Hi I'm due August 8, pero full term na ko now kaya naka-ready na rin bag ko. Sa St. Lukes QC ako manganak and I'm quite confident naman na mapoprovide nila yung mga things if ever man na may makalimutan ako. Though para maiwasan na rin ang unnecessary charges, nagprepare na rin ako ng mga gamit na feeling ko kailangan based sa mga tinanong kong mommies.

For the baby:
- [may separate pack ako ng isang set ng damit nya [mittens, cap, top, pjs, socks - make sure nalabhan na to kasi may ibang smell ang damit pag bago], with receiving blanket, cotton, cotton buds, lactacyd cleanser, diapers, alcohol and wipes] - eto yung ibibigay sa nurse pag lilinisan na siya and bibihisan. nung nag-ocular kami, pwede naman daw iprovide ng hospital ang damit ni baby pero may charge. so syempre para makatipid, kami na lang nagdala.
- then may 3 extra set of clothes pa kaming dala in case need nya magpalit
- going home outfit. isang white na overall lang din ang pinrepare ko, with hoodie kasi mas maganda raw na white lang muna ipasuot kay baby pag new born
- swaddle
- blanket/ comforter
- burp cloths
- bigkis [di na raw to kailangan pero gusto ko pa rin gumamit kasi kinalakihan ko naman to]
- diapers
- baby kit [comb, brush, thermometer etc]
- isang rattle panlaro kay baby [wala lang hehe]
- nakalagay sa isang baby bag lahat ng gamit ni baby
- car seat
[wala kaming dalang feeding bottles kasi pag breastfeeding advocate ang hospital mo, bawal magdala ng bottle. they encourage kasi na ipa-latch ang bata. if hindi naman I think they do cup feeding using donated Breastmilk sa milk bank nila].
for the mommy:
- PJs and nursing friendly sleepwears
- going home outfit
- maternity pads
- adult diapers
- underwear
- nursing bras
- towel
- nursing cover
- make up/ grooming kit
- toiletries
- pen and paper
- docs: marriage cert, philhealth, hospital records etc
- breast pads [for safety lang in case sobrang dami ko na agad milk pero feeling ko di pa naman agad lalabas yun agad]
- massage oil and yung pillow ko na pang hot compress [bring anything daw kasi na pwedeng magparelax sayo during labor to ease the pain]
- socks
- mommy book
- cameras and chargers
- nakalagay naman sa isang maleta yung mga gamit ko saka gamit ni hubby. para alam na namin saan kukunin.
dapat pag nag-pack kayo ng things, kasama niyo yung taong makakasama niyo sa hospital. Para alam na rin niya kung saan nakalagay mga gamit. others also recommend na magdala na ng sariling bed pan. yun di pa ko nakakabili. baka yung ipoprovide na lang siguro ng hospital gamitin ko.
Hope this helps!
