watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 29)  (Read 158484 times)

mrscolunga

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #560 on: July 14, 2014, 10:41:39 am »
Re:julia, ano bang kasalanan ni dennis sa kanya? Galit sya sa ama nya? Nung tinawagan daw ni dennis kung totoo yung pagtanggal ng baldivia na surname, ang sagot daw ng anak, may taping sya...

zelda

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #561 on: July 14, 2014, 10:50:28 am »
^ maybe sis mas taping nga talaga. Or mas gusto nyang mag-usap sila ng personal, dahil totoo talaga ang isyu, para mas magkaintindihan (kung magkakaintindihan nga, LOL). Pero if di na nag-attempt si Julia na imeet ang tatay nya after that call, hehe maybe they really didn't want him to know.

Unless may ginawang karumal-dumal na krimen si Dennis sa mga anak nya parang off lang, no? Bakit sa ganitong edad pa? Barreto na naman screen name nya na uber gamit na gamit nya, anong problem if Baldivia sya sa legal docus? Anong ginawa ni Dennis para kutyain ang tatay nya by removing his surname from her name? (Or at least allowing her Mom to do this)

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #562 on: July 14, 2014, 11:03:11 am »
Ayaw ko munang i judge si Julia, kasi baka may reason siya na matindi kung bakit niya gustong palitan ang apelyido niya.

Hindi naman natin kilala si Dennis Padilla personally as a father, so maybe, may something sa family nila..


daveigh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #563 on: July 14, 2014, 11:09:20 am »
^ agree. mahirap magsalita sa ganyang situation.

twelve5

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #564 on: July 14, 2014, 12:41:36 pm »
I dont think idea ni julia yung petition. Morelikely it's the adults around her that put that idea into her head.

Pero kung may valid reason nga talaga, i hope she gets what she's petitioning for.

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #565 on: July 14, 2014, 12:44:18 pm »
Si Julia lang ba or pati 2 nyang kapatid?

super bratinella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #566 on: July 15, 2014, 09:12:25 am »
I remember last time when I was watching talking show interview with Marjorie then she said si Julia bata pa siya, nagstart pa lang sa pagartista si Dennis daw ang lagi niyang kasama sa mga out of town tapings/show habang walang work then hands on nga daw si Dennis sa mga kids niya. I guess financial reason kasi inaamin naman ni Dennis the past 2years na hindi siya nakakapagbigay financially.

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #567 on: July 15, 2014, 11:51:46 am »
Si Julia lang ba or pati 2 nyang kapatid?

Only Julia..

E baka nga may episode ng pagiging walang kwentang ama si Dennis kaya aalisin surname nya. Well, Sana nga yan talaga ang reason at hindi yung napaka lame excuse na binigay ng lawyer nila.

quennna

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #568 on: July 15, 2014, 12:05:25 pm »
watch nyo yung aquino and abunda epi last nite
naexplain dun na sa case ni julia
parang by the time na pinanganak ni julia, baretto yung nakaregister
then nungkinasal marj and dennis.. pinachange sa padilla
parang null and void ata yung kasal nila kasi kasal pala sa una si dennis..
kaya pinababalik sa bareeto ulet...

ang gulo nila ha

kimmy13

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #569 on: July 15, 2014, 12:32:54 pm »
Ang pangit parin ng ginawa ni marjorie, e diba yung anak ni Gretchen di naman yun legitimate kasi di rin kasal, dala2 naman yung last name ng tatay. Kung mayaman [textspeak!] sana si Dennis.. Tsk tsk..

unwantedP

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #570 on: July 15, 2014, 01:30:30 pm »
kahit naman null and void ang marriage nila ni Dennis, and illegitimate child si Julia, pwede pa din naman gamitin surname ni Dennis since siya yun father. Ang dami ng nakagawa nun. So kung bakit ayaw na nilang gamitin pa further yun Baldivia, baka may ibang deeper reason.

Si Kapunan nag file na ng gag order against Dennis. Feel kasi ni Dennis dahil sa financial support kaya ganun.

sima

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #571 on: July 15, 2014, 02:40:43 pm »
Narinig ko na rin yung tungkol kay Gary V at sa Pangilinan sisters hehe.

^ Pwede namang dalhin ni Julia ang last name ni Dennis kung in-acknowledge siya nito sa birth certificate kahit sabihin pang null and void ang kasal nila ni Marjorie at illegitimate child si Julia.  Grabe naman kung papalitan niya ang surname niya... matindi siguro ang galit.

