TS, nasabi na nila lahat, ikaw na lang mag decision na.
para sakin, delubyo lang buhay mo pag nakasal ka sa kanya, natikman na nya sarap maging free at mambabae na walang problem, pag nakasal ka sa kanya, promise, di yan titigil dahil mas ma thrill sya sa gagawin nya dahil bawal na.
nasa look out sya i mean, naghahanap sya ng potential mate, di lang nya sinasabi sayo, pero obviously, yan ang ginagawa nya, if makakita sya ng MAS sayo, definitely iiwanan ka rin nya.
wala ng respeto sayo yun tao, ikaw na lang magbigay ng respeto sa sarili mo, matalino ka, alam mo na yung mali at tama. kaya ka rin andito alam mo may problem na talaga, ayaw mo lang o hindi mo lang ma accept.
kung mahal ka nya, hindi ka nya dapat pakawalan o hayaan mapunta o mag date sa iba, reserba ka nya pag nagkamali sya, at least alam nya may isang babae sasalo pa rin sa kanya.
hindi ka rin nya mahal, para ka lang display, dahil may edge ka sa lahat, problem may saltik ang bf mo.
pag isipan mo na lang sis, kahit anong payo namin dito, kung di mo ma accept na may mali, balewala lahat ng payo mababasa mo.