watch now

Author Topic: Pano pumuti ang paa?  (Read 35841 times)

superjuzh

  • Guest
Pano pumuti ang paa?
« on: May 29, 2014, 06:00:03 pm »
Sa resort kasi ako nagtatrabaho at medyo maluwag saamin, pwede kaming nakatsinelas at dahil don laging bilad ang paa ko kaya nangitim. Anong mabilis na product and pwede makaputi ng paa ko? Thanks. :)

nixiquita

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #1 on: May 29, 2014, 09:38:29 pm »
Regulat foot spa, tas lotion sa paa. Sabi nila yunh bl cream sa chinese drugstore nakakaputi ng paa. Plus scrub siguro :)

misslovelyjoy

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #2 on: May 29, 2014, 09:58:31 pm »
How regular ang footspa? Monthly? Ako din kasi di pantay ang kulay ng paa sa binti ko. Maybe because laging flipflop and sandals ang suot ko. Plus kahit gumamit kasi ng payong, di naman napapayongan ang mga paa. Though pag naglolotion ako pati paa nilolotion ko.

killbill

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #3 on: May 29, 2014, 10:24:37 pm »
May tan lines din ako paa ko dati. Tiyagaan lang sa koji san.

crzysxycl

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #4 on: May 30, 2014, 06:41:48 am »
Ako rin hindi pareho kulay ng feet and legs ko. Since I am using royale kojic soap, yun na rin sinasabon ko sa paa ko, nag lighten naman, Kaso minsan hindi ko nagagawa kasi hindi ko rin everyday gamit yung royale kojic lalo pag nagmamadali ako.

Na try ko before yung BL cream, nabasa ko lang din yun dito. Yung iba nilalagay sa mga dark areas pa nga like sa singit and even down there. Nitry ko sya sa feet ko, ang bilis ng pag puti parang ilang days lang nakita ko kaagad effect kaya ang dami kong biniling cream noon. Kaso I discontinued using it kasi hindi ko alam kung anong ingredients, baka may mercury kasi, mahirap na.

misslovelyjoy

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #5 on: May 30, 2014, 06:51:26 am »
^Sis, saan nakakabili ng BL cream and how much?

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #6 on: May 30, 2014, 09:09:03 am »
Mag shoes ka muna sa work sis. Problem ko din yan dati nung wala akong work kasi lagi lang akong flip flops, sagwa tingnan na mas maitim paa ko than the rest of my body eh medyo light to medium ang skin tone ko mga b20 ako sa chanel. Nung nag shoes ako pumuti na ulit paa ko

angelvenus

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #7 on: May 30, 2014, 09:15:45 am »
Sis try mo calamansi before taking a bath, babad mo hanggang mgdry siya or not sticky na.. but make sure na you use sunblock din sa paa mo, kasi if hindi din protected yung feet baka lalo mangitim.. always use sunblock sa paa, minsan nakakalimutan talaga maglagay sa area na un.. ako adik lang sa sunblock parang every 3 hours  ako naglalagay sa exposed na area.. o kaya hanap ka ng footwear na mejo covered yung feet mo pero fit sa resort [textspeak!] style, [textspeak!] parang sa crocs [textspeak!] covered yung front ng paa.. di ko lang sure if ano name ng style na ganon or if meron pambabae na ganong style.. yung sunblock ko pala di bumababa sa spf 50, the higher the better.

baliwsayo

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #8 on: May 30, 2014, 09:24:23 am »
Ganyan din paa ko dati, may mark pa ng tsinelas.. ang chaka sobra.. what I did eh di na ko nag chinelas tuwing mag-malling.. lagi na ako naka-doll shoes or snickers and I always wear foot socks. Sa gabi pinapahiran ko ng sunflower oil ang paa ko (using cotton to wipe the oil.. it's like scrubbing actually). Then I make sure sa umaga pagkaligo, lotion galore ako with sunblock. Sabi ng kaklase kong lalake ng makita niya paa ko, paa pa lang daw ulam na. Lol!

relentless

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #9 on: May 30, 2014, 01:55:04 pm »
I tried BL cream, pero hindi sya ganun ka-effective gaya nung iba or baka hindi ko lang masyado napahid. Hahaha pero I'll try it again to see its effect.  :)

Nhetskii

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #10 on: May 30, 2014, 02:03:08 pm »
^ sis san nakakabili ng sunflower oil?

goddessjem

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #11 on: May 30, 2014, 03:41:24 pm »
hi mga sis..siguro ang effective at mura ay kalamansi..ginagawa ko yun nung dalaga pa ako...takaw oras din kase..yun pong sunflower oil, pwede din, ma try nga kase nilalagay ko yun sa mukha eh..sis nhetskii, sa human heart nature, may sun flower oil..mura lang, tipid din naman gamitin..

prettyinpinkRN

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #12 on: May 30, 2014, 04:05:49 pm »
Ako kasi TCA 20% ang ginamit ko.. Ok naman bilis makaputi

thesoloist

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #13 on: May 30, 2014, 05:23:46 pm »
San nakakabili ng bl cream and how much. Problema ko din paa ko hehe

prettyinpinkRN

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #14 on: May 30, 2014, 05:41:07 pm »
San nakakabili ng bl cream and how much. Problema ko din paa ko hehe

Sa chinese Drug Store sis meron.. Sa Binondo..

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #15 on: May 30, 2014, 06:14:08 pm »
Idk if mas desirable ang "puti' per se but a pinkish-rosy feet, imho, are more desirable. Basta stop walking around barefoot and regular scrubbing and spa will do the trick.

baliwsayo

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #16 on: May 30, 2014, 06:34:13 pm »
^^Sunflower Oil from Human Nature po.

happie

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #17 on: May 30, 2014, 08:36:05 pm »
Twice a month i do foot spa to exfoliate dead skin na din ;)

misslovelyjoy

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #18 on: May 30, 2014, 09:15:27 pm »
Sa salons ba kayo nagpapa-footspa or do it yourself lang?

$ale... seeker!

  • Guest
Re: Pano pumuti ang paa?
« Reply #19 on: May 30, 2014, 09:38:31 pm »
hindi talaga nakakaputi but at least pantay yung color - use glycerin oil & petroleum jelly :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close