Author Topic: Boyfriends Family  (Read 5537 times)

mermaidserenade

  • Guest
Boyfriends Family
« on: April 04, 2014, 03:58:13 pm »
Pano ba maging close sa family ng boyfriend?
I dont believe na introvert ako pero im really shy at times. Pero ang bilis ko din naman makipag friends. medyo confusing yung personality ko. may mga taong ang bilis kong nakakaclose pero may mga tao ding di ko kaya iapproach. nakakaramdam agad ako ng inferiority.
5 years na kami ng boyfriend ko pero since nasa laguna siya and nasa cavite ako, 2 times ko pa lang nakita mother niya. yung mga siblings mas nakikita ko pero di ko din sila nakakausap. nahihiya ako na hindi ko maintindihan. pero sobrang gusto ko sila maging ka close.
pano ko ba ma oover come yung inferiority ko and shyness sakanila? feeling ko kasi pag nakipag usap ako or sumali ako sa usapan nila maiisip nila epal ako or feeling close. alam ko naman na ako dapat mag reach out at unang magapproach. pero nahihiya talaga ko  :-[

simang

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #1 on: April 04, 2014, 05:43:47 pm »
I think sis nahihiya ka kase nga di mo sila nakakasama madalas. Try spending more time with them. Syempre dun sa 2 meetings mo with his mom, hindi naman talaga automatic na magkiclick kayo. Nabi-build up yun. :-)

To overcome your shyness, hmmm try asking you bf kung anong mga hilig ng mom nya, para when you meet meron kayong paguusapan.

At least that's what my bf asked of me for his mom. His mom cooks and makes puto, ako naman I bake. Yung oven daw nila sa bahay hindi nagagamit because hindi marunong mag bake si mama nya. So what he asked me is to teach his mom basic recipes for baking. Tas ako naman, tinuruan nya gumawa ng puto. Hihi. At least that's what worked for us. Hindi din naman ako super close sa mom nya kase di ko din madalas nakikita (my bf and i are based in manila, mom nya nasa province) pero i make sure lang na twing uuwi kami dun meron kaming gagawin together.

nixiquita

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #2 on: April 04, 2014, 05:48:26 pm »
ay same tayo sis may pagka extremes din ako. may mga people akong madali makaclose, and im really very loyal din sa mga long time close friends ko. and may times din na nahihirapan ako makipagsocialize sa ibang tao. depende lang talaga.

kami ni bf almost 4yrs na and although lagi ako nasa kanila, di pa rin kami super close ng family niya. yung mom niya lang :) kasi si tita madaldal din and thoughtful. pero it took time for me to warm up to her din.

with bf's cousins and siblings, na super kaclose niya, di ko pa masyado kaclose and i doubt ill ever grow close to them. parang di ko lang talaga vibes. hehe.

but im very civil and polite naman. just not chummy chummy with them.

anyway, tipa ko siguro..

try hanging out at their place pag nadadalaw ka sa province nila. bring them something, food to share with them while chika chika. basta make sure na may dala ka for them or gifts para theyd feel your presence sa life nila.

si mom ni bf i give her gifts on specia occasions, kasi lagi din niya ako binibigyan ng kung ano ano.

or do something girly para makapagbonding.

go shopping siguro with girl family members or visit sa salon or spa.. or kagit manipedi lang at home.

tapos pwede din yung makipagkwentuhan ka about your bf's childhood memories. for sure marami sila isshare.

or if may family outing sila or get together, wag mo idedecline invitation para may chance ka na makilala sila lalo. and para masanay ka narin to mingle with them.

it takes time talaga and proper etiquette lang.

be polite always. and dont worry so much and dont be too conscious.  so long as youre nice and polite di ka naman sasabihang epal. pero iwas iwas din sa pagiging plastic and sipsip. hehe

goodluck :)

simplecathy143

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #3 on: April 04, 2014, 10:51:21 pm »
Same here.. may mga tao din talaga na super nagiging close at nakakakwentuhan ng bongga at meron namang parang wala akong makwento.. haha..

So far naman sa family ni bf first ko kasi talagang nameet yung lola niya so mega kaba ako dahil parang nasa hotseat ako. Mukhang mataray kasi si Nanay pero nung nagtagal okay naman pero di pa siya ganun makwento. Yung first new year namen as a couple di ako nakadalaw sakanila so hinahanap daw ako ni Nanay so what i did kahit di pa naman kami ganun kaclose nagmatapang lang ang peg ko, dumalaw ako sa house ni lola niya ng di siya kasama, malapit lang kasi yung house ni grandma niya samin. Nakakahiya kasi hindi ako agad narecognize ng lola niya. Hahaha. Kaya nagtext kay bf na pasensya na. Then after nun dumadalaw dalaw na ko sakanila kahit wala si bf. Pati mga tita at pinsan ni bf na taga dun naging close ko na. Kahit nga pag nandun ako tapos may dumating na tita ni bf kilala na ko agad sa name lagi bungad "siya pala si ____" kasi madalas na daw ako ikwento ni Nanay dahil proud daw sakin.. haha..

