watch now

Author Topic: I need help about the yaya of my baby!  (Read 4638 times)

zheane0127

  • Guest
I need help about the yaya of my baby!
« on: May 22, 2014, 12:16:46 am »
Hi sis, i just need your opinion and advice as well.. Pls.. TIA

If you have read about my other post re my husband infedelity, baka mas maintindihan nyo ako.

We have a 3 years old daugther now. Since i am working now, yung dating helper ng parents ng husband ko na pinag aral nila until high school yun ang kinuha namin na yaya.  Pero bago sya nagwork sa amin, namasukan na sya iba.

Ang yaya kung ito, open naman sa akin lahat sinasabi niya kasi may tiwala daw siya sa akin.  Actually nakasama ko na din ng 6months nung tumira ako sa mga in laws ko nung wala pa kaming baby ni hubby. Mabait naman siyang bata, masipag pa.  2nd year high school siya nung nakasama ko so nene pa sya noon. Ngayon 19 na siya nagbloom talaga siya at gumanda, maputi at makinis.  Sinabi din nya na kaya siya umalis dun una dahil inuna pag aralin ng college yung ate nya ng in laws ko, 2nd gusto nya makatulong sa mother na. And 3 para makaiwas sa bro in law ko na nanliligaw sa kanya. Kaya daw ayaw nya dun dahil sa may mga anak na ito but not married and nasa iisang bahay sila baka daw may mangyari.

So umuwi siya sa kanila, namasukan dun as helper and yaya tapos pinapag aral pa siya. Napilitan lang siya umalis kasi hinihipuan na daw siya ng amo niyang lalaki at nung minsan lasing umibabaw na daw sa kanya. Pero hindi daw niya sinabi sa amo niyang babae. Basta ang paalam lang daw niya need siya ng mama niya.

That time naman saktong needko na ng yaya for my baby. Pinapunta ko siya dito sa Manila. Noong una ok pa magaan pa ang loob ko sa kanya. Kaso habang tumatagal pa sexy na ng pasexy ang suot niya. (Seaman pala ang husband ko). Kinukwento niya inggit daw siya sa friend nya na nakapag asawa ng Norwegian. Sabi ko, my Norwegian ka na din ba? Sagot niya wala ate pero may nanliligaw pero pinoy siya kaso hindi pwede. Sagot ko bakit naman hindi pwede kung parehas naman kayong single? Sagot niya hindi na siya single ate may asawa at anak na. Mahuhuli mo talaga siya sa mga sagot niya. Ask ko san sila nagkakilala, sa school daw napadaan lang daw yung lalaki. Tapos sabi pa niya ok lang naman ate na maging kami kasi malayo naman kami sa isat isa. At saka pinangakuan niya ako ng magandang buhay. Nagtatanong tanong na nga ako sa mga kakilala ko na kabit din kung ano maganda kung gawin. Nashashock ako sa mga sinasabi niya. Tapos tinanong ko kung sila na ba bat ganun ang mga sinasabi niya pero dinideny niya. Ayaw nga daw niyang manood ng legal wife dahil nagiguilty daw siya. Yun ba yung wala silang relasyon?

Tapos bigla niya ako tinanong kung ok lang ba daw sa akin na mag asawa ng iba ang kapatid ko. Tapos mga anak ng kapatid ko nung nagbakasyon sa bahay ang tawag na niya mga anak.

Ask ko siya, neng pano pag may nanligaw sayo dito na lalaking may asawa na din at anak papatulan mo ba? Ang sagot niya mapipigilan ko ba ang sarili ko ate kung in love na ako?

Nung hindi ko pa nalaman ang story niyang ito, nararamdaman ko na na parang magiging threat siya sa akin. Hindi ko maipaliwag kung bakit. Pero now that i learned about her story parang naconfirm ko na sa sarili ko na kaya pala ganto ang pakiramdam ko.

The day that i learned her story, nag iba na ang tingin ko sa kanya. Naiinis na ako pagsinasabihan niya ng i love you ang anak ko. Sinabi pa niya na ate hindi ako kabit ni kuya ha..

Sinabi ko sa asawa ko yung story ni yaya, na sabi niya di naman kasi parang pamilya na daw niya si yaya. Sabi ko pag nakita mo siya magbabago ang tingin mo sa kanya. Sagot niya wala pa man hinusgahan mo na ako. Ang sabi ng asawa ko tulungan na lang na mag abroad si yaya para makalayo sa lalaki at makatulong sa mother niya.

