watch now

Author Topic: ABS-CBN: PBB ALL-IN  (Read 60107 times)

heykath

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #460 on: July 08, 2014, 11:19:16 pm »
Nakakairita si Cheridel magsalita, pag nagpapangaral kase parang ang negative talaga ng dating eh. Nakaka bad vibes lang. Although mali rin sa Fifth dahil kasalanan naman talaga nyan. Nakakainis lang din kase yung parang sisi ng sisi eh wala na nga magagawa.

Lynelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #461 on: July 08, 2014, 11:39:32 pm »
Malamang si Cheridel nga ang matanggal, ang lakas ng mga kasama niyang nominado eh, except na lang kung ayaw pa siya tanggalin ni Kuya para may kinaiinisin ang viewers :P Baka magdelikado niyan si Daniel.

Watching LS. Sayang itong si Loisa, maganda pa naman sana and talented kaya lang masyadong palengkera. Lakas ng boses walang kapino-pino. At hindi pa mahilig maligo hahah. Kailangan lagi pilitin maligo :))

True lahat ng sinulat mo about Loisa 😄

zelda

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #462 on: July 09, 2014, 06:30:14 am »
Buti na lang di lumabas last week si Daniel, kundi ang aabutan nyang game ay  ;D
Anyway, BB Daniel para sa pagkawasak ng Brazil today!!!

Ano ba yun parusa kay Joshua? Di ko nagets. hahaha #chosenone? At, pwede bang i-evict na rin si Big Brother, grabe lang ang ginawa kay Fourth! Samantalang sa chosen one, hilata lang? Kalurky!
« Last Edit: July 09, 2014, 06:53:41 am by zelda »

kawchpatatas

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #463 on: July 09, 2014, 07:01:23 am »
Hindi ko gusto na sinisisi in cheridel si fifth. Hindi raw nag isip Kung ano hahakuten para sa group nila.  iLang oras ba binigay Ni kuya sa kambal para pagisipan Kung ano ang dadalhen at Kung ano ang kailangan? it just so happen na NASA magandang pwesto napunta sila fourth and he doesn't have to pack anything, e.g. condiments, bigas, takip ng kaldero.
I feel sorry for fifth.  kawawa naman at sa kanya napunta ang burden and blame ng lahat ng Ito.  Buti na lang mababaet and understanding yung housemates, well except for cheridel. na puro sisi na lang..

Reynamargallo

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #464 on: July 09, 2014, 07:54:10 am »
ang laki ng difference ng ugali ni fourth and fifth. si fifth it seems na talagang he really wants to win. pero medyo may pagka whiner siya. self pity lagi.

Si cheridel naman annoying na. Maybe good intentions niya pero sana hinay hinay lang sa pagsasalita. 

Most likely si Cheridel ang maalis.

Mas malaki chance ni fourth ang makapasok sa big four.

Yes, mukhang favorite ni big brother si joshua. sa mga violations niya, diba dapat automatic nominated na siya agad? pero pinatulog lang.

SObra din ang ginawa ni Big brother kay fourth. Yung paglagay ng mga gamit sa kamay ng ilang oras. kaloka.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #465 on: July 09, 2014, 09:43:02 am »
Naiimbyerna na rin ako kay cheridel, oo granted na frustrating na kulang-kulang ang gamit sa pagluluto, kaya lang wala naman na kasing magagawa, tapos na eh. Okay lang yung isang beses siya magreklamo, kaso paulit-ulit siya kaya gets ko din yung inis ni fifth sa kanya. Ang nakakainis pa parang palagi siyang high and mighty kung makasermon.

