Author Topic: Pamamanhikan  (Read 47004 times)

lazyoverseasbride

  • Guest
Pamamanhikan
« on: April 05, 2014, 09:31:25 am »
Hi mga sis

Pls share things to do during pamamanhikan.
Are there any programs involve or traditions/superstitions na need i-consider?

Thank you mga sis.

castledoll

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #1 on: April 05, 2014, 10:05:40 am »
hinde pa nakaka pamanhikan sila h2b kasi geographically speaking e malayo sila so sometime this month pa.

anyways, ang alam ko lang, kailangan daw may kakanin/something sticky/something sweet na handa.

lazyoverseasbride

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #2 on: April 05, 2014, 10:47:53 am »
Thanks sis castledoll

May idea kba kung need pa ng mini-program?
Wala talaga akong idea kung ano ginagawa sa pamamanhikan. Ang alam ko lang magdadala ng food yung family ni groom to be for the family ni future bride. D ko naman ma imagine kung anong gagawin after kumain hehe

castledoll

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #3 on: April 05, 2014, 10:57:17 am »
^ you're welcome. ;) saan ka ikakasal?

I don't think may mini-program pa. I think speeches lang yun e according dun sa nabasa ko. and mag iinvite lang din ng ibang kakilala pag namanhikan na.

lazyoverseasbride

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #4 on: April 05, 2014, 11:35:48 am »
Fernwood sis, kyo saan?

Well, according sa friend ko sa kanila daw kasi dapat daw ang mag serve ng food kung sino yung may dala at ang unang kukuha/kakain daw dapat yung side ng bride.

Yung pamamanhikan ba is same as engagement party din?

castledoll

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #5 on: April 05, 2014, 11:49:22 am »
^ kala ko overseas ka din ikakasal e hehe

ang alam ko ang pamamanhikan is yung formal way ng pag ask nung lalake sa kamay nung babae para magpakasal sila in front of the girl's family & friends. ang engagement party is yung formal announcement nung yun nga, engagement nung couple.

outandaboutph

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #6 on: April 07, 2014, 12:15:35 pm »
Noong namanhikan sila hubby, bitbit nila lahat kahit ang layo layo ng pinanggalingan nila. Bitbit lahat as in ultimo baso at plato. I don't know if bakit ganon kasi nagsuggest nga ako na kami na lang ang magluluto kasi nga super layo pa nila.

lazyoverseasbride

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #7 on: April 07, 2014, 01:00:12 pm »
Sis castledoll do you think pwede na din ipagsabay ang engagement party and pamamanhikan?

Sis outandaboutph, do you have any program or can you give us some ideas kung pano nagstart yung pamamanhikan nyo, like kung anong ginagawa or pinag uusapan.

anirtak127

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #8 on: April 07, 2014, 04:01:12 pm »
Yung samin simple lang. Fiance's mom and sister are both in the US kasi. Nung nalaman ng mommy ko nung November na uuwi dito sa Pinas ang mommy nya this March, sabi nya i-invite ko sila sa bahay. Then fiance proposed to me ng December. They arrived March 6 and we planned March 8 sila pupunta sa bahay para wala nang jetlag. I didn't think it was pamamanhikan since mommy ko ang nag-invite sa kanila. A few days before, mega tanong ang nanay ko kung magdadala daw ba sila ng pagkain. Ako naman tipong huh? Bakit? Eh kasi dapat daw yung pamilya ng guy ang magdadala ng pagkain. All along, pamamanhikan pala ang iniisip ng nanay ko. My gosh! So sabi ko bat sila magdadala ng pagkain eh dba tayo ang nag invite. So ayun nagtalo pa kami ng nanay ko. Sabi ko pano sila magdadala ng pagkain eh kakadating nga lang nila galing US. Kami ang uunahin nilang puntahan bago sila uuwi ng province. Sabi ko nga wala silang time at means para mag asikaso ng dadalhing pagkain since naka hotel lang sila. Eh pwede naman daw bumili. Kinulit ko na lang si fiance na magdala ng cake para lang matigil ang nanay ko. Hehe.