Mga sis, tama ba ang gagawin ko na tulungan na lang siya mag abroad? Sinasabihan ko na din siya na mag apply na lang siya sa mga call center since nakatungtong naman siya ng college. Ang unang plan ko kasi kami ang magpapaaral sa kanya. Gods will na din siguro na hindi siya nakapag enrol dahil sa hindi inasikaso agad ng kapatid niya ang mga requirements niya. Ayaw ko naman din na pauwiin siya ng province nila baka tuluyan na siyang kumapit dun sa lalaki na may asawa. Madali lang daw kasi siya mainlove lalo na kung pangakuan siya ng magandang buhay kahit may asawa pa daw yung lalaki.

Sabi ko sa kanya na pag once na nalaman ko na sila pa nung lalaki papalayasin ko siya ng bahay kasi ayaw ko magdala siya ng malas sa buhay namin.

Mga sis, if you were in my situation what will you do? Please help!

Threaten siya sa akin kasi mahina ang asawa ko sa tukso..

zheane0127

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #1 on: May 22, 2014, 12:17:51 am »
Sorry mga sis masyadong mahaba.. Pls take time to read..

mooncake and leaves

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #2 on: May 22, 2014, 01:39:00 am »
can she go to any other relative that you can trust? i think since she's so young and if she has a history of having been sexually violated by her employers then you kind of don't want to be the person who lets go of her just like that. but i still think you need to get rid of her asap since your marriage is in a very fragile position at the moment. ang hirap naman nun if she's with you guys tapos worry ka nang worry. it's not an issue of whether or not your worries are legit. you are entitled to be paranoid. sometimes it's not just the actual infidelity that just kills. it's the threat of it. the mental anguish-- that's also very difficult to deal with. you can't sacrifice your peace of mind just to accommodate her.

also, have you talked to her about what she's doing? if not, she's young and very stupid and she seriously needs some advice from a grown up na mali yung ginagawa niya and siya mismo ang mapapahamak. maybe you can talk to her and be straight with her. you seriously need to put her in her place too. she can't tell you that whole, "ate, hindi ako kabit ni kuya." she can't say that to you. that's very disrespectful.

bottom line, yep, help her find another job, wherever that may be. she just really can't live with you and your husband.

aquacharly

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #3 on: May 22, 2014, 04:48:00 am »

Trust your instincts: get her out of your house, your lives, ASAP.

She is a train wreck waiting to  happen.  You can see that coming, she has set herself up for it -- gumawa ka ng paraan para hindi ka maging collateral damage ng train wreck nya.

She is 19, very aware of her sexuality & how far she can wield it --  she has put her conscience/morals (if any) in the freezer -- nag research na nga how to nego  with her kakabitan, when she agrees to be a kab1tch.  Susko.  Instead of employment search, kabit search gawa ng babaeng ito. Hindi yan bata, see her for what she is: a woman who is obsessed with getting a comfy life the easy way:  as a parasite, regardless of who gets hurt.  Alam nya may masa saktan sa balak nyang pagkakabit -- but she doesn't care. All she is focusing on now is how to get the best deal/best benefits.  Kaya nya inayawan your BIL, and her amo in the province:  assessment nya kulang sa funds to keep a kab1tch financially comfy.  And, sa statement nya sa yo about not being your hubby's kab1tch: Aba, Aba, Aba --  na assess nya rin financially your hubby. And, na assess nya may kab1tch your hubby, it just isn't her.  (How disrespectful to you, the hand that feeds her -- to say such out loud, warranted or not the cheap remark  may be.)

Sit her down 1 time for a serious talk.
TELL HER: 
1. Challenging  enough being a wife,  harder to be a kab1tch.  Men stick to the wives they complain of, but change kab1tches they go crazy over (for some time).   She should aim  to be a wife, not a kab1tch.  Tell her not to price herself low/cheaply.  Think of her future kids/bastards.
2.  Sa dami dami ng teleserye about wives & kab1tches -- the Winning Exit Line lies best in being financially self-empowered.   No man can give you insurance. The best insurance is to provide for yourself, and to take care of yourself.
3.  Raise  her ambition. Hwag basta kumabit lang.  Go abroad & advance herself.  Make her see that if she upgrades herself, she levels up to the type of men she can consider.  Or,  kung decedido maging kab1tch, hindi lang seaman.  Haynaku

Then, show her the door. I am all for helping -- but self preservation comes first.  Sometimes, it does not help to be concerned about someone who is out to put herself in harm's way & has no guilt about wrecking others' lives -- even yours. Really.  Sooner or later, she will pay the price for her lack of morals now.  Why risk co-paying the price for her lack of morals?  Just saying.

IF she is willing to go work abroad, sure - help her financially. But do not let her into your premises again. 
Snakes are best kept out.   She is one, if given the opportunity.

Get her out of your home ASAP.

