watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II  (Read 59732 times)

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #160 on: April 29, 2014, 09:30:51 pm »
Nakakaiyak naman ng eksena ni Javier at Monica  :'(
Si Eloisa wala nakikinig lang, ang sweet nung naglalakad sila ng magkaakbay palayo habang umiiyak si Monica.

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #161 on: April 29, 2014, 10:21:26 pm »
that father and daughter scene nailed tonight's episode #TLWTheCrashandBurn....

hindi ko nanaman gusto yung teaser for tomorrow...i've never seen a more stupid man who would risk again his wife's forgiveness than Adrian... >:(


jhandee

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #162 on: April 29, 2014, 10:40:46 pm »
sis yung officemate ko ganyan na ganyan pinatawad ng misis pero nung sunday bininyagan na yung anak sa kanyang eskabitche

assie

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #163 on: April 29, 2014, 11:25:12 pm »
Hay ibang lalaki talaga. Pinatawad na nga uulit na naman.

 >:(

khat

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #164 on: April 30, 2014, 12:19:49 am »
- Monica: Masarap ba? Masarap ba yung asawa ko? Pano mo siya nilandi ha? Ano una mong tinanggal? Yang bra mo? Yung panty mo? O yang konsensya mo?


Napaka fierce ng mga linya na ito. Yung scene nila kahapon ni Maja grabe lang, kusa tutulo yung luha mo. Ako pa man din yung tao na hindi nadadala sa mga scene at nakiki iyak din, pero yung confrontation nila kahapon, kusa na lang tumulo at naiyak din ako. Lol

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #165 on: April 30, 2014, 12:26:30 am »
Buntis ba si Nicole? Oral contraceptives yung nilaklak niya di ba? Kaya siguro magkikita uli si Adrian at Nicole para sabihin na buntis siya?

Wala lang. Nagpaka-writer lang ako. Oh no, bagong sakit na naman kung ito mangyayari.

chinkywinky

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #166 on: April 30, 2014, 12:58:29 am »
Hindi pa tapos ang landian nung dalawa for sure, kasi wala pa yung line na "walang iyo Nicole. Akin si Adrian, akin lang ang asawa ko!"  ;D

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #167 on: April 30, 2014, 06:06:36 am »
Mukha ngang manggigil na naman tayo...
Kapal talaga ng Adrian na yan!!!

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #168 on: April 30, 2014, 08:21:43 am »
Nakakaasar talaga itong sina Adrian at Nicole. Mukhang may part 2 pa ang landian nila.  >:(

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #169 on: April 30, 2014, 09:25:45 am »
sobrang sakit naman na yun kung mabubuntis ni adrian si nicole... omaygash, baka hindi ko kayanin... LOL.

ang kapal talaga ng mukha ni adrian, at nicole, magkikita na naman ulit ang mga talipandas, makakati pa sa gabi grrrr!


siguro hindi na magkakabalikan pa sina adrian at monica, kasi paulit ulit ang pang loloko niya kay monica, baka nga si max na makatuluyan niya, hehe.

I like it.


chinkywinky

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #170 on: April 30, 2014, 09:42:26 am »
One of the most endearing scenes yung kay Monica at Javier. Dun lang ako naiyak from the start na panoorin ko ito.

rheinfall18

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #171 on: April 30, 2014, 09:53:37 am »
ako din medyo nakulangan sa confrontation scene ni monica at nicole. i was expecting more sampal and sabunot...pero naawa ako na umuwi ng walang sapatos si monica...tapos hindi man lang inabot ni dante ang sapatos paglabas niya kay monica sa harap ng bahay nila...

desperate move si monica na saktan si nicole kakaawat ni dante at maid di nya maabot si nicole binato na lang nya yung mga sapatos nya hehe

pero pak na pak pa rin yung pagbato ng bayong kay adrian, gabing gabi si mader nakuha pang mamalengke hehe ;)

kumikosan_9

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #172 on: April 30, 2014, 09:56:32 am »
ganda talaga ng teleserye na ito.

ako naman, hindi ako nakulangan sa confrontation scene ni nicole and monica. maganda nga kasi hindi OA yung lines unlike sa No Other Woman noon na puro quotable quotes yun mga sinasabi. sa TLW mas realistic, and parang feel na feel mo talaga yung pain ni monica na gigil na gigil kay nicole.

