Author Topic: need advice: ano ba dapat gawin pag si mister mo mas mahal pa tropa kesa sayo?  (Read 12482 times)

kimivy17

  • Guest
ano ba dapat gawin pag binabalewala ka ng mister mo?
pag wala syang pakealam sayo pag [textspeak!] nya tropa nya?
pag hindi sya mkatanggi sa tropa nya pero pag ikaw kahit di ka pumayag wafakels sya?
yung kahit umiyak ka magmakaawa ka balewala sakanya?
pag nagsorry sya sa kasalanan nya pero inuulit padin nya?

minsan gusto ko magwala at awayin mga tropa nya pero ayoko naman magskandalo pero yung sakit na nararamdaman ko sobra dahil sa mga ginagawa nya...

haaissst paadvise naman mga sissieess .. :((

marose17

  • Guest
^ How old are you and your husband?  How long have you been married?  Do you have children?  Do you work?  How often does your husband go out with his group of friends?

meisaia

  • Guest
why don't you try reverse psychology?

pabayaan mo siya sa gusto niya gawin. kapag nagsabi siya sa'yo na lalabas siya with barkada, wag ka magalit, smile and say okay. kahit na inis na inis ka na. tapos minsan, ikaw naman ang lumabas with your friends. libangin mo sarili mo para di ka gaano mairita na ganon siya sayo.

Girltalker2

  • Guest

Another alternative - samahan mo sya lagi

Sabi nga nila, if you can't beat them, join them.  :D

I have a friend na hindi umiinom like me. Kaso napangasawa nya ang lakas uminom, ngayon tomador narin sya.  ;D

nixiquita

  • Guest
Medyo ganito ako noon :)

Kaso when i got to know his friends and cousins, theyre cool naman kaya pala madalas siya sumama sakanila. So now i join them sometimes or we try to compromise nalang..

like if may biglaang lakad, magpapaalam saken na babawi siya next time, tas we set curfew if applicable HEHE

or if beforehand nakapagpaalam na siya sa akin, days before, we spend quality time together na.

Kaso BF ko palang, not husband, but he was really alot worse dati. Parang sinasakal ko daw siya kasi nga clingy ako. Tas siya pag nakipaginuman na, wala na, di mo na macocontact forever! Siguro the next day na. Or sometimes, the next next day pa! KAINIS!!!!!! NAISTRESS AKO NG BONGGA! Ilang months or yrs din yata siyang ganun.

So try to get to know his friends din, malay mo makasundo mo din para kapag may lakad sila, pwede ka sumama or if not naman, pwede mo sila pagkatiwalaan and di ka na magworry sa husband mo. Tas pag kilala ka na rin ng friends niya, mas may chance na maging mas considerate ang friends niya towards you. (eg, when its late or biglaan, maiisip ka muna nila bago magpushthrough sa lakad, mga ganung bagay. Hehe)

Kaso till now, meron akong ayaw na ayaw na set of friends niya. May iba iba kasi siyang barkada. Gang ngayon ayaw ko kapag kasama niya mga yun. Barubal kasi at BI. Triny ko din sila iclose, but grabe sa bastusan. Mali talaga eh. Hindi naman maiwasan ni BF ng totally. But BF knows na ayaw kong kasama niya sila. So nilelessen nalang niya.

Kasi saken okay naman sa other set of friends niya, so dun nalang siya lagi para okay saken. :) Basta nagpaalam at aware ako kung nasan at sino kasama. (POSESSIVE, Hahaha)

Adjustment lang on both sides. If hes not willing to adjust, tama yung nagsuggest ng reverse psych. HAYAAN MO! PABAYAAN MO! Tas gumala ka rin without telling him at informing him para mafeel niya rin yung nafifeel mo, hehe. :) GOODLUCK

glamorosa_09

  • Guest
Quote from:
ano ba dapat gawin pag binabalewala ka ng mister mo?
pag wala syang pakealam sayo pag [textspeak!] nya tropa nya?
pag hindi sya mkatanggi sa tropa nya pero pag ikaw kahit di ka pumayag wafakels sya?
yung kahit umiyak ka magmakaawa ka balewala sakanya?
pag nagsorry sya sa kasalanan nya pero inuulit padin nya?

Wala syang pakelam sayo, balewala ka sa kanya... kahit umiyak ka wala syang keme... hmmm...

If he is dismissive of other people's feelings noon pa, hindi pa kayo kasal, hindi pa bf-gf, it's not in your hands na magbago sya.

