watch now

Author Topic: Ano sa tagalog ang....  (Read 51325 times)

pretty_B

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #40 on: September 04, 2014, 02:35:51 pm »
^haha. tama sis! :)) kapag sinasabi kong "mag-urong" ang naiisip nila eh "paatras". hehe. :))

hmmm. ano pa ba? haha.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #41 on: September 04, 2014, 02:55:48 pm »
hey sisters! nakakatuwa naman itong thread na ito. :)

curious lang ako kung sino nakakaalam sainyo ng tagalog ng "HEADBAND"? :) i know the tagalog word, wala lang. curious lang ako kung may nakakaalam pa dito. mga kaibigan ko kasi nung college, sakin lang nila natutunan. :D

sis ano sagot sa HEADBAND?

alak-alakan is knee pit (right?)

raine20

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #42 on: September 04, 2014, 02:59:55 pm »
Ano sa tagalog ang April Fool's Day?

Tinatanong kasi to sakin ng anak ko. Nagsimula sa tagalog ng New Year, Valentines Day, at napunta sa april fool's.


splmbrg

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #43 on: September 04, 2014, 03:12:25 pm »
sis ano sagot sa HEADBAND?

alak-alakan is knee pit (right?)

sagot nila is Supil sis :D

pretty_B

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #44 on: September 04, 2014, 03:13:11 pm »
sis ano sagot sa HEADBAND?

alak-alakan is knee pit (right?)

sis, SUPIL. hehe. :) mukhang KNEE PIT nga! haha.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #45 on: September 04, 2014, 04:20:45 pm »
^
^^
thank you sis

Ano sa tagalog ang April Fool's Day?

abril na hangal na araw :P o araw ng mga manloloko? hehe

cheriesanges

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #46 on: September 04, 2014, 04:50:19 pm »
hahaha yes tuck in is IPARAGAN

wash the dishes naman MAG URONG

TysLolakins

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #47 on: September 04, 2014, 10:32:03 pm »
i guess may variation pa din tayo  sa Tagalog natin, ngayon ko lang narinig ang IPARAGAN, sa amin kasi ISAKOP.


sabi ni hubs yung alak-alakan daw ay 'WINERY'  ;D

pretty_B

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #48 on: September 05, 2014, 09:49:21 am »
abril na hangal na araw :P o araw ng mga manloloko? hehe

ang kulit neto! hahaha. :D

hahaha yes tuck in is IPARAGAN

wash the dishes naman MAG URONG

nice! pparehas tayo ng gamit sis. :D

i guess may variation pa din tayo  sa Tagalog natin, ngayon ko lang narinig ang IPARAGAN, sa amin kasi ISAKOP.

yes sis, meron din talagang difference. palaliman lang ng tagalog. hehe. parang ang lalim ng ISAKOP. hehe.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #49 on: September 05, 2014, 10:40:12 am »
sabi ni hubs yung alak-alakan daw ay 'WINERY'  ;D

sis ang sabi kasi nila yung sa likod ata ng tuhod kaya ko nasabing KNEE PIT (body parts ang pinag uusapan) pero tama si hubby mo, winery yung lagyanan ng alak ng mga barrels heheh (ai sori naman winery ata e parang pagawaan ng alak) winner nalang kasi sis panalo wahahah...




« Last Edit: September 05, 2014, 10:49:42 am by SOFIEMAE »

TysLolakins

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #50 on: September 17, 2014, 07:46:27 am »
^sis sofiemae, my hubs was just being silly when he said 'winery' for alak-alakan, natawa lang ako ng konte, mga 2.


anyway, going back to the topic,  ano sa tagalog ang 'crotch' area ng panty?

ilykeee

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #51 on: September 22, 2014, 05:41:29 pm »
^punjo ata sis

sima

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #52 on: September 23, 2014, 06:13:56 am »
pundilyo din yata

pretty_B

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #53 on: September 23, 2014, 09:26:31 am »
anyway, going back to the topic,  ano sa tagalog ang 'crotch' area ng panty?

punja? o pundya? hihi.

TysLolakins

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #54 on: September 23, 2014, 09:46:28 am »
punja? o pundya? hihi.
Tama, ito ang tawag din sa lugar namin.   :D

RoughLady

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #55 on: October 01, 2014, 11:17:45 am »
Ano po tagalog ng cake? natanong kasi ng kapatid ko sa akin.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #56 on: October 01, 2014, 11:35:10 am »
^bibingka o keyk din ??? kaso bibingka is rice cake ata hahaha kaloka...

bratty

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #57 on: October 01, 2014, 09:07:27 pm »
Keyk

TysLolakins

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #58 on: October 02, 2014, 03:46:48 am »
'kakanin' ang tawag sa lugar namen.  but it's more of 'dessert'.
'puto' ay rice cake or anything based on sweet and/or ground rice.

queendi

  • Guest
Re: Ano sa tagalog ang....
« Reply #59 on: October 06, 2014, 10:05:12 pm »
Mag-urong?

hindi ko siya ginagamit, narinig ko sa mga kasama ko sa trabaho na taga batanggas...sa amin kasi magligpit lang ang gamit :)

Trivia: Mag-urong is a term used in nueva ecija and bulacan lang yata, nagaya na lang yung iba. According sa highschool teacher ko, nagmula yung term na mag urong noong araw when ang mga bahay ay kubo lang, maliit, so the dining area is next to the kitchen na as in pag urong/atras mo ay kitchen sink na. kaya after meal, sinasabi na urungan (mag-urong) mo na itong mga pinagkainan

 

Latest Stories

Load More Stories
Close