Author Topic: Paano mo masasabi nakamove on with his ex?  (Read 1950 times)

summer88

  • Guest
Paano mo masasabi nakamove on with his ex?
« on: April 05, 2014, 04:01:48 pm »
hi! i'm a newbie here! anyway, i have live in partner for almost 5 years. i'm also separated from my ex husband for 7 years already. i was wondering kung paano mo masasabi nakamove on na yun partner from his past. He had a gf before and they lived together for 10 years pero hiniwalayan nya kasi nabuntis ng ibang guy. Di ko alam na wala pang one year na nagkahiwalay nun naging kami. Naging laman na ng away namin yun ex nya, kasi kapag nagdate kami lagi yun ang laman ng usapan namin. Now he knows na sobra akong nasaktan and he finally realized na hindi na niya dapat binabanggit ang ex nya. But recently, nagkaroon na siya ng bagong work....syempre bagong work bagong mga kasama. Naikwento nya sa akin ayaw maniwala ng mga kasama nya nagkaroon siya ng dalawang asawa. At sinabi niya ayaw din maniwala ng mga kasama nya na yun ex nya kamuha ng isang kilalang artista which means magandang maganda. But sa buong kwento nya I never heard him mentioning my name. Kaya I told him na buti pa ex mo proud ka kahit nabuntis ng iba at sinasaktan ka, samantalang ako na asawa mo na naging tapat sayo at never ka sinaktan, never mo pinagmalaki sa mga kasama mo. Until now, nandun pa rin yun doubt ko kung talaga bang mahal nya ako o naging panakip butas.... Right now, nahirapan na ako magtiwala sa kanya since I've been badly hurt dun sa una ko asawa. Kahit sa kagustuhan nya mag"contact" kami di ko magawa kasi naiisip ko ako ba talaga ang iniisip nito pag ginagawa namin yun. Please help me...ayoko sayangin yun pagsasama namin. I always try to make it up pero it always coming back. Thanks!

aquacharly

  • Guest
Re: Paano mo masasabi nakamove on with his ex?
« Reply #1 on: June 05, 2014, 06:11:11 pm »
When your Past calls,
Do not answer..... It has nothing new to say.
        So, hindi como ganun yung 1st hubby mo, eh ganun din itong ka live-in mo.  Ano man yon.
        Hwag ka maghanap ng mamaw.

5 years na kayo, ganun pa din partner mo,  nasa dulo ng dila nya ex nya.
5 years, grrr ka pa rin, nasasaktan ka pa rin.
So what are you waiting for?  Another 5 years??
Ganyan na yan -- que naka move on yan or not, ganon ugali nya. Laging kasama sa personal resume nya yung "mala artista" nyang ex na pinendejo sya.
Tama  ka nga sa hinanakit mo -- Eto ka na tapat sa kanya but ang naka upo sa  utak nya ex nya.  Ano kaya? Mas matimbang sa kanya ang beauty kesa goodness of heart?  If yes, Sis, forever kang talo dyan. 

Think it over very well -- kaya mo another 5 years na ganyan trato sa yo - na hindi ikaw ang pinaka special nangyari sa kanya? Ano tingin nya sa inyong 2? Damaged goods?  Susko -- umalis ka if ang trato sa yo eh feel mo parang consuelo de bobo (translation: consolation prize)  ka sa buhay nya. 

But if Happy ka sa kanya, kahit ganon -- then stay and do not complain. Train yourself not to feel hurt.
Hindi yung que naka move on sya or not ang issue, kasi  you cannot control him. Ang issue eh: kakayanin mo ba yang kung ano sya --  still hung up on his ex? 


diann28

  • Guest
Re: Paano mo masasabi nakamove on with his ex?
« Reply #2 on: June 06, 2014, 08:35:34 am »
Live in kayo diba? Di pa kayo kasal. Kung di pa mas ok. Kasi pwede mo pa sya hiwalayan. Since may kahati ka sa isip ng ka live in mo. At ex pa nya ang kahati mo. Mas malala kung kahati mo pa yun ex nya sa puso ng ka ka live-in partner mo. Masasabi ko naka move on na isang guy. Kung para sakanya history nalang ang ex nya. Di rin naman ma iiwasan pa minsan minsan ma iisip nya ang ex . Halimbawa kamusta na kaya yun ex ko yun? Buhay pa ba? Nag pamilya na kaya? Ok lang yun. Pero kung ikuwento pa sa iba tao at ipagmalaki maganda ( mga positive na pwede pag malaki ) mas maganda tanungin mo na sya kung bakit ganon sya pag dating sa ex nya yun. Para malinawagan ka kung kahati mo lang ba ex nya sa isip o pati sa puso nya...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close