Kami din ng hubby ko, ang reaction kagabi "yun na yun? wala na?" hahahaha, sobrang bitin, walang closure.
Naging safe masyado ang mga writers, gusto nilang tao ang mag isip ng ending, nga naman, at least kung naka hang ang ending, napag bigyan nila yung gusto at hindi magkatuluyan sina Monica at Adrian sa huli.
Kumbaga, tayo na bahalang mag isip what happened next LOL.
Sana lang:
1. Pinakita man lang sana na umalis talaga si Nicole at Jacob with Dante papuntang australia, at namuhay na sila ng tahimik sa ibang bansa, and maybe sana naipakita din na nakahanap siya ng legal husband, at naging legal wife na rin siya, I think, mas strong ang lesson nun sa mga kabit, na bakit ka pa makikihati ngayon, eh kung naghahanap ka na lang ng lalaking magiging iyo na talaga.
Kasi, malay naman kung pag alis pala ni Monica eh magbago isip ni nicole, landiin na naman si adrian hahahaha.
2. Sana pinakita man lang na sumunod si adrian sa US, na nag effort siya talaga na suyuin talaga si monica, para naipakita man lang na nagpakahirap siya na maibalik talaga ang tiwala sa kanya ni Monica..
3. Sana din sa may ending, pinakita pa sina Bunjoy at Martina..
4. Sana din hindi nila kinalimutan si Max, kawawa naman si Max, nawala na lang sa picture hahahaha.
Oh well, not fan lang talaga ng hanging endings.
IMO, kung nagkabalikan sina adrian at monica, realistic din naman yun ah, gaya ng parents ko, nagkabalikan after all the storms passed.