watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II  (Read 59517 times)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #60 on: April 25, 2014, 11:28:01 am »
nakita ko sa fb ng The Legal Wife, April 23 post na may #tlwinfo, "Ni-reshoot ang ilang mga eksena kaya ang ilan sa upcoming episodes na nauna ng naipakita sa full trailer ay naiba na. Pero ang sikat na linyang "Akin lang ang asawa ko" ay tiyak na mapapanood pa rin sa darating pang mga araw o linggo gaya na rin ng kumpirmasyon mula sa Star Creatives Head"

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #61 on: April 25, 2014, 12:22:52 pm »
sis SnowBall, pagkaalala ko sabi ni Adrian e matutumba daw si Nicole at sinasalo lang nya. Kakalowka.

Di ko napansin yung changes sa trailer vs actual scenes kahapon. Pero keribells lang din, naisip siguro nila na mas may impact kung ganun yung scene rather than yung first na na-shoot nila? Orrrr... sinadya ibahin yung sa trailer, dahil for trailer purposes lang talaga sya, and para hindi masyado mareveal yung climax nung story? Hula-hula lang. Hehe.

thank you so much sis.

so ganun pala noh, talagang nagbulag bulagan lang si Monica, dahil sa sobrang mahal niya si adrian and sobrang trust kay nicole.  :'(

Inis na inis ako kay nicole, sabihin ba naman "adrian, haharapin ko si monica".

ang kapal kapal talaga ng face!!!!

si adrian, I agree, hindi naman talaga siya nagsisisi eh, it's more like "nahuli na eh, panindigan ko na to", sabi nga sa kanta ni Rihanna "you're just sorry you got caught".

 >:(

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #62 on: April 25, 2014, 02:11:05 pm »
kakasad lang. yung mga links na meron ako, hindi magload load ng maayos dito. share niyo naman please mga sis what happened last night... nakatulog ako sa pagod eh. huhuhu

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #63 on: April 25, 2014, 02:42:24 pm »
naku, sis ysa, di ko na madedetalye pero kagabi na nangyari yung nakita ni monica yung dalawa, nakapulupot pa si nicole kasi sinusuyo si adrian. sa galit ni monica, eh ayun, pinaharurot nya ang sasakyan at muntik na tamaan ang mga taksil. sa galit ni adrian sa driver, nilapitan pa. tsaka nya nakitang si monica yon, umiiyak, nanlilisik ang mga mata. if looks could kill lang talaga, dead on the spot ang mga taskil. then pinaharurot ulit ni monica ang kotse paalis. etong dalawa, buking na. sabi ni adrian, uuwi muna sya. aba, ang makapal ang mukhang kabit, sasama daw sya at sya ang makikipagusap kay  monica. di ko talaga alam kung saan humuhugot ng kakapalan ng mukha itong babaeng ito. bespren nya, inakit nya ang asawa, kaloka!

habang nangyayari naman yan, pinuntahan ni dante si eloisa dun sa bahay nina jasper at vince. pero sinabi na talaga ni eloisa na mahal nya si javier at hindi porke umalis sya ng bahay eh naghiwalay na sila.

ang mag-amang dante at nicole, parehong-pareho.

tapos yun na nga, pagdating ni adrian sa bahay, galit na galit si monica. tama si sis snowball na parang wala namang pagsisisi sa mukha ni adrian, nahuli lang sila. wala namang sinabi si adrian kundi "mahal... hindi ko alam kung anong pumasok sa 'kin, pero alam ko..." tapos sabi ni monica, "hindi mo alam!!!..." paulit-ulit sya then "sinabi mo ako lang... ako lang ang mamahalin mo!!!". eh ano naman ang pinagsasabi ni adrian na hindi nya alam kung anong pumasok sa kanya eh naku, alam na alam naman nila ni nicole ang ginagawa nila. nagpaplano nga sila ng kung ano-ano para makalusot kay monica.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #64 on: April 25, 2014, 02:56:34 pm »
^ayan ayan..
nanumbalik ang sakit..
ang gigil..
lol.. :D

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #65 on: April 25, 2014, 03:08:25 pm »
feel na feel ko ang kwento ni sis geeboy, naalala ko tuloy ulit ang galit ko kagabi, haha. Kahit napanood ko binabasa ko pa din updates mo sis, nakakatuwa lang balikan, ganun ako ka affected lol.

Sa teaser, sasabihin ni Dante kay Monica? kay monica nga ba o kay javier?, na pinagtataksilan siya nina adrian at nicole.

tapos, tinanong ni javier si monica "mahal mo ba si adrian?, sagot si monica na sobra sobra, sabi ng tatay niya "lumaban ka!".

Chenes! Bakit bumait si Dante kay monica? hehe

Tapos, maghaharap na si Nicole at monica!!

Omaygawd, kailangan ko ata ng pampababa ng alta presyon mamaya hahaha.

sana ingudngod ni monica ang mukha ni nicole, hanggang sa hindi na makilala grrrr!

azrael

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #66 on: April 25, 2014, 03:21:43 pm »
oo nga daw iniba nila. I think pinaiksi na ito. they were supposed to be get caught siguro ibang scene pa pero pinabilis na noh?

rheinfall18

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #67 on: April 25, 2014, 03:58:19 pm »
clap clap clap to angel locsin ang galing nya umarte grabe f na f ko yung pagdurusa nya hehe inaantay ko magwala e kaso puro iyak na lang ang nagawa nya. buti nakausap pa ni monica si adrian nung paguwi, kung ibang babae yun baka di na pagbuksan ng pinto. mabait pa syang asawa sa lagay na yun ha. excited to watch kung ano ang mangyayari sa harapan nila ni nicole later or baka idelay sa monday :D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #68 on: April 25, 2014, 04:08:41 pm »
thank you sis geeboy. tama nalang nga na hindi ko napanood ito kase baka ma-high blood ako. gosh!