Yung mga siblings naman ni bf nakakasama namin sa movie marathon sa house nila then nakakabiruan ko sa fb hanggang nagtagal madami na kami napag uusapan. May times nga na nagkikita at nagbobonding kami ng mga ate niya kahit wala siya..

Ayon pasensya na sa mahabang post. Hihi..


It takes time talaga kaya mas maganda kapag may mga events sakanila go lang. Alamin mo din yung mga ayaw at gusto nila. Goodluck sis :)
« Last Edit: April 04, 2014, 10:56:05 pm by simplecathy143 »

zarazan

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #4 on: April 07, 2014, 03:32:02 pm »
Grabe nung binabasa ko to, sobrang akong ako lang.  I get really shy around people who intimidate me. 

Anyway, ako din ganyan. Funny thing is, super dalas ko sa bahay nila. And though nakakausap ko naman yung mom niya, nahihiya parin ako. May times na nagsstutter pa nga ako eh. Ewan.  Super daldal ng mom niya and minsan sobrang todo kwento kami pero ewan, hindi parin natural yung dating sakin. Siguro kasi, I consider myself SHY talaga.

You know yung may mga taong gulat na mahiyain ka, tas may nagugulat naman na maingay ka pala?? Ganyan ako eh.

aquacharly

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #5 on: April 08, 2014, 11:56:30 am »
Sakyan  mo lang ano interest nila. Kahit mababaw na celebrity- commentary.
If you want to be close to them, you must suck it up & fake it if required: na pag nag sama kayo eh pareho kayo ng level, interests, pananaw sa buhay. That way, they put down their defenses and overcome the natural tendency of possessive sisters/mothers na reject ang gf.


Jaguar.Paw

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #6 on: April 08, 2014, 01:21:41 pm »
hmm.. ang nakikita ko lang na factor bakit di kayo masyadong close is you live far from each other. unless every weekend pumupunta kayo ni bf sa place nya. mas maganda alternate, sa place nyo at the other week is place nila.

hindi ko alam pano kami naging close ng mudrakels nya and the whole gang, pero kasi ang set up namin at motto - dapat balance ang time namin sa pamilya ko at pamilya nya. period! factor din siguro that he lives on the next city around 20 mins drive lang siguro.

- mahilig magluto ang nanay nya. mahilig naman ako kumain
- usually, weekdays sa place namin, weekends sa place nila basta swak sa sched namin
- dine out, go to mass, mag grocery, etc.
- kwentuhan ng kung ano ano
- attend ng family gatherings

pero minsan katamad din HAHAHAHA

justin3

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #7 on: April 10, 2014, 12:19:45 pm »

ok lang yan kung hindi mo nakakausap. ika nga, less talk, less mistake; no talk, no mistake. ;D

pero totoo yon ha? mamaya masobrahan ka sa kakasaw-saw sa usapan nila, baka ma overdo mo, lalabas at mahalata lang na nakikipag-plastikan ka.
always wear a smile. kahit na bored, pikon o naiinis ka na. sa ganun hindi nila alam na gusto mo na silang sakalin at sunugin. ;D

huwag masyadong matanong. sila dapat ang maraming tanong about you, ikaw yung papasok sa pamilya nila eh.

lastly, pag nasa teritoryo ka nila, wag masyado makigharutan o pumulupot kay BF na parang ahas.
ang sakit sa mata yan. lalo na sa mga kababaihan sa family nya.
sa presence ng ama, ok lang yan... mana sa tatay eh, habulin ng babae.
sa mga brothers, ok rin yan... pogi kasi si kuya. idooool!

basta, kahit na naging intimate na kayo ni BF, pag nandyan ang nanay at mga sisterakas, iwasan mag PDA. mababawasan ang ganda points mo. pwamis. ;)


jamimi29

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #8 on: April 12, 2014, 01:31:36 am »
Actually most of the replies here will tell you to spend more time with them, and I have to agree with that. :) You do have to spend more time. Ako, I got close to them nung madalas akong nasa kanila, sometimes I sleep din sa kanila. And kapag ang ssleep over ako, we'd watch movies until dawn, basta bonding with his family. Shempre at first nahihiya, pero as they've said, na bbuild up yan. As time pass by, they'd know you better and if fortunate enough, they'd like you. :) just talk to them often. Open topics of their interest. Share jokes with them, eat out with them, basta treat them as your own family narin in order for you not to be that shy. Good luck sis. Kaya mo yan :)