Come lunch time, okay naman. Kwentuhan sila. Nakasundo pa ng daddy ko yung stepdad ni fiance. Kung hindi lang papasok ang tatay ko eh malamang susuko si stepdad sa daddy ko. Hehe. Coffee coffee din sila after mag-lunch. Ayun dun inopen ng mommy ko kung ano mga plans namin. Sabi namin wala pang date kasi inaantay pa din namin yung sagot ng ate ni fiance kung kelan sila makakauwi for 2015. Mommy naman ni fiance sabi nya gift nya na samin ang rings. Ayun ganun lang. Wala nang program or kahit anong formal ek ek. Ayaw din naman namin ng masyadong formal lalo pa first time nag-meet ng families namin. Ang akward lang ng may mga programs. Pero I made sure na nandun sa bahay both my parents at mga kapatid ko.

Nung nakaalis na sila, binigay ko sa mommy ko lahat ng pasalubong nila samin. Hindi nya kasi nakita ng nung pinasok ko sa kwarto nya. Pagkakita nya nagulat sya kasi sandamakmak na chocolates, toiletries at higit sa lahat, binigyan kami tig isa na Coach bags. Bumawi naman sa pasalubong. Hehe. At before sila dumating, may nauna pang balikbayan box at may padala din samin na mga de lata. Sabi ko nga wala man sila dalang food on that day, pero palaging may padala para samin. So I guess that means family na kami. After naman nila umalis, wala nang sinabi ang mommy ko. I guess na-realize nya na it doesn't matter kung hindi naman naging formal at traditional, ang importante nagkakilanlan sila ng kabilang side. Sabi ko nga sa pinsan ko, sa pamilya namin, ako pa lang ata ang nakaranas ng engagement kaya keber na sa formality. Hehe. Yung mga pinsan ko kasi puro nakabuntis kaya direcho live in agad or kasal agad.

Actually, I never thought talaga nung una na pamamanhikan yun. Tipong pinag-meet lang talaga namin ang families namin. But since they were able to talk a little bit about the wedding, and wala naman nang time para mag-meet pa ulit both families since nakabalik na ulit ng US ang parents ni fiance, I guess pamamanhikan na nga sya.
« Last Edit: April 07, 2014, 04:45:50 pm by anirtak127 »

shygirlme

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #9 on: April 07, 2014, 04:25:43 pm »
depende kasi sis eh kung mapamahiin kayo or hindi. kami kasi, di kami mapamahiin, nung namanhikan sila, sa bahay namin dapat gusto nga din ng dad ni fiance sa bahay tapos paglutuin nalang mom ko sila magbabayad, fave kasi nila kare kare ng mom ko eh, kaso di pa tapos bahay namin kaya kumain nalang kami sa resto. naghanap kami ng may room para kami kami lang tao. tapos ayun tinanong lang nila ano balak namin, kelan, saan, sino ninong at ninang. ganon lang since ilang beses na nagkita mga families namin. hindi na kami yung meron pang mga pamahiin. ayaw din kasi namin nga ganon eh

charmedter

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #10 on: April 07, 2014, 05:05:17 pm »
Hi mga sis, share lang, sa sister ko na pamanhikan and mga pamahiin re pamanhikan... sa province kasi, very traditional, the h2b family should bring all the foods pati ying specialty ng lugar na pinagmulan nila kasi daw eto yung pinkaform ng dowry sa ibang sector.. dapat kasama lahat ng family and respected elders para may blessings nila.. dapat din medyo malapit yung month ng pamanhikan sa wedding date ,like if ako march 2015, most probably by nov or dec this year kasi para iwas disgrasya, once kasi na namanhikan na, bawal na mag out of town or gumala sa malayo.. ( kaloka lang no) .... sa sister ko that day, they brought all the foods, sila rin ang nag serve and kami unang kumuha... after getting to know each other, nagpa small speech daddy ko, yung words of advise for the soon to weds... lahat ng mga married elders namin and nun brother in law ko ang nag give advise... after nun, sinabi na ng sister ko and bil yung plans and wedding details..they inserted some ideas and so on... share lang...
 i think depende sa beliefs yan... mas okay if itatanong nyo sa parents nyo kung ano ba gusto nila, kasi yan na yung pinaka last "say" nila sa atin before we get married, as a form na rin ng respect...happy preps mga sis  :)

j.adore

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #11 on: April 07, 2014, 07:15:55 pm »
anirtak127, ang cute ng story niyo :)

Traditional ang parents ko so gusto nila may pamamanhikan na pupunta sa bahay yung family ni Fiance tapos may dalang pagkain.
Ang problema, parents ko at father ni Fiance ay wala lagi sa Pinas. Hindi din nagtutugma yung schedules nila para magkaron ng pamamanhikan :-\

Siguro yung magiging kumpleto sila ay 1 week before the wedding. Ok lang ba na dun ang pamamanhikan?

