watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II  (Read 59492 times)

gab54

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #540 on: May 28, 2014, 10:08:31 am »
Sobrang pangit talaga ng episode kagabi. Masyadong minadali! Ang airport mukhang clubhouse! Ang US mukhang bahay sa Sta Rosa Laguna! Ang office ni Monica mukhang small time low budget company! Ang fireworks nung New Year mukhang cartoons lang! Premature daw ang baby ni Nicole pero ang laki naman! Pati 2 years later story napakagulo! Akala mo kausap ni Monica si Adrian pero si Max pala! Pati anak ni Nicole mukhang nakatunganga lang ang acting.
Nakakabwisit! Ang ganda na ng story pero bakit kung kelan last 3 weeks biglang pumangit? Tanggap ko na if ayaw na ni Monica kay Adrian fine. Pero mag mukhang winner ang kabitch! Yun ang pinaka nakakainis for me! ABS CBN umayos ka!!!  >:(
« Last Edit: May 28, 2014, 10:11:07 am by gab54 »

danda

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #541 on: May 28, 2014, 10:16:39 am »
Sobrang mabilis nga ang mga nangyari kagabi. Ayoko rin magkatuluyan si Nicole at Adrian!

Tingin ko, magkakabalikan sila. Tapos si Nicole ang magpapakalayo.

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #542 on: May 28, 2014, 10:18:01 am »
so alam ni adrian na may anak ulit sila ni monica? hmmm... i really don't want them to get back together. sorry. pero kung yun ang feel ng management eh di wala tayong magagawa.

but i like how max has slowly integrated himself into monica's life. ngayon pati si bunjoy mukhang attached na rin sa kanya. ohhh, and thank goodness they finally aged the kid! sort of irritated na ako dun sa bata nung emo-emo siya sa issues ng parents niya.

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #543 on: May 28, 2014, 10:21:39 am »
^oo alam nya.. sinabi ni Javier eh.

^^gab54... ok naman ah? yung batang pinakita na anak ni Nicole sa hospital yung nasa incubator ah hindi yung naunang bata... then syempre understood na, na lumaki na yung bata in time.

for me, ok lang ang pinakita kagabi, pinakita lahat ng nangyari sa kanila as time goes by.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #544 on: May 28, 2014, 10:27:32 am »

btw, bakit hindi masyadong cute yung anak ni Nicole?  ???

pinaglihi sa sama ng loob..
lol..

kaya nakasimangot din.. :D

^ agree sis.
kasi kung bibigyan pa nila ng airtime yun 2 years..
mabibitin pa rin tayo..
mas maraming magandang nakaabang na eksena...
kaya siguro di na pinahaba pa yun 2 years.. :D

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #545 on: May 28, 2014, 10:32:15 am »
whew, ang bilis na mga pangyayari kagabi. at babalik na sina monica.

sana naman purely anak lang ang ipinupunta ni adrian kay nicole, tapos back-off nicole pa rin ang drama nya. eh pano yan, pag pati sa mga events eh sila ang magkasama. tapos babalik na si monica, makikita sila, eh wala na talagang pag-asa si adrian nyan.

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #546 on: May 28, 2014, 10:34:14 am »
tsaka syempre ilalaan na lang ang natitirang 3wks sa pagwawagi ng "Legal Wife" ang inaabangan ko yung mga linyang pang boom panes! haha

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #547 on: May 28, 2014, 10:35:39 am »
^^tomoh...
tapus makikita ni Adrian at Nicole si Max and Monica..
sampal kay Nicole yun.
2 lalaking minahal nya si Monica ang gusto..
lol...

at pati ang tatay nya.. si Ikay ang gusto..
tsk..
ibuhos mo na lang sa anak mo ang pagmamahal mo Nicole..

lalo sigurong magngitngit si Adrian sa selos..

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #548 on: May 28, 2014, 10:40:07 am »
parang naisip ko tuloy na baka di na balikan ni Monica si Adrian. kasi sa totoong buhay, ano ba ang katayuan ng karamihan ng "legal wife", di ba hiwalay sa asawa? for example, andyan yung pag may event sa isang pamilya, tapos andun ang legal wife at kabit... pag-uusapan ng mga relatives yung dumating na babae "ay! yan yung legal nyang asawa.. blah blah blah" kasi kung nagsasama ulit ang mag-asawa, dapat ang address ng tao ay "ay, yan yung asawa niya".

hmmm pero sige tingnan din natin ang twist ng storyang ito.

