Author Topic: lolokohin nanaman ba nya ako?  (Read 2515 times)

jekali

  • Guest
lolokohin nanaman ba nya ako?
« on: April 04, 2014, 11:39:33 am »
ask ko lang po opinion nyo regarding sa situation ko.

i checked my husband's fb and i found out na ni-like nya yung pic nila nung babae, yung picture was taken last year pa pero recently lang nya ni-like.
btw, something happened between my husband and the girl before, pero nagkaron naman na ng reconciliation and i forgave him.

kaya lang yun nga nakita ko yung picture na yun na ni-like nya recently, hindi ko maintindihan kung bakit, nagpapansin ba sya sa babae na yun ulit? sobrang bothered nako, hindi nako makatulog kakaisip. i'm worried lalo na 5 mos pregnant pa naman ako sa 2nd baby namin.

BTW, friends pa din sila sa fb. gusto ng husband ko na i-unfriend na kaya lang ako ang mei ayaw. gusto ko kasi ma-monitor kung mei gagawa ba ng action sa kanilang dalawa.
« Last Edit: April 04, 2014, 12:05:11 pm by jekali »

smoothie

  • Guest
Re: lolokohin nanaman ba nya ako?
« Reply #1 on: April 04, 2014, 11:58:08 am »
Friends ba sila sa FB?

toydoll

  • Guest
Re: lolokohin nanaman ba nya ako?
« Reply #2 on: April 04, 2014, 03:07:20 pm »

Hello sis, anything is possible, you wouldn't know, hay at di mo naman din kaya bantayan ang asawa mo 24/7 di bah? if i may ask, gaano ba kalalim naging relasyon nila ng girl na to? at still may picture pa sila na naka upload sa fb, di pa nila i consider na dapat tanggalin na yun kasi tapos na naman sila? for me kasi, di na ok na nandun pa din ang pic nila 2 eh,,,

saka sis, siguro mas ok na i unfriend na lang ng hubby mo yung girl since gusto naman pala nya i unfriend di bah? wag mo na sila sundan sa mga ginagawa nila, lalo ka lang mawawalan ng peace of mind,,

Girltalker2

  • Guest
Re: lolokohin nanaman ba nya ako?
« Reply #3 on: April 04, 2014, 04:24:36 pm »

bakit hindi sya nahihiya na may picture sya kasama ang ibang babae samantalang may asawa syang tao. worse, nilike pa nya.

ganyan na ba mga lalaki these days? wala na talagang hiya at garapalan na? hindi ka na nya binigyan ng kahihiyan.


justin3

  • Guest
Re: lolokohin nanaman ba nya ako?
« Reply #4 on: April 04, 2014, 07:20:31 pm »
FB na naman? :o

di hamak na mas mapaminsala talaga tong FB na to kesa sa Bagyong Yolanda eh.
ang dami na kayang winasak na tahanan ang effbee na yan. ;)

yaaay! ikaw rin pala may kagagawan kung bakit hindi ka mapakali eh. willing naman i-unfriend, gusto mo naman maging cyber stalker. :D

consistent ako sa mga pinagsasabi ko dito sa GT eh.
pag si mister ay nagloko por da pers taym, pagbigyan mo. patawarin mo. (pero pag bf/fiance/boylet/FB/... sisante agad)

at kung bakit nangangapit-bahay si mister, TATLONG puntos lang yan:
1 - wifey allows it
2 - hubby does not know (does not care) kung ano ang mawala sa kanya pag nagloko sya.
3 - absence of God in their marriage

((Preggers ka pa naman. alam mo bang, kadalasan nangangapit-bahay ang mga esposo sa tuwing buntis ang mga misis? ;)  hanggang sa panahong nanganak at nagre-recuperate pa sya? kaya kadalasan, may mga illegitimate kids na halos magka-edad lang ng mga lehitimong mga anak.)

eto ha, sampol ng mga "sikat" na siguradong kilala nyo.

ERAP and LOI.
siguro alam nyo na while still living at Polk Street, may lumutang na GUIA. hindi pa nakuntento, dinagdagan pa ng LAARNI... at kung sino-sino pa.