May idea din na, mag meet and greet sila via Skype kaso informal lang saka parang ang weird na first time to see each other eh online :o

Yamski

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #12 on: April 07, 2014, 10:43:58 pm »
Yung dalawang couples na kakilala ko got married 20 yrs ago and the other 10 years ago. Yung 20yrs ago, walang proposal ek-ek while yung couple who got married 10 yrs ago, may proposal and ERing (laking US rin kasi yung lalake kaya medyo may western influence na). Pero pareho silang may pamamanhikan stage. And yung family ng guys pareho rin ng diskarte. Bukod sa mga kapatid at magulang nila, andun din ang mga tiyahin at tiyuhin ng both parties. Tapos yun nga bukod sa pagkain, pati utensils dala ng side ng lalake. Nagulat nga ako na nagdala rin pati katulong yung family ng lalake para daw taga hugas at taga serve ng food. Nakakatuwa lang na despite yung difference ng panahon nung dalawang couples na yun, they strictly follow yung tradisyon ng mga pamilya nila. Maski daw sa mga pamangkin nila ngayon na nagaasawa, ganun pa rin mula kubyertos hanggang katulong dapat dala ng lalake.

castledoll

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #13 on: April 08, 2014, 06:22:27 am »
Sis castledoll do you think pwede na din ipagsabay ang engagement party and pamamanhikan?

I don't see why not? I think nagiging bawal lang naman ang isang bagay kapag meron pamahiin or kung may budget talaga for a more bongga engagement party, then hiwalay mo sila celebrate.


chelgeneroso

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #14 on: April 08, 2014, 09:45:50 am »
ang experience ko, not so romantic, pumunta lang sa bahay h2b kasama nanay nya. silang dalawa lang. sarili lang nila dala nila. pero sinabihan ko si si h2b na dapat dala nila food, dedma si future MIL. In short, parents ko ang nag abala ng food nung namanhikan sila, nahiya nga ako sa parents ko. straight to the point tatay ko, sya na ang nagsimula kung bakit napasyal ang mag-ina sa bahay namin, hahaha! ayun nag-usap na si future MIL at tatay ko na gusto na nga daw lumagay sa tahimik, pinag usapan ang date ng kasal at ang gastos sa kasal. nag-payo din ang tatay ko na hindi biro ang pag-aasawa, hindi ito parang mainit na kanin na isusubo kapag napaso ay iluluwa hehe! makaluma kasi ang parents ko)

pero kung way namin ang masusunod. isasama dapat ng h2b ang parents & sibling (if any) at ang pinaka-matanda sa family nila (ex. lolo si h2b or kung may kuya ang parents ng groom), dala sila pagkain at inumin. tatanungin ang pakay ng pamilya at kung papayag ang family ng girl, pagkakasunduan nila ang date ng kasal, lugar at gastos sa kasal. after ng serious talk, getting to know each other na.

anirtak127

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #15 on: April 08, 2014, 10:05:09 am »
anirtak127, ang cute ng story niyo :)

Traditional ang parents ko so gusto nila may pamamanhikan na pupunta sa bahay yung family ni Fiance tapos may dalang pagkain.
Ang problema, parents ko at father ni Fiance ay wala lagi sa Pinas. Hindi din nagtutugma yung schedules nila para magkaron ng pamamanhikan :-\

Siguro yung magiging kumpleto sila ay 1 week before the wedding. Ok lang ba na dun ang pamamanhikan?

May idea din na, mag meet and greet sila via Skype kaso informal lang saka parang ang weird na first time to see each other eh online :o

thanks, j.adore! ang hirap nga din kasi na gumawa ng sked na magkita kita both families since sa US naka-base family ni fiance. Eto nga, nahihirapan din kami pumili ng wedding date kasi umuwi this year mommy ni fiance tapos yung ate nya uuwi this September, eh plano namin i-set ang date at least a year after nung huling uuwi para hindi sila mahirapan mag-leave sa trabaho. Ang kaso ayaw ko na sana ng "ber" months. One problem at a time ang drama ko ngayon. Hehe.