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #549 on: May 28, 2014, 11:45:58 am »
Ang karma hindi talaga agad agad dumarating. Mas gusto ko pa magkatuluyan si Nicole and Adrian. :D  Sobrang deserve nila isat isa, parehas silang talunan at mga salot sa lipunan lol

Kahit magkatuluyan sila, IMO hindi magiging winner ang kabit kahit kelan.. The fact na nakasakit ka at nanira ng pamilya, dala dala mo yan sa kunsensya mo habang buhay.. at in real life, may karma talaga mga kabit e. :)

happyfemme

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #550 on: May 28, 2014, 12:18:33 pm »
Gusto kong pagbayaran ni Adrian lahat ng luhang pumatak kay Monica.

Magandang scenario yung tipong si Adrian is just standing from afar, pinagmamasdann lang niya sa malayo si Monica at anak niya na masaya sa ibang lalake. Tipong stalker lang ang peg, wondering how Monica is doing tapos sobrang sisi talaga siya.

Gusto kong madama din ni Nicole yung pain na na experience ni Monica dahil sa ginawa niya. Yung tipong halos mabaliw na rin.

Ako rin gusto kong magsama nalang si Adrian at Nicole, tapos walang ginawa si Nicole kundi ang mapraning lagi sa tuwing umaalis si Adrian. Tapos si Adrian masasakal sa ka-praningan ni Nicole dahil natatakot siyang bumalik si Adrian kay Monica.

I want Monica to be super happy, the feeling na maging free kay Adrian at Nicole.

At siyempre para matakot din ang mga lalakeng may asawa na pwedeng mawala ang mga mahal nila sa buhay kapag nambabae sila. Hindi lahat pwede madaan sa sorry-sorry lang. Huwag na silang mag tangkang mambabae dahil sakit sa ulo ang mapapala lang nila. Ang pagmamahal ng isang "legal wife" ay may hangganan din.

Same lesson applies sa mag bf/gf din.
« Last Edit: May 28, 2014, 12:23:46 pm by happyfemme »

insekyora

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #551 on: May 28, 2014, 12:32:41 pm »
naloka rin ako sa episode kagabi. fast forward sobra. pero daming unrealistic events. As in asensado agad si Monica sa US after 2 kids? ano ba visa niya? bakit ganon ang mayayaman, pinapalabas sa Pinoy movies/teleserye na takbuhan ang America, bakit pag mayaman ba greencard holder ba agad agad?  di ba pwedeng tourist visa lang muna tapos maximum lang eh 6 months, tapos extend na lang ng extend pero di pwedeng magtrabaho? that is best case scenario sa embassy, pano kung na-deny pa? pano? ginagawa ba nila mga engot mga pinoy? ok let's say ok may papel si Monica to work sa US (for whatever magical reason), kelangan ba tanggap at asenso agad as in naunahan pa sa corporate ladder ang mga Americano especially sa advertising agency eh ang mga kano forte nila yang field na yan, lalo na sa pag-sa-salita at pambobola and they know how to talk tapos isang Pinay na laking Pinas na wala naming American accent ang mauunahan sila?  Di ba pwedeng sa Walmart muna o Dunkin Donuts nag-trabaho si Monica dahil bagito pa lang? At pano rin nakasunod agad agad si Max eh single yun, ma-de-deny sa application ng tourist visa yun tapos may green card din? gulo!

yung anak ni Nicole in-assume ko na may autism kasi premie pero normal lang pala sa observation niyo.

Ayoko rin yung Bunjoy na maliit hindi siya adorable at cute for me pangung-pango nga to be a kid of Echo and Angel na ang tataas ng ilong.

si Nicole ba nagbabayad sa stay niya kay Rowena of freeloader lang?

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #552 on: May 28, 2014, 12:43:56 pm »
Hindi naman ata nagkabalikan si Nicole at Adrian.. more like single parents maintaining good relationship for their child. Parang friends lang sila pero ito lang si Nicole yung umaasa pa rin for something more. Kita ko kasi yung awkwardness kay Adrian nung parang hinawakan sya ni Nicole.. basta yun. Hehe. Sana yun na nga lang yun. Tapos pag dumating si Monica, maghahabol syempre si Adrian. Tas madedevastate si Nicole kasi umaasa syang mabubuo yung pamilya niya at nagffeeling na sya na ngayon ang legal wife. Lol.

