Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over sa inis doon sa auction scene, na hello?? nakakalimutan ata ng writers na mag asawa na si adrian at monica at hindi lang mag BF GF duh!!!
pero love ko din ang eloisa-javier moment, gusto ko yun, mahal na nila ang isat isa at willing silang mag simula ulit.
highblood ako kay Nicole, siya ang kabit na talagang ang sarap ilampaso ang mukha sa sahig!!!!
GRRRRR!!!
kung pwede ko lang dukutin si nicole doon sa tv monitor, ginawa ko na hahaha.
isigaw ba naman na:
" OO MONICA MAY NANGYARI SA AMIN NG ASAWA MO, AT NAULIT NG NAULIT, KAYA HINDI NA LANG YUN SEX!!! IT WAS MAKING LOVE!!!!!".
Naku mga sis, ang bait ni monica, sinampal lang niya si nicole, kung ako yun, at ganun katapang ang kabit, napatay ko na yun right there and then LOL.
ang sakkkiiiitt..... bakit ganun, ang sakit ramdam ko sakit nung words na yun kay monica...
at isa pang highbloodness si adrian!!
feel na feel ni adrian na pinag aagawan siya!!
kaya yan ang reason kung bakit ayaw ko ng magkabalikan pa si adrian at monica eh.
kasi kay adrian mismo makikita mo na gusto niya yung nangyayari, na gusto pa din niya si nicole, merong pagtanggi sa una, pero alam mong isang himas lang ni nicole, bibigay na!
ano pang silbi kung ipaglalaban nga siya ni Monica, pero si adrian mismo eh hindi willing ipaglaban ang marriage nila against that haliparot.
tama si nicole doon eh, it wasn't just sex, it was making love, dapat magising na si monica sa katotohanan na hindi lang basta libog ang nagtulak sa asawa niya, mahal na ni adrian si nicole, kaya dapat i let go na ni monica si adrian...
i let go niya si adrian haliparot, at welcome MAX....
sana ang ending eh, si Monica at Max na lang, tapos magkatuluyan din ang mga haliparot na si adrian at nicole, pero ang mangyayari, magulo din ang pagsasama nila, tapos mambababae na naman si adrian.
Kapag ganyan kasi, malalaman ni nicole ang pakiramdam ng inaagawan ng asawa.
kung gaano kasakit ito.
Tapos si max at Monica, happy na, with bujoy, and magiging anak nila.
ay gusto ko yan, sana yan mangyari
