watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III  (Read 32401 times)

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #240 on: June 10, 2014, 09:51:42 am »
oo nga eh.pinatay nila ang MoniMax ng ganun ganun lang..
huhuhu...

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #241 on: June 10, 2014, 09:53:53 am »
hayyys... nakakaloka ang kabit kelangan talaga ulit ulitin na hindi na talaga sya mahal nung guy??? super casual lang ang pagkakasabi ni adrian. Ine expect ko may fireworks na magaganap kagabi sa galit ni nicole. hahaha :P

kumikosan_9

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #242 on: June 10, 2014, 09:57:33 am »
ang corny na lately ng takbo ng story. tapos si monica napaka-flat ng mga lines nya, pati yung sa teaser na "nicole! kahit ano pa gawin mo ako pa din ang legal wife", ewan ko ba parang ang sagwa lang ng pagkakadeliver. walang kabuhay buhay.  ::)

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #243 on: June 10, 2014, 10:00:20 am »
parang laylay ang ending :(...sana naman mahilot pa, yung tipong pag uusapan pa din natin dito kahit nag end na...

mukhang naubos na yung energy nung mga characters... :)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #244 on: June 10, 2014, 10:25:36 am »
ako nga, napa-nganga na rin lang sa episode kagabi  ;D

pretty empress

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #245 on: June 10, 2014, 10:33:18 am »
hi sisses! where can i watch TLW online? now lang ako nagka interest panoorin patapos na..

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #246 on: June 10, 2014, 11:21:47 am »
sa description ninyo pa lang, na kornihan na ako hahahaha.

buti na lang nakatulugan ko na pala lol.


ano ba nangyari, kahit sa ibang forums, sinasabi na kung kelan finale saka naman naging boring, ano beh.

controversial nga siya, kasi eto lang ata ang finale na boring LOL.


theshopaholicprincess

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #247 on: June 10, 2014, 11:25:00 am »
kagabi nga ini expect ko maraming showdown at fireworks na mangyayari... napagod na ata sila sa mga confrontation scenes. :P

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #248 on: June 10, 2014, 11:47:00 am »
sis snowball, eto...

dante, tinutukan ng baril si javier
dante: kung tutuusin, hindi naman 'to kasama sa mga plano ko eh. ang naiisip ko lang, yung tatanda ka nang hindi masaya dahil sa kasamaan mo. yung pamilya mo, lahat sila iiwanan ka, yun sapat na parusa na yon sa yo. hindi ito! pero ang galing mo. ang galing mong magpaikot ng tao! inikot mo si eloisa, si monica, pati ako pinaikot mo! ang galing mo!
javier: wala, dante. wala akong pinaikot. mahal ko ang pamilya ko. pinatawad nila ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa kanila.
dante: sa 'kin? sa 'kin?! humingi ka ba ng tawad sa 'kin?! ha, javier?! ha?!
javier: ano bang gusto mong marinig? patawarin mo 'ko, dante, dahil pinagtangkaan kitang patayin. patawarin mo ko at binawi ko sa 'yo ang asawa ko at ang anak ko. patawarin mo ko.
dante: hindi sapat, javier. hindi sapat. lumuhod ka. lumuhod ka. lumuhod ka!
javier: hindi ako natatakot mamatay ngayon dahil alam kong nasa magandang lagay na ang buhay ng pamilya ko. kaya sige, dante, iputok mo na para matapos na ang paghihiganti mo.
di ba nasundan sila ni adrian. biglang takbo si adrian...
adrian: mang dante, huwag!
hinawakan ni adrian ang kamay ni dante. duda ko, nagulat lang si dante kaya pumutok ang baril eh. tinamaan si javier sa balikat lang naman.
adrian: mang dante!
tumakas si dante.
adrian: sir!
inalalayan na ni adrian si javier then tinawagan si monica para sabihing nabaril ni mang dante ang papa nya at magkita na lang daw sila sa ospital.

sa ospital, kinumusta ni adrian si javier. okay na daw, sabi ni monica. nagpasalamat si monica sa kanya.

 sa loob ng kwarto ni javier, syempre, iyak si eloisa. sabi ni javier, ngayon lang daw sila naging masaya na ganito, hindi daw sya mawawala.

may sulat si dante sa anak, "nicole, mawawala muna ako ng sandaling panahon. may nagawa akong malaking kasalanan kay javier. babalik ako kapag handa na 'kong harapin ang nagawa ko. humihingi ako ng tawad sa 'yo. hindi ko nagawang maging amang kinailangan mo."

