Nangyari ito nung saturday, june 13. 25th birthday ko. My crush and I were formally introduced to each other by a common friend. Nasa canteen kami noon. Pero before ang formal intro, dati ko na nakikita si crush.
I first saw him noong last day of exam ko nung 4th yr ako. Sa labas ng library kami nag aaral. Mukhang masungit siya. Pero nung may tumawag sa cp niya at napasmile siya napansin ko na ang gwapo niya pala. Pero syempre di kami nag usap kasi di nga namin kilala isa't isa. Nakita ko siya ulit nung graduation na namin. Tapos same pa kami ng review center.
So nung b-day ko nga nagkakilala na kami. Nalaman nung friend ko na birthday ko. Binati nila ako. Sabi ni crush, "ano gusto mong gift?" I answered "anything basta matamis." Si crush sumagot, "mahilig ka pala sa matamis." Sabi ng friend namin, "<name ni crush> mukhang nagpaparinig oh." Then sabi ni crush mahilig daw siya magluto.
Kahit kakakilala pa lang namin sa canteen noon nagclick na kami agad. He told me na dati pa daw niya ako nakikita. 3rd yr pa lang daw ako. Lagi ko daw kasi kasama friend niya. Nahiya naman ako. Kasi first time ko lang siya nakita last day na ng 4th yr.
Magkatabi kami sa classroom sa review. Di namin katabi common friend namin. Eh nung nasa canteen kami he warned me na tahimik lang daw siya kasi mahina social skills niya. How wrong! Bago nagstart ang lecture, madami na kami napag-usapan. Hindi lang law school-related. Pati childhood days at college days nabanggit namin. Pati family. Tinanong nga niya ako kung may bf ako. Sabi ko wala at sabi ko next yr ko na aatupagin yan kasi wala time ngayon. Tinanong ko din siya kung may gf siya. Wala din daw. Hehe. Deep inside sobrang kilig na ako sa pinag-uusapan namin.
Binola pa ako ng mokong na di daw ako mataba. Kaloka. Tama lang daw figure ko. He asked me paano ko i-celebrate b-day ko. Sabi ko, "basta may pizza at pasta ok na ako." Nagcomment siya,"aba. Low maintenance person ka pala. Mabuti iyan"
Nung bandang hapon na biglang uminit sa room. Nasira aircon. Kinuha ko pamaypay ko at pumaypay ako. Since seatmates nga kami, syempre abot sa kanya iyong hangin. Sabi ko, "biglang uminit."
He said, "gusto mo ako na lang pumaypay?"
I said, "naku, wag. Ok lang ako." Nakakahiya naman magpapaypay sa kanya di ba. Lol. Pero ako kilig to the bones talaga.
He answered, "pag pagod ka na, sabihin mo sa akin. Ako papaypay."
Di na niya natapos ang review kasi magpapapcheck up siya. Before siya umalis, binati niya ako ulit.
Then kinabukasan, binigyan niya ako ng matamis na food. iyong pastillas. Siya gumawa. Ako naman lalo kinilig. Lol. Pero syempre di ko ipapahalata sa kanya.
Natutuwa lang ako kasi ang bilis namin nagclick. Parang ang tagal na namin magkakilala. One of the boys nga talaga ako. Mas madali kasi para sa akin kaibiganin mga guys kaysa girls. Sana tuloy-tuloy ang friendship namin. Hahaha. Wala naman ako balak mag assume na he likes me. Gusto ko lang damahin ang kilig na naramdaman ko sa araw ng birthday ko.