Celerina

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #4 on: May 22, 2014, 07:57:09 am »
I so agree with aquacharly, Get her out of your home ASAP!

zheane0127

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #5 on: May 24, 2014, 11:02:10 pm »
Hi mga sis thanks for the replies. We already had a heart to heart talk.

At the age of two namatay na ang papa niya and ang nakagisnan niyang papa ay isang tomboy. She told me that the tomboy raised them well until yung mama naghanap ng iba. Yung ate nagrebelde sa ginawa ng mama nil, yung isa niyang ate kinuha ng tita niya at siya lang ang naiwan sa poder ng mama niya. Mas gustk daw niya sa poder ng tomboy kasi naramdaman niya ang love ng isang parent.

Nung umalis ang mama  niya at sumama sa ibang lalaki naiwan daw siya sa tomboy, pero nung bumalik mama niya na buntis na at saka umalis na din yung tomboy. (sorry kung medyo magulo).

Nung nakasama na niya sa bahay yung bagong asawa ng mama niya at tuwing nag aaway daw lagi daw nanunumbat ang lalaki. Sinisi niya mama niya na kaya sila naghihirap na ng husto dahil sa maling desisyon na ginawa niya sa buhay niya. Kung nag stay lang daw ang mama niya sa tomboy maayos pa daw sana ang buhay nila.

Dun sa lalaking may asawa na na naging bf niya.. nung una daw hindi daw niya alam na may asawa na ito. Kaya laking pasasalamat daw niya at kinuha ko siya from their province para makalayo.

Lahat ng pangungunsensiya sinabi ko na sa kanya. Ang sabi niya sa akin huwag ko daw siyang pabalikin dun sa kanila kasi wala daw talaga magandang mangyayari sa kanya. Kahit dito na lang daw siya at tulungan ko siyang maghanap ng ibang work ok lang daw basta wag lang daw siya uuwi dun. Gusto din niya mag abroad para makatulong sa mama niya at sa maliliit niyang kapatid.

Kaya napagdesisyonan talaga namin mag asawa na tulungan na nga lang siya dito maghanap ng work. Tapos by next year mag apply na siya abroad. Inaayos ko na yung mga requirements niya. Wala pa naman dito ang mister ko next year pa ang uwi.

Sana lang talaga tama ang desisyon namin sa pagtulong sa kanya.

patriciaheart

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #6 on: May 30, 2014, 04:54:07 am »
Sis tama sila, get her out of the house, as in right now, may kabit na malas ang mga kabit.

Bata na in love pa? She may be distracted and ang pinaka ka aasar pa dyan ay yung text ng text nako!

In the mean time, paaplyin mo sa call center, real estate agent etc what ever yung para a course nya  and since maganda naman sya, sales jobs are good and will help her be resilient.

 since college grad para may malagay sya sa resume nya kahit admin job or janitress whatever, para mawala ang isip nya sa mga lalaki or baka dun maka kita sya ng ibang guy. As far as the helping goes, help her help herself, give the leads like the addresses of the agency etc but wag ikaw mismo to get our of your way para maipasok sya abroad. Remember,, you hired her to make your life easy, ma gaan at less stressed!

The pros of having hired help is your can get rid of them in a cinch. Hinde naman drama at worry and binabayaran mo every month.  Fine,, she has been with the family for a long time, thus help her, pero hanggang dun lang.

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #7 on: May 30, 2014, 10:58:43 pm »
yung maid namin ngayon, lapitin ng lalaki, my mom, in my opinion, is kinda meddling with her private life. one time nagday off si maid and the other maid mentioned to my mom na nung tumawag siya, lalaki daw nakasagot, so tinanong ni mommy bakit lalaki (in a kinda accusatory tone) sumagot. medyo naoffend siguro yung maid namin, medyo nagkaroon nga din kami ng clash of opinion ni mommy kasi for me, wag naman pakiaalman private life niya (my mom kasi has a tendency na makialam sa private lives ng mga tao) and ayun. but di naman nakikikabit yung maid na yun and may boyfriend.

for your case naman sis, i believe na it's wrong to house a bad karma around. so ayun, something bad might befall your household for harboring bad vibes.

zheane0127

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #8 on: July 08, 2014, 12:08:58 pm »
Hi mga sis, just an update about my yaya..