Cessiechu

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #9 on: April 17, 2014, 01:06:49 am »
Hi sis mermaidserenade

Siguro iovercome mo yung hiya mo, makipagkwentuhan ka lang ng anything under the sun or magbigay complement ka like "tita ang ganda naman po ng dress nyo" yung mga ganyang banat tapos chikahin mo na :) Isipin mo na lang ginagawa mo ito para sa boyfriend mo dahil mahal mo siya :) I know there are times na parang awkward diba? Pero keri lang yan, chika lang ng chika hehe pag nagtagal you'll break the ice. Or kung di mo man sila madalas makasama try mo kamustahin sa facebook or through text diba.

Yung mommy kasi ni BF eh may kililing yun eh kaya di ko pinapatulan lol :)

j.adore

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #10 on: April 19, 2014, 08:49:51 pm »
We don't see each other regularly and every time, nahihiya ako sa umpisa. I'll usually wait for them na magkwento or kausapin ako then dun na lang ako magiging bibo haha!

Good thing is, they're not the type na hinahanap ako or may sinasabi about me kung di ako nakakabisita sa kanila. At the start of our relationship kasi, na-profile na nila ako and ok naman sila sa akin. Di sa pagmamayabang but yun kasi yung unang unang tinignan nila nung bago pa lang kami. Kung good influence ba ako kay BF.

Lagi din ako nagpapadala ng food sa kanila pag nagdate kami ni BF as a way of telling them na naalala ko pa naman sila (may dala din kasi ako food every time I visit them).

redsh0es

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #11 on: May 29, 2014, 05:13:29 pm »
Family ng BF ko? Naku!
Sorry sa mga sasabihin ko pero like ko lang i-share..
Hindi nakatira BF ko sa family niya, Pag pumupunta kami sa kanila and tuwing aalis na kami, hay..yung mother and sister niya wagas kung manghingi ng pera sa BF ko, minsan kapos siya kaya wala siya maibigay kaya halos hindi kami palabasin ng bahay hanggat hindi siya nagbibigay. grabe! tapos nangungutang pa sakin ang tindi! Kaya kami hindi na lang kami pumupunta sa kanila or minsan siya na lang hindi na ako kasama.

Okay sana si BF, family niya lang yung problem.
« Last Edit: May 29, 2014, 05:15:54 pm by redsh0es »

ysa.belle

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #12 on: June 02, 2014, 04:08:57 pm »
^hirap naman ng ganyan

redsh0es

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #13 on: June 02, 2014, 04:28:09 pm »
^sinabi mo pa sis. Nagpagusapan narin namin yan ni bf, di ko makeri kasi na kimkimin sa sarili ko. Sabi naman ni bf di naman ganun kahirap parents niya actually may business sila na poultry talagang ganun lang sila pag nakikita bf ko. Kinausap narin ng bf ko parents niya ewan ko kung ano nangyari

diann28

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #14 on: June 05, 2014, 10:47:13 am »
dati din di ko ka close yun family ng asawa ko noon mag bf/gf kami . babaero yun asawa ko nun mag bf/gf kami ( 3yrs kami on and off ) kaya ewan ko lang kung yun sa 3yrs na yun kung ako lang ba dinadala sa bahay nila or pinapakilala gf sa family nila kaya may pag ka cold yun mama ng asawa ko noon sakin ( mag bf/gf ) pero pag pumupunta kami sa bahay ng parents ng asawa ko noon. di ko alam kung mag mamano ba ako sakanya o hindi. kasi yun asawa ko never ko pa nakita nag mano sa mama at papa nya. kaya ginagawa ko nag be-beso beso nalang ako sa mama nya. kahit ramdam ko ayaw nya mag beso beso ako sakanya at kinakapalan ko talaga muka ko na tumutulong sa pag hain ng pag kain. at sinasabi ko ako na po mag hugas ng pingan. pero ayaw nya mag patulong 3yrs na cold yun mother inlaw ko sakin noon mag bf/gf kami ng asawa ko siguro disappointed sa anak ( sa asawa ko ) dahil madami kami gf nya hehe. pero nun kinasal kami at hangang ngayon iba super close kami ni mother inlaw. pag bumibisita kami sa bahay nila nag sasabi ng mga problem nya sa mga kapatid ng asawa ko. madalas heramin pa ang anak ko. at 4yrs na kami mag asawa ng anak nya.pag dumadalaw kami at tapos ng kumain. pag sinasabi ko ma ako na po mag hugas ng pinag kainan natin hangang ngayon ayaw nya pa din. natatawa ako pag na iisip ko lang yun .

