watch now

Author Topic: St Luke's Medical Center (QC & Global) - Review/feedback/stories/expenses  (Read 165698 times)

chimponzi

  • Guest
^ awww.. dra jing f... namiss ko na siya. haha. she did my laparotomy last december at ang ganda ng bikini cut ko. haha

i'm torn between MMC and SLMC-BGC! post pa kayo ng mga feedback mga sis para ma-convince ko si hubby na SLMC na lang ako ulit. haha

nicoletta

  • Guest
We had a tour of the HRPU, Labor and Delivery Rooms (silip lang) and Private Rooms sa Maternity unit. May Birthing Room/Suite pala sa SLMC QC pero iisa lang. Share ko lang mga rates -

HRPU - 5,500 for 24 hours
Labor Room - 1,100 for 24 hours
Birthing Room/Suite - 12,000+ net daw for 24 hours

Will share my experience and complete expenses once I give birth.


Kasama na ba yan sa 120k average ngayon sa SLMC?  Still choosing between QC and BGC.

Queen Chokolah

  • Guest
I gave birth sa SLMC Global last month. And for me, sobrang maganda ang experience ko with them lalo na at first time parents din kami at ayokong ma trauma sa first time ko. Nagbabasa na rin ako before re: hospitals and nakakatakot yung mga horror stories. Most of the reviews naman sa St. Lukes ay positive kaya eto ang napili ko. Dito na din ako pumili ng OB. Gusto ko din yung pagiging breastfeeding advocate nila (and strict talaga sila about this) kasi determinado talaga ako mag breastfeed at ayokong i sabotage ng hospital yun - like giving formula, feeding through bottle which causes nipple confusion, etc. At gusto ko din na room in agad si baby. Praning ako, takot ako mapalitan ang baby ko haha. Gusto ko din ang vibes ng st. lukes kase parang hindi hospital, i mean, hindi amoy ospital. hindi nakakatakot. parang hotel lang.

We stayed sa HRPU din during labor. I don't know why, siguro kasi double cord coil si baby. I learned (just now) na hindi pala pwede may kasama sa regular labor room. Buti na lang sa HRPU kami. I was with boyfie and my sister. Hanggang dalawa lang ang pwedeng kasama kaya they stayed outside nung dinalaw ako ng mga tita ko. Admitted on June 9 around 4:30 pm, labor started 10pm (induced), delivered by June 10, 3:22 am. So walang 12 hours kami sa hrpu.

Sa delivery room, kasama si boyfie. Muntik pa niya di maabutan ang paglabas ni baby kasi super bilis ng pag deliver ko, 2 pushes lang.

After that, sa recovery room na kami ni baby, medyo tumagal kami dun, I don't know why. I didn't like that kasi nag wear off na yung epid and sobrang sore na ng perineum ko atat na atat nako uminom ng pain killer nun. siguro about 2.5 hours kami dun.

We got the regular private, we wanted the small private lang sana kaya lang walang available. Okay na okay yung room. May tv, ref, cabinet, maganda at malinis din yung cr. Meron din bed for the bantay which was used by my sister. Si boyfie sa tabi ko natutulog.

So June 9 afternoon sa HRPU, then June 10 morning sa reg room, nag out kami June 12 afternoon na. I really liked the nurses, staff, doctors, everyone. Most of them are accommodating naman and meron pa nga kami naging nurse sobrang bait talaga, and mararamdaman mo talaga yung concern niya. During our entire stay, madaming bumibisita sa room namin na nurses and doctors and etc.to check on me and the baby. Actually parang maya't maya. May mga lactation advisers din, yung pedia, doctors. Andame nila actually I lost track. I liked that. I felt safe.  Mabilis din yung response nila pag kailangan mo. As first time parents, wala talaga kaming alam. Pag nandun pa naman, mga nurses ang magpapalit ng diaper at magpapaligo kay baby and observe kami para matuto.

And the food.... yes the food. I have never been hospitalized before pero nabasa at naririnig ko na pangit daw ang food sa hospital. walang lasa daw. Kaya nagtaka ako bat ang sarap at maganda ang menu ng st. lukes. hehe. i really loved the food. Parang nasa hotel ka lang.

Isa lang ang pagsisisi ko. until now sising sisi pa din ako pag naiisip ko. I didn't get the baby kit. Akala ko naman kase automatic na yun, you have to ask for it pa pala (additional charge). Hayyy nung time na nalaman ko na may additional charge pala na turn off ako di nako kumuha. later on nung na discharge na kami, nagsisi ako bat ko ba inisip yung additional charge eh HMO naman magbabayad. hayy sayang talaga. wala man lang ako kahit anong remembrance para sa baby.

Isa lang ang naging problema ko. Nawala ng isa sa mga nurses yung documents ko ng philhealth. Kumpleto pa man din ako, na prepare ko na yun bago pa ma admit. Tapos mawawala din pala. buti na lang maganda ang HMO kahit walang philhealth hindi pa rin ako pinag cash out. kase dapat pala pag ganon ako magbabayad nung philhealth.

