watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III  (Read 32325 times)

gab54

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #320 on: June 13, 2014, 10:57:53 pm »
Diko type ang ending. Gusto ko magkabalikan sila, pero tanggap ko if hindi, pero yun kaninang ending, parang ang labo.  :(

bratty

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #321 on: June 13, 2014, 10:59:29 pm »
Bothered ako kay baby Martina, sana ibang talent na lang kinuha. Hahaha!

Okay lang ang ending. Better than g2b, hahaha! Sana may book 2.

Gusto ko ang insight ni Daphne Paez, once na nagcheat na, you will lose all your confidence. Lagi ng andun ang fear.

Sis geeboy, nasa online atreaming sites na agad. Wala pang commercials. Hahahaha :)

RazWin

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #322 on: June 13, 2014, 11:36:20 pm »
wahhh! nabitin ako sa ending, nung nag fade to black kala ko mayroon pang next scene. tapos ending credit na pala...

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #323 on: June 13, 2014, 11:37:13 pm »
Okay yung ending. Yung ibang friends ko nakukulangan.  If Adrian wants to get Monica back, paghirapan niya. Hindi naman puwede na agad-agad masaya na sila. Tama lang yun na pupunta sila Monica sa America para ituloy ang buhay. She has to give herself time to heal. Ang hirap naman kasi balikan yung isang tao na nakasakit sa iyo nang sobra.

Naiyak ako dun sa scene na si Monica pa tumulong kay Jacob tapos todo apologize si Nicole. Ang sakit for her. Nawalan na siya ng true friend, wala rin si Adrian sa buhay niya. Yun lang tama si Monica na nandiyan naman si Jacob.  ;D

Sabi ng mom ko ang galing daw ni Angel sobra. Naiyak daw siya dun sa eksena with the mom. I'll watch sa iwantv kasi di ko na nakita yun.
« Last Edit: June 13, 2014, 11:38:58 pm by thebratinella »

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #324 on: June 13, 2014, 11:41:15 pm »
Gusto ko yung ending kasi in reality, hindi ganon kadali kalimutan ang panloloko sayo ng asawa mo lalo na nagka anak pa sa iba.

Kahit gaano pa sya nagsisisi, hindi pa din ganon kasimple yun. Hindi yan simpleng away or kasalanan na sige love naman natin isat isa, forgive and forget nalang.

Aral talaga ito sa mga manloloko e haha! kung mahal mo talaga pamilya mo  huwag na huwag ka magcheat.. Look what happened kay Adrian. :)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #325 on: June 13, 2014, 11:54:54 pm »
salamat sa updates, mga sis. di bale, in 2 hours time, ipapalabas na yan dito  :)

adventurousfeet

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #326 on: June 14, 2014, 01:13:40 am »
Hindi ko pa napapanood last three episodes. Ay gusto ko padin sila magkatuluyan lol, ayoko ng nakahang. Unless gawan nila siguro ng book 2. Pero wag na kabit stories ibang conflict nalang hahaha. In all fairness maganda ang loveteam ni jericho at angel.

tinsantos10

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #327 on: June 14, 2014, 07:08:33 am »
Super like ko ang ending  :) Pero sana binigyan nila ng maayos na closure si andrian and nicole.

chinita_san2007

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #328 on: June 14, 2014, 07:10:14 am »
ako din naiyak ako sa scene ni monica and nanay nya last night...yun inexplain ni monica bakit di pa nya binabalikan si adrian. yung sinabi nya na i thought i'd marry a man with full of integrity and then nun nagcheat sa kanya sobrang sakit at durog na durog sya...cry galore ako talaga.   :'( :'( :'( ramdam na ramdam mo sa pagkatao nya yun sakit talaga everytime she thinks of it ....it always remind of the hurt like a scar. kudos to angel ang galing galing nya dito. :-) nakakaiyak din ending pero at least di ba monica is not closing her doors for Adrian. she only needs more time to heal.

adventurousfeet

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #329 on: June 14, 2014, 07:46:17 am »
sana magkaron ng special episode, sundan ni Adrian si Monica and win her back. Chos.

Tumblrista

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #330 on: June 14, 2014, 08:04:04 am »
My reaction to the ending: "'Yun na 'yun?"  :o #unpopularopinion

mrscardenas2011

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #331 on: June 14, 2014, 08:48:36 am »
Tinamad na akong panoorin to simula nung fast forward episode. Parang biglang minadali yung last 2 weeks. Hindi na kasing intense nung mga previous episodes.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #332 on: June 14, 2014, 09:58:26 am »
I like the ending, realistic nga. Ganon naman talaga buhay, tuloy-tuloy lang kahit may mga unresolved issues pa din. Gusto ko yung sinabi ni angel  dun sa ending credits, na pag nag-asawa ka na hindi na dapat sarili ang priority mo, dapat pamilya mo na.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #333 on: June 14, 2014, 10:10:09 am »
Kami din ng hubby ko, ang reaction kagabi "yun na yun? wala na?" hahahaha, sobrang bitin, walang closure.

Naging safe masyado ang mga writers, gusto nilang tao ang mag isip ng ending, nga naman, at least kung naka hang ang ending, napag bigyan nila yung gusto at hindi magkatuluyan sina Monica at Adrian sa huli.

Kumbaga, tayo na bahalang mag isip what happened next LOL.


