watch now

Author Topic: How to take care of your kid about to enter his/her puberty stage?  (Read 1058 times)

swiTsuplada

  • Guest
My not-so little girl is already showing signs that her body is about to mature (ex: developing chest). Parang nagulat lang ako kasi she's still young (8 years old) pero nakita ko na me "protruding nipples" na ang anak ko and I admit, I'm not yet ready. Pero hindi ko 'yun mapipigilan, sooner or later andyan na 'yan. Ako kasi e late bloomer, as in 13 years old na pero maliit pa din ang dibdib ko to the point na nagwo-worry ako if maggo-grow pa kaya. Walang signs. Pero I know how to handle myself and be very careful. So talagang hindi ako prepared sa sarili kong anak.

Anyway, madalas ko siya pinapaalalahanan na pag magbibihis e dapat nasa private room siya. Na hindi siya dapat papahawak sa kanino man, kahit relative pa. Lately nga mas nakabantay ako lalo kahit sa CR lang siya magpunta ng mall, talagang sinasamahan ko. Hindi siya pwede mawala sa paningin ko. Pero hindi naman all the time e mababantayan ko siya like sa school. Hindi ko maiwasang hindi ma-praning lalo na ang daming karumal-dumal na balita na mapapanood sa TV. I believe na madalas akong magpaalala at makipag-usap sa anak ko, pero ano pa ang maipapayo nyong dapat kong gawin para maingatan ko ang mga anak natin? How to handle their questions about the changes with their body, etc? As much as possible, I answer my daughter dun sa level ng understanding niya.

Thanks in advance. ;)

binggay

  • Guest
Re: How to take care of your kid about to enter his/her puberty stage?
« Reply #1 on: June 05, 2014, 11:59:36 am »
Pareho tayo, sis. :)

My daughter is 8, turning 9, pero I noticed she's starting to grow boobs na. Baka nga baby bra na bilhin ko next time.

PAreho tayo, I already started to teach her how to give herself a bath and wash after using the restroom. Pag sa public place, she is never allowed to go to the restroom by herself. Sa school medyo di ako praning kasi she goes to an all-girls school.

Tinuturuan ko to always dress appropriately, kasi naman sa bahay feeling baby pa. Gusto laging naka-panty lang. Hay.

Sinasabihan ko yan never to talk to strangers pag nasa public na lugar at kapag nilapitan eh never to give any information and just run back to me. Or shout.

Nakaka-worry noh, dati you worry so much when they're babies pa, but yung pagalala di talaga nawawala even as they grow up. Maski nga binatilyo ko, inaalala ko din palagi. Sinasabihan na nga ako ng husband ko wag i-baby yung panganay kasi lalaki daw.


swiTsuplada

  • Guest
Re: How to take care of your kid about to enter his/her puberty stage?
« Reply #2 on: June 06, 2014, 04:55:02 am »
Hindi naman natin maiiwasan 'yun bilang mommy e. Mapa-lalaki o mapa-babae, kailangan pag-ingatan. Sa lalaki ang dangers naman lately eh 'yung mapag-trip'an lang ng mga loko2x.

Ang aaga ng mga bata ngayon na mag-mature. Parang lahat eh fast forward. Hindi naman all the time e applicable pa 'yung "conventional" "old fashioned" way na pagpapangaral. Sa atin effective, sa mga bata ngayon hindi na. Kailangang tayo na ang mag-adapt kumbaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close