As for his friends, well siguro importante talaga sila sa buhay niya, may matibay silang history, but it's not a reason para maging 'wakafels' sya sayo, ikaw asawa nya eh. Kahit lumuha ka wala man lang syang nararamdamang concern? Kung wala ba ang tropa sa picture, do you think babalewalain ka pa rin nya?

However, kung nagbago sya sayo during your relationship, eh baka there's something with how you treat him? Baka wala ka ring pakealam sa nararamdaman nya with the way you treat or talk to him? Nagbabago naman kasi ang mag-asawa, so it's important that you track/update each others' and individual changes, nang hindi biglang naninibago kung sino napangasawa mo.

Pero mas maganda sana, kung dagdagan mo yung post mo para mas malinaw:)

lisse

  • Guest
Okay, try natin i-address isa-isa your concerns:
ano ba dapat gawin pag binabalewala ka ng mister mo?
   - let your feelings be known! Let him know na oy, buhay pa ko oh! Oy, gutom ako, lika kain tayo together. Hindi naman sila mind readers and sadly, most of them ata eh mahina sa hints (subtle hints, obvious hints – nothing works!). Pero don’t nag, wag mong awayin. It is never advisable to start a conversation na paaway lagi ang intro. You know him, kelan ba siya calm, at ease, ano mga bagay na gusto muna niya marinig, pag-usapan,  etc. Daanin mo sa diplomasya. Remember, adults na kayo, and married na. This is not something na pag ayawan na eh break na. You’re both in this for life (almost!). So, speak up.
pag wala syang pakealam sayo pag [textspeak!] nya tropa nya?
-   Nagpapaalam ba siya sayo? If not Then next time, request that he does, para kamo hindi ka na magworry. Say, sayang kamo ulam if dadamihan mo eh kakain na pala sila sa labas. Show interest sa friends niya and sa ginawa nila. Like, if kumain sila sa resto, say you’ve never been there or never tried what they had, so request na sama ka next time. Say kasama ba si so and so? Say matagal na kamo hindi naka hang out and you miss the jokes/chika/kwento so u want to join next time. Do your homework: may fb ba friends niya? May gf? Common friends? If wala ka naman nase-sense na kalokohan silang ginawa eh try to make your hubby understand na u want to be there not only because he is there, but because their company is good. O kaya, suggest na next time BYW/BYGF (bring your wife/bring your gf) day silang magtropa.

pag hindi sya mkatanggi sa tropa nya pero pag ikaw kahit di ka pumayag wafakels sya?
- again, ano ba yon? Lakad? Utang? Gimik? You said hindi ka pumayag, does that mean nagpaalam siya sayo? Ano ba manner ng paalam niya and pag-refuse mo?

yung kahit umiyak ka magmakaawa ka balewala sakanya?
-  my husband said my crying [during arguments/discussions] makes him feel like hes an a$$#ole. Baka naman hindi ka niya totally balewala, maybe he just can’t stand your tears.

pag nagsorry sya sa kasalanan nya pero inuulit padin nya?
- then, give “parusa”. Nagsorry naman pala siya, he admitted his mistakes. Say no gimiks for a week. Pero if inulit or hindi sumunod sa usapan niyo, then think if this is something that you can put up with, live with, or worth it to fight for. Like what one of our sissies said, this is something that you must have seen during your bg-gf times. And yet, you still accepted. I am not saying this is all your fault, but only you can say when enough is enough. How’s your [the 2 of you] relationship with God btw? It will really help kasi to make him understand the weight of the words “sorry” and “forgiveness”. Sa sinabi mo, it seems he is just saying “sorry” just for the sake of saying it to you so you will get off his back or snap out of it.

minsan gusto ko magwala at awayin mga tropa nya pero ayoko naman magskandalo pero yung sakit na nararamdaman ko sobra dahil sa mga ginagawa nya...
- correct, never go after the tropa. Kasi kahit anong influence/yaya ng mga yan kung marunong mag say no husband mo, eh it will not come to this naman.


