watch now

Author Topic: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)  (Read 31910 times)

miyam210

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #200 on: July 28, 2014, 09:19:53 am »
Sana mag-join na lang si Darren ng The Voice - Canada in a few years.  Gagaling pa ang batang iyan. Mabait kasi at very talented.  I will not be surprised if he will make it big in a couple of years.

Panira talaga iyang si Martin Nievera. Akala siguro niya siya ang contestant. Sinapawan ba naman yung bata.

swiTsuplada

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #201 on: July 28, 2014, 09:20:33 am »
Sorry bitter na kung bitter pero dapat talent show 'to. Otherwise, "The Poor" dapat ang title. He's very much ready that's why he joined this show. Kung PDA (Pinoy Dream Academy) 'to, OK na sa akin na manalo si Lyca kasi pwede sabihin na nanalo ang bata after several trainings and workshops na pinagdaanan nila.

Anyway, sana mapalago ng parents ni Lyca ang pera at maalagaan ang kapakanan ng bata. At si Darren, please ABS-CBN bigyan nyo na siya ng maraming projects. Sayang ang talent ng bata.

minaco_aino

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #202 on: July 28, 2014, 09:20:50 am »
at naloka ako kasi mas malakas pa ang iyak at pagtawag ng mommy ni darlene! haha..

Haha. Sinabi mo sis. Sabi ko, sino yun? Haha. Kala ko si Lyka. Si Darlene pala.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #203 on: July 28, 2014, 09:57:29 am »
Sobrang disappointed din ako natalo si darren :( pati dad ko sabi dapat si darren yung nanalo, and to think mas bet non ang mga bumibirit.

Re winner's announcement, akala ko nga runner up lang yung in-announce, winner na pala :P

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #204 on: July 28, 2014, 10:26:58 am »
di rin ako happy sa result.. Darren ang bet ko.. pero ok lang, siguradong may career na yung mga natalo kahit di pa sila ang nagchampion.

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #205 on: July 28, 2014, 10:35:21 am »
Bakit ba kasi si Cory Vidanes ang nag announce ng grand winner? Nakakaloka i was watching the whole time and yun na pala yun. Maryosep! I'm happy for Lyca, the kid deserve to win din naman, like Darren and JK. Nagkataon lang na sya ang bet ng masang pinoy. Darlene is so hurt. Mama sya ng mama while still on stage, napaka heart breaking, lahat umiiyak pwera si JK.

For sure naman all of them will have a good break. I just hope alagaan ng pamilya ni Lyca ang prize money at pati ang bahay at wag mapunta sa wala ang pinaghirapan ng bata.

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #206 on: July 28, 2014, 10:42:34 am »
Lahat sila magaling kasi kung hindi, hindi sila aabot sa finals.

For me lang, Darren deserves the title talaga. Pero I was kinda expecting Lyca mananalo. Kasi voting system eh.

Reality speaking, ang mga Pinoy talagang todo suporta kapag underdog ang tao. Baliwala na sino pinaka magaling, ang important sino may pinaka kailangan.

Sa kanilang 4, lahat sila may "story" sa buhay pero kapag tinignan mo silang lahat, si Lyca ang pinaka hirap ang hitsura at pinaka kawawa ang dating. (for me ha, yan ang tingin ko.)

Im not saying hindi sya deserving manalo, Magaling si Lyca, pero for me Mas may magaling sa kanya at mas deserving.

Anyway, still good for her. I just hope though na mapunta sa maganda ang premyo nya. Sana huwag pairalin ang culture ng pinoy na "bigay dito, share doon" lol

minaco_aino

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #207 on: July 28, 2014, 10:47:30 am »
^^About Darlene, kaya siguro sya ganun kasi parang pinaasa sya ni Lea na mananalo sya. I'm sure alam ni Lea na sa Team Sarah ang may chance manalo. So dapat tinuruan ni Lea si Darlene ng reality. Just saying.  :)
« Last Edit: July 28, 2014, 10:50:20 am by minaco_aino »

m

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #208 on: July 28, 2014, 11:34:01 am »
i agree kay izabelle, un mga attendants ko all of them are rooting for lyca kasi kawawa daw they even vote pa. so i think talaga she won dahil sa background aure she is good but darren is bettet, even jk he's better din kaysa kay lyca. hay sana abscbn will get the two boys pasikatin! but oh no if darren will go back to canada pano na waaa!!!!

minaco_aino

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #209 on: July 28, 2014, 12:02:36 pm »
On a lighter side, I'm glad napanood ko si Myk Perez sa opening number with Bamboo and JK. Cute nilang tatlo.  ;D
« Last Edit: July 28, 2014, 12:14:40 pm by minaco_aino »

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #210 on: July 28, 2014, 12:19:12 pm »
May concert pa pala sila sa Thursday, parang reunion/benefit concert sa Resorts World...so hindi pa siguro bukas fly sa Canada si Darren. Hehe. I have to find out how to get those tickets. (feeling teenager hahahaha).

