GC ;)

geekchiq

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #254 on: September 17, 2014, 02:59:05 pm »
Sis, DIY tour kami. Basta if you have the budget, go for disney hotel, talagang mageenjoy kids mo. On a budget kasi kami kaya we are staying in a guesthouse lang.

Mageenjoy ba ang 2 years old sa ocean park? Although I know free of charge naman ang 2 years old. And need bang whole day un, or half day is enough?

Kasi ito plan namin itinerary

Day 1:  arrival at 955am, avenue of starts, clock tower, Ocean Park
Day 2: Disneyland
Day 3: deciding pa what flight time to take (chance passenger kasi)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #255 on: September 17, 2014, 08:00:51 pm »
parang di pa masyado for a 2 year old... pag sumakay ka ng cable car sa kabilang side may mga rides for small kids pero parang masyado pa din say maliit para don.... pede na half day kung di kayo sasakay sa mga rides...

janjohann

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #256 on: September 18, 2014, 10:57:11 am »
May i know kung malamig na ba sa hong kong around last week of November? We've been to HK kaya lang gusto ng kids ma experience yung malamig naman at di pagpawisan while walking. Thanks.

mama squeak!

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #257 on: September 18, 2014, 11:17:19 am »
^Malamig na pero parang regular Baguio-lamig lang average temperature is 20-23C.

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #258 on: September 18, 2014, 11:18:52 am »
^^yes sis, ganyang weather din gusto ko. sakto lang, mala-baguio. masarap maglakad & hindi rin masyadong maginaw, jacket lang pwede na :)

janjohann

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 37)
« Reply #259 on: September 18, 2014, 11:27:11 am »
^Malamig na pero parang regular Baguio-lamig lang average temperature is 20-23C.
^^yes sis, ganyang weather din gusto ko. sakto lang, mala-baguio. masarap maglakad & hindi rin masyadong maginaw, jacket lang pwede na :)

Thanks! :) yun din ang gusto namin, just enough coldness para masarap maglakad and para kahit mahaba ang pila sa rides HK disneyland eh hindi mapagod ang mga kids :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close