watch now

Author Topic: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON  (Read 55330 times)

SnowBall

  • Guest
ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« on: June 21, 2014, 10:10:28 am »
Mga sis, sino sa inyo ang nanonood din nito?

OMG, super lakas ng chemistry ni Bea Alonzo and Paulo Avelino, sana gawan sila ng movie ng star cinema  :-*

Maganda din yung plot, sana lang maganda ang pagkaka deliver ng mga twists  :)

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #1 on: June 21, 2014, 12:08:26 pm »
Hi Sis Snowball, we meet again. hahaha! Yes, I'm hooked on this teleserye. I like the plot, sana lang effective si Maricar as kontrabida, this is really new for her. Lagi nga lang half naked si Paolo dito, which is i like. hehe

fleur_de_liz

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #2 on: June 21, 2014, 02:06:45 pm »
ang galing ni maricar as contrabida..

veruca_salt

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #3 on: June 21, 2014, 09:50:03 pm »
Ako naman nakukulangan pa kay maricar. She covers the token bit**esa parts and dialogues alright but hindi masyado commanding ang screen presence nya. Parang kulang pa rin sa impact. I don't know if it's her voice or way ng pananalita pero i still find her malamya. I feel like if natuloy ibigay yung role kay iza calzado, she'd have done the role more justice. Yung kumbaga, hindi lang sa words dadaanin but projection pa lang nya.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #4 on: June 22, 2014, 10:24:04 am »
@ Krizsa, hi sis, oo nga nagkita tayo ulit haha :)


Ako din nagagalingan kay Maricar, at para mainis ako sa kanya, meaning effective siyang kontrabida haha.


Hindi ko naman ma imagine si Iza Calzado doing contrabida roles, since ang amo amo ng face niya..


princeza08

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #5 on: June 22, 2014, 12:24:05 pm »
tama bagay nga si paulo avelino at bea alonzo... gustong gusto ko lagi kantahin yung theme song nila

kahit sabihin na mali ako, alipin mo o bihag mo ako'y iyong iyo... hahahaha!!!!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #6 on: June 22, 2014, 01:05:06 pm »
sis snowball, pinapanood ko rin ito  ;)  naiintriga na ko sa mga mangyayari, may sabugan at palitan pala ng pagkatao.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #7 on: June 22, 2014, 01:40:32 pm »
@Princeza, hahaha, ako din sis, LSS ako palagi diyan, saka ang ganda kasi ng pagkakanta ni angeline quinto, kilig na kilig ako haha.


@Geeboy, naku sis, ako din super intriga kung paano lalaruin ng writers yung story, since next week na ata eh gagamitin na ni Rose ang face ni Emmanuel.


sana maging maganda siya talaga hanggang huli.


marssie

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #8 on: June 22, 2014, 06:16:19 pm »
Kung may palitan ng pagkatao- mamatay yung magandang bea?

Nye, oo nga, mamatay, nagyon ko lang napanood.. ganda!!  :D
« Last Edit: June 22, 2014, 06:55:16 pm by marssie »

hershey

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #9 on: June 23, 2014, 06:46:49 am »
hi mga sis, watching din ako nito kaya lang sa iwantv lang

simplengbitchy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #10 on: June 23, 2014, 08:37:19 am »
i, too am watching this.. likey, likey..

ang pagkain ng tsokolate ni paulo.. first week palang, danda na..

kala ko nung una magkapatid sila (wala lang, gawa lang ng sariling plot ba).. kaso may hiraman na ng mukha sa mga susunod na events..

i like maricar as kontrabida.. nakakairita [textspeak!], meaning effective.. and i agree sa isang sis sa taas.. hinde ko makita si iza doing maricar's role.. she's too maamo..

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #11 on: June 23, 2014, 10:45:12 am »
mukhang alam nung character ni susan roces na si rose yung nag-survive and pumayag siyang magamit nito ang mukha ni emanuelle based on the teaser. exciting!

hershey

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #12 on: June 23, 2014, 01:07:40 pm »
medyo naguguluhan ako di ba si emanuelle apo ni susan bakit mama ang tawag nya? iyon ba ay dahil sya na nakalakihan nya magulang

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #13 on: June 23, 2014, 03:28:33 pm »
^ i think so. i used to call my grandmother "mama" as well.

marssie

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #14 on: June 23, 2014, 07:17:22 pm »

Hindi ko naman ma imagine si Iza Calzado doing contrabida roles, since ang amo amo ng face niya..

Me too, nmaamo ang mukha ni Iza, naalala ko pa sa Movie nila ni Toni/Piolo, nagngangangawa pa si Toni kasi daw kamukha ni Iza si Mama Mary :D

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #15 on: June 23, 2014, 07:58:59 pm »
sino kaya ang tumulak kay henry? si carlos kaya o si laura?

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #16 on: June 23, 2014, 10:16:16 pm »
Effective na kontrabida si Maricar, nakakainis talaga sya dito haha

MisCalculus

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #17 on: June 23, 2014, 10:56:49 pm »
Mukang ok naman pala ang new soap ni bea. Nakaka curious kung sino pumatay kay chinggoy alonzo although obvious naman ang mga choices...but then again, baka may twist pa din sa dulo. I hope masustain nila na maayos yung story throughout the series.
---
Ang pogi lang talaga ni paolo avelino. Bakit pag lumilipat sila sa dos nag-iiba ang appeal nila, parang si jc de vera lang :D

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #18 on: June 23, 2014, 11:04:50 pm »
Hindi kaya magka-pulmunya si Paolo Avelino dito. Lagi nakabilad ang katawan. Lol, pero ok na rin. Hahaha, choosy pa ba ako.

Pero parang may connection yung family ni Emmanuel at Rose.

At si Senior Muerte ba yun? Yung leader ng sindikato.

Hindi kaya father ni Paolo si Albert Martinez? Umpisa pa lang nag-speculate na agad ako. Hihi

Super LSS din ako sa song kapag si Rose at Paolo na. May chemistry talaga sila.
« Last Edit: June 23, 2014, 11:09:09 pm by Mlabable »

hershey

  • Guest
Re: ABS-CBN: SANA BUKAS PA ANG KAHAPON
« Reply #19 on: June 24, 2014, 06:35:43 am »
iyong tatay ni emmanuelle at tatay ni rose dating magbusiness partner sa chocolate

bakit nga parang iwas si patrick ng nabanggit name ni albert, parang kakilala nya eh.

what i like about this soap opera though short lang iyong appearance / scene eh hindi api apihan ang mga  anak porke nag-asawa na ng iba ang tatay nila. Hindi basta basta napapadikta sa sulsol si Henry sa kay Laura at mahal na mahal nya iyong mga anak nya.

baka naman si sasha, pero parang si carlos kasi kakaiba tingin nya

 

Latest Stories

Load More Stories
Close