ang lakas ng loob ni nicole na harapin si monica. kabit lang naman siya.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #69 on: April 25, 2014, 04:27:44 pm »
nakita ko sa fb ng The Legal Wife, April 23 post na may #tlwinfo, "Ni-reshoot ang ilang mga eksena kaya ang ilan sa upcoming episodes na nauna ng naipakita sa full trailer ay naiba na. Pero ang sikat na linyang "Akin lang ang asawa ko" ay tiyak na mapapanood pa rin sa darating pang mga araw o linggo gaya na rin ng kumpirmasyon mula sa Star Creatives Head"

aaaaah... kaya pala.
okay lang naman..
kasi yun sa full trailer.. hindi pa talaga nakalatag yun buong story diba..
i guess more of teaser sya..

siguro hindi nila maisip kung san pwede ipasok yun scene na yun.. then boom... eto may nakita na sila kung pano ipapasok..

hun_nie08

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #70 on: April 25, 2014, 06:16:55 pm »
oo sis saka lately yung mga shooting nila the day mismo kinuhanan tapos sa gabi ipapalabas - kaya nga ngarag ngarag sila, sana naman wag gnun. anyway agree ako sobrang galing ni angel dun sa kotse scene.. grabe ang hikbi nya.. dun sa confrontation sa bahay mejo kulang na eh. nahimasmasan na siguro... pero si echo ganun ata talaga mga lalake.. tahimik lang hahaha... pero mukhang di talaga sya nagguguilty e, dapat kasi nag iiyak din sya diba... concern pa sya kay nicole na sasaktan ni monica.

mamaya na ang face off - sayang matatapos na ito next month. pero ok lang kasi ang bilis na ng takbo ng storya, taas ng rating nila for the past 2 nights, trending pa lagi sa twitter.

gracev904

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #71 on: April 25, 2014, 09:23:35 pm »

ay matatapos na next month? yehey! hahaha. kasi iniisip ko baka mamaya patagalin pa tapos mabobore na yung mga tao. talaga palagn climax na yung mga nakakaraang araw.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #72 on: April 25, 2014, 10:26:46 pm »
ano na, mga sis, natuloy ba ang face off?  :(

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #73 on: April 25, 2014, 11:16:57 pm »
^Magsisimula pa lang sis. Pumunta na si Monica sa bahay nina Nicole. Paalis na dapat si Nicole naabutan siya ni Monica. Nandun din si Dante. Sabi ni Dante kay Nicole, "Di mo ba ko kakausapin baka makatulong ako sa inyo.

Biglang pasok ni Monica sa pinto at sabi niya, "Bat di mo sabihin? Nahihiya ka? Sige lang gusto ko rin naman marinig. Gusto kong marinig kung pano mo sasabihin kay Tatay yung pinaggagawa mo. Dante: "Ano to? Nicole?".

Dun na natapos. Nanggagalaiti sa galit si Monica. Parang dun sa next episode may sinabi pa si Monica kay Nicole kung masarap ba asawa ko? Mukhang magkakasakitan na sila.

Nakakatawa nga ang hashtag nila sa next episode #TLWRoyalRumble
« Last Edit: April 25, 2014, 11:18:45 pm by Mlabable »

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #74 on: April 25, 2014, 11:18:28 pm »
BITIN! nagend yung episode na naabutan ni monica si nicole na pababa ng stairs, gigil much si monica eh paano since morning pa niya tinatawagan si nicole pero hindi sinasagot tawag niya pero wag ka nung si adrian tumawag 2 rings lang eh sinagot na ni nicole. chura nun! grrr...

yung teaser pinakita na sasampalin yung talipandas na nicole ni monica haha.
« Last Edit: April 25, 2014, 11:20:15 pm by alice_alice »

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #75 on: April 25, 2014, 11:44:33 pm »
I can only imagine, ang heavy ng taping ni Angel Locsin for the teleserye. Ang galing nya.

Can't wait for Monday, yung magkaharap na sila ni Nicole. Tsaka gusto ko din yung pinakitang trailer na me linya si Monica kay Adrian "ako ang magsasabi kung kelan matatapos to" or something like that. Kasi naman Adrian, porke in-end mo na yung sa inyo ni Nicole e ini-expect mo na all is well na lang kay Monica? Ano ka, sinuswerte? Kabwisit pa sya, kung umasta sa bahay nila parang wala lang nangyari. Grrrr!!

TowBerryBlue

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #76 on: April 25, 2014, 11:56:09 pm »
OMG! Been there and done that. Grabe! Bumabalik ang galit ko sa ex ko at gf nya na married and nagtaksil sila. Buti nga...hahaha

Oh well, sobrang kuhang kuha yung inis at gigil at sakit. Grabe! Sobra! Affected ako! hahaha

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #77 on: April 25, 2014, 11:58:16 pm »
^^Kaya nga, kala mo si Adrian no big deal lang ginawa niya. Magdusa muna siya sa consequences ng kataksilan niya.

Nakakabwisit mukha ni Adrian. Sa kanya ako mas inis sa kanila ni Nicole.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #78 on: April 26, 2014, 12:53:26 am »
^ salamat, sis mlabable  :)  kala ko naman face off talaga ang mangyayari ngayong gabi. intro pa lang pala.

janachen

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal (Angry) Wife Thread II
« Reply #79 on: April 26, 2014, 01:13:23 am »
bat ang bilis naman matapos? as in mag eend na next month?

Latest Stories

Load More Stories
Close