Sa non-appearance ng pamilya ng mga Aquino sa pagkamatay ng mother ni AiAi nga sumama ang loob niya sa kanila.

quennna

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #572 on: July 15, 2014, 03:15:41 pm »
pero still ang saket pa rin kay dennis yun..
mas ok na kahet walang pera father mo pero mahal na mahal anak
kaysa sa richie father, pera lang pang tapal sa pag mamahal...

Kristalle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #573 on: July 15, 2014, 04:21:02 pm »
i have seen dennis p.'s startalk guesting last saturday and sinabi nya dun na si marjorie ang nagpetition (dahil minor pa si julia i guess). sinabi nya rin dun na they still communicate naman na mag ama. so puzzled sya why. sinabi nya rin dun na di sila nag uusap ni marjorie.

natawa lang ako sa mga reactions/speculations dito. why di na lang nag isip na mapanood yung mismong interview, hanapin sa youtube, etc. rather than blame agad si julia when its the mother who obviously is the pasimuno dahil minor nga si julia. i have a strong feeling it has all to do with their siding with marjorie/gretchen in the claudine saga. lol.

Kristalle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #574 on: July 15, 2014, 04:35:02 pm »
Scandal ni Paolo Bediones, Pero halatang luma na e maliit pa katawan ni Paolo hehe

link pls.!!! ;D

glamorous_aisha

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #575 on: July 16, 2014, 09:24:36 am »
^^sis i think may say naman si julia kahit mom niya pasimuno. she's not a little kid anymore.she is 17, capable of deciding on her own. kung wala siyang kinalaman eh di sana yun yung sinabi niya sa tatay niya nung tinawagan siya regarding that. either may kasalanan o wala yung tatay niya, tatay niya pa din yun.

nakakaasar talaga yung reason na baka daw kasi malito mga tao. inuna pa sasabihin ng ibang tao kaysa sa mararamdaman ng sarili niyang tatay.  ???

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #576 on: July 16, 2014, 03:37:04 pm »
Yes Julia is a minor but she is not a toddler LOL she is not a kid.. May sarili syang isip.

And nasa showbiz sya, im sure she is very concern sa career nya so kung talagang nanay lang nya may gusto nyan, better ayusin nya at baka magbackfire yan sa kanya. Hindi pa man sya sikat, malaos na sya.

oh well, pero sige baka nga may mas mabigat na reason kaya ganon.

fleur_de_liz

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #577 on: July 16, 2014, 04:13:09 pm »
naaawa ako kay dennis. i think he's been a good father naman sa mga anak nya. though hindi sya masyadong kumikita talaga as an actor still he manage to do kahit mga di kalakihang role para lang kumita. it was just her spouse (marjorie) na sobrang materyosa at social climber kaya pumatol sa mas mapera. sana naman inisip ni julia yung tatay nya bago yung ibang tao. naloka ako sa batang ito. eversince i can sense that this girl is social climber din like the mom. sana nga lang talaga sumikat sya gaya ng tita clau nya. kaso hindi pa man sikat lumalaki na ang ulo.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #578 on: July 16, 2014, 05:44:55 pm »
^ ako din feeling ko social climber si Julia. Hindi naman sila mayaman. I mean govt official ang parents niya dati per it's not like Mayor yung position ng magulang niya. Yung lifestyle kasi nila ang laki ng pagbabago lalo na nung machismis yung nanay niya na kabit ng politico. duon parang biglang yaman silang tignan sa mga pictures nila sa Instagram.

manhattanite

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 29)
« Reply #579 on: July 16, 2014, 08:48:05 pm »
Si Marjorie mukang gustong gayahin ang lifestyle ni Greta kaya siguro nagawang maging kabit din. Kung pera ang priority nya, at hindi lang basta may pera ha, kundi lots and lots of it, makikita ng mga anak nya yan at lalaki silang yan din ang priority and yardstick ng happiness sa buhay. Nakikita ko sa IG ni Julia and Claudia na at their age, puro designer bags na ang gamit, high-end ones like Celine. Kelangan talga ng teenagers ng ganun kamamahal na gamit? Mukang pinipilit sumabay sa lifestyle ni Dominique. Malamang united yang si Marj and Julia sa ginawa kay Dennis kasi tama yung ibang sis natin - malaki na si Julia and kaya naman nya sigurong i-defend ang tatay nya kung gugustuhin nya. Kaso kung same values sila ng nanay nya, pera pera lang yan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close