Bud

  • Guest
bilang mag-asawa, pinag-uusapan ang lahat. lambingin mo ng husto

pero kung talagang mabarkada sya, di mo kayang mabago ang mister mo. only your mister can change his own self.

pwede kang magtiis hanggang mamulat sya at age 55 plus and above. believe me, ang lalaking mabarkada nagbabago lang yan pag matanda na sya at di kaya ang dating mga ginagawa with the barkadas

diann28

  • Guest
Pareho kayo ng status ng friend ko. Ganyan na ganyan ang asawa nya. Yun asawa nya barkada ng asawa ko. Yun friend ko schoolmate kami since college. 3mos lang sila mag bf/gf. Nabuntis friend ko. Nag pakasal sila. Taz sympre pag mag asawa na dun na lumalabas ang ugali ng isa't isa. Yun mabarkada at manginginom pala yun napangasawa nya. Sabi lang ng asawa ko pag masama loob ng friend ko sa asawa nya . NAKILALA MO SIYA NG MABARKADA AT MANGINGINOM DAPAT TAGAPIN MO NA GANON NA SYA. Kaya yun 2 na ang anak nila pero ganon pa din asawa nya. Kakalungkot lang kasi pag nalasing daw asawa nya minumura daw sya at nag wawala...

khriseeee

  • Guest
My hubby was like this. He's really close to his barkada, they are like family to him, some he has been friends with since elementary school!

We actually had a huge fight about him choosing them or me. I had moved abroad thinking that he would follow (he said he would) but he changed his mind and he can't leave his family and barkada. Of course that pissed me off, I uprooted myself for a chance to make our lives better and he changes his mind?? Anyways, long story short, I didn't want to bring it to a point where I would make him choose, so I came back home and we got engaged and married.

We were the first in his barkada to get married and before getting married I did tell him that he has to cut back on his time with his barkada. Luckily, there are girls part of the barkada and I'm always invited to their gatherings. I go when I can.

In our first year of marriage - it was rocky, he still went out a lot. I didn't have a car and I don't know how to commute so I kinda resented na he could come and go as he pleased. I would be stuck at home without anyone else to talk to!

It pretty much changed when I got pregnant and I told him again - he has to cut down on going out because I expect him to be involved in child-rearing. I don't usually get mad at him for hanging out with his friends but I remember there was one time I was near my due date and I thought I was in labor. Hubby had plans to meet up with one of his friends and wanted to push thru with it! He then had the gall to ask me "Does it hurt that much na ba?". I blew my top and told him it didn't matter if it hurt a lot or not, but I wanted him home with me. Thankfully he came home and it turned out to be a false alarm.

Since having our daughter, he has done better, especially on Saturday nights because Sunday is really the only time he has for our daughter. We also meet up with my in laws every week for lunch so he can't be hungover :P

I'm pregnant now with our second baby and I made a comment that we're going to be busier than ever. Hubby told me that he's told his friends that he won't be as available anymore with the new baby coming plus the fact that our daughter looks for him na :)


« Last Edit: June 13, 2014, 04:06:27 pm by khriseeee »

goddessjem

  • Guest
medyo nakakalungkot naman yan sis. subukan mong kausapin at ipaliwanag sa kanya ang mga bagay bagay..pwede din yun, sumama ka sa kanya..pasukin mo ang mundo nya para kahit papao hindi ka mabaliwala..Huwag na nyang antayin na tumanda siya o magkasakit, dahil kapag nangyari yun..dun ;lang siya titigil sa kakabarkada nya kahit may asawa na siya..at the end of the day, marerealize niya na hindi naman din siya aasikasuhin ng tropa pa, walang iba mag aaruga sa kanya kundi ikaw na asawa nya.. ;)

cutemama

  • Guest
Ganyan na ganyan din husband ko before, nung mag bf/gf pa lang kami. Naiinis nga ko kasi lage na lang may birthday sa barkada niya o kaya naman despidida. Tapos sa every payday lagi sila gumigimik or inuman ng mga officemates niya, inis na inis ako sa kanila kasi mga BI may mga girls pa,kababaeng tao lalakas uminom.

Although nagpapaalam naman siya pero minsan  even if you sa NO, magmamakaawa sayo, so no choice ka na. Kaya ginagawa niya lagi niya ko sinasama sa mga lakad nila. Ganun naman tayong mga girls eh, nagagalit tayo pag umiinom sila, pero pag sinama tayo sa mga lakad nila kahit umiinom sila hindi na tayo nagagalit. So the main reason lang talaga bakit nagagalit tayo is bcoz hindi tayo kasama. Seselos lang tayo.

Nung married na kami, bihira na lang siya nakakasama, lalo na sa out of town, hindi na talaga siya nakakasama. Nagtatampo na nga mga friends niya, feeling ko nga kontrabida tingin nila sakin hehe well ganun talaga, sorry sila.

Kaya ngayon if may party sila or inuman, ako na nagvovolunteer na sa house na lang namin gawin, para atleast at ease ako, and hindi ako mag aantay kung ano oras siya uuwi or mag aalala na baka madisgraxa siya sa daan kasi nga nakainom.
Kaya yun house namin lagi nilang venue. ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close