Ako naman naiintindihan ko si Adrian, in fairness naman sa kanya, mabuti siyang ama, kung ano man ang problema nila ni Monica, sa kanila lang yun, never dapat nadadamay ang mga bata.
IMO, hindi rin maganda na kinakamuhian ni Bunjoy ang tatay niya, like the line of
Bunjoy "tito max is there, and you're not"... masakit yun sa isang magulang, lalo na sa case ni adrian na hindi naman siya yung nang iwan sa pamilya niya, diba hinanap pa nga niya ng walang tigil..
IMO, unfair yun for Adrian, ang sa akin lang, nagkamali din si monica ng pagpapalaki kay Bunjoy, hindi dapat ganun in real life, dapat as a mom, kahit anong galit meron ka sa asawa mo, huwag na huwag mong hahayaan na kamuhian nila ang tatay nila, kasi yung tatay nila eh parte ng pagkatao nila, pag nangyari yun, part nung pagkatao nila eh damaged na.
Dapat inexplain ni Monica na "Bunjoy, never tayong iniwan ng tatay mo, kaya huwag kang magagalit sa kanya", kaso mukhang galit yung bata sa tatay.
Nakaka relate kasi ako, naghiwalay din parents ko dati when we were little.
Problemang mag asawa, huwag na huwag idadamay ang mga anak.