Obvious na rin ang favoritism ni kuya kay joshua, oo dapat automatic nomination ang parusa sa violation niya kagaya nung mga nakaraang parusa sa violation, kaso ayun pinatulog lang,perwisyo pa sa ka-group niya ::)

chinita_san2007

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #466 on: July 09, 2014, 09:52:10 am »
bongga din ang tawa ko sa episode na to lalo kay fifth wahahah pag naaalala ko napapatawa pa din ako sa kanya :-)

tawang-tawa ako sa episode nitong saturday night. lalo kay Fifth! grabeh yung pagkamatatakutin nya parang wala ng bukas. lol

hann-hann

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #467 on: July 09, 2014, 10:24:29 am »
Wait mga sis ano yung violation ni Fourth? Tsaka kelan ito? Di ko napanood :-\

Nakakainis si Cheridel. Tama lang yung sinabi ni Fifth na kinokonsensya sya ni Cheridel, paano ba naman yung iba nga nilang kasama naka move on na na kulang kulang gamit nila tapos sya paulit ulit? Tsaka lagi syang pabibo. Parang ang lagi nyang point eh "ang gusto ko kasi matuto kayo" lagi pa pinapa obvious yung selflessness nya. Ipadala na yan sa faction ng abnegation! Selfless eh!

heykath

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #468 on: July 09, 2014, 11:06:14 am »
^ Sis sa sa LS pa lang yung violation ni fourth, nakasira siya ng bowl. Kaya need nya maghawak ng dalawang mabibigat na babasaging bowl maghapon, then kagabi yung pinagpataong patong na gamit for ilang minutes(?).

Haha true sis kala mo kilalang kilala na niya yung tao kung makapag analyze siya sa ugali, dependent daw si fifth kay fourth. Eh sa outside world nga di nagpapansinan ang dalawa. Meaning may kanya kanya silang life. Psychologist ba? :P

Natawa ako sayo sis, ipagpatayo na nga daw dapat ng rebulto eh. Bayani! Self righteous haha :D

sassy_taurus8

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #469 on: July 09, 2014, 02:39:46 pm »
Aww may parusa pala si Fourth? sana si Fifth na lang yung nakabasag ng bowl, LOLs. Sorry sa fans pero ayoko syang masama sa Big 4, si Fourth pwede pa.

Nakakairita nga yung pagsesermon ni Cheridel with her favorite line pa na "pinalaki kase kami ng nanay at tatay namin ng ganito ganyan, blah, blah, blah" pero kaasar din si Fifth sa pagka defensive nya, sana hindi na lang nya sinabing ayaw nyang magdamot sa kabilang team kaya okay na rin na hindi nya nakuha yung bigas and condiments. uh eh hello? palusot! also, walang sinabi si Cheridel na wala syang balak kumain that time, ang sabi nya okay lang sa kanya kumain ng matabang or walang lasa but not for everyone. ang sabi kase ni Fifth kay Mariz wala ng balak kumain si Cheridel, ito yung time na nag-iisip sila kung anong lulutuin.

Tuwing kelan ba nila dapat buhatin yang si joshua? may punishment kuno sa kakatulog eh ang sarap ng buhay nya binubuhat sya while yung other housemates ang nahihirapan.


amethyst028

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #470 on: July 09, 2014, 03:21:15 pm »
mga sis question ko bakit bahatinang mga housemates at bakit uneven 4-6. parang dapat 5-5 since 10 na lang sila. and why yung iba sa loob and yung iba sa labas nagluluto at natutulog. hindi ko na nasusundan ang PBB maaga na kasi ako natutulog.

ieiky

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #471 on: July 09, 2014, 03:54:11 pm »
Imbyernang imbyerna ako kay Cheridel. Ang ingay ingay at maka-kanta, wagas. Na-eepalan ako sakanya.
Kung ako den naman si Fifth, maiinis din ako sakanya. Alam na nga na kulang kulang, paulit ulit pa talaga? kakairita! >:(  sana siya na lag matanggal sa next eviction.

Gusto ko si Daniel at si Manolo. hahah! :)

em_cee

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #472 on: July 09, 2014, 04:33:06 pm »
^malakas ang feeling ko na maeevict agad si cheridel kung base lang sa vote ng taong bayan, as in 99% sure... kasi nga may mga followers na ang ibang kasama nya.  kung hindi sya ang ma-evict this week, meaning talagang manipulated ang voting results.... scripted to the max!