I think yung one week before the wedding day na pamamanhikah eh okay lang. Ang importante naman kasi makapag-meet both families before the big day. Mahirap lang din pag traditional ang family mo kasi hindi ka nila maiintindihan. Buti na lang yung tatay ko walang pake kaya hindi na din nangulit ang nanay ko. Sabi ko nga bawi na lang sya pag yung kapatid kong lalake ang mamamanhikan. Lol

eternalpink

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #16 on: April 09, 2014, 12:48:28 pm »
It depends per family and for some very traditional and conservative parents hahanapin talaga ito.

For us, we just had dinner in a Chinese restaurant (inside a function room for privacy) and then we had dessert and coffee at home. :)

During dinner, small talk lang, kwentuhan about anything. When we got home, after we settled down, my Ninong opened up the topic of the wedding by asking us kung ano ano na ba daw yung mga naayos na namen and what were our plans in terms of the venue, reception, guests, etc then dun na kame nag kwento ni hubby kung ano yung na fo-foresee namen. Then may kaniya-kaniyang suggestions na.

My Ninong said din na ultimately the decision on the wedding details/suppliers will still fall with us since kame ang ikakasal they are just there to support and guide us. :)
« Last Edit: April 09, 2014, 12:50:26 pm by eternalpink »

junebride

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #17 on: April 10, 2014, 01:35:29 pm »
depende kasi sis eh kung mapamahiin kayo or hindi. kami kasi, di kami mapamahiin, nung namanhikan sila, sa bahay namin dapat gusto nga din ng dad ni fiance sa bahay tapos paglutuin nalang mom ko sila magbabayad, fave kasi nila kare kare ng mom ko eh, kaso di pa tapos bahay namin kaya kumain nalang kami sa resto. naghanap kami ng may room para kami kami lang tao. tapos ayun tinanong lang nila ano balak namin, kelan, saan, sino ninong at ninang. ganon lang since ilang beses na nagkita mga families namin. hindi na kami yung meron pang mga pamahiin. ayaw din kasi namin nga ganon eh

Same tayo sis shygirlme, kumain lang kami sa resto and dun pinag usapan lahat. My dad was ok naman with it kasi ayaw niya rin ng masyadong formal.. Mahiyain kasi siya so feeling pag sa bahay di siya mapapakali and kakabahan lang siya hehe. Pag ok naman sa parents ng bride na kahit hindi sa bahay, i dont see any prob with that. Kung saan sila mas magiging comfortable.

Plus we made sure na si hubby will do most of the talking kasi siya yung lalake. Altough malapit na siya sa dad ko. Actually mas nauna pa nga silang nakaalam ng proposal kasi nagpaalam muna sa kanila si h2b. Basta andun naman yung elements ng pamamanhikan like  iddiscuss anong plan, kelan ang target wedding date, saang church and so on and so forth. So there. Para lang kaming namasyal and after that maluwag na sa pkiramdam nawala na yung kaba haha. Nakakakaba pala kapag first time magmemeet ng both families  ;D

shygirlme

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #18 on: April 10, 2014, 02:52:32 pm »
^haha same tayo sis, bago kasi nag propose si fiance sakin nagpaalam sa parents ko eh, si fiance din salita ng salita non haha! tahimik kasi family nya eh buti family ko makwento at makwela haha!

iamashe

  • Guest
Re: Pamamanhikan
« Reply #19 on: April 10, 2014, 03:15:59 pm »
^ naku nung kami naman nagtampo si nanay ko, kasi daw bkit di muna nagpaalam si h2b sa kanila, ang sagot ko naman naku ang daldal mo baka di nya na ko masurprise sa proposal nya kung sakali kaya di na muna sya ngpaalam sa inyo! hahaha

Sa december kami, pero plan namin na last week of october or early november na lang sila mamanhikan. Sabi ni h2b, if the schedule permits, pati mga kapatid nya isasama nya, taga bataan kasi sya, then yung mga kapatid nya nasa ibang lugar na since nagsipag-asawa na sila, sya na lang kasi single sa kanila, bunso pa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close