Sana huwag ng pakakantahin ng english song si Lyca, kasi yung boses niya, like Aegis, April Boy Regino, Renz Verano, na bagay lang talaga sa OPM. Kumbaga hindi versatile yung boses niya, at yung diction niya, kaya sana ibagay ni Coach Sarah, at huwag ng pilitin na pakantahin ng english.
si Darlene naman, kung going bulilit to, matutuwa ako sa kanya eh, kaso The Voice kasi to, so sa boses niya lang ako nagbabase, and hindi talaga ako nagagalingan sa kanya, masakit sa tenga ang birit niya. So IMO, she's too young pa naman, maybe next time, maging deserving na rin siyang manalo sa isang contest, but not this time.
2 weeks na lang ang the voice, masyadong maikli yun for a major transformation.
sa 2nd season ng the voice, sana naman ang makapasok talaga eh yung magagaling kumanta, like Edray, parang nakakalungkot lang na "The Voice" nga ang title nung show, so dapat boses lang ang labanan diba, pero hindi eh, sadly, kasama ang "charisma", para manalo ka.