Hindi ko din alam magkano inabot ng bill. I didn't have the chance to check pa with my HMO. Pero yung sa hospital bills lang is around 55 or 60k. 1 day HRPU, 3.5 days sa regular private at yung ibang charges din of course. hindi ko alam magkano pf ng mga doctors kasi di nila nilagay. hopefully may tira pa ang limit ko sa hmo.

Ang haba, sorry. para complete review na  ;D

bluish_mommy

  • Guest
^sis, sinong OB mo sa SLMC Global?

Queen Chokolah

  • Guest
si dra. elizabeth joan esguerra ocampo sis

str4wb3rry

  • Guest
Hi Mommies! Newbie here, just got the good news this week  :)

As of now gusto ko kase si SLMC QC and si MIL pinipilit din talaga since dun daw nya pinanganak si hubby hehe.
I've been a lurker here since TTC kami ni hubby, kaya nakapag take nadin ako ng notes about OBs. Anyone here who's OB are the following: want to compare kase yung pagiging maalaga nila (hindi nagmamadali during checkups, when you ask them ques via text are they replying ba?, friendly envi) and their fees esp Check up Rates kase yung PF naman almost the same naman ata lahat sila :)

Dra Joanna Rey-Matias
Dra Nerissa De Jesus
Dra Elizabeth Ocampo

(all have clinics in QC and accredited by our HMO provider)

Thanks in advance :)

Queen Chokolah

  • Guest
^Hi sis! I think di ka magsisisi sa SLMC. :)

My OB is dra Elizabeth Ocampo. Maalaga naman sya, comfortable naman ako sa kanya. Yung check ups, ewan ko kung nagmamadali, mukhang hindi naman, pero saglit lang kasi talaga usually ang check ups ng mga buntis. Like in my case ha, kasi wala naman ako complications or problems usually usap2 lang, kung ano dapat gawin etc. at kung may mga questions ka, then papakinggan heartbeat ni baby. Madami nga lang sya pasyente, or ewan, kasi Saturday lagi ako pumupunta so baka madami talaga pag saturday. I think sa morning sa QC sya then afternoon sa global.

Ang nagustuhan ko talaga sa kanya, hindi sya yung OB na nag reresort agad sa CS - sa tingin ko ha. Pag kaya i normal ttry niya pa rin normal. Gaya nung sakin double cord coil si baby, eh ayoko talaga ma CS sana (maliban na lang kung kailangan talaga). I heard sa ibang OB kahit isang coil lang CS agad. sa kanya, as long as healthy pa rin naman si baby, like okay ang heartbeat and everything else, try pa din normal. and yun nga, nailabas ko si baby via NSD.

Minsan lang ako magtext sa kanya pero nagrereply naman.

str4wb3rry

  • Guest
Thanks sis Queen Chokolah!
Nakakatuwa naman yung experience mo sana maging NSD din ako :)

How much sis inabot mo on giving birth sa BGC or QC? if okay lang i-share ha. Kase nagdadalawang isip padin ako sa mga nababasa ko. Na confuse kase ako na iba SLMC din less than 90k lang for NSD pero yung iba umaabot pa ng 150k.


Queen Chokolah

  • Guest
^Ay sori sis hindi ko pa alam. Covered kasi ng HMO yun. Wala akong cash out. Hindi ko pa na check with my hmo kung magkano inabot. Pero yung sa hospital bills alone, for me and baby, umabot halos 55k. 3.5 days din kasi and reg private room. Hindi ko kasi alam yung mga pf ng doctors kasi di nila nilagay. So tatanungin ko pa talaga sa hmo.

Depende kasi sis yung mgiging bill mo kung wala bang complications, ilang araw ka sa hospital, pf ng OB mo, anes, pedia, iba2 kasi rates. Type of room (pag mas maganda room yata tumataas din pf ng doctors). I suggest yung mga basic needs like alcohol, cotton, diapers at maternity pads, magdala ka na. Kasi bawat bigay sayo ng hosp as-in hanggang sa ka liit liitang bagay, may charge. Yung mat pads nga, same brand ha, 70 something lang sa mercury sa kanila 150 something.

Sis aim for NSD. Lalo kung wala naman prob sa pregnancy mo. Pero be prepared na din for CS kasi madami na din na emergency cs

str4wb3rry

  • Guest
thanks for the advise sis!

Yun nga eh aim ko talaga NSD kaya naghahanap talaga ako ng OB na matyaga.
Kase yung iba konting hirap lang CS agad. Eh kahit masakit NSD mas type ko kase mas mura na mas mabilis pa healing :)

Kaya natuwa ako sa kwento mo na even double cord coil si baby mo NSD kapadin basta kaya at walang complication kay baby :)


Queen Chokolah

  • Guest
^yup :) pero sabi niya kung naging triple yun, cs na. May nabasa ako sa isang thread double din hindi na tinry mag normal ng ob. So I think preferred ng ob ko nsd talaga. At tama ka mabilis recovery ako after 5 days okay na ulit.