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #473 on: July 09, 2014, 05:24:57 pm »
at mas lalo pang bumaba ang housemate E to 0.96%. good luck nalang. for sure si cheridel ito. i hope they eliminate the 4% too since hindi naman sila nag-eviction for 1 week. besides, di rin umabot ng 10% yung voting percentage niya so it's only fair. :D

smiley327

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #474 on: July 09, 2014, 06:14:22 pm »
Evict Cheridel Pls!  ;D Nakakainis na talaga sya. Lakas makabad vibes.

heykath

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #475 on: July 09, 2014, 06:22:13 pm »
mga sis question ko bakit bahatinang mga housemates at bakit uneven 4-6. parang dapat 5-5 since 10 na lang sila. and why yung iba sa loob and yung iba sa labas nagluluto at natutulog. hindi ko na nasusundan ang PBB maaga na kasi ako natutulog.

Sis this is because of their weekly task - Twin or Lose. The twins are the task leaders. Pinapili ang housemates kung kanino nila gusto sumama. Team Fourth - Vim, Daniel and Loisa. Team Fifth - Joshua, Jane, Maris, Cheridel and Manolo.

Ang task nila ay gumawa ng bahay na dapat identical, meaning kapag pinagdikit magmumuka siyang isang buong bahay. Test of communication ito sa twins, dahil sila lang dalawa ang pwede mag-usap.

Hinati rin yung bahay sa dalawa, pinapili sila kung saan part nila gusto. Si fifth ang una namili, pinili nya yung sa may living room, sila fourth sa may kitchen. Binigyan sila ng time para hatiin ang mga gamit pero nawala sa isip ni fifth na kumuha ng ibang utensils and condiments. Kaya ayun nagkaissue sila ng bungangerang si cheridel :P

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #476 on: July 09, 2014, 07:47:15 pm »
Si Cheridel pinaka matanda, siya pinaka reklamadora! Di maiisip ni Fifth ang magdala ng toyo, suka, kaldero etc.. Lalake yan! Ano alam niya sa mga condiments. Pag andoon ka na, di mo na agad maiisip lahat na dapat dalhin. Nag nananay nanayan siya. Tama nga si Fifth, sinasampal pa niya sa kanya pagkakamali niya. Guilty na nga si fifth eh. Iritang irita ako kay cheridel! " wala tayong toyo, patis, walang lasa kakainin natin" umalis ka na cheridel!! Para makapag luto ka na ng may lasa SA LABAS NG BAHAY NI KUYA! Kung tayo nga naiinis sa kung paano mangaral ni Mother Elevator Superior Cheridel, si Fifth pa kaya na siya ang pinagsasabihan. Nakakapikon naman talaga si Elevator Superioria. Nakakadiri mga pan didila dila niya. Tand na niya pa cute pa rin siya at labas ng labas ng dila. " thhenkyoww" 
« Last Edit: July 09, 2014, 08:00:24 pm by hazelbrown_eyes27 »

msharapova11

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #477 on: July 09, 2014, 08:03:35 pm »
Kanina lang ulit ako nakapanood ng replay, hmm...ako naawa kay fifth kasi nga nacocompare sya kay Fourth na mukhang mas maayos ang katatayuan. Cheridel, I second the motion, nagpapa self-righteous, maayos lahat sa buhay mo teh? bawal magkamali?

martiella

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #478 on: July 09, 2014, 08:12:51 pm »
nakakainis nga si cheridel puro reklamo di makamove on

Reynamargallo

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB ALL-IN
« Reply #479 on: July 09, 2014, 09:22:29 pm »
Big fan base - lalo na sa kabataan- si Jane and Joshua so baka makasama sila sa big 4. Haaaay! Sana worth it nga sila if ever na masama sila sa big 4. Ligawan kasi ng ligawan kasi e. 

Kung sa effort sa bahay ni Kuya, mas worthy na nasa big 4 si Daniel at Manolo. But di ganoon kadami ang fans nila. Baka matalo sila sa voting.

Para sa akin, based sa contribution sa bahay ni kuya (and di sa voting), ang karapat dapat na nasa big 4 are 1. Fourth 2. Manolo 3. Daniel 4. Maris - pero sana mas magparamdam pa siya. Step up pa.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close