I'm planning to give birth sa St. Luke's QC. Since hindi applicable ang package nila sa mga first born babies, I asked na my OB magkano need ko iprepare. According to her, NSD would range around 70-80k while CS nasa 140-150k. Pero just to be sure, better na magpasobra na tayo kesa kapusin especially rough estimate lang ang mga rates na yun and without complications pa.
Nag-ocular check din kami sa mga kwarto. Yung semi private room nila, pang dalawang patient. Curtain lang ang harang, then may common CR and walang TV ata. I forgot the rates pero yung quote sakin ng OB ko na rate alam ko pang regular private na siya. Yung regular private, may TV, may ref may sariling CR with hot and cold shower and solo mo lang ang room.
They also have this what they call the birthing room. It's 15k a night. malaki siya, may CR din, may receiving area, may dining area pa nga ata and parang kitchen. May computer din with internet sa loob. Pero sa room na yun, sama sama na. dun ka na magle-labor, dun ka na rin manganganak and pwedeng kasama mo ang buong pamilya mo habang nanganganak ka. May divider lang na maghaharang sa bed mo at sa area nila para naman ka masyadong exposed.
Aside from that, we also checked their labor room. 1,5k a day siya. Dun ka magle-labor pero bawal ang may kasama. may Nurse lang at residente na iikot sa inyo to check. may curtain lang na naghihiwalay sayo from other patients. wala rin atang TV. medyo malungkot pero kung matapang ka naman pwede na yung labor room para cheaper.
They also have this High Risk Pregnancy Unit. Dito nagle-labor yung mga high risk ang pregnancy nila. 5,5k a day naman dito. Pwede rin daw ito kahit di high risk ang pregnancy mo. Preferred din kasi ito ng ibang mommies kasi may solo room ka [maliit lang] and pwedeng may isang kasama habang nagle-labor. so pwede mong kasama si hubby. May TV rin dito, and may sarili kang machine na nakakabit sa tyan mo to monitor your baby. Palalabasin lang daw si hubby pag tuturukan ka na ng epidural. May mga nurses and resident doctors din na umiikot dito. Sabi sakin nung nagtour samin, if dadating daw ako sa hospital na nasa around 8cm na ko, wag na raw ako kumuha ng HRPU kasi sayang lang dahil dadalhin na rin naman daw ako agad sa delivery room pag ganun.
According to my OB, allowed din daw si hubby sa delivery room. Pwede pa nga raw na siya ang sumalo kay baby and mag cut ng umbilical cord. They also practice the unang yakap and breastfeeding policy sa hospital. bawal magdala ng feeding bottles kasi nga they encourage breastfeeding. in case kinakailangan, meron din silang milk bank ng mga donated breastmilk. May lactation officer or nurse na iikot at magtuturo sa lahat ng mommies paano magbreastfeed ng tama.

Pwede naman tayo mamili ng mga rooms na gusto natin, kaso sabi nila pag mas mahal ang room na inavail mo, mas mataas din ang mga PF ng doktor kasi nakabase daw sa room rate ang PF nila.
Try nyo rin mag-ocular to familiarize yourself sa area. very accommodating and friendly naman ang mga staff sa SLMC.

2nd Floor siya sa main building.