I found out that my yaya and my brother had an affair. How? Kasi yung kapatid ko pag dumadating ng bahay lagi niya hinihiram ang ipod ko. Morning, hiniram niya at nakatulugan naka open ang isa niyang fb ako.  Pag tingin ko my new message galing kay yaya nakalagay sleep ka na beh? Sabi ko bakit beh? So from the start binasa ko ang conversation nila. My affair nga sila at matagal na sila March pa siguro. Kasi yung start ng conversation nila is april, mababasa mo dun na sila na.  Ginagawa nila yung kababuyan sa kwarto ni nanay.  Si kapatid ko my asawa at 3 anak. Ang family niya sa bulacan at umuuwi lang siya dun pag day off niya.  Kaya pala nung nagbakasyon mga anak ng kapatid ko sa bahay last summer ang tawag ni yaya sa mga pamangkin ko mga anak. Tapos one time ask niya ako kung ok lang ba daw sa akin mag asawa ulit ng iba ang kapatid ko. Matagal ko na siyang paalisin kaso ayaw ni nanay dahil wala nga daw siyang kasama sa bahay at naawa siya dahil gusto niya tulungan mag aral para makaahon naman daw sa hirap.  Kasi kami din nakapag tapos ng pag aaral sa awa at tulong ng  kamag anak.

Pinalayas ko na c yaya, pinauwi ko na siya sa province nila. Ngayon ang problem ko, hindi ko alam kung paano sasabihin kay nanay kasi clueless talaga siya bat ko pinauwi. Nagulat na lang siya pag uwi nila ng anak ko galing church wala na mga gamit ni yaya.  natatakot kasi akong malaman niya baka anong mangyari sa kanya. Kasi yung tinitirhan namin bahay, bahay yung ng tita ng nanay na nasa US kami lang pinagkatiwala doon.  Na binaboy.naman ng kapatid ko.

Hindi ko pa din nakakausap ang kapatid ko. Ayaw ko pa siya papuntahin sa bahay. Kaso magtataka naman si nanay bat hinidi na doon umuuwi kapatid ko.

need ko pa ba sabihin kay nanay ang totoo?
« Last Edit: July 08, 2014, 12:39:25 pm by zheane0127 »

Girltalker2

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #9 on: July 09, 2014, 08:31:57 am »

^ Oh dear. Kaya pala ayaw umuwi ng maid ninyo at ang BF ay kapatid mo.  How convenient.

I think importante malaman ng mom mo, kayo kayo lang naman sa pamilya di ba? Ikaw, bro and your mom.  So mabuti nang alam ng mom mo para in case na lapitan sya nung yaya mo for another chance to stay in Manila, alam na ng mom mo na humindi.


iska-hazel

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #10 on: July 13, 2014, 06:57:05 am »
hi sis TS why hesitate to tell your mom? eh kabitch pala si yayey ng brother mo, naku train wreck nga tulad ng sabi ni sis aquacharly, omygeez

zheane0127

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #11 on: July 13, 2014, 08:47:48 pm »
hi mga sis, sinabi ko na sa nanay ko.. Kasi ang lakas ng loob ng kapatid ko siya pa ang matapang, siya pa ang galit sa akin.

I make sure na nasa mood si nanay nung sinabi ko sa kanya ang totoo.  Kaya daw pala close ang dalawa yun pala may something na sila.  Pinagsabihan na siya ni nanay, yun nga ang masama siya pa ang galit. 

ritznmore

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #12 on: July 24, 2014, 04:35:04 pm »
Oh my gosh sis, why would your brother bed a maid?  Im sorry for sounding matapobre, but is she that pretty and clean?  And sobrang walang tang na loob naman ng yaya mo after sending her to school, yan pa igaganti.  Ang feeling naman niya to think she can be part of the family.

My husband or any of my brothers won't dare sleep with a house help or any of our office staffs. 

aquacharly

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #13 on: September 12, 2014, 09:03:41 am »
^yes.   As RITZNMORE  says: it's not being matapobre. But well: "Don't sh1t in your own backyard."

Maids are part of the family, that's how we look at it.  They are not to be taken advantage of. 
But well, some maids kasi are crafty,  or itch for it; they see effing an amo as a way to level up. 
And perhaps, they still believe in Cinderella stories.  Like that teleserye with Jodi Sta.Maria?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: I need help about the yaya of my baby!
« Reply #14 on: September 16, 2014, 06:57:00 pm »
Hinde man sya kabit ng asawa mo ngayon, the fact na naipasok na nya sa isip nya na ok lang maging kabit sya means she wouldn't hesitate wrecking anyone's family for her own pleasure and gain -- including yours.

Time and time again, I've proven that no matter how nice you are to your helpers, you should never trust and expect that they will return the same treatment towards you. Most of them, not all naman siguro I hope, can only think of themselves and how they want to bring themselves out of their predicament --- regardless of what they need to do. And yes, just like everyone else here, I believe that you should not shelter a negative person. Naniniwala kame sa mga taong mabigat kasama sa bahay -- madalas, may ginagawang masama mga yan, hinde man sayo pero sa ibang tao din, kaya ang karma nila, nagdadala ng negative vibes sa pamamahay mo.

Get her out of your house asap.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close