BabyAnnisha

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #15 on: June 07, 2014, 09:40:16 am »
Hi sis mermaid, same tayo, im from cavite and family ni H2B is also from laguna ;) noong nagstart ang relationship namin mega effort ako kasi medyo love ng family ni H2B yung ex niya,  i make it to the point to give gift sa parents nya in every occasion :)  kahit cakes lang, or if may out of town trip ako, i always have pasalubong for his family, kahit smthing small lang basta i have smething lang. Every weekend nasa house ako ng H2b, magluluto kami minsan or we will invite his siblings mag mall or mag starbucks or watch dvd together., then nakikipaglaro ako sa little sis niya, i try to make small conversation with them. every time dumating ako or umalis sa house, i make sure to greet them or mag paalam pag aalis na, pag nauna namn ako dumating, at nalaman ko na dumating na sila, i will drop everything i do, and pupunthan ko sila, just to say " hi tita". Then unti unti minahal na nila ako, super ilang lang noong una, but noong nagtagal umokay na din ;) and now love na rin nila ako, kaya ko nasasabi ito cause, madalas i have pasalubong fro
His mom and nagagawa ko ng makipag kulitan with his mga kapatid and madalas hinahanap nila ako pag di ako kasama ni H2B :)

rheinfall18

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #16 on: June 11, 2014, 03:21:32 pm »
agree with sis simang ;)

IMHO, syempre sis ikaw ang makikisama kapag nasa bahay ka ng bf mo. confusing yung shyness mo at easy-to-be-friends-with attitude depending kung sino ang kasama mo (i mean, age level). at first pakiramdaman lang yan on both parties, kung first time visit at their house of course ikaw ang bisita expect mo they will entertain you. i guess madalang naman tayo maka-encounter ng snob parents. expect them to ask a lot of questions, and also expect them not to talk to you at all. when this happens, make the first move but be careful not to overdo it. remember the old saying, first impression lasts. just play safe na lang muna then be a shy girl you ought to be, that's a better start then eventually open-up yourself to them and you will see that it is much easier for them to accept your personality. (based on experience) ;)

simang

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #17 on: June 12, 2014, 04:14:23 pm »
^feeling ko minsan ganyan ang dating ko sa bf ng ate ko. Hehe. Youngest kase ako and yung eldest sister ko super close kame, she was single most of her life then nung nagka bf sya (4 yrs na sila yata), nagseselos talaga ako. Hindi naman dumating sa point na tinatarayan ko bf ni ate but most of the time, pag kasama namin sya, di ko sya kinakausap haha. Di din naman nya ko kinakausap so keri lang. Sobrang mahiyain nya kase, and feeling ko dapat sya yung mag reach out saken, sa amin. Pero since di naman sya umeeffort na maging close, deadma na lamg din ako. Ngayon i think mas better na kase minsan kinakausap na nya ko, so kinakausap ko na din sya.

With my bf's family, yung sisters nya super okay, wala naman ako bad experience with them.. Even yung mga asawa ng mga kapatid nya, sobrang bait saken. Lalo na syempre mom and dad nya. Yung dad nya tahimik lang pero pag nakikita ko laging nakasmile saken. Si mama nya syempre yung makwento, pag nagkukwentuhan sila family sa dialect nila, sasabihin nya pa na magtagalog daw para hindi ako ma out of place and maintindihan ko yung topic.

happie

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #18 on: June 13, 2014, 02:15:50 am »
Just keep asking questions about your bf and the family. Give something kht food when you meet your bf's mom and mag serve ka ng food when eating. Sila muna abutan mo before you eat

blackgreen

  • Guest
Re: Boyfriends Family
« Reply #19 on: August 13, 2014, 03:55:43 pm »
Same here, pag kasama ko yun family ng bf ko nahihiya ako sa kanila, nawawala yun pagiging madaldal ko. Ang tahimik pa naman ng family niya. Yun nanay niya di pala-salita, pati mga kapatid niya. Yun first time na sinama niya ako sa kanila sa province, nakikipagkwentuhan naman ako pero parang feeling ko awkward pa rin. Hopefully ngayun long weekend na magbabakasyon ako sa kanila, mabawasan na yun pagiging mahiyain ko especially na sa province nila ako mag new year this year.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close