dinala ni max sa fishball stand si monica. sinabi nya na kinukuha sya ng nat geo. bibigyan daw sya ng regular position as a photographer. natuwa naman si monica pero parang alanganin. tatanggapin na daw ba nya.
max: kaya mo na ba na wala ako?
monica: matagal mo nang gusto yang bagay na yan, alam ko. and of course, kaya ko'ng sarili ko. wag mo 'kong alalahanin.
max: gusto kitang alalahanin. monica, kung yun nga lang yung pwede kong gawin habambuhay, magiging masaya na ko.
monica: max, magaling kang photographer. the world needs you.
max: (hinawakan si monica) i need you. hindi mo man lang ba ko pipigilan?
monica: go. go find your happiness, max.
max: mahal mo pa rin si adrian no.
monica: hindi naman nawala yon eh. anyway, yun lang naman yung pinaka-importanteng bagay sa mundo, di ba.
max: monica, yung sarli mo naman ang i-priority mo. di ba, pagmamahal din naman yun. all you need is love.
then friendly banter na sa harap ni manong tindero. nakita sila ni adrian.
max: friends?
monica: always.
niyakap ni monica si max.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #249 on: June 10, 2014, 12:02:48 pm »
eloisa: sa lahat ng mga nangyari sa 'tin ngayon, javier, lalo akong naniniwala na kakambal ng pagmamahal ang sakit. sobra kitang nasaktan noong araw. sa lahat ng mga nagawa ko sa 'yo, na lumayo ako sa yo, na sa mga mata mo, sumama ako sa iba, yun din ang uri ng sakit na nakikita ko ngayon kay monica. yung mga nangyari sa kanila ni adrian.
javier: talagang parte ng pagmamahal ang masaktan ka. pero lagi mong tanungin, yun ba ang katapusan. lagi na lang bang pagdurusa ang dulo nito? hindi naman. hindi ako naniniwala dito. dahil totoo ang sa atin. yung desisyon ni monica, alam kong hindi nya lolokohin ang sarili nya. alam nya kung ano ang tatapos sa mga paghihirap nya. alam nya.

adrian: syempre, men, mahirap namang makita syang masaya sa ibang lalaki kesa yung titingnan ko sya na umiiyak dahil sa 'kin. parang mas masakit naman yung ganon.
bradley: eh ano bang gusto mong gawin natin dyan sa max na yan?
adrian: puro ka biro eh.
bradley: seryosohan ba gusto mo? eto men, ha, ang selfish nyang sinasabi mo eh. baka nakakalimutan mo, nasaktan mo si monica di ba. di lang basta-basta sakit, sagad hanggang buto. tapos gusto mo ikaw yung maging dahilan ng kaligayahan nya. ewan ko sa yo. ano, masakit kapag nadidinig mo sa iba no? pag iba nagsasabi. pa'no kasi, hindi mo masabi at maamin sa sarili mo. alam mo, men, sa halip na pinipilit mong maayos yung relasyon nyo ni monica, bakit di na lang kaya i-let go mo sya.
adrian: para ka namang ewan eh.
bradley: ay naku. sabi nga nila, kung mahal mo, pakawalan mo.

nakipagkita si bradley kay monica. after ng mga patawa ni bradley na di umubra kay monica,
bradley: alam mo bang nagpunta si adrian sa america, kahit wala syang idea kung nasaan kayo, kahit lahat kami pinipigilan sya sa imposibleng balak nya, eh itinuloy nya pa rin kasi gusto nyang sundin yung sa tingin nya yung tama at yun yung sinasabi ng puso nya. kasi nung umalis kayo, nung nawala kayo, nawalan sya ng tahanan dito eh. at mas gugustuhin pa nyang magpalaboy-laboy sa america na umaasang makita nya kayo kesa manatili sya dito at tanggapin na wala na kayo.
monica: bakit mo sa kin sinasabi ang lahat ng ito ngayon?
bradley: eh kasi kung pinagdududahan mo kung minahal ka ni adrian, oo mahal ka nya. at oo nagkamali din sya sa 'yo. pero para sabihin ko sa 'yo, wala syang ibang babaeng minahal kesa sa 'yo. nung sinabi nyang tapos na sila ni nicole, tapos na talaga sila, hindi na sya umulit. hindi na sya nagkamali ulit. tinupad nya yung pangako nya sa 'yo.
then umalis na si bradley. napaluha si monica.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #250 on: June 10, 2014, 12:20:57 pm »
may konting salo-salo sa bahay nina javier.

nagpunta si adrian kina nicole.

dumating si max kina monica.

