watch now

Author Topic: toddler tantrums- how to handle?  (Read 12513 times)

chrisjoan24

  • Guest
Re: toddler tantrums- how to handle?
« Reply #20 on: August 12, 2014, 11:11:00 am »
mga sis ito naman sa akin mag 4 year old na boy. super kulit niya as in. ang problema ko lang sa kanya kapag napapahiya siya or nadadapa at may nakakita naku world war na sobrang magwawala tapos sobrang malupit siya sa mga cousins nya lalo inaaway nya tpos worse nanakit namamalo sya. may times kasi na napapalo ko sya minsan sa sobrang kakulitan na kahit anung explain mo na mali yung ginawa niya hindi pa rin maintindihan. next year mag school na siya ang worry ko lang baka pag napahiya or what magwawala sa school eh awayin niya mga classmates niya. nakakahiya sa school. pero effective naman pag kami lang sa bahay kapag nagwawala siya di ko kinakausap kusang tumitigil. observation ko kapag may nakakita lalo nagwawala kapag nasa house kami ng lola niya at kasama mga pinsan. ano kaya pagdidisiplina gagawin ko para mawala yung pag aaway nya at pamamalo sa mga pinsan. tsaka may ugali pala siya madamot gusto nya sakanya lang attention. one and only child kasi siya

Nhetskii

  • Guest
Re: toddler tantrums- how to handle?
« Reply #21 on: August 12, 2014, 11:44:04 am »
share ko lang mga sis... baka makatulong..

http://www.whattoexpect.com/toddler/behavior/tantrums.aspx

daveigh

  • Guest
Re: toddler tantrums- how to handle?
« Reply #22 on: August 12, 2014, 02:15:35 pm »
Ang anak ko wala pang 2 yrs old so di pa ako sobrang relate, but I had nieces na around that age ako na ang guardian (she is now 10, solong anak din).

Ang napansin ko ang age na 3-5 is kelangan magestablish na ng rules talaga, tough love na hindi agad magresort sa paluan. yun lagi ang huling alas ko sa kanya kasi sa personal experience ko pag laging paluan, nagiging immune din kalaunan ang bata. hindi na rin effective.

Hindi naman ako against that kind of discipline, pero may batang nakukuha sa palo, may batang nakukuha sa usapan. Talagang aaralin mo sya. patience talaga.

Tama rin yung observation mo sis pag may audience lalong umaariba sila. Lalo na at solong anak, sanay sya na sya ang centro ng buhay mo eh.

Eto pala sis share ko rin, how to calm a toddler's anger, baka makatulong:
http://meaningfulmama.com/2012/03/day-88-tip-ten-ways-to-calm-angry-child.html

mommyysa

  • Guest
Re: toddler tantrums- how to handle?
« Reply #23 on: September 02, 2014, 04:38:10 pm »
nung nag attend ako ng seminar sa corporate punsihment, sabi repetition is the key lang daw. always tell your child kung ano ang tama. wag maubusan ng patience.

Purple_Power

  • Guest
Re: toddler tantrums- how to handle?
« Reply #24 on: December 09, 2015, 05:50:26 pm »
Good thing there's thread like this kasi ito rin ang gusto ko malaman eh! Lalo na kapag naglulumpasay na on how to deal with it. Ayoko muna paabutin sa point na kailangan paluin ko pa. Mas lalong ayaw ko yung ginagawa ng ibang magulang na papaluin sa public, sisigawan at pagagalitan tapos nahuhumiliate pa. Alam ko hindi madali pero may ibang way ito na hindi naman kasi kailangan ng stressful discipline. Yet ayoko yung paulit ulit na punishment meaning kagaya ng ginagawa ng bro ko sa son niya maya maya Corner now! tapos ganun rin naman. I want to think of different strategy na hindi naman stressful. Right now habang baby pa, kapag may kinakalikot si baby na hindi dapat parati akong nag eexplain na kung bakit hindi dapat. Of course understood hindi niya maiintindihan pero kasi para sa akin meron pa ring development habang ginagawa ko yun. Feeling ko pinakikinggan pa rin niya ako. I am hoping for long patience too and of course hindi ako magsasawa to communicate. Ang tanong ko lang is paano kapag naglumpasay na? Hindi rin maiiwasan yun and she can do it everywhere. 

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: toddler tantrums- how to handle?
« Reply #25 on: December 30, 2015, 12:51:19 pm »
our daughter kelangan maagapan ang start ng tantrums nya... kasi nagiging full blown meltdown pag hindi. As in akala mo mababaliw, ang lakas lakas pa manghila (to get you to do whatever she wants). Iniisip ko nga, parang namana yata sakin ang temper ko ::) (eto na... pagbabayaran ko na!!)

ang ginagawa lang namin pag nagstart na sya is we distract her. We never give in to her lalo na at nagwawala na sya. We still try to talk to her, we go, "S, tingnan mo si Mommy, mamaya tayo pupunta sa labas/maglalaro ng bola/magbike/etc., tahan na" Of course, it falls on deaf ears ;D so distract, distract, distract...

if she reaches that meltdown stage... naku... talagang maloka loka sya sa iyak at frustration... sobrang hirap na talaga patigilin. And kahit anong ignore gawin mo sa kanya, hindi sya talaga titigil, as in! Hihilahin ka pa na tipong sya naka horizontal na halos sa floor ::)

tomatostellar

  • Guest
Re: toddler tantrums- how to handle?
« Reply #26 on: December 30, 2015, 04:18:43 pm »
isa sa mga top fears ko in life, parenthood at toddler tantrums

ladykristinn

  • Guest
Re: toddler tantrums- how to handle?
« Reply #27 on: March 19, 2016, 06:55:50 am »
Ako naman hinahayaan ko ng mga 1 minute then sasabihin ko we need to talk. Kapag medyo kumalma na sya ineexplain ko sa kanya kung bakit hindi puwede ang gusto nya. Tapos sinasabi ko na alam mo naman na walang effect ang pag iyak iyak nya sa akin so sarili lang nya pinapahirapan nya. My daughter is 3 year old by the way. Nakikinig naman. Though kapag si hubby wala super bonggang iyak pa sya until amuin sya kasi nasanay sya na inaamo lagi ni hubby. Pinagbibigyan kasi lagi ng hubby ko kaya ayun hindi rin sya sinusunod. Ako kasi ang mas disciplinarian sa aming dalawa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close