watch now

Author Topic: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON  (Read 55258 times)

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #20 on: June 24, 2014, 09:59:15 am »
Nanonood din ako nito ang ganda kasi and infairness may kilig factor si bea and paolo hahaha or si rose lang talaga not bea.

For me effective as contrabida si maricar. Mataray and class ang dating, hindi katulad ng mga ibang kontrabida dinadaan lang sa sigaw. Tsaka sobrang nakakainis siya dito, super effective.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #21 on: June 24, 2014, 05:30:19 pm »
^Lalo na nung sinubuan ni Paulo si Bea ng chocolates, OMG! kilig to the max hahahaha.


ang tindi ng chemistry ng dalawang yan, sana nga hindi sayangin ng star cinema.

and basta, kasi ang yummy yummy ni Paulo Avelino hahaha.


excited na ako mamaya, sana mabilis ang pacing.


geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #22 on: June 24, 2014, 05:39:41 pm »
Hindi kaya magka-pulmunya si Paolo Avelino dito. Lagi nakabilad ang katawan. Lol, pero ok na rin. Hahaha, choosy pa ba ako.

aliw na aliw ako dito, sis mlabable  ;D  tapos nung sumugod sa ospital, naka-sando lang  ;D

buti na lang, di rin maatim ni emmanuelle na pabayaan sina rose at patrick. oo nga naman, kung hindi naman kay rose eh di wala na yung anak nya. okay din mag-convince yung bata.
« Last Edit: June 24, 2014, 05:42:08 pm by geeboy »

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #23 on: June 25, 2014, 10:11:22 am »
friends kontabida ba si eddie garcia di ko pa pinapannod kasi inaabangan ko gumanti si bea hehe

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #24 on: June 25, 2014, 10:57:04 am »
Teka may na miss akong episode... Sino ba tumulak sa daddy ni rose?

^ hindi ata kontrabida si eddie, lolo sya nung panget na bea

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #25 on: June 25, 2014, 11:18:51 am »
Mabait na pulis si Eddie Garcia, lolo siya ni Rose (pangit), then ang connection niya kay emmanuel (maganda) eh siya yung negotiator nung time na na kidnap si Bea, then kinamatay naman nung parents ni Emmanuel, kaya galit si Susan Roces kay Eddie G.

ang alam kong kontrabida eh si Bembol Roco.


Re: pumatay sa father ni Rose, wala pang lead, hindi pa pinapakita. Pero malaki ang duda ko na si Tonton G. o kaya si Sasha.


ang landi landi talaga ni Sasha nakakainis!!!


excited na ako mamaya, mamaya na ata yung sasabog yung kotse...


prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #26 on: June 25, 2014, 11:39:21 am »
Mabilis nga ang takbo ng story na to, isang episode lang yung di ko napanood naitulak na kagad daddy ni rose LOL, iikot talaga yung story sa paghihiganti ni Bea.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #27 on: June 25, 2014, 02:44:31 pm »
bakit naman kasi nakipag-inuman pa tong si patrick kay sasha, grrrrr  >:(  kahit na malinis ang intensyon nya sa pagpapakasal kay rose at mahal nya ito, napapagdugtong-dugtong na ni rose ang mga nangyari, plus yung report pa nung private investigator, mawawalan na talaga ng tiwala si rose.

lesters_gal

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #28 on: June 25, 2014, 11:31:55 pm »
Oh my god, im hooked with this. Isang linggo palang pero ang dami ng nangyari. Bukas exciting kasi magigising na si rose chaka sasabihin niya kay susan roces na sha si rose. Nakakaloka ang daming suspect sa pagka patay ng dad nila rose, pati sa pagsabog ng kotse ni emmanuelle ,sino kaya lahat ang mastermind ng lahat...

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #29 on: June 25, 2014, 11:54:38 pm »
Si TonTon siguro

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #30 on: June 26, 2014, 12:07:39 am »
May nag-utos talaga kay Nikki Valdez na patayin si Rose? Kasi nung tumakas sila ng kulungan may dalang bag si Nikki na may bomba?

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #31 on: June 26, 2014, 04:29:25 am »
Sana wag nila masyado pahabain tong serye na to. Ang bilis ng pacing e, baka pag pinahaba nila maging dragging na dun sa part ng paghihiganti ni Rose. Oh well, yun talaga yung inaabangan ko. ;D

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #32 on: June 26, 2014, 09:29:46 am »
Mga tanong sa episode kagabi:

1. sino ang nag utos kay Nikki Valdez na patayin si Rose?

2. Bakit pa binigay ni Nikki yung wedding ring ni Emmanuel kay Rose, kung balak naman pala niyang patayin talaga?


geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #33 on: June 26, 2014, 01:13:43 pm »
naku sino nga kaya nag-utos... malamang sya rin yung pumatay kay henry... mana at kumpanya sigurado ang motibo.

simplengbitchy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #34 on: June 26, 2014, 02:09:28 pm »
ang galing noh? sobrang dami nating speculations regarding this show.. sana wag tayong mabigo.. :)

enihoo, labas sa story. sorry po, pero.. nasasaktan yung tenga ko sa taas ng "sannnaaa bukasss paaaaaaaa" na themesong.. wag sana akong sugurin ng fans.. kasi ako lang naman yon.. hehe..

marssie

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #35 on: June 26, 2014, 09:14:35 pm »
Ang ganda!! Nakakaexcite panoorin :)

Parang imposible nga na si Atty ang planong patayin kasi paano naman malalaman ni Nikki na darating yung si Emmanuelle. Yung pagpapalit ng damit at pag-suot ng singsing, baka pinagawa lang ni Nikki para lang madivert ang attention nila at mapanindigan niya yung "kunyaring" pagnanakaw niya ng mga gamit ni Emmanuelle.

Nanghihinayang lang ako sa talino at galing ni Emmanuelle.  Sana lang sa pagiging siya ni Rose mabigyang justice niya pati yung nangyari sa magulang ng isa.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #36 on: June 26, 2014, 09:16:11 pm »
^^ hahahahaha! okay lang yan, hindi nga tumatatak sa utak ko yung theme song eh  ;D  mas bumabaon yung "kahit sabihin na mali ako, alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo"  ;D ;D ;D

happilytaken2

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #37 on: June 26, 2014, 09:47:01 pm »
^ bet na bet ko yung song na yan geeboy

Anyway, grabe ang acting ni paolo avelino sa episode tonight. I love Manoy dito sa serye and kadiri lang yung teeth ni rose na nakalabas where her upper lip should have been.

MisCalculus

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #38 on: June 26, 2014, 10:03:25 pm »
May bago akong favorite aside from papa P and  JLC... Si paulo avelino.hehe!
Ang galing nya, i mean sa soap pa lang nila ni Coco and Julia Montes nagalingan na ko dun kasi aning-aning yung role nya. Dito naman dama ko yung love nya kay Rose and yung pain nya when he thought Rose died... *sigh* he's not just a pretty face :)

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #39 on: June 26, 2014, 10:12:33 pm »
Im also hooked on this teleserye. Ganda ng plot. Sino nga kaya ang nagpapatay sa father ni Rose, yun din ang nag utos kay Nikki para patayin si Rose. Nadamay lang si Emmanuelle, hinde sya ang target talaga. Curious ako pano magiging si Maricar at Paulo ulet.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close