Author Topic: Hindi ko na ba sya mahal?  (Read 15891 times)

langley

  • Guest
Re: Hindi ko na ba sya mahal?
« Reply #40 on: June 16, 2014, 03:00:20 pm »
Sis, nagkaanak ba sya bago kayo naghiwalay o hiwalay na kayo ng nagkaanak sya?

Nagkaanak siya nung nagkahiwalay kami.
Nagkabalikan lang kami ulit nung nabuntis niya yun girl kasi nagkakagulo na din sila. Magulo talaga dati. Kahit nun nagkabalikan kami sa first few months magulo pa din. Para din akong ewan nun, laging praning, kinakabahan, umiiyak, di makakain. Sabi nga ng mga kaibigan at kamag-anak ko napaka ta***a ko daw.

Ngayon natuto na ko i-let go ang lahat ng bagay na hindi ko kontrolado. Natuto ako magpatawad. Natuto ako na gawin ang part ko bilang wife sa asawa ko. Ang lahat ng pangamba ko especially sa asawa ko eh binigay ko na sa Diyos. Dahil hindi ko naman kontrolado ang kilos at pag-iisip ng asawa ko. Ang kontrolado ko lang sarili ko. Isa sa favorite Bible verse ko sa Bible:

Galatians 6:9
Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up.

Yan verse na yan ang lagi ko na inisip kapag may naiisip ako na negative about sa asawa ko or pag may time na gusto ko na mag-give-up.

Kaya sa panahon ngayon kay Lord lang talaga ako nakakapit. If any negative thought comes to my mind lagi ako nagdadasal sa Diyos. Kung ang Diyos nga pinapatawad ako sa mga kasalan ko, tapos ako na lagi nagsasabi na mahal ko ang Diyos, hindi magpapatawad?

Sabi nga ni Corrie ten Boom:

“Forgiveness is an act of the will, and the will can function regardless of the temperature of the heart.”

Ngayon simple lang ang buhay ko. I have Jesus in my heart. I am under my husband. I am a wife, I do my wifely duties. I am a mother, I do my motherly duties. My husband messes up? I forgive him. He disappoints me? It's okay, he is only human He is not my God. I have Jesus who will never disappoint me.

Ngayon kung asawa ko eh may ginagawang kalokohan na di ko alam si Lord na ang bahala sa kanya. Basta ang alam ko hindi ako pababayaan ng Diyos kahit anong mangyari. Basta I am doing my part of being a wife.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close