Sa pain, saglit ko lang nrmdaman, 3 hrs lang yata. Kasi nagpa epid na ko agad. Wala na ko naramdaman thereafter hehe

bagaholic_chewy

  • Guest
^ ideal talaga ang NSD. But dapat prepared din sa CS. Kasi di mo talaga masisiguro. Ako, wala akong pain naramdaman during labor, walang gamot yan ha, kaya nagulat na lang si Doc na 6cm na pala ako kasi parang wala lang. Hehe.. as in wala talaga ako na-feel. Umabot ako 8cm na minimal pain lang. Nanood pa ako basketball sa tv sa HRPU tsaka nakipagdaldalan pa sa family members na dumalaw (ako lang nasa hrpu that time so in-allow nila papasukin ibang family members kahit talagang 1-2 lang dapat ang pwedeng companion at a time). Pero yun nga, ayaw bumaba ni baby sa cervix ko. After 12hrs sa hrpu, ayun CS ang bagsak ko. Hehe..

in terms of recovery, I think nasa tao pa din. Kasi CS ako, pero medyo mabilis recovery ko. Nanganak ako Saturday morning, sa hapon naka-recline na ako sa bed and nagsi-shift na ako position. Sunday, nakatayo at lakad-lakad na ako. Monday, di-nischarge na kami ni OB kasi ok naman na ako. Me discomfort lang ng konti yung sugat nung tinanggalan ng dressing, pero manageable naman kasi me painkillers naman for 5 days.

str4wb3rry

  • Guest
I will call Dra Ocampo na. Pa appointment ako on Friday :)
Hopefully maging ok yung 1st meeting namin hihi.

Queen Chokolah

  • Guest
^Swerte mo sis :) o baka mataas talaga tolerance mo sa pain. Ako kasi nung stuck ako sa 3-4cm at moderate contractions pa lang gumugulong na ko sa sakit. Akala ko mataas tolerance ko hindi pala lol

Siguro nga depende sa tao yung recovery meron din naman lucky ones katulad mo sis na hindi masyadong pinahirapan ng cs

vain_kixie

  • Guest
Mga sis anong usual questions ba tinatong ng resident ob and nurses sa st lukes when i go into labor? Para i'll write down my info na at di na paulit ulit ang sagot ko. Ang sungit sungit ko narin kasi ngayon lalo na pag masakit na yung hip area ko, lalo na siguro pag ng lalabor.

nicoletta

  • Guest
^ Iniisip ko din tuloy if sa QC ba ako or sa Global.  Malapit sana kami sa QC pero my ob says better daw facility sa Global. Iniisip ko lang din na mas convenient lang for my family to visit me if sa QC ako.  After I do a visit, I hope makapag decide narin kami.  It won't be cheap for us kasi wala akong health card and konti lang naman matutulong ng philhealth.

bagaholic_chewy

  • Guest
^ gave birth sa QC and ok naman ang facilities nila, maayos and malinis naman. Siguro mas maganda/bago lang nga yung sa Global. Tsaka isa lang ang birthing room sa QC, paunahan if yun ang plan nyo kunin.

We chose QC dahil mas malapit sa amin (5-10mins pag walang traffic). Less hassle papunta once nag-labor na kasi less traffic, convenient din sa family & relatives namin na dumalaw at pag me kailangan kunin or balikan sa bahay, mas madali din.

Queen Chokolah

  • Guest
@Sis strawberry, i think walang sched si dra ocampo on fridays and sundays. Better check na lang with them muna.

^^Ive never been to slmc qc pero madami nagsasabi better nga daw facilities sa global. Mas bago kasi.

LGV

  • Guest
Mas malapit ako sa Asian pero marami nagsasabi malaki daw difference ng price. Kaso yung OB ko di naman nagduduty sa St. Lukes. But anyway delayed palang naman ako not yet sure haha excited lang :)


Sis Queen Chokolah tama ba pagkakabasa ko na nacover ng HMO ang panganganak mo? Anong HMO yan? And the last time na dapat magpapacheck up ako jan when I inquired ang sabi sakin they dont accept HMO daw pag related sa maternity. Hmmm please enlighten me :) Baka depende sa OB ano?

Queen Chokolah

  • Guest
^Yes sis tama. Covered lahat. Wala nga ako cash out maskin singko nung nanganak ako. Pero may share ako dun yung mga excess like sa room, hanggang 1400 per day lang ang covered yung room ko 3500. Pero yung share ko, salary deduction.

Philcare sis. And yes, normally sa mga hmo hindi talaga covered ang maternity unless nirequest ni company na ganun. Yung iba, nag cocover pero may ceiling like 40k lang, samin 200k - lahat ng non-dreaded ito for 1 yr. Sobrang blessing din, maganda kasi yung company na napasukan ko panalo talaga health benefits. Covered din pati check ups, labs, ultrasounds, prenatal vitamins, lahat. Pati si baby paglabas kasi naging dependent ko sya so pedia at vaccinations niya covered (sana lang may natira sa 200k ko)

And yes, dapat yung OB, accredited ng hmo mo. Pati ibang doctors like anes and pedia. Madami ka naman pagpipilian.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close