i also liked the father daughter scene. si eloisa nakatingin lang kasi syempre nakipag live in na din sya noon kay Dante kahit kasal na sila ni Javier. kaya di sya masyado makarelate sa kalagayan ni monica na pinagtaksilan. nakaka touch yung sinabi ni Javier na "lumaban ka hanggang mahal mo siya." awwwww  :'(  sniff sniff

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #173 on: April 30, 2014, 10:39:49 am »
^doon ko nakita na mahal talaga ni javier si monica. nagpaka-ama siya nung sinabi niya iyon kay monica.

mrscardenas2011

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #174 on: April 30, 2014, 10:59:41 am »
Ang bilis magpatawad ni Monica!!!!  ::)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #175 on: April 30, 2014, 11:21:06 am »
mga payo ni javier kay monica
javier: masakit kapag pinagtaksilan ka, oo. pero kung mahal mo yung taong nanakit sa 'yo, lumaban ka... anak. lumaban ka. ipagtagumpay mo ang nararamdaman mo. ipaglaban mo ang pagmamahal mo. ipaglaban mo... hangga't mahal mo sya.

then maya-maya pa
javier: monica... monica, alam kong mahirap yung pinagdadaanan mo ngayon dahil pinagdaanan ko rin yung ganyan... at hanggang ngayon pinagdadaanan pa rin. iba lang ang sitwasyon mo sa sitwasyon ko noon dahil may kasalanan ako sa nangyari ... pero alam mo ba kung anong alam ko ngayon pagkatapos ng lahat... monica, mahirap makalimot. halos imposible. dahil hindi mo na mababalik ang nakaraan na. kaya monica... monica... gawin mo'ng lahat ng magagawa mo para sa pamilya mo... para sa mga mahal mo sa buhay. pakatatag ka, anak. sa inyong tatlong magkakapatid, ikaw ang pinakamatatag.

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #176 on: April 30, 2014, 11:30:52 am »
Awww!!! i havent watched the epi last night. ang late kasi nyan dito sa SG. ANyway... so touching naman yan sis geeboy. mahirap talaga maka limot mas madali magpatawad. I also feel na di pa tapos ang affair nila. hayst!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #177 on: April 30, 2014, 11:33:24 am »
ang sermon ni aling sandra kay adrian
sandra: kung kakampi ang kailangan mo, wala nun dito.
adrian: alam kong nagkamali ako, ma (wala sa tsura mo, pre)
sandra: mahusay! anong gusto mo ngayon, medalya? alam ba ng asawa mo ngayon na nandito ka? (umiling si adrian) adrian, simula ngayon, sasabihin mo sa asawa mo kung nasa'n ka naro'n. mabuti pa siguro umuwi ka na, no. ayusin mo yang problema nyong mag-asawa. isalba mo yung pagsasama nyo.
adrian: (tumango) alam ko po, ma.
sandra: nanindigan ka kay monica nung araw na pinakasalan mo sya. oo, nandyan ang tukso, pero sa sandaling ikaw ay pinakamahina, iyon dapat ang sandaling pinakamahigpit ang kapit mo sa pinangako mo sa kanya. adrian, yun ang batayan ng tatag ng prinsipyo mo sa buhay. (umiiyak) akala ko naman, natuto ka na sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. yung tatay mo! yung tatay ng mga kapatid mo! akala ko, natuto ka na don pero hindi! nagkamali ako. wala yata talaga akong kwentang ina eh.
adrian: ma, hindi naman yun yon eh. mabuti kang ina sa 'min. the best ka, ma. ako lang yung tan*a eh. nagkamali ako. mahina ako pero hindi 'to... ma... sorry.
sandra: hindi ikaw ang anak kong si adrian ang gagawa nito. pa'no ngayon yan.
lumapit si adrian sa ina at yumakap.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #178 on: April 30, 2014, 11:45:26 am »
ang pagsusumamo ni adrian
adrian: mahal... patawarin mo 'ko... humihingi ako ng tawad sa 'yo... sa lahat ng nagawa ko... patawarin mo 'ko, nasaktan kita... ikaw ang mahal ko. (inabot ang kamay ni monica) kahit buong buhay ako humingi ng tawad sa 'yo, gagawin ko... mahal...
pareho na silang umiiyak. sa kamay na ni monica umiyak si adrian.

eh hanggang kelan na naman kaya itong pangako ni adrian... buong buhay hihingi ng tawad pala ha.... hmmm...  >:(

annika

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #179 on: April 30, 2014, 11:50:05 am »
sarap pakingan yung mga litananya ng mga veteran na artista noh (sandra and javier) mas tumagos pa sa puso ko e LOL

 

Latest Stories

Load More Stories
Close