watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II  (Read 59568 times)

Tumblrista

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #520 on: May 27, 2014, 11:04:31 am »
My thoughts on last night's episode: I think hindi matutuloy sina Monica and her son papuntang US because of the pregnancy. And she'll tell Adrian about their baby. Tapos 'pag nagkomprontahan sila ulit ni Nicole:

Nicole: Akala ko ba nagpakalayo-layo ka na?
Monica: Buntis din ako. At ang dinadala ko, legal na anak ni Adrian. Eh yung sayo? Bastardo!

And, cut!  ;D

maganda din yung mga sinabi ni rowena kay nicole kagabi. kung sabagay, dati naman nang brutally frank si rowena kay nicole, kaya lang hindi talaga nakikinig si nicole.

Matet's line are malufet. Boom panes, 'ika nga. Haha. Especially this one:

"Sige! E 'di umalis ka! Pero tatandaan mo 'to -- hindi kita pinapalayas, ha. Wala kang pinakinggan kaya wala ka ring sisisihin. Ano? Sige na, umalis ka na! Humabol ka na kay Adrian, magpakabasahan ka!"

chinkywinky

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #521 on: May 27, 2014, 12:57:09 pm »
Ako naman I think matutuloy sila Monica sa US pero di nya papaalam kay Adrian na buntis sya. Tapos si Nicole mamamatay sa panganganak. Tapos syempre maiiwan kay Adrian yung bata. Magkakabalikan si Adrian at Nicole. Happy ever after ulit ang drama hehe. Pero sana wag ito ang mangyari kasi predictable saka laging ganito na lang ang plot.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #522 on: May 27, 2014, 01:08:18 pm »
ako rin gusto ko matuloy sila sa US..
grabe naman kung hindi na naman.. lagi nalang di natutuloy.. :D

pano nga kaya ending nito.
pero tama yun isang sis natin eh.
knowing ABS.. they value family...
so malamang maging okay sila Monica at Adrian in the end..
pwede bang ibahin this time..

pero, sa totoo lang..
hanga ako sa mga babaeng tulad ni Monica..
i have a friend.. na tulad nya (though hindi nya bestfriend si girl)..

talaga naman umiyak sya ng pagkarami rami..
kaibigan ko rin yun asawa nya..

pero hanggang ngayon magkasama sila ng asawa nyang babaero..
kasi she values her family also.

ako.. civil na lang pag magkakasama kami...
saka respect na lang sa kaibigan ko..

haist...
sana lang talaga maganda ang ending..

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #523 on: May 27, 2014, 01:44:36 pm »
OMG, buntis si Monica!!

feeling ko magkakabalikan sila ni adrian kasi ang tagline ng teaser eh "aangkinin na niya ang para sa kanya".



bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #524 on: May 27, 2014, 02:04:16 pm »
oh di ba... ang tulis hehe... 2 agad ang nabuntis hehe

happyfemme

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #525 on: May 27, 2014, 02:25:45 pm »
oh di ba... ang tulis hehe... 2 agad ang nabuntis hehe

Actually na "off" ako sa set-up na ito. Na nabuntis ni Adrian parehong babae sa buhay niya. Tama ka sis parang tulisan tuloy si Adrian hehe.

Ayoko na ginagamit ang "pagbubuntis", or "baby" para maging excuse sa mga decisions nila.
« Last Edit: May 27, 2014, 04:41:05 pm by happyfemme »

ghichy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #526 on: May 27, 2014, 02:49:43 pm »
Pa-join mga sis. I think matutuloy sila and then like years later na yun eksena kasi may moment sk jc sinabi nya kailangan nyo yun kaibigan ko then i think thats the time na babalik na sila sa pinas with the new kid and dahil maselan magbuntis si nicole nakunan na sya. Naiwasan na din ni adrian si nicole and i guess magkakabalikan sina monica and adrian.

gab54

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #527 on: May 27, 2014, 03:53:38 pm »
^type ko yan na makunan si Nicole... bad ako  :-[

marssie

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #528 on: May 27, 2014, 07:41:01 pm »
Kung ako si Monica, iwi-wish ko rin sa galit ko na makunan si nicole, pero bilang manonood, ayaw kong makunan si nicole, kasi kawawa naman ang bata, sana ng ending nalang is tuluyang masaktan si nicole dahil di na siya babalikan ni adrian (magkabalikan man o hindi sila ni monica) tapos magfocus nalang siya sa anak niya tutal yun naman ang hanap niya yung magmamahal sa kanya.

Naalala ko tuloy minsan habang nanonood ako, nung nalaman ni monica buntis si nicole eto conversation namin ni hubby:

Me: naku kung ako kay monica uupakan ko ng bongang bonga at ingungudngod ang mukha ni nicole pero di ko ibibigay sa kanya ang asawa ko. Manigas siya, pasanin niya mag isa ang anak niya. Lalo ko ilalayo si adrian para maloka siya!

Hubby: So mapapatawad mo pala ako pag nambabae ako at nakabuntis

Me: Naku hindi,papalayasin kita ng damit lang ang dala,freeze lahat ng account mo,dedemanda pa kita. Kukunin ko lahat ng para sa mga anak ko at magdusa ka sa kulungan kasama ng kabit mo!