Sana lang:

1. Pinakita man lang sana na umalis talaga si Nicole at Jacob with Dante papuntang australia, at namuhay na sila ng tahimik sa ibang bansa, and maybe sana naipakita din na nakahanap siya ng legal husband, at naging legal wife na rin siya, I think, mas strong ang lesson nun sa mga kabit, na bakit ka pa makikihati ngayon, eh kung naghahanap ka na lang ng lalaking magiging iyo na talaga.

Kasi, malay naman kung pag alis pala ni Monica eh magbago isip ni nicole, landiin na naman si adrian hahahaha.

2. Sana pinakita man lang na sumunod si adrian sa US, na nag effort siya talaga na suyuin talaga si monica, para naipakita man lang na nagpakahirap siya na maibalik talaga ang tiwala sa kanya ni Monica..

3. Sana din sa may ending, pinakita pa sina Bunjoy at Martina..

4. Sana din hindi nila kinalimutan si Max, kawawa naman si Max, nawala na lang sa picture hahahaha.



Oh well, not fan lang talaga ng hanging endings.

IMO, kung nagkabalikan sina adrian at monica, realistic din naman yun ah, gaya ng parents ko, nagkabalikan after all the storms passed.



Tumblrista

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #334 on: June 14, 2014, 11:16:54 am »
^I've been also wondering what happened to Max.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #335 on: June 14, 2014, 11:20:54 am »
nagulat ako nung pinakita yung "welcome back, adrian" nila. naisip ko pa nga baka "panaginip" ni adrian na kumpleto ang pamilya at masaya sila. kasi yung sumunod na eksena, yung dumating si nicole sa bahay ni dante, wearing the same clothes na suot nya sa ospital. eh di ba nakaratay pa si adrian nung araw na yon. tapos nung magkausap na sina eloisa at monica, wearing the clothes during that welcome back, nyek, totoo palang nangyari. anyare? within the day, nawala ang pasa ni adrian?   ;D

anyway, okay na ko sa ending  :)  sayang lang, di na pinakita si max. akala ko rin, may ipapakita pa na future scenes, after x years ba.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #336 on: June 14, 2014, 11:34:22 am »
Napansin ninyo din ba na double na lang pala ni Jericho at double ni Angel yung kissing scene sa huli, gosh hindi ko napansin, akala ko si echo at angel talaga yun hindi pala sila magkasama sa frame kasi nasa japan na pala si echo.


sis Geeboy, yan din reaction ko dun sa nawala pasa ni adrian hahahaha. Nagkamali na siguro sa editing, since nag double na lang sila for echo.


oo nga, hindi ko talaga matanggap na wala man lang pinakita na kung ano na nangyari kay Max.


khat

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #337 on: June 14, 2014, 11:51:36 am »
Gusto ko naman yung ending. Yes, mukhang bitin maybe because we want to see more of it after lahat ng nangyari. But some part kasi parang common sense na yun, like nung si Nicole na pupunta ng Australia to prioritize her own child together with Dante her Father. Monica and Adrian hindi man literally pinakita na nagka balikan sila pero pinakita naman na there is hope and chance for them to be together.  And pinaramdam naman nila na may hint na sila pa rin in the end nung sinabi ni Monica na he still loves Adrian. Nung binigay ulit ni Monica kay Adrian yung wedding ring at may sinabi siya na something. And of course the "Kiss" Lol. Dun lang ako first time na kinilig sa kanila at nag agree na may chemistry nga silang dalawa. And yung decision ni Monica na huwag muna makipag balikan kay Adrian i think very normal in real life. It takes time talaga to heal the wound no matter how you love the person. Syempre ang pinaka mahirap din is yung nawalang Trust. Kaya if you are ready to take the person back in your life, make sure talaga na atleast 100% buo kana ulit (totoo ito, base sa experience ko and some people close to me na nakaranas ng ganitong scenario). But I agree sana pinakita man lang nila si Max kung ano nangyari na sa kanya. Pero higit sa lahat bukod sa storyline ng Serye na ito Mas napansin ko ang acting ng mga gumanap dito. Ang gagaling nilang lahat. Lalo na si Angel and Maja (Applause to them) (disclaimer- not a fan here) ang galing nilang dalawa. Si Maja nagalingan na ako sa kanya nung napa nood ko yung IKA. Pero si Angel this is the first time nasubaybayan ko siya sa isang serye. Mostly, mga love team movie napapa nood ko sa kanya dati. Na hone talaga ang acting skills niya dito. Sobrang galing! And ang ganda at blooming niya dito lalo dun sa mga last episodes. Mas bagay sa kanya brunette parang nung kabataan lang niya. So overall worth to watch naman ito. Close to reality at maraming naka relate at life lessons natutunan. So thumbs up!

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #338 on: June 14, 2014, 02:15:39 pm »
Happy na din ako sa ending....at least walang patayan, kidnapan, at kung [textspeak!] ano pang soap opera crime haha....

Nag hope lang akong makita si Max for the last time kaso waley...hahaha...


budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #339 on: June 14, 2014, 02:17:55 pm »
Okay lang sakin yung ending, pwede na. Pero yes, agree with the sissies here. Medyo bitin. Hindi naman kinailangan ipakita na nagkabalikan na sila Adrian and Monica. Pero at least pinakita man lang yung pag-alis nila Monica, tapos unti unti na ulit gumaganda yung relationship nila ni Adrian and the kids. Tapos yung naging buhay nila Nicole sa Australia. And yeah, kung ano nang nangyari kay Max. ;D Haha. But anyway, ganun talaga. Imaginin nalang natin kasi parang dun din naman papunta yun. Tinamad lang ang TLW team na i-shoot. Lol.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close