Same sentiments about Lyca's prize. She has a trust fund pa. Sana pag-aralin na si bagets. At sana wag na mamigay ng moolah sa neighborhood. Hehe. :D

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #211 on: July 28, 2014, 01:36:02 pm »
^sis KVs, canadian citizen daw kasi si Darren, so need nila bumalik talaga sa canada, pero sana bumalik ulit siya ng Pilipinas..

ang umaayaw ay hindi nagwawagi hehe.

Go Go Darren, marami ang nagmamahal at naniniwala sayo. :)


Kung parehas lang si Lyca at Darren na magbabasura, sa tingin ninyo mananalo yang si Lyca, NO, a  big no. so totoo naman, more on sympathy votes ang pagkapanalo niya.

But okay, tapos na, congrats na lang to her. :)


minaco_aino

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #212 on: July 28, 2014, 01:50:52 pm »
^Hehe! Sis SnowBall mukang mahihirapan ka ngang makaget over nyan.

Pero parang kawawa din si Lyka. Ang daming nega comments sa kanya eh.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #213 on: July 28, 2014, 02:03:06 pm »
Ahhh... nga naman. Dun na kasi ata sya pinanganak ano? May mga legalities ekek nga naman. Kailangan nya bumalik dito sa Pilipinas though, or else...susunod ako sa Canada. Chos. :D

Ang bilis nya magestablish ng fan base in fairness. I read comments on Facebook, IG, and Twitter ng mga official pages, and yung mga fans nya are talagang nakikita mo na nahumaling sa kanya. Across all ages pa :) At ang mga tweens, they super like him. I can imagine Darren and JK starting anew the aspect of fandom dito na usually reserved na mga bagets for foreign boybands like 1D, or Ariana Grande, Taylor Swift etc. Kasi nga naman, ngayon lang nagkaron ng contest na meron someone their age na ganun ang appeal. :)


e.viv

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #214 on: July 28, 2014, 02:18:30 pm »
Sisses. Pa-pm po how to get tickets sa charity concert this thursday. Text at call ako dun sa number na binigay nun sunday pero hindi nisagot. Thank you.

mayums

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #215 on: July 28, 2014, 03:00:17 pm »
with lyca, maganda yung pagkaka-support ng aegis sa kanya sa number nila. sya yung nag-stand out, unlike martin and darren, si darren ang nag-second lead. as if si martin ang contestant.

with darlene naman, masyadong manipis pa ang boses nya para makipagsabayan ke lani misalucha.

bet ko si darren but for that last round, hands down, as if sinadya talaga na ke lyka mapunta ang prize.

lovely_carrot

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #216 on: July 28, 2014, 04:12:41 pm »
Ako din I was rooting for Darren, he's really good and only 12 years old! Kanina pa on repeat sa youtube ko yung kanta nya na Ngayon, grabe talaga ang talent nya


liana

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #217 on: July 28, 2014, 04:36:42 pm »
haha.. kala ko kami lang ng asawa ko nakapansin sa walang kalatoy-latoy na announcement! napasabi kami na "yun na yon?"


ha! ha! ganun din kami sis. akala nga namin 4th runner up si lyca yun pala sya na yung winner.

swiTsuplada

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #218 on: July 28, 2014, 05:09:16 pm »
At trending pa din talaga si Darren sa twitter. Dalawang hashtags kaninang tanghali nasa top 2. Hay, hello Ch.2.

emcee

  • Guest
Re: ABS-CBN: THE VOICE Kids (Philippines Series)
« Reply #219 on: July 28, 2014, 07:18:00 pm »
in fairness ke lyca, young number nya with aegis. waging wagi say dun..the rest purr darren na! medyo limited kasi yung range na kaya nya e..pero bata pa naman sya. i'm sure magi improve pa sya. congrats pa run sa kenya..korek naman, me slot na si darren and jk sa showbiz..kaya congrats pa rin lahat sa kanila :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close