Hubby: Nye! bakit iba ang version ng kwento mo kanina at sa akin

Me: Mas sigurista kasi ako kesa kay Monica :P

gab54

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #529 on: May 28, 2014, 01:07:33 am »
Syet, hate ko ang latest episode na 2 years later. Ayokong magkatuluyan si Nicole at Adrian!!!!  >:(

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #530 on: May 28, 2014, 03:13:36 am »
Super happy ako sa episode na ito for Monica and Max ang cute nila eh. Wa pakels ako dun sa 2 na taksil yamot na yamot ako sa ngiti ni nicole sa ending na parang feel niya winner siya. Basta ayoko na magkabalikan si Monica at Adrian.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #531 on: May 28, 2014, 06:21:23 am »
Nainis ako dun sa episode kagabi anyare?

Parang super nag fast forward naman sila. Sa sobrang fast eh nagkagulo gulo na parang minadali masyado.

Yung biglang nanganganak si nicole ng premature tapos biglang hawak na ni mark gil yung bata sa bahay nila.

Tapos ako lang ba nalito dun sa scene na kausap na ni monica si adrian tapos tanong pa ni adrian " isasama mo ba mga anak ko?" Tapos sabi ni monica ihahatid pa niya sa school at daycare.

Pero ang mga sumunod na eksena eh nagkita si adrian at nicole dun sa awards ceremony, kesyo na promote si monica sa work...

Di ko na gets mga sis paki explain naman please bakit nagkaganun?

Parang walang connect kasi.


london

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #532 on: May 28, 2014, 07:10:04 am »
si monica, si max kausap niya sis
si adrian, si nicole

may scene agad dun na si monica and bunjoy magkasama tapos nag ring phone ni monica. sabi ni monica kay max...o kakatawag mo lang kanina a...

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #533 on: May 28, 2014, 08:20:27 am »
^ AHHH sis, thank you ha, ang pagkakaintindi ko kasi dun sa sinabi ni Adrian eh "mga anak", eh isa lang naman anak nila ni nicole hehe.

kaya nagulo ako. Thanks for the clarification.


hindi ko talaga gusto ang pagkaka narrate kagabi ng episode, masyadong minadali.

sana bumawi sila sa mga susunod ng episodes.

Pero ha, ang cute nga ni Monica at Max.. bagay sila.

parang ma huhurt naman ako for Max kung magiging panakip butas lang siya.. hay

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #534 on: May 28, 2014, 08:47:44 am »
nakakatuwa love ni bunjoy si Tito Max...
ako okay na sakin na maging friend sila..
kaso ba umaasa rin si Max.. masasaktan din sya in the end...

naiinis din ako na feeling ni Nicole sya ang nanalo..
we'll see pag nagkita kita sila..
haist...

(feeling ko nawala na rin ang love ni Adrian kay Monica.. :( )
sad kasi di na sya masasaktan...

kumikosan_9

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #535 on: May 28, 2014, 09:16:47 am »
i liked the episode last night, tama talaga na lumayo si Monica, now she's stronger and wiser at straight na ang hair nya  ;D

ayan si nicole feeling nya nanalo na sya, ang sakit siguro pagbalik ni monica at hahabulin pa rin ni adrian si monica at ang mga anak nila. ang sad lang ay si max. sobrang ang ganda kung sila na lang ni monica. pero baka kasi itataguyod ang pagiging pamilya ang peg ng ABS.

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #536 on: May 28, 2014, 09:23:16 am »
kainis nga si Nicole, sobrang feelingera  >:( magugulat na lang sila pagbalik ni Monica, at mamayang gabi na yun! wahaha  ;D

sana magkabalikan pa din si Monica at Adrian.. I'm sure pag nakita nya ulit si Monica, super mare-reaize nya na sya lang talaga ang love of his life..

btw, bakit hindi masyadong cute yung anak ni Nicole?  ???

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #537 on: May 28, 2014, 09:31:36 am »
hindi ko man napanood yung episode last night. sana po may magshare ng story.

tia!

Tumblrista

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #538 on: May 28, 2014, 09:58:01 am »
I didn't really like the fast-forward-to-two-years episode last night.

Will just look forward on how Monica will redeem herself as she goes back to the country.

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #539 on: May 28, 2014, 10:01:56 am »
^^so yun nga tumuloy sa US si preggy Monica, then si Nicole nanganak ng pre-term, buhay ang baby. si Max sumunod sa US.

then may eksena na nakikiusap si Adrian kay Javier na ipakausap sa kanya yung mag-ina nya, sabi ni Javier "..pagkatapos mo buntisin ang anak ko... blah blah" so nalaman ni Adrian na buntis si Monica sa kanya. parang sa pagkakaintindi ko sinundan ni Adrian sa US si Monica, pero bigo syang makita sila.

then may eksenang new year, dumating si Adrian sa bahay ng mother nya, tinanong sya neto kung nakita nya yung mag-ina nya.. pero syempre bigo sya... sabi ng nanay nya, hayaan na lang daw ang tadhana na ang magbalik sa kanila sa kanya.

si Monica, na-promote.. si Adrian umasenso sa business nya.. tapos tong Nicole feelingera.. di ko na naintindihan yung sinabi nung mga babaeng nagtsi-tsismisan sa party eh.. tapos narinig ni Nicole tapos ngumiti lang ng ngiting aso na akala mo sya ang wagi sa nangyari.

susunod na aabangan.... uuwi si Monica ng Pinas hehe...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close