Patricia_1

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #553 on: May 28, 2014, 01:02:48 pm »
^Agree dun sa asensado scene ni Monica. Yes magaling siya, pero sa states, hindi naman ang galing ang unang  tinitignan kasi most of the time dapat sa US ka mismo nakapagtapos ng pagaaral para makapasok ka sa isang malaking company.  Sana pinakita muna nilang nagaral si Monica then habang nagaral inaalagan niya yung mga anak niya. para mas naestablish lahat ng paghihirap niya ng pumunta siya ng ibang bansa at mas maappriciate naman ang pagbabalik niya

at ambilis manganak ni nicole at monica! kung kay maya inabot ng ilang buwan, sakanila isang epi lang! tindi mo adrian!

**spoiler ...... May nakita ako sa instagram na nakawedding gown si Nicole!!
« Last Edit: May 28, 2014, 01:04:35 pm by Patricia_1 »

gracita13

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #554 on: May 28, 2014, 01:09:06 pm »
Ok na sana ang fast forward kung nagmamadali ng sobra si direk pero naman gaya ng sabe ni sis insekyora unrealistic na. May friend ako sa New york 6months na sya dun pero wala pang work antagal din nyang hinintay (years)  bago lumabas ang visa nya makapunta lang dun  to think na andun na halos buong fam nya. Tawa nga kame ng tawa dahil nagpost pa sya sa fb ng " Ano kayang agency nag apply si Monica? May visa at work agad? " Tas dun din sa canada may papel na agad eh may balita ngayon na nagkakaprob sila sa foreign workers officemate ko may visa na ha pero hindi pa mapadalhan ng ticket. Kung tourist lang sila eh sa pagkakaalam ko kailangan ng letter of invitation dun diba? Kalowka!

mrscardenas2011

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #555 on: May 28, 2014, 01:24:13 pm »
Sinayang nila yung ganda ng teleseryeng to...

flop ang last few weeks!

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #556 on: May 28, 2014, 01:24:49 pm »
haha talagang issue yang visa ah... di na kailangan ipakita pa yan sa eksena noh.. syempre kung umasenso ng ganun si Monica, you would assume nag-aral sya at nagtyaga talaga. at isa pa, mayaman sila, hindi naman siguro 1st time lang ni Monica pumunta ng US di ba, at dahil advertising na rin naman ang nature ng business nila dito sa pilipinas, syempre may mga contacts yan sa US... himay-himayin pa ba kung pano sya umasenso? pinakikita lang din na good karma is really happening to her.

pag pinapahaba ang istorya maraming comments, pag pina-ikli gusto idetalyado.. ano ba
« Last Edit: May 28, 2014, 04:34:04 pm by bluish_mommy »

gab54

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #557 on: May 28, 2014, 01:27:58 pm »
**spoiler ...... May nakita ako sa instagram na nakawedding gown si Nicole!!

NOOOOHHHHH!!!!!  >:( >:( >:(

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #558 on: May 28, 2014, 01:29:11 pm »
pinaglihi sa sama ng loob..
lol..

kaya nakasimangot din.. :D

wahahaha! panget ba yung anak ni adrian and nicole?

if magkatuluyan si adrian and nicole, she will never be at peace kase he cheated on monica with her kaya he can cheat again di ba? sana maisip ng l3ch3ng nicole iyon. grrrrr!

**spoiler ...... May nakita ako sa instagram na nakawedding gown si Nicole!!

baka panaginip lang ni nicole ito... syempre pangarap niya iyan di ba?
btw, nagrant ba yung annulment nina adrian and monica? parang nag-abroad lang si monica and hindi na nabalitaan yun ata eh.

Ayoko rin yung Bunjoy na maliit hindi siya adorable at cute for me pangung-pango nga to be a kid of Echo and Angel na ang tataas ng ilong.


naumay ako kay little bunjoy

« Last Edit: May 28, 2014, 01:33:45 pm by ysa.belle »

gracita13

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #559 on: May 28, 2014, 01:44:22 pm »
^ Agree ke bunjoy, ako ang nahihirapan magsalita para sakanya pero infairness napaiyak nya ako dun sa scene na nasa park sila ni Adrian at kinamusta nya si Monica, yung sabe ni bunjoy na " ayun iyak ng iyak " tulo luha ko nakarelate ako ganyan din mama ko dati  :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close