nicole: kung pumunta ka rito para hanapin si tatay, wala sya dito. hindi ko alam kung nasa'n sya. baka naman pumunta ka rito para maghanap at ma-impress mo pa si monica.
adrian: (naupo) kayo ng anak mo ang ipinunta ko dito.
nicole: bakit
adrian: gusto kong icheck kung okay kayo.
nicole: (umiiyak) yung totoo? akala ko okay ako. okay kami ng anak ko. akala ko magiging okay tayo. pero nung dumating si monica, i've never been okay. kasi nung dumating si monica, mas lalo mong pinaramdam sa 'kin at sa anak ko na sabit lang talaga kami sa buhay mo.
adrian: sa umpisa pa lang sinabi ko na, kay jacob ang responsibilidad ko.
nicole: may sasabihin ka pa ba?
adrian: nicole, i'm sorry. tanggap ko na malaki ang kasalanan ko sa 'yo. tanggap na tanggap ko. umaasa ako na mababayaran ko lahat ng mga pagkakamali ko sa 'yo sa pagiging mabuting ama kay jacob. alam ko, kasalanan ko 'to sa yo. malaki ang kasalanan ko sa 'yo,  kay monica, sa inyo.
nicole: oo kasalanan mo. kasalanan mo'ng lahat. bakit nga ba, adrian, bakit ka pa ba pumasok sa buhay namin ni monica?
adrian: hindi ko na lalabanan yung annulment na hinihingi ni monica, para sa kalayaan nya. nicole, gusto ko rin sabihin sa 'yo, once and for all, nicole, hindi ako ang lalaking makakapagbigay ng pagmamahal na hinahanap mo. hindi ko kaya.

friendly banter nina max at monica. then...
monica: alam mo, max, mabuti kang tao. natatandaan mo yung gustong-gusto kitang paalisin sa vita noon? (tumango si max) lagi mo na lang akong naabutang umiiyak non eh, problemado, hanggang sa lumaki ng lumaki ang problema. pero lagi kang nandyan.
max: sa tuwing nakikita kitang umiiyak, isa lang yung pumapasok palagi sa isip ko. sana hindi ka na umiiyak. sana hindi ka na lang nya sinaktan. sana naging akin ka na lang.
hinawakan ni monica si max.
monica: you're a good man, max gonzales. and i love you as a friend.
max: siguro hanggang dito na lang talaga 'to. pero okay lang. okay lang. basta pag kakailanganin mo 'ko, tawagan mo lang ako, anytime, kahit saang lupalop ka pa ng mundo, pupuntahan kita. at hindi biro yon.

tumayo na si adrian.
nicole: hindi naging malinaw lahat sa akin, adrian. hindi kasing linaw ng kasal o kahit anong kasulatan. pero nung wala ka ng pag-asa kay monica, aminin mo naman sa sarili mo, aminin mo naman na minahal mo rin ako.
hindi sumagot si adrian at umalis na lang. the end.

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #251 on: June 10, 2014, 12:35:43 pm »
thanks sa super detailed na update ng episode last night!  ;D

gab54

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #252 on: June 10, 2014, 12:52:56 pm »
Kagabi hindi ako nakapanuod sa TV, buti nalang may nahanap ako na nag upload
http://pinoynonstoptv.com/watch-the-legal-wife-09-june-2014/

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #253 on: June 10, 2014, 01:01:44 pm »
^^ walang anuman, sis tischarmedlife  :)
 

nagtataka lang ako sa sinabi ni nicole na kasalanan ni adrian lahat at bakit pa daw ba pumasok si adrian sa buhay nila ni monica. eh in the first place, wala si nicole nung naging sina monica at adrian. si nicole pa nga ang pumasok sa mga buhay nila so sya ang may kasalanan. dapat nung sinabi nyang babalik sya sa australia eh bumalik na lang sya. kaya lang wala na tayong kwento  ;D

hershey

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #254 on: June 10, 2014, 01:20:14 pm »
thanks sis geeboy

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #255 on: June 10, 2014, 01:35:27 pm »
^^ lol... nagtaka din ako dyan..
nasabi ko na lang 'GaG*'.. kaw ang pumasok sa buhay nila..

lovemeagain30

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #256 on: June 10, 2014, 02:03:03 pm »
ako din nakakatulugan ko nalang eto sa gabi. ilang araw nako di nanunuod kung kelan patapos na kasi saka nagging boring. parang nawala yung fire ng story. mas mabuti nalang maki update dito sa forum.  ;D


geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #257 on: June 10, 2014, 02:10:11 pm »
^^^ walang anuman, sis hershey  :)


naisip ko lang, di kaya gumawa ng something drastic itong si nicole,  tipong "desperate times call for desperate measures"  eh anak sya ng tatay nya eh, pareho silang baliw

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #258 on: June 10, 2014, 02:11:32 pm »
super thank you sis Geeboy , isa kang dakilang Gtalker, umwahmwah :)


minadali kasi masyado ng writers, tapos yung salitang strong wife, hindi naman bumagay sa naging actions ni Monica.

Nawalan na atang maisip ang mga writers, yung kay Max nga eh, ganun ganun na lang pinutol LOL.



geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Stronger) Wife Thread III
« Reply #259 on: June 10, 2014, 02:28:23 pm »
^ walang anuman, sis snowball  ;)

yung episode nga kagabi, the maximum risk ang title... asan ang maximum risk sa mga ginawa nila kagabi. maximum risk na ba na na-friendzoned na si max? na sinabi ni adrian na wala talagang aasahan si nicole?  ::)  hay naku

 

Latest Stories

Load More Stories
Close