ENRILE and CRISTINA
ano yung confession ni lola Cristina kay Mareng Winnie lately? naka-38 daw si Tatang? tindi ano? ;D

nandyan pa sina REVILLA, si FVR, CHAVIT, FPJ, PHILLIP, Tsong JOEY, GABBY... ang dami pa di ba?
(wag nating isama si PIDOL kasi kahit kelan, hindi nagpasakal yon)

pero ibahin nyo si BISAYA.
kayong mga kababaihang may mga asawa dito sa Barangay GT, si Aling ANNABELLE RAMA ang dapat nyong tularan.
Pogi nga si mister, for PUBLIC USE naman. ;)
Oo na, gandang misis ka nga… eh, forever “SARIWA” ka ba? Tuma-tumbling ka ba? Lumulunok ng agimat?
Nga-nga ka na lang. ;D


alam nyo ba na bago naging sila ni Lolo EDDIE, merong PILITA CORALES, LIZA LORENA, at kung sino pa?
hindi tsismis yan kasi may mga ebidensya. nandyan sina Toton Gutierrez at Monching Gutierrez.
at pustahan tayo, itanong nyo pa sa mga lola nyo, malamang lahat sila nagpantasya noon kay lolo EDDIE. Halos lahat sila siguradong nagnasang makaulayaw ng kahit isang gabi man lang si lolo Eddie. :D

ummm, eto na. nung pumasok sa buhay nya si BISAYA, may narinig ba kayong intriga o tsimis man lang na nambabae o may lumandi sa lolo nyo?
WALEY! WALEY! WALEY!

UNA - walang matapang na Waray, Ilongga, Ilokana, Bikolana, Aeta, Badyao o Mangyan na gusto o magtangkang makabangga ang BISAYA.
Ika nga… Hala! Magsawa kayo sa kakatitig basta NO TOUCH lang… kung ayaw nyong ma-rearrange ang mga mukha nyo. :D :D ;D

PANGALAWA -  maraming mawawala sa lolo nyo pag nagloko sya. Alam nya yon.
Baka masampal sya ng unica hija nyang si Rooopa.
Baka masabunutan at kurutin sya ni Ate Raymund.
Baka mabugbog sya ni Kapitan Barbel
eh, what about BISAYA? Malamang yung dalawang ulo nya sa taas at baba parehong titigpasin ng BISAYA.
O baka paglabas nya pa lang ng White Plains, ma-riding-in-tandem sya. ;D

PANGATLO – alam nyo bang as a family, o as a couple pa ring nagsisimba ang dalawa? Ayokong husgahan kung gaano kalalim ang pananampalataya ni Annabelle sa Panginoon, basta ang malinaw, pareho nilang pinanatiling may DYOS ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

So ikaw TS, at kayong mga kapatid ko dito sa Barangay GT… kaya nyo bang tularan ang katatagan ni LOLA ANNABELLE? 
Baka naman mas hinahangaan nyo sina lola Loi, Ming at Cristina?
Senadora ba naman, dating First Lady, jet setter, sossy.

Kung ISA lang sa sinabi ko ang meron kayo bilang mag-asawa, malamang ma-experience nyo ang 7-Year Itch.

Kung DALAWA, magpa-sex change ako pag hindi kayo umabot ng Silver Wedding anniversary nyo.

Kung pasok ang TATLO… hayahay ang buhay. Siguradong aabutin  nyo ang Golden Anniversary. ;D



jekali - dati ka na bang member dito? walang [textspeak!] ang post mo eh.  ;)
mag-accumulate ka muna ng 10-20 posts para makapag-reply ka dito.

April30

  • Guest
Re: lolokohin nanaman ba nya ako?
« Reply #5 on: April 04, 2014, 07:43:13 pm »
@ justin3, nice one!  ;)

imbisibol_

  • Guest
Re: lolokohin nanaman ba nya ako?
« Reply #6 on: April 05, 2014, 02:42:19 am »
BTW, friends pa din sila sa fb. gusto ng husband ko na i-unfriend na kaya lang ako ang mei ayaw. gusto ko kasi ma-monitor kung mei gagawa ba ng action sa kanilang dalawa.

not cool.  if the two wanted to do something, they can hide it from you-whether or not they remain FB friends.  you're setting yourself up for misery.  what- you reserve a time each day to go over their facebook postings?  what- are you planning on policing your husband's actions for the rest of your life?  not cool.

Girltalker2

  • Guest
Re: lolokohin nanaman ba nya ako?
« Reply #7 on: April 05, 2014, 04:45:36 pm »

nandyan pa sina REVILLA, si FVR, CHAVIT, FPJ, PHILLIP, Tsong JOEY, GABBY... ang dami pa di ba?
(wag nating isama si PIDOL kasi kahit kelan, hindi nagpasakal yon)


Si Dolphy nga daw hindi nagpakasal. Pero ang daming anak. 
Ang sabi nila, hindi naman magkaka edad mga anak nya kasi hindi nya pinagsasabay ang mga babae sa buhay nya - unlike for the others mentions here.  Totoo ba?


 

Latest Stories

Load More Stories
Close